Simula na ba ng magandang pagsasama? Thank you for reading and please leave a like, comment and gem votes. I would really appreciate it if you could give Victor and Arianne's story a review and share it to your friends. See you in the next chapter!
ArianneLumipas pa ang tatlong araw at naging maayos naman ang pagsasama namin ni Victor. ‘Yun nga lang ay talagang hindi siya tumigil sa pagtawag sa akin ng babe at paghalik halik na hinayaan ko na rin dahil asawa ko naman.“Good morning, babe.” Kagaya na lang ngayong umaga. Kakagising ko lang at alam kong maaga pa kaya nagulat ako ng wala na siya sa tabi ko pag mulat ko ng aking mga mata.“Good morning,” bati kong pupungas pungas pa. Nakatayo siya malapit sa dining table at may hawak na pinggan na mukhang ilalagay na niya sa lamesa.Magpapatuloy na ako sa CR ng bigla akong matigilan at bumalik ng tingin sa kanya. Parang may kung anong nabago sa kanya na hindi ko mawari.“What?” tanong niya. Nagsalubong ang kilay ko at tinitigan ko pa siyang mabuti. Naka sando at boxers siya na napapatungan ng apron. Mukhang hindi bagay sa kanya dahil nga sa lalaki siya ngunit ang sexy niyang tingnan. Napalunok ako dahil ang aga-aga ay kung ano-ano ang naiisip ko.“Bakit ganyan kang makatingin? Don’t
Arianne“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa lalaki. Prente itong nakaupo sa sofa at nagkibit balikat lang. Bumaling ako kay Mike na prente din sa pagkakaupo katabi ang bruhang si Sonora.“Mabuti naman at dumating ka na, maupo ka,” wika ng matanda ngunit wala akong balak gawin ang sinabi niya. Mas maigi pa na sabihin na niya kung ano man ang gusto niyang sabihin.“Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko.“Nagmamadali ka na rin lang eh di sasabihin ko na,” tugon ng matanda at base na rin sa pagkakangisi ni Sonora na nakaupo sa tabi niya pati na rin ng kakaupo lang din na si Mikaela sa tabi ni Victor! Sigurado ako na hindi maganda ang sasabihin ng mga ito.“Binabawi ko na ang usapan natin.” Kumunot ang aking noo dahil hindi ko naiintindihan ang sinabi niya.“Anong usapan?” tanong ko na hindi inaalis ang tingin kay Mike.“Si Mikaela na ang asawa ni Victor simula ngayon at dito na rin sila titira.” Hindi ko maiwasan ang mapangisi.“Sigurado ako na dahil mas magkakapera kayo kapag nagsama
Arianne“Why are you telling me this, Donnie?” tanong ko kahit na parang naaalangan ako sa pwede niyang isagot dahil alam ko kung gaano ako ka pinagbabawalan ng unggoy na iwasan ang lalaking ito.“I know you’re already married to my little brother and this is inappropriate, but I can’t help it, Arianne. I like you.”Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at hindi ko rin naman malaman kung ano ang isasagot ko. I mean, alam naman niya na mag-asawa na kami ng kapatid niya kaya sana naman ay sinarili na lang niya. Ngayon ay namomroblema ako kung paano ko siya kakausapin.“Please, huwag mong masyadong isipin.” Paano ko naman gagawin iyon eh sinabi na niya at sobrang nagulat na ako.Yumuko na lang ako at hinayaan kong maglaro ang mga daliri ko. Ayaw ko ding isipin kaya sana naman ay mawala na rin sa isip ko iyon. Naku naman, ang hilig pa naman niyang lumitaw na lang bigla at awkward kung kada magkikita kami ay magkakailangan kami.“So, what happen doon sa mansyon ng mga Aragon?” tanong niya
Arianne“Ibaba mo ako, Victor, ano ba!” sigaw ko at dahil request ko ay ayun at pabagsak niya akong ibinaba sa kama.“Aray!” bulalas ko at ganon na lang ang sama ng tingin ko sa kanya ngunit ganon din siya sa akin.“Wala kang pakialam dahil ano? Dahil kay Donnie? Dahil mas gusto mo siya dahil mayaman siya at siyang lehitimong anak ng ama namin?”“Anong pinagsasasabi mo? Hindi ba at ikaw ang nagsimula nito? Hindi ba at ikaw ang unang pumayag sa gustong mangyari ni Mike Aragon?”“At sinong may sabi sayong pumayag ako?” sigaw niya.“At bakit ka pa nagpaiwan doon?” sigaw ko rin. Palakasan kami ng sigaw kung gusto niya.“I already told you na may kailangan kaming pag-usapan.”“Kahit na alam mong tungkol iyon sa kagustuhan nilang maghiwalay tayo at magsama kayo ng Mikaela na yon?”“Anong akala mo sa kasal natin? Hindi mo ba nakita or narinig kung paano kong siniguro na valid ang kasal natin?” Hindi ako nakaimik dahil totoo naman iyon. Talagang siniguro niya kay Don Damian at pinatotohanan pa
ArianneHalos magkandarapa ako sa pagtakbo ngunit dahil sa bilis ng mga lalaki ay naabutan pa rin ako. Nang makalapit ang nambastos sa akin na tinuhod ko ay isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin.“Ah!” Daing ko kasabay ang pagsapo ko ng aking pisngi at nangilid ang aking luha dahil sa sakit. Ang laki ng kamay ng lalaki kaya naman talagang grabe ang naging pagpaling ng mukha ko ng lumapat ang kamay niya.“Maarte kang malandi ka!” sigaw ng lalaki. Mukha itong gigil na gigil at talagang gustong manakit at kahit na gustuhin ko man na i-take ang sitwasyon ko lightly ay hindi ko kaya dahil kitang kita sa itsura nila na kaya nilang magawa ang kahit na ano sa akin.Umiiyak na ako habang sige ang tawanan ng tatlong lalaking kasama niya na dalawa sa mga ito ay inikuttan ako sa likod bago ako hinawakan sa magkabilang braso.“Ang kapal mo, talagang pinahawakan mo pa ako sa kasama mo!” hindi ko napigilang sabihin dahil nanggigigil din ako sa galit because of how helpless I was feeling.
AriannePagpasok ko kwarto ay nilapag ko ang maliit kong bag sa kama. Maghuhubad na sana ako ng damit para magpalit ng pantulog ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Victor. Lumapit siya sa akin at hindi na ako nakaiwas dahil kakapiranggot lang naman ang kwarto namin kaya nonsense na gawin ko pa iyon.May maliit na cut siya sa gilid ng kanyang bibig pati na sa gilid ng kanyang ilong. Mukhang napuruhan din siya ni Donnie. Magsasalita sana ako ngunit hindi ko nagawa dahil bigla niya akong hinawakan sa baba at tsaka ipinaling ang mukha sa kanan ko. Tinapik ko ang kanyang kamay at binitawan naman niya ako.“Tulog ka na kanina, bakit ka lumabas?” Alam niyang nakatulog na ako? Did he come back? Naipilig ko ang ulo ko. Eh ano kung bumalik siya, for sure dahil lang iyon para galitin na naman ako.“Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom.”“At saan ka naman bibili ng kakainin mo ng ganitong oras?”“Doon sa kinainan natin.”“Naisipan mong mag-isang pumunta doon?”“Ano naman ang masama
Arianne“D’yan mo ako papasakayin?” nakasimangot kong tanong habang titig na titig kay Victor. Nakatayo siya sa tabi ng kanyang motor at nakahelmet na habang hawak ang isa pa na para yata sa akin.“Ano naman?” tanong din niya na akala mo ay hindi nag-iisip.“Look at me, nakapalda ako!” inis kong sabi.“Eh di ipitin mo ng maigi.” Naku talaga naman at nag-suggest pa.“Ayaw ko, sige na at umalis ka na, magko-commute na lang ako.” Tinalikuran ko siya at tsaka lumayo sa kanya na nakatayo pa rin sa tabi ng motor niyang pagkataas-taas.“Halika na kasi, naghihintay si Dad,” pangungulit pa niya.“Ayaw ko nga sumakay d’yan. Tsaka nakakatakot kang magmaneho lagi na lang akong sumusubsob sa likod mo.”“Pero kay Donnie sakay ka ng sakay.” Umikot ang eyeballs ko sa sinabi niya. Nabanggit na naman ang walang kamalay malay na tao. Papunta kami sa bahay ng tatay niya dahil ipinatawag daw kami. Hindi ko alam kung bakit at wala sana akong balak na magpakita doon ngunit nanggulit ang unggoy. Hindi daw pap
Arianne“Hija, okay ka lang ba?” tanong ni Miranda na nasa tabi ko lang pala. Nagpupuyos pa kasi ako sa galit dahil sa kakasabi lang ng unggoy na si Victor.“I told you to stop your act, Miranda,” galit na sabi naman ni Victor bago niya kami pinagpalit ng pwesto.“Stop it, Victor. Igalang mo ang asawa ko.” Saway naman ng matandang don.“Darling, don’t stress yourself on this. Galing sa arawan ang dalawa at nakamotor lang kaya siguro mainit din ang ulo ng anak mo,” sabi ni Mrs. Monteclaro habang papalapit sa asawa at tsaka naupo sa tabi ng don. Grabe ang understanding ng ginang kaya naman masamang tingin ang ibinato ko kay Victor na nakatingin na pala sa akin.“Oh, anak, nandito ka na pala. Halika at sumabay ka na rin sa amin sa lunch.” Masayang sabi ng ginang ng mapatingin ito sa amin na tila tumagos hanggang sa likuran namin kaya naman hindi ko maiwasang lumingon.“Arianne, you’re here?” nagtataka ngunit nakangiting bati sa akin ni Donnie na tinugon ko lang ng marahan na tango.“Where
Arianne“What?” takang tanong ni Victor ng matigilan ako. Paano ba naman, naka suit siya! Anong nakain ng unggoy na ito at biglang nagbihis ng ganito samantalang bibili lang naman kami ng damit na susuutin ko para sa company party nila.“Come on, babe, what’s wrong?”“Nag-CR lang ako, bakit ganyan na ang ayos mo?” tanong ko din. Pagkatapos kong maligo ay sumunod siya. Habang nagbibihis ako ay nasa shower na siya. Saglit lang naman akong kumilos dahil nga sa hindi naman ako mahilig maglalagay ng kung ano-ano sa mukha. Basta nag-hair blower lang ako dahil nga alam kong magmo-motor kami.Pagkatapos niyang maligo ay pumasok na siya sa walk-in closet kaya ako ang naghintay sa kanya. Nakaramdam ako ng panunubig kaya naman pumasok ako saglit sa CR at ngayon nga, pagdating ko sa living room ay siya din namang labas niya ng aming kwarto na bihis na bihis.“Hindi ba bagay?” alanganin niyang tanong.“Bagay na bagay!” mabilis kong sagot sabay tingin ko sa aking sarili. “At hindi ako bagay sa sayo
ArianneMataman akong nakatingin kay Victor. Nasa bahay na ako at agad niyang pinasukat sa akin ang gown. Ayaw ko sana pero mapilit siya kaya heto ako sa harapan niya at titig na titig din sa akin habang nakakunot ang noo.“Uy, hindi ka na nagsalita.”Biglang umangat ang tingin niya sa mukha ko at base sa pagkakagalaw ng kanyang adams apple ay sigurado akong lumunok siya.“Ang sarap mong tignan.” Salubong ang aking mga kilay ngunit natawa lang siya. “But I am not going to let you wear that.”Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang ay maganda talaga ang damit, sadya lang hindi ako sanay magsuot ng mga sexy at revealing kaya ayaw ko.“Ano na susuutin ko?”“Pwede ka bang huwag pumasok bukas para maghanap na lang muna tayo?”Napaisip akong bigla, paano kaya gagawin ng mga bruha kung wala ako?“Come on, babe. Deserve mo naman ang mag-leace dahil tatlong product niyo puro ikaw ang may gawa.”“Wala naman akong sinabi na hindi ko deserve at hindi rin naman ako pinipigilan
Arianne“Bakit kayo pa? Tayo na lang..” sabi ni Victor.“Sige na, kami na lang nila Candy ang kukuha. Paalis na rin kami. Sabihan mo na lang si Anzenith na kukunin ngayon.”Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang hindi talaga papayag ah.“Kapag hindi ako pumayag, kung ano-ano ang iisipin mo. Kapag pumayag naman ako, baka kung kung saan naman kayo magpunta ng mga kaibigan mo.”“At saan naman kami sa tingin mo pupunta?” tanong ko.“Hindi ko alam, sinasabi ko lang. Busy kayo sa trabaho tapos bigla niyong naisipang lumabas.”“Sigurado ka na baka kung saan lang kami pumunta ang iniisip mo at wala ng iba?”“Ano pa ba naman babe ang iisipin ko?”“Wala lang, naniniguro lang,” tugon ko. “Oh, kami na lang ang kukuha ha. Basta i-inform mo na lang ang kissing buddy mo na kukunin ngayon.”“Babe naman eh!” parang inis niyang reklamo.“Joke lang, babe.”“Ayaw ko ng inaasar mo ako ng ganon. Nakaraan na ‘yon at ayaw kong pag-awayan pa natin ang isang bagay na wala namang halaga.”“Okay babe.” B
Arianne“Ano babe, pupuntahan pa ba natin?” tanong ni Victor over the phone. Apat na araw ang nakalipas ng sukatan ako ni Anzenith at tinawagan daw siya ng babae para sabihing okay na ang damit. Nasa office ako ngayon at busy sa trabaho. Hindi ko alam kung makakaalis ba ako.“Sabihin ko muna kila Candy.”“Kung hindi ka available today ay bukas na lang, bago ka pumasok kung gusto mo.”“Tawagan na lang kita mamaya, babe.”“O sige, I love you.”“I love you too,” tugon ko bago namin in-end ang call.“Ano yon?” usisa ni Candy matapos kong ilapag ang aking cellphone sa ibabaw ng working table namin. Napansin ko rin na napatingin na sa akin si Michelle kaya kinwento ko sa kanila ang nangyari noong nagpunta kami ni Victor sa shop ni Anzenith. “Aba eh dapat huwag mong hayaang pumunta doon ang asawa mo kung ganon!” mabilis na sabi ni Candy.“Grabe naman ang reaksyon!” natatawa kong sabi.“Hay naku, Arianne. Hindi pwede ang ganyan. Ang gwapo kaya ni Victor ano, at alam mo yan. Noong college day
Victor“Siya ang aking anak na si Victor na nais kong ipalit kay Donnie na mapakasal sa iyong anak kapalit ng pagtulong ko sa inyong kumpanya, Mr. Aragon.” Nagulat ako sa sinabi ni Dad ngunit hindi ko ipinahalata iyon.Tama ba ang narinig ko? Nag-offer siyang tumulong sa kumpanya ng mga Aragon. Ayaw ko! Mahirap kasama ang Mike Aragon na ito. Sigurado akong papanayin niya ang paghingi ng pera kay Dad.Did my father go to this extent para lang mangyari ang kagustuhan ko pero nanatiling bigo?“Mr. Monteclaro, ang gusto sana namin ay ang inyong anak na si Donnie ang mapakasal sa aking anak.”“Anak ko rin naman si Victor,” sagot ni Dad. Walang kangiti-ngiti ang kanyang mukha at sigurado akong umiinit na ang kanyang ulo.“Ngunit alam naman ng lahat na anak mo siya sa labas. Hindi ba pwedeng si Donnie na lang? I want the best for my daughter.”Ang kapal talaga ng mukha ng Mike Aragon na ito. Humanda ka lang talaga sa akin at makakabawi rin ako sayo sa pang-aalipusta niyo kay Arianne. Sa isip
Victor“Ano bang kalokohan mo, Victor?” tanong ni Dad. As usual ay nasa study room niya kami. Simula kasi ng maaksidente ito ay doon na siya gumagawa ng kanyang trabaho. Hindi na siya bumibisita sa kanyang opisina at sa tuwina ay ang kanyang assistant ang siyang laging nagpupunta dito para magreport.“Gusto ko nga kasi siyang maging asawa!” tugon ko. Ayaw ko talagang humingi sa kanya ng tulong hangga’t maaari. Pero this time is different. Nakagraduate na si Arianne at natatakot akong baka kapag hindi ako umakto agad ay makuha pa siya ng iba.“At paano kang nakakasiguro na siya nga ipapakasal sayo ng Mike Aragon na ‘yon?” tanong niya ulit.“Eh di kung hindi eh di hindi ko sisiputin!”“Victor! Naloloko ka na ba?” galit niyang tanong.“Tutulungan mo ba ako o hindi?” tanong ko rin. Bumuntong hininga siya at hinilot pa ang kanyang sintido bago tumango. Hindi ko naiwasan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko dahil alam ko naman na hindi niya ako matitiis.“Sige, sige na. Umalis ka na sa harap
*** Flashback College Days ***Victor“Langya naman, ‘tol. Hanap ako ng hanap sa’yo kagabi eh iniwan mo na pala ako. Sino na namang chicks ang nadale mo?” tanong ni Erik. Nasa ilalim kami ng puno ng mangga, malapit lang sa sidewalk ng malaking kalsadang daanan ng mga papasok sa university.Last year namin sa college, pero kagaya ng mga ibang taon ay pakiramdam pa rin ng schoool personnel ay ako ang pinuno ng mga pasaway.“Umuwi lang ako at natulog, wala akong nadale.”“Ulol mo! Hindi ako naniniwala sayo ‘tol. Ikaw pa?”“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta umuwi lang ako para matulog.”Iyon naman ang totoo. Kagabi kasi ay nasa birthday party kami sa townhouse ng feeling queen bee ng university. Ayaw ko namang pumunta dahil wala ako sa mood pero pinilit ako ng kolokoy na ito. Kaya ng makakuha ako ng pagkakataon para makaiskapo ay iniwan ko na siya pati na ang iba pa naming kaibigan na enjoy na enjoy sa pambababae.“Sigurado akong may nadale ka kagabi..” patuloy siya sa pagdaldal at
AriannePagkatapos ng lunch ay may pinuntahan kaming jewelry store. Nagulat ako sa mga binili namin dahil hindi naman ako sanay ng ganon. Ni minsan ay hindi pa nasayaran ng mamahaling alahas ang balat ko. “Kakailanganin mo yan sa tuwing sasama ka sa akin sa mga gatherings ng company.”Nagtaka ako dahil ang alam ko ay empleyado lang siya. Although siya nga ang nagde-develop ng mga apps at kung ano-ano pa ay empleyado pa rin. So bakit may pa-gatherings pa siyang nalalaman? Kailangan ba um-attend din siya doon?Wala na rin akong nagawa at siniguro naman niya na pera niya ang ginamit at lalong hindi installment ang mga alahas. Sa totoo lang kasi ay ayaw ko ng utang lalo na kung sa mga ganitong klaseng bagay lang. Kaya ko namang mabuhay ng wala ang mga alahas na yon.At ngayon nga, gabi na at nasa living room kami. Inaantok na ako kaya naman nagpaalam na akong matutulog. “Babe, sige na…” Tumayo na ako mula sa couch at sinabihan ko na mag-isa siyang matulog dito sa sala. Ngunit pinigilan n
Arianne“Huwag yung masyadong revealing ha, ayaw kong may ibang makakakita ng alindog ng babe ko kung hindi ako.”Natawa ang designer na si Anzenith sa sinabi ni Victor, ako naman ay nag eye roll sa kanya. Napaka OA talaga kahit kailan.“Sayang naman ang curves ng asawa mo kung hindi niya ifo-flaunt!”“She can flaunt it pero sa harap ko lang.”“Kasama ka naman niya.”“Pwede ba, nandito lang ako kaya huwag niyo akong pag-usapan na parang wala?” singit ko sa kanilang pag-uusap.“Pasensya ka na. Hindi ko naman kasi akalain na magkakaroon ng magtityaga dito sa lalaking ito.” Natatawang sabi ni Anzenith.Magkaibigan daw ang dalawa simula high school pa. Magkaiba ang hilig kaya ng mag-college ay naghiwalay ng schoool na pinasukan. Pero hindi natigil ang kanilang komunikasyon at may mga pagkakataon na lumalabas sila kasama ang iba pang mga kaibigan nila.Maganda si Anzenith. Mukhang mayaman at sopistikada. Sa paraan nila ng pagbibiruan ay nakakaramdam ako ng selos, pero syempre tinatanggal ko