Nagmamadaling tinanong ni Hannah sa matamis na tono, “Ma, bakit kailangan mo ng mga itlog at harina?”Sumagot si Lady Wilson, “Gusto kong gumawa ng eggs and chives dumplings para sa hapunan!”Tumili si Harold sa sorpresa, “Lola, dumplings ba ang hapunan natin ngayong gabi?”“Oo!” Sinabi ni Lady Wilson, sobrang laki ng ngiti niya, “Gusto mo ba ng mga chive at itlog?”Humagikgik si Harold. “Syempre! Ah, mahal na mahal ko ito! Sobrang tagal ko nang hindi nakakain ng eggs and chive dumplings! Naglalaway na ko kapag sinasabi mo ito!”Ngumiti rin si Christopher at sinabi, “Ma, bakit bigla mo gustong gumawa ng eggs and chives dumplings? Matagal mo na itong hindi ginagawa.”Tumawa si Lady Wilson at sinabi, “Masaya ako ngayong araw! Sobrang saya ko sa punto na mapupuno ko ang sarili ko ng eggs and chives dumplings!”“Mabuti!” Naglabas ng isang buntong hininga si Christopher, “Matagal na akong hindi nakakakain ng dumplings. Sa wakas ay mapapawi ko na ang pananabik ko!”Tinanong ni Hannah
Halos sumabog na sa galit si Elaine sa sobrang galit niya.Kabibigay niya lang ng babala kay Charlie na mag-ingat sa matandang babae kaninang umaga, pero sa halip na seryosohin siya, bumili pa siya ng maraming chives!Magaling, ngayon parang isang charity center na sila para sa matandang babae at sa pamilya niya.Kung dati pa ito, pinagalitan na niya si Charlie, pero wala siyang tapang na gawin ito ngayon.Sa sandaling ito, tinanong ni Calire si Charlie sa kwarto, “Mahal, anong gusto mo para sa hapunan?”Ngumiti nang tuso si Charlie at tinanong, “Karaniwan ay wala kang pakialam sa mga ganitong bagay, anong mayroon sa biglang pagbabago mo? Bakit gusto mong malaman kung ano ang gusto kong kainin ngayong gabi?”Naglabas ng isang parang bata na ngiti si Claire at sinabi, “Gusto kong pumitas ng mga gulay sa hardin. Sabihin mo kung anong gusto mong kainin, pipitasin ko ito sa hardin. Ano sa tingin mo? Magandang ideya ba ito?”Tumango si Charlie at sinabi na may mabait na ngiti, “Pumun
Umingit nang nahihiya si Christopher, “Okay, okay, tama ka, Ma. Makikinig ako sa’yo, okay?”“Tumingin nang masama si Lady Wilson sa kanya at sinabi, “Magsikap ka pa, gilingin mo nang mabuti ang karne at gawin mo itong malambot!”“Opo, Ma’am…” Sumagot nang tuyot si Christopher.Pagdating ng gabi, tapos na ang giniling, naprito na ang mga itlog, at malaking basket na ng mga ‘chive’ ang nahugasan. Lahat ng sangkap ay nasa cutting board na.Si Lady Wilson mismo ang gumawa ng palaman ng dumpling. Una, pinaghalo niya ang mga pritong itlog at chive sa seasoning para sa eggs and chives dumplings. Pagkatapos, naghalo siya ng isa pang mangkok na puno ng laman ng baboy at chive.Naglaway na ang ibang miyembro ng pamilya Wilson habang pinapanood nilang ginagawa ni Lady Wilson ang palaman. Dahil, ang dami na nilang pinagdaanan na problema at kamalasan. Bihira lang talaga para sa kanila na magkaroon ng masarap at gawang bahay na mga dumpling.Pagkatapos haluin ang mga palaman, tinuruan ni Lady
Naghanda ng dalawang klase ng dumpling ang pamilya Wilson, at marami silang ginawang ganito. Ayon sa dami ng dumpling na ginawa nila, sapat na ito para pakainin ang sampung tao, pero naubos ng pamilya Wilson ang lahat ng dumpling.Busog na busog sila pagkatapos kumain sa punto na hindi man lang sila makaupo nang diretso.Habang nakatitig sa 20 o 30 tirang dumpling sa lamesa, inudyok sila ni Lady Wilson habang sumesenyas, “Hoy, kahit sino, bilisan niyo at ubusin niyo na ang mga dumpling. Huwag niyong sayangin ito!”Hawak-hawak ang kanyang bilog na tiyan, umungol nang walang magawa si Christopher, “Jusko, hindi ko na kayang kumain, kahit isa.”Umiling din si Hannah at sinabi, “Ma, hindi ko na kayang kumain, busog na busog na ako ngayon.”Busog na busog na rin si Wendy sa punto na wala na siyang lakas na magsalita. Sa halip, umupo siya sa sofa at kumaway, ipinapahiwatig ang pagtanggi niya.Sinabi ni Harold, “Lola, bakit hindi natin sila itago sa ref? Pwede nating iprito ito at gumaw
Sobrang sakit na ng nararamdaman ni Harold sa sandaling ito. “Hindi ko na alam ang nangyayari, sobrang sakit ng tiyan ko…”Sa puntong ito, nakaramdam si Harold na may mas malakas na enerhiya na naiipon ulit sa katawan niya, at ilang beses na mas malakas ito kaysa sa dati, sobrang bilis nitong bumaba.Pagkatapos, agad narinig ang isang malakas na ihip, at isang mas mabahong amoy ang biglang kumalat sa sala.Tumingin nang hindi nag-iisip si Christopher sa puwetan ni Harold at nalaman niya na may kumalat na kulay kayumanggi na malagkit na likido.Tumili siya nang malakas, “Letse, Harold, tumae ka sa pantalon mo!”“Ano?!” Humarap nang sabay-sabay ang lahat kay Harold.Halata ito!May nakakadiring bagay na lumalabas sa puwet ni Harold!Galit na sumigaw si Lady Wilson, “Letse, g*go ka, galing pa sa Italy ang sofa na ito!”Nagulantang din si Harold. Sinabi niya nang inosente, “Hin… hin… hindi ko alam ang nangyari! Sumasakit ang tiyan ko, at sobrang saik nito, at gusto kong umutot, pero
Sa sandaling ito, walang ideya ang pamilya Wilson kung bakit sobrang sakit ng mga tiyan nila at ano ang sanhi ng malalang diarrhea na kasunod nito.Sobrang lakas na lason ng narcissus daffodils. Kunating puridong narcissus ay nakamamatay sa tao.Pero, kahit na kaunti lang ang laman na alkaloid sa daffodils, ang pagkain ng marami ay magreersulta sa malaking sintomas ng food poisoning, pero hindi ito nakamamatay kung hindi ito masyadong madami.Kahit ano pa, ang sakit sa food poisoning ay hindi kayang tiisin ng isang ordinaryong tao.Hindi lamang nito inuudyok ang pagsusuka at diarrhea, ngunit lagnat, pagkibot, at mga sakit din sa nervous system.Kung kumain ka nang marami, marahil ay magsanhi pa ito ng shock at mamatay ka.Medyo mapanganib nga ito sa lahat sa pamilya Wilson dahil napakaraming narcissus ang kinain nila. Kahit si Charlie ay hindi inaasahan na sobrang dami ng kakainin nila nang inaayos niya ang plano niya.Madalas inuulat sa balita na dinadala sa hospital ang ilang
“Karne ng baboy? Tanungin mo ang ina mo kung saan niya ito binili.”Sumimangot si Lady Wilson kay Hannah at tinanong sa mapait na boses, “Pumunta ka ba sa black market at bumili ng karne na pangit?”Mabilis na umiling si Hannah at sinabi, “Hindi! Pinanood ko ang nagkakatay ng karne, walang problema sa karne ng baboy.”Iminungkahi nang mahina ni Wendy, “Paano naman ang harina? Baka may mali sa balat ng dumpling?”Umiling ulit si Hannah. “Hindi, ayos lang ang harina, kinain natin ito kaninang umaga.”Kung hindi ang harina at karne ang problema, maaari bang ang mga chive ito?”Suminghap si Hannah sa sorpresa at sinabi, “Siguradong ang mga chive ito. Baka may mga naiwang pesticide dito.”Kumunot ang noo ni Lady Wilson sa hindi pagsang-ayon. “Hindi, sariwang hiniwa ang mga chive, hindi iyon ang problema. At saka, hinugasan sila ni Harold, kaya marahil ay natanggal na niya ang lahat dito kasama na ang mga natirang pesticide.”Sinabi ni Harold, “Oo! Hinugasan ko nang seryoso ang mga c
Tinanong ng operator sa medyo nalilito at nabiglang boses, “Teka, ang sinasabi mo ba ay, pumunta ka sa bakuran ng iba at kumuha ka ng mga daffodil nila, tama ba ako?”“Oo!” Sinabi nang malakas ni Lady Wilson, “Nagtanim siya ng mga daffodil sa bakod niya, at akala ko na mga chive ito, kaya kumuha ako ng ilan at kinain ito, pero nalason ako. Sabihin mo, gumawa siya ng krimen, hindi ba?”Nagbuntong hininga ang operator at ipinaliwanag, “Pasensya na, Ma’am, hindi ipinagbabawal ng batas natin na magtanim ang mga mamamayan ng daffodil sa bakuran nila, kaya ayos lang talaga sa kanya na gawin ito. Ang punto ay, bakit ka pumunta sa bakuran ng iba at kumuha ng mga daffodil nila dahil inakala mo na mga chive ito? Pwede kang maaresto para sa trespassing at pagnanakaw.”“Ano?!” Sumigaw si Lady Wilson sa cellphone, galit at nababalisa, “Nakahiga ako sa hospital ngayon dahil sa food poisoning, at ako ang pwedeng sampahan?!”Tinanong nang mahigpit ng operator, “Kung may pumunta sa bahay mo, ninaka
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro