Share

Kabanata 1190

Author: Lord Leaf
Nahiya nang sobra si Aurora, at hindi niya alam kung paano magsisimula.

Ngumiti si Charlie at sinabi, “Ikaw pa rin ba ang Aurora na naalala ko? Ang kilala kong Aurora bago ito ay may lakas ng loob na labanan ako noong nasa Antique Street kami. Bakit hindi man lang makapagsalita ang Aurora na nakatayo sa harap ko ngayon?”

Mas lalong namula at nahiya si Aurora nang marinig niya ito. Pagkatapos, sumagot siya sa nahihiya at kinakabahang tono, “Master Wade, hindi ko alam na sobrang lakas at galing mo dati. Kaya nabigo akong makita ang magaling na talento mo. Huwag mo na akong asarin.”

Habang nag-iisip siya, biglang naisip ni Aurora kung paabi sinipa ni Charlie ang puwetan niya nang araw na iyon. Kahit na nahihiya siya nang sobra, sobrang saya niya pa rin na parang isang maliit na babae.

Pagkatapos, tinipon niya ang tapang niya bago niya sinabi kay Charlie, “Master Wade, sa totoo lang ay balak kitang imbitahin na panoorin ang International University Combat and Fighting Championship na g
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1191

    Pagkatapos mangako na papanoorin niya ang kompetisyon ni Aurora, bumalik na sila ni Charlie sa handaan.Sa sandaling ito, mas maraming bisita na ang dumating, at unti-unting mas naging masigla ang paligid.Nang marinig ni Lord Moore na nandito na si Charlie, nagmamadali siyang lumabas para batiin siya. Pero, nang lumabas siya, lumabas na si Charlie kasama si Aurora.Sa sandaling bumalik si Charlie, nagmamadali siyang binati ni Lord Moore habang sinabi niya nang masaya, “Oh! Master WAde, matagal na noong huli kita nakita.”Bahagyang ngumiti si Charlie habang tumingin siya kay Lord Moore at sinabi, “Lord Moore, mukhang sobrang sigla mo ngayon. Maayos ba ang kalusugan mo?”Sumagot nang nagpapasalamat si Lord Moore, “Master Wade, salamat sayo at naibalik ng namamatay na matandang lalaki na tulad ko ang aking kabataan.”Pagkatapos, tinanong ni Lord Moore si Charlie, “Master Wade, kamusta ka?”Tumango nang bahagya si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Maayos naman ako. Gano’n pa ri

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1192

    Kumunot ang noo ni Isaac habang sinabi, “Young Master, marahil ay hindi man lang interesado ang pamilya Koch na gumawa ng kontrata ng kasal sa pamilya Moore.”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Kaya, ang pangunahing focus ay ang katayuan ng young master na ipinadala ng pamilya Koch dito ngayon. Kung siya ang pinakamatandang apo ng pinakamatandang anak ng pamilya Koch, sobrang liit ng posibilidad. Pero, kung ang taong darating dito ngayon ay isa lang sa mga supling ng pamilya Koch na hindi masyadong malakas ang katayuan, walang mawawala sa pamilya Koch kung pakakasalan niya si Jasmine, tama?”Sumagot nang nag-iisip si Isaca, “Ayon sa sinabi mo, naniniwala ako na hindi nga sila talo. Mukhang medyo maunlad ang pamilya Koch. Nasa anim o pitong lalaki ang mayroon sila sa henerasyon ng mga batang tagapagmana nila.”Sumagot si Charlie, “Ang kasal sa pagitan ng mga malaki at makapangyarihang pamilya ay parang isang karera ng kabayo. Kahit na mas malakas ang kabuuang lakas nila kaysa sayo, h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1193

    Hindi matagal, isang binata na may suot na makinang na damit ang pumasok sa banquet hall na sinundan ng pamilya Moore.Si Reuben at ang kanyang ama, si Tyler, ay nakasunod nang malapit sa tabi ng binata, at mukhang sobrang maasikaso silang dalawa sa kabilang partido.Nakasunod din sina Lord Moore at Jasmine sa likod nila, pero mayroong medyo malamig na ekspresyon si Jasmine sa kanyang mukha.Tumingin si Charlie sa binata, at napagtanto niya na nasa twenty-seven o twenty-years old siya, at sobrang yabang ng hitsura niya sa kanyang mukha.Sumagot nang walang pakialam si Isaac, “Nakikita ko na ang pangatlong young master ng pamilya Koch ay mukhang isang dragon na nanggaling sa isang lawa ng isda. Pero, siguradong hindi niya aakalain na Young Master, ikaw talaga ang Tunay na Dragon sa maliit na lawa ng isda na ito sa Aurous Hill.”Bahagyang ngumiti si Charlie nang hindi sumasagot sa mga sinabi ni Isaac.Sa totoo lang, walang pakialam si Charlie kung gustong magyabang ng iba sa harap

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1194

    Isang tinatawag na Master Wade ang nangahas na isipin na kapantay niya siya? Anong karapatan niya?Nang maisip niya ito, hindi na siya nag-abalang makipag-usap kay Charlie. Tumignin siya kay Isaac bago siya ngumiti at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na pupunta ka dito ngayon, Mr. Cameron. Sa totoo lang, balak kong bisitahin ang Shangri-La bukas.”Sumagot nang magaan si Isaac, “Mr. Koch, masyado kang magalang. Iniisip ko, ano ang pinunta mo dito sa Aurous Hill, Mr. Koch?”Sumulyap ang pangatlong young master ng pamilya Koch kay Jasmine bago siya ngumiti at sinabi, “Ang kapatid kong babae at si Miss Jasmine ay magkaklase noong nag-aaral sila sa ibang bansa. Pumunta ako sa Aurous Hill dahil gusto kong makipag-usap kay Lord Moore tungkol sa isang partnership kasama ang pamilya Moore. Sa una ay balak kong pumunta dito pagkalipas ng dalawang araw, pero narinig ko na kaarawan ni Miss Jasmine ngayon. Kaya, nagpasya ako na pumunta nang mas maaga.”Pagkatapos, naglabas siya ng isang marik

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1195

    Biglang nagsalit ang pangatlong young master ng pamilya Koch, at nalagay sa mahirap na posisyon si Lord Moore.Alam niya na mas mababa ang pamilya Moore sa pamilya Koch ng Eastcliff. Kaya, magalang at maingat siya nang sobra. Pero magalang lang siya bilang kagandahang-loob. Hindi ibig sabihin nito na gusto niyang kunin ang pagkakataon na ito para gumawa ng relasyon sa pamilya Koch.Dahil, marami na siyang naranasan sa buhay niya, kaya niyang makita sa isang tingin ang dahilan kung bakit pumunta dito ngayon ang pangatlong young master ng pamilya Koch.Kahit paano pa balak makipagtulungan ng pamilya Koch sa pamilya Moore, alam ni Lord Moore na siguradong may iniisip ang pangatlong young master ng pamilya Koch sa kanyang apo, kay Jasmine.Kung nangyari ito dati, at kung interesado ang pamilya Koch na magkaroon ng kasal sa pagitan ng pamilya Koch at pamilya moore, magiging sobrang sabik ni Lord Moore.Pero, wala talaga siyang interes sa kanila ngayon.Dahil, sa mga mata ni Lord Moore

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1196

    Pero, dahil puno na ang lamesa, tumabi na lang siya kay Xyla.Tumayo si Lord Moore para magpasalamat bago magsimula ang birthday banquet.Habang pinapasalamatan niya ang mga bisita sa kanyang thank you speech, sinabi agad ni Lord Moore, “Gusto kong pasalamatan si Master Wade dahil naglaan siya ng oras para pumunta sa kaarawan ng apo ko, ni Jasmine ngayong araw!”Sa sandaling sinabi ito ni Lord Moore, naging madilim agad ang mukha ng pangatlong young master ng pamilya Koch na nakaupo sa main guest table.Ano?!Hindi ba talaga marunong si Lord Moore kuna paano kumilos? Pumunta siya dito para dumalo sa kaarawan ng apo niya, pero hindi niya man lang siya inuna nang pinapasalamatan niya ang mga bisita?Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasang tumingin kay Charlie na nakaupo rin sa main guest table.Mukhang ordinaryo at hindi magaling ang batang ito. Kaya, wala siyang ideya kung bakit mukhang pinapaboran siya nang sobra ni Lord Moore.Pagkatapos pasalamatan ni Lord Moore si Charlie

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1197

    Gustong makipag kompetensya ni Dylan kay Charlie sa publiko. Kaya, nagsalita siya sa main table at sinabi, “Master Wade, tama? Narinig ko na may palayaw kang Tunay na Dragon. Totoo ba iyon?”Ngumiti nang walang pakialam si Charlie bago siya ngumiti, “Palayaw lang ang tinatawag na ‘Tunay na Dragoon’ na binigay sa akin ng ilang malapit na kaibigan ko dito.”Umirap si Dylan bago siya sumagot nang sarkastiko, “Master Wade, medyo nauusisa akong malaman kung anong klaseng regalo ang hinanda mo para kay Miss Jasmine ngayong araw? Siguradong hindi magbibigay ang isang Tunay na Dragon na tulad mo ng isang mura at ordinaryong regalo, tama?”Tumawa si Charlei bago sinabi, “Sa totoo lang, hindi ko man lang alam na ipagdiriwang ni Miss Jasmine ang kaarawan niya ngayong araw. Pagkatapos ko itong malaman, nagmamadali akong naghanda ng isang napaka simpleng regalo para sa kanya bilang tanda ng pasasalamat ko. Syempre, hinding-hindi maikukumpara ang regalo ko sa regalo mo, Mr. Koch.”Kapag mas dise

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1198

    Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Mr. Koch, sa totoo lang, ang regalo na inihanda ko para kay Miss Moore ay hindi lang lampas sa sampung libong dolyar, pero siguradong mas mahal pa ito kaysa sa kwintas mo.”Nang marinig ito ni Dylan, nagalit siya at sinabi, “Saan ka ba nanggaling? Ang lakas ng loob mong maging mapagpanggap sa harap ko?”Ngumiti si Charlie bago niya tinanong, “Anong gagawin mo kung mas mahal nga ang regalo ko kaysa sa kwintas mo?”Suminghal nang malamig si Dylan at sinabi, “Maraming tao ang nandito ngayon at pwede silang maging saksi natin. Kung mas mahal nga ang regalo na ibinigay mo kay Miss Jasmine kaysa sa kwintas na ibinigay ko sa kanya, kakainin ko mismo dito ang kwintas.”Pumalakpak si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Okay, sige. Kasunduan ito.”Sumimangot si Dylan bago niya sinabi, “Master Wade, anong gagawin mo kung hindi mas mahal ang regalo na ibinigay mo kay Miss Jasmine?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung hindi mas mahal ang regalo ko kaysa sayo,

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status