Share

Chapter 8

Arianne

“Kung ikaw nga ayaw kong katabi, ano naman ang naisip mong gusto kong katabi ang Nancy mo?”

“Nakikiusap lang naman ako sa’yo na kung pwede."

“Pwes, hindi pwede.” Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil alam ko naman kung ano ang karapatan ko.

“Arianne,” nagtitimping tawag niya sa pangalan ko.

“Sabi mo nakikiusap ka kung pwede at sinasabi ko ngayon na hindi pwede.”

“Hindi ka talaga mapakiusapan?” tanong niya. “Ganyan kasama ang ugali mo?”

Sinampal ko siya matapos niyang sabihin iyon at kita ko ang galit sa mukha niya. Pero bakit ko iintindihin ‘yon eh may sarili din akong galit?

“Hindi mangyayari sa akin ang ginawa ni Mike Aragon sa nanay ko. Hinding hindi.” Matigas kong sabi at napansin kong medyo lumambot ang kanyang mukha ngunit saglit lang iyon. “Kung ako ang magpatira ng lalaki rito na nakita mong kayakap ko, okay lang sayo?”

“Ibang usapan na—”

“Ang kapal naman ng mukha mong sabihing ibang usapan iyon. Kapag ikaw pwede, kapag ako hindi?” putol ko sa
MysterRyght

At natangay na siya! Please leave a like, comment and gem votes po para magkaroon ng exposure at promotion ang story nila Victor at Arianne. Maraming salamat!

| 3
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gracie
Tapos ngayon ay susunduin si Arianne. Hahaha
goodnovel comment avatar
Luna Lameg
mukhang maganda rin to madam exciting
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status