Huminga ng malalim si Yusof at umurong ng ilang hakbang pabalik. Takpan niya ang kanyang sugat at ang kanyang mukha ay tila mapanuksong mukha. Ang galit ay bumaha sa kanyang dibdib."Putragis!" Sumumpa siya habang nakatayo nang matatag. "Hayop ka, papatayin ko kayong dalawa!"Kinuha niya ang isang bulsa-laki na pana, itinutok ito kay Daikin, at pinaputok ito.Shuuu! Lumipad ang lason-laden na arrow patungo kay Daikin.Palaging dala ni Yusof ang maliit na pana para gamitin sa mga sitwasyon ng emergency. Dahil sa sobrang galit niya sa mga agila, ginamit niya ito agad.Nagulat sina Ambrose at Heather nang makita ito. Parehong sumigaw sa parehong panahon."Mag-ingat!""Daikin! Lumayo..."Dahil nakita nila ang asul na ilaw sa tuktok ng pana. Malinaw na may lason ito.Bilang isang Golden Wing Eagle, may malakas na kutitap si Daikin para sa panganib. Nang sumigaw sina Ambrose at Heather, lumipad ito palayo upang iwasan ang arrow. Dumaan ang arrow sa ilalim ng kanyang pakpak at sumaks
"Rinirespeto ka namin dahil ikaw ang batang amo ng pamilya Crawford. Pero ngayon, palubog na ang iyong pamilya, at wala ka nang kapangyarihan! Lumabas ka na rito!"Binuksan ang pinto ng club. Ang ilang staff na suot ang kanilang pormal na damit ay nagtapon ng lasing na lalaki palabas.Thump! Nagulungan ang lalaki sa hagdan patungong kalsada. Mataas ang kanyang katawan, gwapo at suot ang mga mamahaling damit. May mga butas na sa kanyang damit dahil sa pagkatapon, at madumi siya.Si Noha Crawford ang lalaki, mula sa isa sa tatlong pamilya. Dahil isinilang siya sa pamilyang Crawford, namuhay siya ng marangya at kahit saan siya magpunta, maraming umaaligid sa kanya. Tunay na playboy ng mayaman. Hindi mali na sabihing maaari niyang gawin ang gusto niya sa lungsod.Subalit, kalahating taon na ang nakalipas, ang ulo ng pamilya Crawford, ang ama ni Noha, ay na-deklara ng isang malalang sakit at namatay. Nabigla si Noha, ang tanging anak na lalaki ng pamilya.Habang pinag-aagawan ang kapan
Ang ginintuang sinag ay kaluluwa ni Master Magaera. Noong si Magaera ay nasa kaharian ng kawalan, nakaharap siya sa isang hayop mula sa kawalan. Wala siyang ibang pagpipilian kundi wasakin ang kanyang kaluluwa, iniwan ang isang bahagi nito upang makaalis sa kaharian ng kalituhan.Subalit, ang natirang kaluluwa ni Magaera ay hindi matagumpay na nakabalik sa Rehiyon ng mga Diyos at napunta sa lugar na ito.'Ano ba itong lugar na ito?' Ang kaluluwa ay tumingin sa paligid at nadismaya dahil hindi ito ang Rehiyon ng mga Diyos.Nang makita ng kaluluwa ang patay na katawan ni Noha, isip-isip niya, 'Bagamat hindi ako matagumpay na nakabalik sa Rehiyon ng mga Diyos, masuwerte pa rin ako. Bagong patay pa lang itong lalaki. Maganda pa ang katawan nito. Sa tingin ko, magagamit ko ito.'Pagkatapos magpasiya, agad siyang lumapit at naging bola ng ginintuang sinag para pasukin ang katawan ni Noha.…Sa ibang lugar.Ang dalawang agila ay mabilis na lumilipad habang dala-dala si Ambrose at Heath
"Sila ay dalawang ibon at dalawang sugatang tao! Pero hindi niyo sila maabutan? Ano pa ang silbi ninyo sa akin?"Pagkatapos, kumaway si Yusof na puno ng inis. "Lumayas kayo dito!"Umagos ang galit sa kanya parang lava. Hindi siya galit dahil nakatakas si Ambrose. Sa isip niya, konti na lang ang oras ni Ambrose dahil nalason ito. Ang pinakadismayado para kay Yusof ay nakatakas din si Heather.Higit sa lahat, alam na ni Heather ang tunay niyang pagkakakilanlan. Kung ikakalat niya ito, hindi niya kayang isipin ang mga magiging kahinatnan."Oo, Sir!" Hindi na nagtagal ang mga kapitan at mabilis na umalis sa bulwagan dahil sa ramdam nilang galit ni Yusof.Si Christopher ay pinagkakatiwalaang kasama ni Yusof kaya hindi ito umalis."Sir!" Lumapit si Christopher at nagsalita ng maingat, "Sa puntong ito, wala nang magagawa ang mga salita. Ang mahalaga ay mag-isip tayo ng paraan para ayusin ito. Dahil umalis na si Heather sa Westrington, tiyak na isasalaysay niya ang iyong tunay na pagkaka
“Young master!” Tanong ng palapit na si Luciver, “Hindi ba’t umiinom ka sa club? Paano ka nahulog sa bangin kung ganoon? Ano ang nangyari?”Huminga naman ng malalim si Magaera, pero masyado siyang walang gana na pagusapan ang tungkol dito. Hindi siya ang tunay na Noha, kaya natural lang na hagilapin niya sa katawang ito ang nakaraan ng dating mayari nito.Pero naisip niya rin kung paano katindi ang naging pagkamatay ng lalaking ito. Hindi talaga magiging maganda kung gagamitin niya lang ang katawan ni Noha nang hindi pinapakialaman ang kahit na anong tungkol dito.Kaya sinubukan niyang pasimplehin ang lahat ng kaniyang nalalaman kay Lucifer.‘Ano?’ Nagalit dito si Lucifer. “Buwisit! Mukhang ayaw ng mabuhay ng boss sa club na ito. Ang lakas naman ng loob niyang ipatapon ka ah. At ang driver ng taxi na iyon! Ang lakas din ng loob niyang ibaba ka sa gitna ng kalsada…”“Wala nang kasing sama ang sasakyan ding iyon! Matapos ka niyang banggain at takbuhan? Grabe! Kinakailangan kong mala
“Oh!” Dito na bumalik si Lucifer sa realidad bago niya asikasuhin ang pagdischarge kay Magaera.Pagkalipas ng ilang minuto, naayos na niya ang lahat kaya bumalik na siya sa kuwarto para umalis ng ospital kasama ni Magaera. Pero nang makarating sila sa pinto, agad silang napatigil sa kanilang nakita.Click, click, click…Maraming mga tao ang nagaabang sa pinto. Maraming mga reporter ang may hawak na mga camera habang walang tigil na kumikislap ang mga flash ng kanilang mga camera. Isang malaking balita ang aksidenteng kinasangkutan ng batang tagapagmana ng pamilya Crawford.Pero mabilis na hinarang ang mga reporter ng mga tauhan ng pamilya Crawford. Nakita ni Magaera ang isang lalaking may maayos na pananamit sa mga tao na kumokontrol sa sitwasyon para mapanatili ang kaayusan sa paligid.Nagpakita ng magandang imahe ang lalakit habang nagpapakita naman ng pagkagentleman at paggalang ang salamin nitong may gintong frame. Pero hindi pa rin nito naitago ang kawalan ng tiwala sa kaniya
Nang lumaki sina Noha at Jillian, nadiskubre ng ama ni Jillian na isang walang kuwentang playboy ang napili niyang mapapangasawa ng kaniyang anak. Pinagsisihan niya ito ng husto pero para sa kaniyang dignidad, pinandigan pa rin nito ang pagpapakasal ng kaniyang anak kay Noha.Tumanggi ng husto si Jillian noon sa kaniyang ama. Nagawa pa nitong maghunger strike para mapigilan ang kaniyang kasal pero wala pa rin itong nagawa kundi sundin ang gusto ng nagpupumilit niyang ama sa huli.Kaya wala talagang nararamdaman sina Jillian at Noha para sa isa’t isa. Higit isang taon na silang kasal pero hindi pa nila nagagawang sulitin ang kanilang pagsasama.Mahilig uminom at magliwaliw si Noha kaya madalang lang itong umuwi. Palagi itong nangangamoy alak sa tuwing umuuwi ito para maligo at matulog sa guest room.Kinamuhian siya ng husto si Jillian kaya hindi nito pinapayagan si Noha sa kanilang kuwarto. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin nagalit si Noha. At sa halip ay mas tumindi pa ang pambaba
Nang makapasok si Magaera sa guest room, umupo siya sahig bago niya suriin ang bago niyang katawan.Napailing na lang siya pagkatapos nito.Ayon sa kaniyang pagsusuri, pinagpala ang katawan ni Noha pero malapit na itong madrain nang dahil sa walang tigil nitong mga bisyo. Tuluyan na itong magiging walang silbi kung hindi lang sa aksidenteng iyon.‘Bahala na, subukan na natin ito ngayon.’ Isip ni Magaera.Nang makapagdesisyon, ipinikit niya ang kaniyang mga mata habang sinisimulan ang pagsasanay sa Sacred Heart Skill. Ang Sacred Heart Skill ay isa sa mga pinakatatagong technique ni Master Magaera. Kinokonekta nito ang mga bone marrow at dinedetoxify nito ang kaniyang mga muscle at buti na siyang mga basic sa pagkakaroon ng diwatang kaluluwa.Kahit na malayo sa kaniyang kinakailangan ang katawan ni Noha, wala ng magagawa pa si Magaera kaya naisip niy ana subukang magpalakas at linisin ang katawang ito.Hindi nagtagal, nakapasok na rin siya sa sandali kung saan paunti unting lumakas