Ang sinabi niyang iyon ay parang isang bato na itinapon sa isang kalmadong lawa na nagbigay ng isang libong alon.Nagulantang nang sobra ang pamilya Wilson.Buntis si Hannah?Ano ito?!Sa apat na miyembro ng pamilya Wilson, si Christopher ang pinaka nagulat nang natanggap niya ang napakalaking balita!Alam niya na dalawang araw pa lang ang nakalipas simula noong nakipagtalik siya kay Hannah. Matagal silang nahiwalay sa isa’t isa dati noong nakulong siya sa coal mine, kaya, hindi niya siya nakita simula pa noon.At saka, may isa pang pangyayari na naaalala niya nang malinaw.Noong balak nilang lokohin si Elaine, kapanahunan iyon ni Hannah. Naalala niya na nagreklamo siya tungkol dito, humahagulgol na sa maling oras siyang niregla.Ang ibig sabihin ay hindi siya buntis noong nawala siya.Pero ngayon, buntis siya?!Anong napatunayan nito? Pinapatunayan nito na nabuntis siya noong nawala siya.Ang ibig sabihin ay, nakipagtalik sa ibang lalaki ang walang hiyang p*ta na ito sa coa
Nang marinig ang intergotabi na panananong ng kanyang ina, tinitigan ni Christopher ang laman ng report at tumango nang may madilim na ekspresyon.Nang makita ang pagtango niya, nakaramdam si Lady Wilson ng biglaang sakit sa kanang dibdib. Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang dibdib at humagulgol sa sakit.Nahiya nang sobra sina Harold at Wendy habang nangyayari ito. Hindi nila alam kung anong sasabihin nila o anong gagawin nila sa sandaling ito.Dahil, iyon ang sarili nilang ina, walang salita na makakapaglarawan kung ano ang nararamdaman nila sa sandaling ito.Nagngalit si Christopher at tiningnan niya nang masama si Hannah gamit ang mga namumulang mata niya, tila ba malapit na niya siyang sunggaban at bugbugin. Sumigaw siya nang galit, “P*kpok! Nakipagtalik ka ba sa ibang lalaki sa coal mine?! Sino siya?!”Malapit nang mabaliw si Hannah sa sandaling ito.Gumawa na siya ng appointment sa obstetrics and gynecology na doktor para sa abortion sa susunod na Lunes. Wala dapat ma
Bukod dito, isang konserbatibo at makalumang tao si Lady Wilson. Sa opinyon niya, dapat parusahan ng kamatayan ang walang hiyang tao tulad ni Hannah bilang leksyon sa iba.Nang makita ang nakakagulat na eksena habang binubugbog nina Christopher at Lady Wilson si Hannah, tumili ang doktor sa gulat at sumigaw, “Hoy, tigilan niyo yan! Tumigil kayo ngayon din! Tatawagan ko ang pulis!”Hindi natakot ang dalawa sa babala ng doktor at patuloy na binugbog si Hannah, kaya, humarap ang doktor kina Harold at Wendy at sinabi, “Huwag lang kayo tumayo diyan, kumilos kayo! Tatayo lang ba talaga kayo diyan at papanooring bugbugin ang ina niyo?”Malamig na pinapanood nina Harold at Wendy ang eksenang ito, mayroon pang bakas ng sama ng loob sa kanilang mga mata.Karaniwan, hindi nila hahayaang mangyari ang pambihirang eksenang ito. Kikilos sila at aayusin ang sitwasyon kapag may hidwaan ang mga magulang nila.Pero ngayon, masyadong kakaiba at pambihira ang sitwasyon.Nahihiya sila at napahiya sa k
Nagalit agad si Hannah nang sinabihan siya ng asawa niya na tumalon sa building! Galit niya siyang tinuro at sumigaw, “Hoy, Christopher, g*go, huwag mong kalimutan kung sino ang laging nakatayo sa likod mo, sinusuportahan ka, tinutulungan ka, at inaalagaan ka! Dahil lang pinagtaksilan kita para mabuhay, gusto mo akong mamatay! Tao ka pa ba?”Nagngalit si Christopher sa sobrang galit. “Argh, tama na ang kalokohan mo! Magpasalamat ka at wala tayo sa sinaunang panahon, kung hindi, ako mismo ang papatay sa’yo ngayon din! Nagloko ka sa akin, walang hiyang p*ta ka!”Nalungkot si Lady Wilson nang makita niya ang nasasaktan na hitsura sa mukha ng kanyang anak, at hinampas niya ang kanyang tukod kay Hannah habang minumura, “Hindi pa nagagalit nang sobra si Christopher sa buong buhay niya, tingnan mo ang ginawa mo, p*ta ka!”Humiyaw sa sakit si Hannah nang pinalo siya gamit ang tukod. Tumingin siya nang masama sa matandang babae at umirap, “Hoy, matandang aso, kung hindi dahil nahingi ko ang
Napakurap ang lahat sa sorpresa. “Kobayashi Pharma? Bakit gusto mong makipagnegosyo sa kanila? Hindi ba’t Japanese company ito?”Sumagot si Donald, “Nakatanggap ako ng balita kailan lang na isa rin ang Kobayashi Pharma sa mga biktima ni Charlie, at palagi nilang gustong palawakin ang negosyo nila sa Oskia, pero walang magandang oras at pagkakataon na gawin ito.”“Kung mapupunta sa kamay ko ang kontrol sa Weaver Pharmaceutical, pwede akong makipagnegosyo sa Kobayashi para makapasok sila nang mas mabilis at mas madali sa merkado ng Oskia.”“Sa parehong oras, sigurado ako na gugustuhin ng Kobayashi na makipagtulungan sa akin para labanan si Charlie. Pagkatapos makapaghiganti kay Charlie, magtutulungan ang mga Weaver at Kobayashi para kumita ng mas maraming pera. Para bang dalawa ang nagawa ko sa isang kilos lang, magandang plano ito, tama?”Napahanga sina Damien at Dawson at sinabi nang nambobola, “Wow, Donald, may pananaw ka talaga! Sa ganitong paraan, hindi lang tayo magkakaroon ng
Sa sandaling ito, iniisip ni Donald na paalisin ang pamilyang ito sa villa ng Thompson First para sarili na lang nila ang aasahan nila.Pero, nang pinag-isipan niya ito nang mabuti, ayaw niya itong gawin.Binuksan niya ang kanyang bibig at sinabi sa lahat, “Alam ko ang iniisip niyo ngayon. Nararmdaman niyo na masyado talagang mababa ang pamilyang ito at walang kwenta. Pero, pag–isipan niyo ito—kung kaya nila akong inisin ngayon, marahil ay maiinis din nila si Charlie buykas. Ang problema ngayon ay sa iba nakatuon ang isipan at pansin ng pamilyang ito. Hangga’t sama-sama sila, naniniwala ako na may epekto pa rin sila!”Hindi mapigilang itanong ni Damien: “Kuya, paano natin mapagkakaisa ang pamilyang ito? Buntis si Hannah ngayon sa ibang lalaki, kaya paano gugustuhin ni Christopher na makipagtulungan sa kanya? Huwag mo ring kalimutan ang matandang babae! Hindi siya madaling kausap!”Sumagot nang malamig si Donald, “Kung hindi natin sila mapagkakaisa, pwersahin nalang natin silang mag
Mas lalong nagalit si Hannah nang maisip niya ito. Tinuro niya si Christopher at sinabi niya, “Christopher, sinusubukan mo ba akong abandonahin pagkatapos mo akong gamitin? May sasabihin ako sa’yo, hinding-hindi ako papayag sa divorce! Gusto mo akong i-divorce, hindi ba? Sige, tatawagan ko si Donald ngayon din at siya ang gagawin kong hatol!”Pagkatapos, nilabas ni Hannah ang kanyang cellphone at tinawagan ang phone number ni Donald.Nasorpresa siya dahil agad kumonekta ang tawag.Sa sandaling kumonekta ang tawag, umiyak si Hannah at sinabi, “Mr. Webb, kailangan mo akong suportahan ngayon!”Tinanong nang malamig ni Donald, “Anong problema?”Sumagot si Hannah, “Gusto akong i-divorce ng walang konsensyang si Christopher! Binugbog nila ako ng ina niya at pumunta pa ang pulis dahil dito!”Sumagot nang mahigpit si Donald, “Pambihira ito! Ipasa mo ang cellphone sa matandang babae.”Pinasa agad ni Hannah ang kanyang cellphone kay Lady Wilson habang sinabi niya nang matagumpay, “Gusto k
Gusto na talagang mamatay ni Christopher sa sandaling ito.Hindi niya talaga inaasahan na ipagtatanggol ni Donald si Hannah.Hindi siya mapalagay nang sobra dahil dito.Mapagmataas at mayabang na nabuhay si Christopher sa kalahati ng buhay niya, at hindi pa siya niloloko ng babae dati. Bilang resulta, hindi niya talaga inaasahan na hindi lamang siya lolokohin ng asawa niya, ngunit nabuntis pa ang asawa niya ng iba.Ang pinaka importante, hindi niya man lang siya pwedeng i-divorce.Hindi ba’t pinipilit lang siya nito na maging isang cuckold?Sa sandaling ito, kinamumuhian niya na nang sobra si Hannah. Pero, pinakalma niya ang sarili niya pagkatapos isipin ang mga sinabi ni Donald.Alam niya na hindi niya pwedeng suwayin si Donald. Kung hindi, hindi lamang siya ang magiging malas dahil magiging malas din ang buong pamilya Wilson.Si Donald na lang ang nag-iisang pag-asa ng pamilya Wilson ngayon. Kung gagalitin nila si Donald, papaalisin agad sila sa villa sa Thompson First at map
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl