Nilapit ng referee ang mikropono sa kanyang bibig at sinabi, “Ang Arena Winner ay si ITO NANAKO ng Japan!!!”“Kamangha-mangha ang laban ngayong araw! Hindi talaga inaasahan na ang dalawang arena ay magkakaroon ng dalawang nanalo na tinalo ang kanilang kalaban gamit ang isang atake! Kwalipikado ang dalawang nanalo para sa finals!”“Una, ang ating contestant mula sa Oskia, si Ms. Aurora Quinton! Dati ay tinalo niya ang kanyang kalaban, si Joanna mula sa Brazil! At ngayon, ipinakita niya ulit ang kanyang abilidad at tinalo ang kanyang kalaban sa isang atakae! Kamangha-mangha talaga!”“Ngayon, kakalabanain ni Ms. Aurora Quinton ang constestant ng Japan, si Ito Nanako! Magkakaroon sila ng showdown sa finals!”“Para naman sa mga natalo sa round na ito, si Ms. Victoria mula sa Italy, at si Ms. Michelle ng America, magkakaroon sila ng laban para sa third place! Manatiling nakatutok kayo!”Naghiyawang at nagpalakpakan ang mga manonood!Hindi inaasahan na aabot sa finals ang isang contesta
Ang bawat gift basket ay kasing laki ng isang business suitcase. Ang buong package ay kulay itim na may ginintuang tali, mukha itong palihim na marangya.Hindi maiwasang itanong nang mausisa ni Charlie, “Bakit sobrang laki ng mga package?”Sumagot agad si Isaac, “Young Master, sadya kong pinili ang pinakamagandang gift basket na may laman ng lahat na pinakamahal na regalo na 388,888 dollars. Ito ang kumpletong package na may laman ng pinakamagandang produkto at kasama na rin na maraming cream para sa mata at mukha.”Tumango si Charlie. “Salamat sa pagsisikap mo.”Sumagot agad si Isaac, “Wala lang ito, Young Master.”Suminghal si Charlie, “Isaac, pupunta ako sa Eastcliff. Kayo muna ni Albert ang mamahala dito. Paki ingatan ang mga ito, lalo na ang pamilya ng asawa ko. Dapat mo siyang protektahan nang palihim. Naglilibot pa rin ang pamilya Webb, may masamang pakiramdam ako na hindi pa rin sila susuko.”Mabilis na sinabi ni Isaac, “Young Master, pupunta ka sa Eastcliff?! Babalik ka
Tumango si Charlie habang nakangiti at tinanong. “Nandyan ba si Tita Matilda?”“Syempre!” Malaki ang ngiti ni Jacob at sinabi niya sa napakalambot na boses, “Nakaupo ang Tita Matilda mo sa tabi ko. Tinuturuan ko siya kung paano pahalagahan ang mga sulat ni Yan ZhenQing!”“Walang problema, pa!” Tumawa si Charlie. “Ah, pinag-aaralan mo ngayon si Yan ZhenQing?”“Oo.” Sinabi nang masaya ni Jacob, “Kahit ano pa, kailan pa na si Yan ZhenQing lang ang pinag-aaralan ko? Pinag-aaralan ko rin sila Wang XiZhi, Huang TingJian, Liu GongQuan, OuYang Xun, at iba pa. Ako, ang ama mo, ay nananaliksik ng iba’t iba!”Tumawa si Charlie. “Sige. Balang araw, kailangan kong matuto sa iyo.”Nagpatuloy si Charlie, “Ah, oo! Pa, nasa akin na ang mga skincare product na hiniling mo. Bakit hindi ko ito ipadala sayo ngayon? Kung iuuwi ko ito at nalaman ni mama na may sobrang set, mahirap na.”Ang pangunahing dahilan kung bakit may 3 set si Charlie ng skincare product ay dahil sa halip na bigyan si Elaine ng i
Alam ni Charlie na malaki ang sama ng loob ng kanyang biyenan na lalaki ka Elaine. Ang lahat ng sama ng loob na ito ay naipon sa lahat ng taon na magkasama sila.Lalo na noong bumalik si Matilda sa bansa, nakita ng kanyang biyenan na lalaki na sobrang mas mabuti si Matilda kaysa kay Elaine, at mas lalong sumama ang loob niya kay Elaine.Ito ay sa punto na gusto niyang idivorce ang kanyang asawa, si Elaine, pero hindi niya siya binigyang ng pagkakataon, kay syempre, mas lalo niya siyang kinamumuhian ngayon.Kahit na mabuti ang intensyon niya, hindi inisip ni Charlie na angkop ito para sa kanya, lali na kapag binigyan niya ng isang pekeng set ng skincare product si Elaine. Nakakahiyang magbigay ng pekeng regalo sa iba.Hindi dahil natatakot siyang malalaman ni Elaine na peke ang mga produkto, ngunit sa halip, mas natatakot siya kung ano ang iisipin sa kanya ng kanyang asawa kapag nalaman niyang binigyan niya ng pekeng regalo ang kanyang ina.Kaya, humarap siya kay Jacob at sinabi, “
Hinila ni Claire si Charlie sa gilid at sinumbatan siya, “Nagloloko lang si Mama kaninang umaga! Bakit binilhan mo siya ng napakamahal na skincare product? Ang isang set ay apat na raang libong dolyar?! Sobra na ito! Hindi tayo gano’ng uri pamilya…”Tumawa si Charlie, “Umasa ako sa ilang koneksyon para makuha ang mga ito, huwag kang mag-alala.”Hininaan ni Claire ang kanyang boses, “Sa totoo lang, mas natatakot akong magdemanda nang sobra si mama sa hinaharap. Paano kung patuloy siyang humiling sayo na bilhan siya ng ganito kamahal na skincare products? Ano nang gagawin mo?”Ngumiti nang kaunti si Charlie. “Huwag kang mag-alala. Hindi mo ba nakikita na nagbago nang sobra si mama? Sabihin na lang natin na… Ito ay isang gantimpala para sa kanya? Para hikayatin siyang mas maging mabuti sa hinaharap?”Habang nagsasalita siya, kumuha na ng maikling video si Elaine sa kanyang cellphone para ipadala ito sa mga kaibigan niya, at sinabi niya, “Tingnan niyo ang dalawang set ng caviar skincar
Hindi naniwala si Claire sa sinabi ng kanyang ina. Naramdaman niya ang katapatan ni Charlie sa kanya, kaya paano niya magagawang magloko?Humarap si Claire kay Elaine at sinabi, “Ma, masyado mo itong pinag-iisipan. Imposibleng magloko si Charlie!”“Anong ibig mong sabihin na “Imposibleng magloko”?!” Tumaas ang isa sa mga kilay ni Elaine, at sumagot siya, “Kung gano’n, sabihin mo sa akin, bakit bumili ng tatlong set ng skincare product si Charlie, pero, dalawa lang ang inuwi niya? Nasaan ang huli? Saan ito napunta?!”Sumagot si Claire, “Marahil ay binili niya ito para sa isang kaibigan niya? Baka humiling ang kaibigan niya na bilhin ito para sa kanila?”“Kaibigan?!” Sumagot si Elaine na may naninigas na mukha sa galit. “Mga walang utak lang na kagaya mo ang maniniwala doon! Malinaw na binili niya ito para sa isang babae! Sinabi mo na isa siyang ulila at wala siyang ina, wala man lang siyang kamag-anak dito! Kung gano’n, sino pa ang bibilhan niya ng skincare product?! Syempre para it
Kailanman ay hindi niya pa tinitingnan sa ganitong angulo ang problemang ito, pero dahil sa pagkatao niya, natatakot siya at nahihiyang magkusang isipin ito.Pagkatapos makinig sa kanyang ina, naramdaman niyang namumuo ang pagkabalisa sa loob niya.Patuloy na nagsalita si Elaine, “Hay nako. Dati ay minamaliit ko si Charlie, iniisip ko na isang dumi at basura lang siya, mukhang walang kwenta, pero pagkatapos kong tumingin nang mabuti, mukhang sobrang galing niya ngayon! Tingnan mo kung paano niya kinontrol ang mga matataas na taong iyon! Iyon ang tinatawag kong talentado! At saka, maganda nga ang milyon-milyon na villa na ito! Presko ang hangin dito, at pinapasigla ka! Sinong nakakaalam, baka sa hinaharap, kaya niya pang gamitin ang talento niya at makakuha siya ng sarili niyang isla sa Maldives!”“Ito…” Nagsalita nang hindi mapalagay si Claire, “Ma, tigilan mo na ang pangangarap nang gising.”Sumagot nang taimtim si Elaine, “Kailangan nating mangarap! Sinong nakakaalam, marahil ay
Habang nanonood ng telebisyon si Charlie, biglang lumapit si Claire sa kanya.Nang makita niyang nanonood siya ng telebisyon, umupo si Claire sa tabi niya.Pagkatapos, nag-alangan sandali si Claire. Pagkatapos, tinanong niya sa mahinang boses, “Charlie, may gusto akong itanong. Kailangan mong sumagot nang tapat, at hindi ka dapat magsinungaling sa akin.”Tumango si Charlie bago sinabi, “Itanong mo lang, mahal.”Binigay ni Claire ang resibo kay Charlie at tinanong siya, “Bakit may tatlong set ng skincare product na nakasulat sa resibo na ito? Hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan. Pero, sana ay maipaliwanag mo ang sitwasyon sa akin.”Nang makita ni Charlie ang resibo, nagulantang siya nang ilang sandali. Mabilis niyang napagtanto na marahil ay nilagay ni Isaac ang resibo sa isa sa mga gift box pagkatapos bilhin ang mga skincare product.Tumingin sa paligid si Charlie, at nang makita niyang wala si Elaine doon, binulong niya, “Magiging tapat ako, mahal. Sa totoo lang, si Papa
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag