Isang tinatawag na Master Wade ang nangahas na isipin na kapantay niya siya? Anong karapatan niya?Nang maisip niya ito, hindi na siya nag-abalang makipag-usap kay Charlie. Tumignin siya kay Isaac bago siya ngumiti at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na pupunta ka dito ngayon, Mr. Cameron. Sa totoo lang, balak kong bisitahin ang Shangri-La bukas.”Sumagot nang magaan si Isaac, “Mr. Koch, masyado kang magalang. Iniisip ko, ano ang pinunta mo dito sa Aurous Hill, Mr. Koch?”Sumulyap ang pangatlong young master ng pamilya Koch kay Jasmine bago siya ngumiti at sinabi, “Ang kapatid kong babae at si Miss Jasmine ay magkaklase noong nag-aaral sila sa ibang bansa. Pumunta ako sa Aurous Hill dahil gusto kong makipag-usap kay Lord Moore tungkol sa isang partnership kasama ang pamilya Moore. Sa una ay balak kong pumunta dito pagkalipas ng dalawang araw, pero narinig ko na kaarawan ni Miss Jasmine ngayon. Kaya, nagpasya ako na pumunta nang mas maaga.”Pagkatapos, naglabas siya ng isang marik
Biglang nagsalit ang pangatlong young master ng pamilya Koch, at nalagay sa mahirap na posisyon si Lord Moore.Alam niya na mas mababa ang pamilya Moore sa pamilya Koch ng Eastcliff. Kaya, magalang at maingat siya nang sobra. Pero magalang lang siya bilang kagandahang-loob. Hindi ibig sabihin nito na gusto niyang kunin ang pagkakataon na ito para gumawa ng relasyon sa pamilya Koch.Dahil, marami na siyang naranasan sa buhay niya, kaya niyang makita sa isang tingin ang dahilan kung bakit pumunta dito ngayon ang pangatlong young master ng pamilya Koch.Kahit paano pa balak makipagtulungan ng pamilya Koch sa pamilya Moore, alam ni Lord Moore na siguradong may iniisip ang pangatlong young master ng pamilya Koch sa kanyang apo, kay Jasmine.Kung nangyari ito dati, at kung interesado ang pamilya Koch na magkaroon ng kasal sa pagitan ng pamilya Koch at pamilya moore, magiging sobrang sabik ni Lord Moore.Pero, wala talaga siyang interes sa kanila ngayon.Dahil, sa mga mata ni Lord Moore
Pero, dahil puno na ang lamesa, tumabi na lang siya kay Xyla.Tumayo si Lord Moore para magpasalamat bago magsimula ang birthday banquet.Habang pinapasalamatan niya ang mga bisita sa kanyang thank you speech, sinabi agad ni Lord Moore, “Gusto kong pasalamatan si Master Wade dahil naglaan siya ng oras para pumunta sa kaarawan ng apo ko, ni Jasmine ngayong araw!”Sa sandaling sinabi ito ni Lord Moore, naging madilim agad ang mukha ng pangatlong young master ng pamilya Koch na nakaupo sa main guest table.Ano?!Hindi ba talaga marunong si Lord Moore kuna paano kumilos? Pumunta siya dito para dumalo sa kaarawan ng apo niya, pero hindi niya man lang siya inuna nang pinapasalamatan niya ang mga bisita?Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasang tumingin kay Charlie na nakaupo rin sa main guest table.Mukhang ordinaryo at hindi magaling ang batang ito. Kaya, wala siyang ideya kung bakit mukhang pinapaboran siya nang sobra ni Lord Moore.Pagkatapos pasalamatan ni Lord Moore si Charlie
Gustong makipag kompetensya ni Dylan kay Charlie sa publiko. Kaya, nagsalita siya sa main table at sinabi, “Master Wade, tama? Narinig ko na may palayaw kang Tunay na Dragon. Totoo ba iyon?”Ngumiti nang walang pakialam si Charlie bago siya ngumiti, “Palayaw lang ang tinatawag na ‘Tunay na Dragoon’ na binigay sa akin ng ilang malapit na kaibigan ko dito.”Umirap si Dylan bago siya sumagot nang sarkastiko, “Master Wade, medyo nauusisa akong malaman kung anong klaseng regalo ang hinanda mo para kay Miss Jasmine ngayong araw? Siguradong hindi magbibigay ang isang Tunay na Dragon na tulad mo ng isang mura at ordinaryong regalo, tama?”Tumawa si Charlei bago sinabi, “Sa totoo lang, hindi ko man lang alam na ipagdiriwang ni Miss Jasmine ang kaarawan niya ngayong araw. Pagkatapos ko itong malaman, nagmamadali akong naghanda ng isang napaka simpleng regalo para sa kanya bilang tanda ng pasasalamat ko. Syempre, hinding-hindi maikukumpara ang regalo ko sa regalo mo, Mr. Koch.”Kapag mas dise
Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Mr. Koch, sa totoo lang, ang regalo na inihanda ko para kay Miss Moore ay hindi lang lampas sa sampung libong dolyar, pero siguradong mas mahal pa ito kaysa sa kwintas mo.”Nang marinig ito ni Dylan, nagalit siya at sinabi, “Saan ka ba nanggaling? Ang lakas ng loob mong maging mapagpanggap sa harap ko?”Ngumiti si Charlie bago niya tinanong, “Anong gagawin mo kung mas mahal nga ang regalo ko kaysa sa kwintas mo?”Suminghal nang malamig si Dylan at sinabi, “Maraming tao ang nandito ngayon at pwede silang maging saksi natin. Kung mas mahal nga ang regalo na ibinigay mo kay Miss Jasmine kaysa sa kwintas na ibinigay ko sa kanya, kakainin ko mismo dito ang kwintas.”Pumalakpak si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Okay, sige. Kasunduan ito.”Sumimangot si Dylan bago niya sinabi, “Master Wade, anong gagawin mo kung hindi mas mahal ang regalo na ibinigay mo kay Miss Jasmine?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung hindi mas mahal ang regalo ko kaysa sayo,
Sa sandaling ito, nag-aalala na ang halos lahat ng tao para kay Charlie.Kahit na alam ng lahat na sobrang galing ni Charlie at marami na siyang tagumpay sa larangan ng metaphysics, hindi talaga sila naniniwala na kayang makipag kompetensya ni Charlie kay Dylan pagdating sa pera.Mas malakas nga ang pamilya Koch kumpara sa kahit anong malakas na pamilya sa South Region. Base sa mga asset na pagmamay-ari ng pamilya Koch, sobrang lakas at makapangyarihan talaga si Dylan.Ito ay dahil walang makakatalo kay Dylan sa Aurous Hill.Sa totoo lang, marahil ay walang kahit sino sa South Region ang maikukumpara sa kanya.Bukod dito, ang dalawampung milyon nsa US dollar na ruby necklace ay maituturing na pinakamaganda sa ibang mga ruby necklace.Marahil ay kahit ang isang dyamante na kasing laki ng itlog ay hindi gano’n kamahal.Kaya, hindi maiwasang isipin ng lahat kung ano ang laman ng maliit na kahon na ibinigay ni Charlie kay Jasmine at naging kumpiyansa siya na siguradong mas mahal sa
Kahti si Travis, na nakaupo sa parehong lamesa, ay nagulat at walang masabi!Siya ang pinakamayamang lalaki sa Lancaster, at hindi siya mas mababa sa pamilya Moore pagdating sa kanilang kabuuang yaman.Bukod dito, matanda na siya ngayong taon, at malinaw na mas mahina na ang katawan at pisikal na kayamanan niya kumpara dati.Hindi ito mababago kahit gaano kalaking pera pa ang gastusin niya.Kaya, nangarap din si Travis na magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng Rejuvenating Pill. Hindi niya ito pagsisisihan kahit na gamitin niya ang one-tenth ng kabuuang kayamanan niya kapalit ang Rejuvenating Pill.Ito ay dahil alam niya na bukod sa Rejuvenating Pill, wala na siyang paraan para maibalik ang dalawampung taon ng kabataan niya kahit na gumastos siya ng ilang bilyong dolyar.Ang gambling tycoon sa Macaus, si Stanley Ho, ay sobrang yaman. Sobrang yaman at makapangyarihan siya, pero kahit na may gano’ng kalaking pera siya, wala siyang paraan para mabilis ang pagkabata siya noong siyam
Sa mga mata ni Dylan, ang Rejuvenating Pill na ibinigay ni Charlie kay Jasmine ay isang hindi kapansin-pansin na pill lang.Kahit na ito talaga ang Acetum Bezoardicum Pill na may mataas na presyo sa medical profession sa Oskia, ang pinakamahal na top-grade Acetum Bezoardicum Pill ay marahil ilang daang libong dolyar lang.Bukod dito, ano naman kung ang Rejuvenating Pill ni Charlie ay ang Acetum Bezoardicum Pill nga?Malaki pa rin ang pagkakaiba ng pill na ito sa kanyang ruby necklace na mahigit isang daan at tatlumpung milyong dolyar.Kaya, hindi maiwasang maramdaman ni Dylan na natalo na niya si Charlie.Pagkatapos sabihin nang mayabang ni Dylan ang mga salitang iyon, sa una ay hinihintay niya ang papuri ng lahat. Pero, hindi niya talaga inaasahan na titingin ang lahat sa kanya na para bang nakatingin sila sa isang baliw na tao.Hindi talaga nila siya masisisi dahil siya lang ang nag-iisang tao sa handaan na ito na hindi alam ang halaga ng Rejuvenating Pill na ito.Kahit na nar
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag