"Mga binibini!"Nang maramdaman ang sama ng loob ng mga Goddess, huminga ng malalim si Darryl bago kalmadong nagpaliwanag na, "Merong maraming, maraming mga pormasyon na nakatago sa paligid ng barrier. Pwedeng gumana ang pormasyon sa isang maling galaw."Sa katotohanan, tama ang pagsusuri ni Apollo. Batay sa kung paano iniayos ang pormasyon, timog-kanluran at hilagang-kanluran ang mga mahihinang punto nito. Ngunit hindi niya alam na sinadya ni Empress Heidi na gawing ganoon ang barrier.Tiningnan ni Darryl nang maigi ang barrier at nakita na mayroong Skyfire Formation sa timog-kanluran at hilagang-kanluran ng barrier, pati na rin ang Nine Heavens Mysterious Thunder Formation...Sa ilalim ng mga ganitong sitwasyon, hindi maiisip ang mga kahihinatnan ng pag-atake ng mga Goddess.Sa katotohanan, mahuhusay ang mga Goddess, kulang lamang sa karanasan, dahil sa paggugol ng halos kanilang buong buhay sa pagpapalakas.Mga pormasyon?Nagbago ang mga ekspresyon nina Apollo at Selene sa mg
Hindi naiwasang magpanic nina Apollo at Selene sa nakita.Whew!Huminga ng malalim si Darryl. Wala siyang sinayang na oras, nagmamadali upang ilabas ang enerhiya ng Red Lotus Fayette habang itinaas niya ang kaniyang mga kamay para bumuo ng isang red lotus flame na kaagad na sumipsip ng mga apoy sa kanilang paligid.Sa kabila ng lakas ng mga apoy ng Skyfire, hindi nasaktan si Darryl ng kahit kaunti. Kung tutuusin, sapat na malakas ang Red Lotus flame upang masipsip ang lahat ng mga apoy. Ngunit pagkatapos mawala ng mga apoy, isang malakas na puwersa ang muling dumating. Nagsimulang sumikip ang hangin sa itaas ng kanilang mga ulo habang lumitaw ang isang kidlat sa hangin at sumabog sa direksyon nilang tatlo.Naku, ang Nine Heavens Mysterious Thunder Formation ito.Nagbago ang ekspresyon ni Darryl sa nakita. Hindi na siya nagdalawang-isip pa noon, inalis ang Red Lotus flames at bumuo ng isang protective shield sa kaniyang paligid.Nagbago rin ang mga ekspresyon nina Apollo at Sele
Ha ha... Mayabang na napangisi si Darryl sa katahimikan ni Empress Heidi.Sa wakas, bumalik sa kaniyang katinuan si Empress Heidi habang seryosong sinabi niyang, "Hindi ko na sasayangin ang oras ko. Tapos ka na ngayon."Habang nagsasalita siya, tumingin muli si Empress Heidi sa mga Goddess. "Apollo, Selene. Palagi kong tinatrato kayong dalawa ng maayos. Ayos lang na hindi nyo ko pinapasalamatan para dun, pero ngayon umalis kayo at nakipag-alyansa kay Darryl.""Bibigyan ko kayo ng huling pagkakataon para sumuko sakin at gawin ang sinasabi ko, o magiging huli na ang lahat."Mahina ang kaniyang boses, ngunit seryoso at malakas ang kaniyang awra."Tama na yan!"Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, kaagad na seryosong sinabi ni Selene na, "Pwede mo na itigil ang pagpapanggap mo, hinding-hindi ka namin susuportahan ni Apollo. Hindi ka nararapat na mamuno sa Godly Region ng kahit kaunti."Hindi rin napigilan ni Apollo na magsalita. "Tama. Walang awa at tuso ka, umabot
Whew!Huminga ng malalim si Empress Heidi sa mga sinabi nito, at hindi napigilan ang kaniyang galilt.Buwisit, hahayaan na lang ba niyang makatakas silang tatlo ng ganun-ganun lamang?Makalipas ang ilang segundo, kumalma si Empress Heidi bago seryosong sinabing, "Tewa, mag-iwan ka ng ilang tauhan para magbantay. At pwedeng sumama sakin pabalik ang mga matitira!" Kahit na ayaw niyang gawin ito, wala siyang ibang pagpipilian sa puntong ito.Kung tutuusin, tama si General Tewa. Isang mapanganib na lugar ang lugar ng buhawi sa hilaga ng barrier, at magreresulta lamang sa mas maraming sakuna ang pagpapadala ng mga hukbo."Masusunod, Empress!"Makalipas ang ilang minuto, ilang daang sundalo ang nanatili upang magbantay, at pinamunuan ni General Tewa ang iba pabalik sa Godly Region kasama si Empress Heidi.Sa kabilang dulo, sa Westrington.Matapos mabuo ang Martial Alliance at magkaroon ng kontrol sa humigit-kumulang labinlimang sekta, halos alam na ni Yusof ang wandering world ng Wes
Ginawa ni Elder Ubaid ang kaniyang makakaya upang kumalma sa harap ng sitwasyon, at nakatitig sa pigurang nakasuot ng itim. "Kayo ba... mga tauhan ba kayo ni Yusof?"Hindi siya hangal.Isa-isang nawala ang mga estudyante na naghahanap kay Yusof, at tinambangan siya mismo ngayon. Malinaw na ipinadala ni Yusof ang mga pigura na nakasuot ng itim.Ho ho!Hindi sumagot ang pinuno ng mga itim na pigura, at nangutya sa halip habang kumaway siya ng kamay. "Patayin sya!"Sumabog sa panloob na enerhiya ang mga nakapaligid na pigura sa utos, at sumugod patungo kay Elder Ubaid.Whew!Huminga ng malalim si Elder Ubaid sa nakita sa kaniyang harapan. Hindi siya nagdalawang-isip, at hinugot ang kaniyang mahabang espada at inilalabas ang kaniyang panloob na enerhiya upang salubungin sila.Sa isang kisap-mata, isang matinding labanan ang lumunsad sa pagitan ng magkabilang panig. Si Elder Ubaid na dumadaan sa hangin nang maliksi at matulin ang tanging makikita lamang, at hindi natatalo sa mga uma
Dati, nahuli ni Yusof ang mga Sect Master ng bawat sekta at ginulat ang Nine Mainland. Pagkatapos noon, nawala siya, at tinutugis siya ng lahat ng mga sekta sa mundo.Sa oras na iyon, mag-isang nagpapalakas si Ambrose, at hindi siya naabala. Kung tutuusin, umuwi na ang kaniyang ama na si Darryl. Kahit gaano man kalaki ang problema, magiging napakadali lamang ito kay Darryl. Sa huli, umalis si Darryl para sa Godly Region ilang araw pagkatapos bumalik.Kaagad pagkatapos noon, maraming mga disipulo ng Elysium Gate ang nawala habang hinahanap si Yusof. Napataas ang kilay ni Ambrose dahil doon, at bilang Sect Master ng Elysium Gate, nagdesisyon siyang kumilos.Naghanap sina Ambrose at Heather kasabay ng kanilang paglalakbay patungong Westrington City at nakasalubong si Elder Ubaid, na napapalibutan.Sa isang kisap-mata, dalawang Golden Wing Eagle ang mabilis na nagdala kina Ambrose at Heather sa lupa, na nagdulot ng isang malakas na hangin sa kagubatan.Kaagad noon, umatras ang dose-
Dahil sa kakayahan ni Heather sa medisina, alam niyang nalason si Elder Ubaid. Dahil kung hindi, batay sa kaniyang kakayahan, hindi siya mapapalibutan ng mga tao.'Buwisit, nalantad na ang pagkakakilanlan ko ngayon.'Sa sandaling iyon, nagbago ang mukha ng pinuno nang ilantad ni Elder Ubaid kung kanino siya nagtratrabaho. Kinabahan siya, at sa kaniyang kaloob-looban, pinagsisisihan niya ang kaniyang mga ginawa.'Kung nalaman ko lang sana kanina, hindi ko sasabihin kay Elder Ubaid ang katotohanan nang ganun kabilis.' Naging malungkot ang mukha ni Ambrose, at tumingin ng masama sa mga lalaking nakaitim. Seryosong sinabi niyang, "Nasan si Yusof? Maging tapat kayo sakin, at baka pagbigyan ko pa kayong mabuhay."Nagkatinginan ang mga lalaking nakaitim sa isa’t-isa. Kahit kinakabahan sila, hindi sila natakot kay Ambrose.Kung tutuusin, mga martir iyon na tinuruan ni Christopher. Mananatili silang tapat kahit na nasa bingit pa sila ng kamatayan."Heh!" Sa wakas, bumalik sa kaniyang ka
Habang sumabog ang mga Golden Wing Eagle, kinaway nila ang kanilang mga kuko habang nagngangalit ang kidlat, at nabalot ang mga lalaking nakaitim na sumusugod patungo kay Heather.'Ano.''Kaya rin ng mga agila na gumawa ng mga lightning attack?'Sa sandaling iyon, hindi nakapag-react sa oras ang ilang lalaking nakaitim at nabalot ng kidlat, at napasigaw sila sa sakit.Agad na napaungal sina Daikin at Yakin habang inihampas nila ang kanilang mga kuko. Duguan at nagkagutay-gutay ang ilan sa mga lalaking nakaitim na tinamaan ng kidlat, at kaagad silang namatay sa lugar. Gasp!Nagulat ang lahat pati ang pinuno ng mga lalaking nakaitim o ang mga nakapaligid kay Ambrose, at palihim silang napasinghap.'Napakalakas ng dalawang Golden Wing Eagle na to. Pano kaya namin to matatalo?'Lalo na ang pinuno. Pawis na pawis siya, at nakaramdam ng pagkadesperado.Gusto niyang sabihan ang kaniyang mga tauhan na gawing bihag si Heather upang pagbantaan si Ambrose na sumuko sa kanila. Laking gul