Habang tinapos niya ang sinasabi niya, mabilis na kumilos ang mga binti niya na parang hangin. Sa isang iglap, malapit na siya kay charlie. Ang kanyang kamao, na mas malaki pa sa isang mangkok, ay nakataas na sa harap niya.Sa ilang taon na matinding pagsasanay at cultivation, ginamit niya ang lahat ng dugo at pawis niya para palakasin ang kanyang mga kamao. Sa isang suntok, kaya niyang wasakin ang mga bato na ilang metro ang kapal. Hindi kakayanin ng ordinaryong tao ang mga suntok niya at hindi sila mabubuhay para ma-kwento ito.Para naman kay Charlie, nakita na niya ang istilo ng pakikipaglaban niya sa isang tingin lang.Isa lang itong suntok. Kahit na pinatigas ang kamao niya, sumusuntok lang siya nang padalus-dalos. Kumpara kay Charlie, isa lang siyang butiki na nasa puno.Kaya, tumayo lang siya doon at hindi na nag-abalang umiwas o ilagan ang mga kamao. Sasaluhin niya lang ang Iron First na may kasuklam-suklam na ngiti sa kanyang mukha.Nagulantang si Hades Li sa kahangalan n
Tila bang tinamaan ng kidlat si Emiliano sa sobrang gulat nang mapanood ang biglang pagkatalo ni Hades.Kahit na medyo mas malakas siya kay Hades pagdating sa kakayahan sa martial arts, mas mababa nang sobra ang mga kamao niya sa Iron First ni Hades.Dahil, ilang dekada ang ginugol ni Hades para lang palakasin ang kanyang mga Iron First sa punto na wala na siyang magiging kapantay na kalaban, pero sinong nag-aakala na wawasakin ng isang binatang nasa dalawampung taon ang kamao niya sa isang suntok lang…Ito ay isang sobrang nakakawasak at nakakatakot na lakas na hindi pa nila nakikita!Natakot nang sobras si Emiliano!Mukhang hindi talaga ordinaryong tao ang batang may pangalan na Charlie!Ngayong araw, matinding laban ang haharapin nilang walo!Samantala, nabigla rin si Isaac at ang iba!Walang nag-aakala sa kanila na sobrang makapangyarihan si Charlie! Hindi nila ito maisip!Ang kalaban ni Charlie ay isang kagalang-galang na tao at maiintindihan nila kung lalabanan siya nang
Nakatagpo na si Charlie ng ilang kalaban sa metaphysics, pero kahit gaano pa sila kalakas, wala pa rin silang binatbat sa kanyang Thunder Order.Para naman sa Butcher Brothers, mga mababang uri lang sila ng siga na gumawa ng mga krimen at hindi na dapat banggitin pa.Pero, mukhang magandang kalaban ang Big Eight.Kung susuntukin ni Hades si Jack Yaleman gamit ang kanyang Iron First, sumabog na ang kanyang ulo sa isang suntok lang.Marahil ay hindi pa nga makatanggap ng isang atake ang Butcher Brothers sa kanya bago sila matalo at mamatay sa suntok.Kahit ano pa, masyadong boring ang mga Iron Fist ni Hades sa mga mata ni Charlie.Napuno siya ng sabik at intriga habang nagtulungan silang apat at sumugod sila sa kanya nang sabay-sabay!Si Emiliano ang nauna!Nakasunod sa kanya ang pitong kasama niya sa likod at nakatayo sa isang kanya-kanyang pormasyon, naghahandang patayin si Charlie.Nakatayo si Emiliano sa harap ni Charlie. Tinipon niya ang lahat ng lakas niya mula sa core ng
Hindi alam ni Emiliano kung sino ang kinalaban niya!Sa una, nakatayo nang matatag si Charlie na parang isang bundok, pagkatapos, itinaas niya ang kanyang palad para labanan ang palad niya. Akala ni Emiliano na minaliit siya ng bata dahil hindi siya masyadong nag-abala sa atake niya at siguradong matatalo siya sa isang atake lang.Pero, nang tamaan niya ang palad ni Charlie, napagtanto ni Emiliano na imbis mapaatras si Charlie, isang malakas na enerhiya ang lumabas sa palad ni Charlie at agad winasak ang kanang braso niya!Kailanman ay hindi niya inisip na mangyayari sa kanya ang nangyari kay Hades!Naging gutay-gutay ang kanang braso niya, pero wala siyang pakialam sa laki ng sugat dahil sumabog ang malakas na enerhiya na parang isang nuclear bomb at pinatalsik siya nito nang ilang metro!Sinubukang pigilan ni Emiliano ang pagtalsik niya gamit ang mga binti niya, nakatapak nang matindi sa niyebe nang buong lakas.Pero, sobrang lakas ng kapangyarihan sa palad ni Charlie at hindi
Nabigla at nagulantang ang Big Eight nang tinalo silang pito ni Charlie sa isang atake ng palad!Anong klaseng pambihirang kapangyarihan ang mayroon siya para makapaglabas ng isang nakakatakot na lakas?Kahit ang pinakamagaling na master sa buong mundo ay hindi kayang magkaroon ng ganitong antas na pwersa!Hindi mga ordinaryong tao ang Big Eight. Kapag nagtutulungan sila at pinagsama-sama ang mga lakas nila, magkakaroon sila ng pambihirang kombinasyon ng mga lakas.Pero kahit na ganito, ang kabuuang lakas ng Big Eight ay isang atake lang ng palad ni Charlie.Bumangon nang nanghihina si Emiliano at sinabi, “Sino ka? Saan ka galing? Sino ang master mo?”Ngumisi nang mapanghamak si Charlie. “Hindi ako nanggaling kung saan o kung kanino, ako ang sarili kong guro. Bakit? Hindi ka ba nakumbinsi?”Lumunok sa gulat si Emiliano at sinabi, parang nababalisa na ang tono niya, “Nakumbinsi ako! Talagang nakumbinsi ako sa lakas mo! Master Wade, ikaw ang tunay na master sa mundong ito at bilan
Gayunpaman, kahit bata pa si Charlie, hindi siya tanga.Akala ni Emiliano na nakumbinsi niya siya, pero sa kabaliktaran, simula pa noong una, maingat pa rin at mapagbantay si Charlie walong lalaki sa harap niya.Para kay Charlie, kailanman ay hindi ginusto ni Charlie na pasukuin ang walong lalaking ito para magamit sila dahil sa isang dahilan—minamaliit niya sila.Sa antas ng lakas nila, anong magagawa nila para sa kanila kahit na sambahin nila siya bilang master nila?Isang pangkat lang sila ng mga agresibo at ligaw na aso at wala siyang pakialam sa kanila.Gayunpaman, lumapit at tumayo siya sa harap ng Big Eight na may mapaglarong ngiti sa kanyang mukha at sinabi, “Gusto niyo ba talaga akong sambahin bilang master niyo?”Nauna si Emiliano habang sumunod ang iba, “Oo! Magiging alipin mo kami habang buhay!”Tumango si Charlie at tinanong nang nakangiti, “Paano kung tumanggi ako?”“Uh…”Nagulantang si Emiliano at ang iba. Walang nag-aakala na ganito ang isasagot ni Charlie.‘A
Hindi maintindihan ni Emiliano ang nangyayari! Walang ginawa si Charlie para pigilan ang atake niya, pero bakit hindi niya siya masaksak?Parang may isang hindi makitang kapangyarihan na pinoprotektahan si Charlie sa kanyang atake—ano ito?!Bilang isang martial artist, sinanay na niya ang martial art sa sukdulan nito pero hindi niya alam kung ano ang tunay na mahiwagang kapangyarihan! Paano niya malalaman na may ganitong kapangyarihan na tinatawag na Reiki na kayang gamitin kahit na hindi pinapakilos ang kahit anong parte ng katawan.Si Jack Yaleman ang pinakamagandang halimbawa. Bilang isang master ng metaphysics, alam niya ang tungkol sa pangkukulam at kaya niyang kontrolin ang mga corpse worm, pero hindi niya alam na may ibang mahiwagang kapangyarihan na kayang magtawag ng kidlat sa langit.Kaya, hindi lakas ang nakatalo sa isang tao, ngunit ang pagiging ignorante at kayabangan!Kayabangan ni Emiliano na akalain na nakita niya ang kahinaan ni Charlie at inakala niya na mapapata
Napanganga si Emiliano sa gulat nang kinwestiyon siya ng kasama niya, wala siyang masabi.Totoo, gusto niyang tumakas, pero hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa kanya!Hindi lang siya hindi nakatakas, ngunit nasugatan pa siya nang sobra.Tumingin siya sa kanyang ikatlong kasama na may nasasaktan na hitsura at sinabi, “Hindi, hindi kaya! Nag-iisip lang ako ng plano kung paano papatayin ang Charlie na iyon!”Hindi nagpaloko ang Pangatlo. Tumingin siya nang galit kay Emiliano at sumigaw, “Sa tingin mo ba ay tanga ako? Wala na ang dalawang braso mo, paano mo siya papatayin?!”Galit na sinumbat ni Emiliano, “Hoy, paano mo nagawang kausapin ako nang ganyan? Ako ang pinuno mo! Huwag kang maging bastos!”Sumugod ang pangatlo, kinagat ang tainga ni Emiliano, at minura, “Bastos?! Ang lakas ng loob mong sabihin na pinuno ka? Sinusubukan mo kaming itapon sa patibong ng kalaban para makatakas ka, g*go ka! Simula ngayon, gusto ko nang putulin ang lahat ng relasyon ko sa’yo!”Umiyak si Em
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag