Kung sasabihin niya na swerte si Yahiko, sa totoo lang, kailangan niya lang maghintay nang ilang oras bago ipaputol ang binti niya. Basta’t nakadikit pa ang mga binti niya sa kanyang katawan, magagamot ni Charlie ang mga binti niya gamit ang Rejuvenating Pill.Gayunpaman, kung pinaputol niya na ang mga binti niya, hindi na siya matutulungan ng c1.Kahit na makapangyarihan ang q1, wala itong regeneration effect.Bukod dito, ngayong araw lang nasugatan si Yahiko. Hindi malaki ang pagkakaiba kung medyo ipapagpaliban niya muna ang amputation.Dahil, medyo matagal bago mabulok at magkaroon ng infection ang mga sugat niya. Pwede ring tumulong ang mga doctor at magbigay ng mga anti-inflammatory treatment, at magkakaroon sila ng ilang oras pa.Kung mag-aalangan si Yahiko at pag-iisipan pa ito nang kaunti, marahil ay nakapaghintay siya hanggang sa dumating sina Nanako at Charlie sa hospital.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Charlie na magiging prangka si Yahiko at direktang papayag na putul
Ang dahilan kung bakit pumunta si Charlie ay para bigyang respeto si Nanako. Gusto niyang tulungan sila hangga’t kaya niya.Gayunpaman, dahil naputol na ang mga binti ni Yahiko at dahil wala na sa panganib ang buhay niya, wala na siyang magagawa dito. Ayaw niya ring makipagkita kay Yahiko para iwasan ang kahit anong kahihiyan.Hindi na nagpumilit si Nanako pagkatapos itong makita, at sumagot siya nang malambot, “Charlie-kun, mangyaring hintayin mo ako. Bibisitahin ko muna ang ama ko!”Tumango si Charlie bago sinabi, “Sige. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin.”Tumango nang kaunti si Nanako bago siya pumasok sa ward kasama ang kanyang tita, si Emi.Sa sandaling ito, kagigising lang ni Yahiko sa loob ng ward.Binigyan siya ng analgesic pump ng doctor pagkatapos putulin ang mga binti niya. Kaya, wala siyang maramdaman na kahit anong sakit. Pero, nag-aalala pa rin siya nang sobra kay Nanako, na nasa Kyoto, at iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog nang maayos.Sa totoo l
“Ah, tama!” Natuwa nang sobra si Yahiko, at tumango siya nang sabik habang sinabi, “Magaling! Magaling talaga ito! Noon pa man ay pinapangarap ko na na gagaling si Nanako at makakatayo siya ulit. Mas mahalaga pa ito sa buhay ko. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito!”Habang nagsasalita siya, tinanog ulit ni Yahiko si Nanako, “Ayon sa sinabi mo, malamang ay si Charlie ang nagpadala sayo dito sa Tokyo, tama?”Sumagot nang tapat si Nanako, “Oo, Otosan. Si Charlie-kun ang naghatid sa akin dito mula sa Kyoto.”Pagkatapos, sinabi ulit ni Nanako, “Siya nga pala, Otosan, nasa storage room pa rin sa courtyard ang mga bangkay ng anim ng Fujibayashi ninja. Aabalahin kitang sabihan ang butler na magpadala ng mga tao para iligpit ang mga katawan nila!”“Okay…” Bumuntong hininga si Yahiko bago sinabi, “Ilang araw ko nang kinamumuhian si Charlie, pero hinding-hindi ko inaasahan na siya ang magliligtas sa mahal kong anak at gagamot sa kanya. Salungat kay Charlie na gumamot sa anak ko, masya
Bumuntong-hininga si Yahiko bago siya humingi ng tawad, “Mr. Wade, sana ay hindi ka magtanim ng galit sa akin kung nagalit kita sa kahit anong paraan dati!”Sobrang mapagbigay din si Charlie at mapagpakumbaba, at ngumiti siya nang kaunti bago sinabi, “Mr. Ito, masyado kang magalang. Pwede nating kalimutan ang lahat ng hindi natin pagkakaintindihan dati. Hindi mo na ito kailangan banggitin.”Ang kahulugan talaga sa mga sinabi ni Charlei ay; dahil kakalimutan na natin ang nangyari dati, hindi mo na dapat banggitin ang 4.5 billion dollars.Kahit na hindi siya nagkukulang sa pera, ayaw niyang ilabas ang pera na nasa bulsa niya nang gano’n lang.Hindi naman dahil gustong dayain ni Charlie si Yahiko ng pera niya, ngunit ang pangunahing punto ay kahi na ilabas niya ang pera, hindi posible na ibalik niya ito dahil lang sa ilang salita.Kahit papaano, maibibigay niya ang pera na ito kay Nanako sa hinaharap kung kakailanganin niya ito.Pero, kailangan niya munang hintayin na manahin ni Nan
Letseng pamilya Schulz!Sa una, ang pamilya Schulz ang nanguna at nagtipon sa maraming pamilya sa Eastcliff para buuin ang Anti-Wade Alliance, ginawa nilang kalaban ang sarili niyang ama!Hindi sigurado si Charlie kung direkta bang may kinalaman ang pamilya Schulz o ang Anti-Wade Alliance sa pagkamatay ng mga magulang niya.Pero, kahit gano’n, sigurado siya sa isang bagay!Siguradong konektado dito ang pamilya Schulz!Ang hindi inaasahan ni Charlie ay maliligtas niya talaga ang pinakamatandang apong lalaki at apong babae ng kalaban niya!Sa sandaling ito, napuno ng pagsisisi si Charlie.Ipaghihiganti niya dapat ang pagkamatay ng mga magulang niya!Kahit na hindi niya pagbabayarin ang mga supling ng pamilya Schulz para sa ginawa nila, hindi niya rin dapat iligtas ang mga buhay nila.Nang maisip niya ito, gusto talagang sampalin ni Charlie ang sarili niya nang isang daang beses!Nang makita niya ang nayayamot na ekspresyon sa mukha ni Charlie, tinanong nang nagmamadali ni Yahik
Ginulat talaga si Yahiko ng balitang pinatay ang buong pamilya Matsumoto.Nagulantang siya, at sinabi niya, “Mahigit tatlumpung miyembro ng pamilya at tauhan mula sa pamilya Matsumoto ang naubos nang gano’n lang? Hindi ba’t masyado itong balintuna?! Sino ang gano’n katapang para gawin ito?”Umiling si Emi at sinabi, “Hindi ko alam ang tiyak na detalye. Iniimbestigahan pa rin ito ng pulis.”Sumagot nang malamig si Charlie sa sandaling ito, “Kailangan pa bang suriin ito? Siguradong ang pamilya Schulz ang may gawa nito. Niligtas ko ang magkapatid ng pamilya Schulz sa kalagitnaan ng gabi, at pinatay ng pamilya Schulz ang mastermind, ang pamilya ni Matsumoto, direkta sa gabing iyon.”Nagulat si Yahiko, at sinabi niya, “Masyadong masama ang ginawa ng pamilya Schulz kung gano’n, tama? Pinagbalakan lang ni Matsumoto ang mga tauhan nila at dalawang batang miyembro ng pamilya. Kahit na gusto nilang maghiganti, pwede nilang patayin lang si Yoshito. Hindi ba’t sapat na iyon? Sa pinakamalala, p
Si Emi, na nasa gilid niya, ay humuni sa pagsang-ayon, “Gano’n nga. Sa una, malakas ang kompetisyon namin sa pamilya Takahashi, pero sinong nag-aakala na mamamatay sina Machi at Eikichi. Malaki ang magiging epekto nito sa pamilya Takahashi.”“Bukod dito, ngayong pinatay ang buong pamilya Matsumoto, wala nang saysay ang pinagsikapan ni Yoshito, na sinubukang humabol sa kanila. Bilang resulta, ibinahagi ang mga shares ng pamilya nila. Kahit ang pamilya Takahashi ay walang laban sa atin, lalo na ang ibang pamilya. Kung kukunin natin ang pagkakataon na ito na kunin ang mga resource na nawala sa pamilya Takahashi at pamilya Matsumoto, mabilis tayong magiging pinakamataas na pamilya sa Japan!”Tumango si Yahiko nang walang bakas ng saya, pagkatapos ay bumuntong hininga siya, “Balak kong labanan nang patas ang pamilya Takahashi sa mga resource. Pero, hindi ko inaasahan na magiging ganito ang resulta, at nanalo ako nang walang kahirap-hirap.”Sa sandaling ito, tumingin nang namamangha si Ch
Pagkatapos magsalita ni Yahiko, tumingin si Charlie sa kanya nang namamangha.Mukhang malawak ang pananaw ni Yahiko. Kaya niyang kontrolin ang mga pagnanasa niya, at hindi siya sakim o padalos-dalos.Kung ibang ambisyoso at sakim na pamilya ang nasa posisyon niya, malaki ang posibilidad na iba ang magiging reaksyon nila.Tatalunin ng pamilyang iyon ang ibang pamilya sa pamamagitan ng pagkuha ng mga shares sa negosyo ng pamilya Takahashi at pamilya Matsumoto. Gamit ito, ang pamilyang ito ang magiging pinakamataas na pamilya.Sa kabilang dako, susubukan ng pamilyang iyon na makipag-ugnayan sa mga pamilya sa ibang bansa para palakihin ang kayamanan at paunlarin ang mga negosyo nila.Gayunpaman, nakikita ni Yahiko ang mga nakatagong panganib dito.Walang duda na ang pamilya Schulz ay kasing lupit ng isang tigre at lobo.Ang mga ganitong pamilya ay hindi lamang walang panlipunang moralidad, ngunit wala na rin ang pangunahing sangkatauhan nila.Kung makikipagtulungan ka sa ganitong u
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro