"Sila ay dalawang ibon at dalawang sugatang tao! Pero hindi niyo sila maabutan? Ano pa ang silbi ninyo sa akin?"Pagkatapos, kumaway si Yusof na puno ng inis. "Lumayas kayo dito!"Umagos ang galit sa kanya parang lava. Hindi siya galit dahil nakatakas si Ambrose. Sa isip niya, konti na lang ang oras ni Ambrose dahil nalason ito. Ang pinakadismayado para kay Yusof ay nakatakas din si Heather.Higit sa lahat, alam na ni Heather ang tunay niyang pagkakakilanlan. Kung ikakalat niya ito, hindi niya kayang isipin ang mga magiging kahinatnan."Oo, Sir!" Hindi na nagtagal ang mga kapitan at mabilis na umalis sa bulwagan dahil sa ramdam nilang galit ni Yusof.Si Christopher ay pinagkakatiwalaang kasama ni Yusof kaya hindi ito umalis."Sir!" Lumapit si Christopher at nagsalita ng maingat, "Sa puntong ito, wala nang magagawa ang mga salita. Ang mahalaga ay mag-isip tayo ng paraan para ayusin ito. Dahil umalis na si Heather sa Westrington, tiyak na isasalaysay niya ang iyong tunay na pagkaka
“Young master!” Tanong ng palapit na si Luciver, “Hindi ba’t umiinom ka sa club? Paano ka nahulog sa bangin kung ganoon? Ano ang nangyari?”Huminga naman ng malalim si Magaera, pero masyado siyang walang gana na pagusapan ang tungkol dito. Hindi siya ang tunay na Noha, kaya natural lang na hagilapin niya sa katawang ito ang nakaraan ng dating mayari nito.Pero naisip niya rin kung paano katindi ang naging pagkamatay ng lalaking ito. Hindi talaga magiging maganda kung gagamitin niya lang ang katawan ni Noha nang hindi pinapakialaman ang kahit na anong tungkol dito.Kaya sinubukan niyang pasimplehin ang lahat ng kaniyang nalalaman kay Lucifer.‘Ano?’ Nagalit dito si Lucifer. “Buwisit! Mukhang ayaw ng mabuhay ng boss sa club na ito. Ang lakas naman ng loob niyang ipatapon ka ah. At ang driver ng taxi na iyon! Ang lakas din ng loob niyang ibaba ka sa gitna ng kalsada…”“Wala nang kasing sama ang sasakyan ding iyon! Matapos ka niyang banggain at takbuhan? Grabe! Kinakailangan kong mala
“Oh!” Dito na bumalik si Lucifer sa realidad bago niya asikasuhin ang pagdischarge kay Magaera.Pagkalipas ng ilang minuto, naayos na niya ang lahat kaya bumalik na siya sa kuwarto para umalis ng ospital kasama ni Magaera. Pero nang makarating sila sa pinto, agad silang napatigil sa kanilang nakita.Click, click, click…Maraming mga tao ang nagaabang sa pinto. Maraming mga reporter ang may hawak na mga camera habang walang tigil na kumikislap ang mga flash ng kanilang mga camera. Isang malaking balita ang aksidenteng kinasangkutan ng batang tagapagmana ng pamilya Crawford.Pero mabilis na hinarang ang mga reporter ng mga tauhan ng pamilya Crawford. Nakita ni Magaera ang isang lalaking may maayos na pananamit sa mga tao na kumokontrol sa sitwasyon para mapanatili ang kaayusan sa paligid.Nagpakita ng magandang imahe ang lalakit habang nagpapakita naman ng pagkagentleman at paggalang ang salamin nitong may gintong frame. Pero hindi pa rin nito naitago ang kawalan ng tiwala sa kaniya
Nang lumaki sina Noha at Jillian, nadiskubre ng ama ni Jillian na isang walang kuwentang playboy ang napili niyang mapapangasawa ng kaniyang anak. Pinagsisihan niya ito ng husto pero para sa kaniyang dignidad, pinandigan pa rin nito ang pagpapakasal ng kaniyang anak kay Noha.Tumanggi ng husto si Jillian noon sa kaniyang ama. Nagawa pa nitong maghunger strike para mapigilan ang kaniyang kasal pero wala pa rin itong nagawa kundi sundin ang gusto ng nagpupumilit niyang ama sa huli.Kaya wala talagang nararamdaman sina Jillian at Noha para sa isa’t isa. Higit isang taon na silang kasal pero hindi pa nila nagagawang sulitin ang kanilang pagsasama.Mahilig uminom at magliwaliw si Noha kaya madalang lang itong umuwi. Palagi itong nangangamoy alak sa tuwing umuuwi ito para maligo at matulog sa guest room.Kinamuhian siya ng husto si Jillian kaya hindi nito pinapayagan si Noha sa kanilang kuwarto. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin nagalit si Noha. At sa halip ay mas tumindi pa ang pambaba
Nang makapasok si Magaera sa guest room, umupo siya sahig bago niya suriin ang bago niyang katawan.Napailing na lang siya pagkatapos nito.Ayon sa kaniyang pagsusuri, pinagpala ang katawan ni Noha pero malapit na itong madrain nang dahil sa walang tigil nitong mga bisyo. Tuluyan na itong magiging walang silbi kung hindi lang sa aksidenteng iyon.‘Bahala na, subukan na natin ito ngayon.’ Isip ni Magaera.Nang makapagdesisyon, ipinikit niya ang kaniyang mga mata habang sinisimulan ang pagsasanay sa Sacred Heart Skill. Ang Sacred Heart Skill ay isa sa mga pinakatatagong technique ni Master Magaera. Kinokonekta nito ang mga bone marrow at dinedetoxify nito ang kaniyang mga muscle at buti na siyang mga basic sa pagkakaroon ng diwatang kaluluwa.Kahit na malayo sa kaniyang kinakailangan ang katawan ni Noha, wala ng magagawa pa si Magaera kaya naisip niy ana subukang magpalakas at linisin ang katawang ito.Hindi nagtagal, nakapasok na rin siya sa sandali kung saan paunti unting lumakas
Natuwa ng husto si Ambrose nang malaman niya na sasama si Divine Farmer sa kanila.Pagkatapos ng isang sandali, nagimpake na si Divine Farmer bago ito umalis kasama sina Ambrose at Heather papunta sa Donghai City.…Sa Donghai City.Natatagpuang nakaupo sa sala sa ikalawang palapag ng isang villa sa tabing dagat si Chester. Kasalukuyan nitong ineenjoy ang kaniyang tsaa habang nagpapakita ng bagsak na mukha. Hindi kalayuan mula roon, makikita namang nagaakyat baba ang hindi mapakaling si Dax sa balkonahe.Nitong mga nakaraang araw, nagawang magpadala ng Elysium Gate, Eternal Life Palace Sect at Flower Mountain ng mga disipulo para hanapin si Yusof pero hindi pa rin sila makakuha ng kahit na anong impormasyon tungkol dito habang nawawala naman ang mga disipulo na kanilang inuutusan na hanapin ito. Napagtanto ni Chester na parte ang lahat ng ito ng plano ni Yusof.‘Masyadong tagong tago ang hayop na iyon. Sumasakit ang ulo ko sa sandaling iniisip ko ito.’ Isip niya.“Tito Chester,
Napagisip isip na ni Yusof ang lahat bago ito magpatuloy sa pagsasalita. “Hindi sapat ang kapaligiran ng bulubunduking ito para mapabagsak sila ng tuluyan. Dapat nating isaisip na hindi pangkaraniwang tao sina Chester at Dax.”Nang sabihin niya iyon, tumuro si Yusof sa sand plate bago niya ito simulang pagaralan ng maigi.…Nakarating na rin sina Chester at Dax sa Westrington kasama ang nasa limampunglibong mga elite na disipulo pagkalipas ng ilang oras. Kapansin pansin ang pagsapit ng dilim noong mga sandaling iyon.“Kuya Chester!”Nakita ni Dax na pagod ang lahat kaya agad siyang tumuro sa isang bundok sa harapan. “Sigurado akong pagod na kayong lahat pagkatapos niyong maglakbay ng ganito katagal. Magpahinga na muna tayo roon.”“Sige!”Tango ni Chester habang hindi nito nakakalimutang sabihin na, “Sinabi ni Ambrose na inatake sila ng mga tauhan ni Yusof habang papatakas sila sa Westrington. Sigurado ako na alam na ng kalaban na naririto tayo kaya magiingat kayo sa inyong palig
Buwisit!Namula ang mga mat ani Dax nang masaksihan niya iyon, dito na siya sumigaw ng, “Ito lang ba ang kaya mong gawing hayop ka?”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, sumabog ang enerhiya ni Dax sa paligid.At pagkatapos, agad na binunot ni Dax ang Sky Breaking Axe. Sumugod siya papunta sa ere na humati sa dalawang bato sa kaniyang harapan habang papunta siya kay Yusof.Nabalot ng matinding tensyon si Dax habang nagliliwanag ang Sky Breaking Axe sa kaniyang kamay.Whew…Nanginig naman ang mga taong nakatayo sa magkabilang gilid ng bulubundukin nang maramdaman nila ang malakas na aura ni Dax, dito na nabalot ng takot ang kanilang mga mata.Si Dax ang isa sa pinakamalakas na tao sa mundo ng mga cultivator. At masyado ring nakakatakot ang gamit nitong Sky Breaking Axe.Pero nabalot ng panloloko ang mukha ni Yusof noong mga sandaling iyon. Hindi rin nito nagawang gumalaw nang makita niyang papalapit sa kaniya ang sumasabog na si Dax.“Oras para magpasikat, mga kaibiga