Share

Chapter 7

Arianne

Hindi na sumama sa akin ang unggoy at ang babaeng iyon na ang inasikaso niya. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa malapit na supermarket.

Hindi naman ganun karami ang mga binili ko dahil ayaw ko rin namang gumastos ng gumastos dahil limited edition lang din ng budget ko. Isa pa, walang trabaho si Victor kaya dalawa na kami ngayong intindihin ko.

Ang kaigihan lang sa lugar na ito ay isang sakay lang ng tricycle hanggang sa bahay. Maglalakad papuntang sakayan kapag palabas ngunit madali na ang pauwi.

“Sa tabi na lang ho,” sabi ko sa driver at tumigil naman sakto sa tapat ng gate namin.

“D’yan ka nakatira?” tanong ng matandang driver.

“Oho,” nakangiti kong tugon. Ayaw ko namang magsungit sa mga tagarito dahil hindi ko pa naman sila kilala. Kailangan maging mabuti ang pakikitungo ko para naman hindi nila ako bastusin or pag tangkaan ng masama lalo at bago pa lang ako rito.

Tinulungan ako ni manong sa box na dala ko ng mapansin niyang nahihirapan akong buhatin.

“Dito na lang po, salamat.”

“Walang anuman.” Nakangiting sabi ng matanda ng mailapag niya na ang box ng mga pinamili ko matapos kong buksan ang gate. Umalis na rin ito pagkatapos pero hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang tingin niya, hindi lamang sa akin, kung hindi pati na rin sa bahay.

Binuhat ko na ang box matapos kong maisara ang gate at pumasok na ako sa bahay. Ang nakakaasar ay naratnan ko ang unggoy na nasa sala habang pinatatahan pa rin ang babaeng ewan.

May utak ba itong Victor na ito? Hindi ba niya narinig ang pagdating ko at ni hindi man lang sumilip para tingnan kung may dala ba ako o wala? Tsaka, anong meron sa babae at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin? Ano yan, unli cry?

Dumiretso na lang ako sa kusina at hindi ko na sila pinansin. Maiinis lang ako kung iintindihin ko pa sila kahit na nakakagalit na ang tagpong nakikita ko.

Kanina lang ay nanggagalaiti ang unggoy dahil sa paghatid ni Donnie  sa akin. Tapos ngayon ay may kayakap siyang ibang babae. Ano yon?

Habang isinasalansan ko ang mga groceries ay naririnig ko pa silang nag-uusap. “Bakit ka nag-asawa ng iba? Ang akala ko ba ay hindi mo ako papabayaan?” tanong ng babae.

Sa totoo lang ay naiinis ako sa narinig ko, pero hindi ko na pinahalata dahil baka isipin pa ng  unggoy na may gusto ako sa kanya.

“Wala tayong magagawa, gusto ng ama ko eh.”

“At talagang sumama pa siya sa’yo rito? Hindi ba niya naisip na sinasakal ka niya?” tanong naman ng babae. Aba at ako pa ngayon ang may kasalanan? Sino ba ang nagdala sa akin dito? At ako pa? Ako pa ang nananakal sa unggoy?

Mabilis akong kumilos upang salansanin na ang lahat dahil hindi ko na ma-take ang mga naririnig ko na sadya pa yata nilang ipinaparinig sa akin. Nang tuluyan akong makatapos ay iniwan ko na sila para pumasok sa kwarto at napansin kong tumingin pa sa akin ang unggoy.

Pagpasok ko sa kwarto ay hindi naman din ako mapakali. Sino ang babaeng iyon? Mukhang bata pa siya, siguro ay nasa bente. Ano ang kaugnayan niya kay Victor? May relasyon ba sila? No, hindi dapat mangyari sa akin ang nangyari sa nanay ko.

Arranged marriage din ang kasal namin kaya hindi malayong mangyari iyon. Kung magkaganon man ay hinding hindi ko hahayaan na saktan ako ng unggoy na yon. Over my dead and sexy body.

Kinuha ko ang laptop ko na nasa laptop bag kasama ang ilang mga documents tungkol sa aming product. Ang mabuti pa ay basahin ko na lang ang mga iyon kaysa isipin ko pa ang dalawang nasa sala.

Subsob na ako sa ginagawa ko at nagtagumpay na akong mawala sa isip ko ang unggoy ng tumawag si Candy.

“Kailan ulit tayo magkikita para ma-check natin kung okay na.” Nasabi ko na kasi sa kanya na natapos ko ng basahin ang lahat at sa palagay ko ay okay na at ready to go na ang product.

“Sige, ako naman ay any time pwede,” tugon ko.

“Siya nga pala, may pang budget ka pa ba?”

“Alam mo naman na limited lang ang pera ko at ayaw ko naman ng mag-apply ng trabaho dahil gusto kong mag-focus sa business natin.”

“Eh paano yan? Basta kung kapusin ka ay sabihin mo lang sa akin.”

“Ang pinakamabisang solution ay ang mai-launch na natin ang product. Hindi naman pwedeng umasa ako sayo. Isa pa, na-budget ko naman ang savings ko mula sa mga part time jobs ko before kaya alam kong kakasya pa ang pera ko.”

“O siya, ikaw ang bahala. Basta sinasabi ko lang na kung kailanganin mo ay nandito lang ako.”

“Okay, thank you. Kita na lang tayo.”

“Okay, bye.” Paalam niya bago na end ang aming call.

Bumalik ako sa ginagawa ko at nagulat na lang ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.

“Arianne,” tawag ng unggoy.

Nakaupo ako sa kama patalikod sa pintuan kaya hindi ko na napansin na bumukas iyon.

“What? Hindi ka ba marunong kumatok?” tanong ko habang sinasalansan ko na ang mga papel na nasa ibabaw ng kama at inilagay na iyon sa laptop bag para hindi ko makalimutan pagpunta ko sa meeting place namin.

Nanatili siyang nakatayo at nakatingin lang sa akin. Nailagay ko naman na lahat sa bag pati na ang laptop kaya naman tumayo na rin ako mula sa kama at inilagay ang gamit ko sa loob ng aparador.

“Si Nancy kasi.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Sino naman ‘yon?”

“Yung bata sa labas.”

“Hindi na siya bata. But what about her?”

“Can she stay here? Pansamantala lang.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Pakiulit nga ng sinabi mo, para kasing nabingi ako.”

“Please naman, Arianne. Pansamantala lang habang hindi ko pa siya naihahanap ng malilipatan.”

“Dito siya pansamantala habang hindi MO pa naihahanap ng malilipatan? At ano yon, ibibili mo siya ng bahay?”

“Hindi sa ganun.”

“At ano?”

“Hayaan mo muna siyang dumito sa atin—”

“Saan mo siya balak patulugin?” tanong ko. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

“Dito sa kwarto. Pareho naman kayong babae kaya okay lang na magtabi muna kayo sa kama.”

Nasisiraan na ba ng ulo ang unggoy na ‘to?

MysterRyght

Sino naman kaya si Nancy sa buhay ni Victor? Hello po! Sana ay magustuhan at suportahan niyo po ang story na ito nila Victor at Arianne. Huwag niyo po kalimutan na mag-iwan ng like, comment or gem votes at i-review niyo na rin po para magkaroon po ng chance na magka slot sa App. Maraming salamat po!

| 2
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gracie
Aba aba, mahirap yan. Baka mamaya eh kung ano na yan.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status