Nagising na rin ang munting demonyo na ito.Sa gitna ng kaniyang pagkasurpresa, tinitigan ng husto si Lu Dongbin si Romeo habang dahan dahan nitong sinasabi na, “Isa ka ngang talentadong bata matapos mong makontrol ang demonyo mong puso. Pero muntik ng magresulta sa samaan ng loob ng Holy Saint Sect at Elixir Sect ang mga ginawa mo.”“Mula sa araw na ito, hindi ka na maaaring umalis sa bundok hanggang sa susunod na taon para magfocus sa iyong pagpapalakas at pagaaral. Naiintindihan mo?”Naging mahinhin ang kaniyang boses pero hindi pa rin ito makukwestiyon ng kahit na sino.Inakala ni Lu Dongbin na napigilan ni Romeo ang demonyo nitong puso pero lingid sa kaniyang kaalaman na tinatanglay ng munting katawan ni Romeo ang espirito ni Archfiend.“Opo, Master!”Alam ni Romeo na hindi maganda ang kaniyang mga nagawa kaya agad niyang iniyuko ang kaniyang ulo para tumatangong sumagot kay Lu Dongbin.Pagkatapos ng ilang minuto, umalis na si Lu Dongbin habang dinadala ni Circe si Romeo sa
Hindi na naitago pa ni Empress Heidi ang kaniyang galit at kahihiyan nang naalala niya ang nangyari kagabi!Kahit na hindi pa niya kilala kung sino ang nagkunwari bilang Magaera, masyado pa ring nakakagalit para kay Empress Heidi ang paginom at pakikipagtawanan kagabi kasama ng taong ito.“Masusunod po, Kamahalan…”Tumulo ang pawis sa noo ni Heneral Teka nang maramdaman niya ang galit ng Empress kaya agad siyang sumagot at dali daling umalis para ibaba ang mga utos ni Empress Heidi.Pagkatapos ng kalahating oras, naselyuhan na ang lahat ng mga teleportation array sa buong Godly Region.Sa kabilang banda, sa Westrington.Sa tahanan ng punong ministro.Naging maganda ang panahon, makikitang nagliwanag ng maaliwalas noong mga sandaling iyon ang kalangitan at ang araw.Pero nanatiling tahimik ang tahanan ng punong ministro. Naging alerto ang lahat sa kaniyang tahanan ngayong hindi maganda ang mood ng kanilang punong ministro.Umupo si Yusof sa main hall habang nagpapakita ng hindi
“Ang tinutukoy ko po ay ang maliliit na mga sekta sa Westrington. Sa pamamagitan ng iyong lakas at estado, Sir, magagawa niyo pong pagkaisahin silang lahat. Siguradong hindi po tatanggi ang mga ito sa inyo.”Dito na malademonyong kumislap ang paningin ni Christopher. “Sapilitan natin silang pasusunurin sa sandaling mapagsama sama natin ang kanikanilang mga master.”“Hindi po kalakasan ang mga sektang ito pero isa pa rin itong puwersa na hindi maaaring maliitin ng kahit na sino sa sandaling magsama sama silang lahat. Mayroon din silang mga mata sa paligid kaya hindi na po tayo mahihirapan sa pagkakaroon natin ng mga bantay sa paligid.”“Wala na po tayong ibang dapat gawin kundi pabanguhin at sanayin ang ating mga ito. Hindi magtatagal ay hindi na magiging banta para sa atin ang anumang sekta sa Nine Mainlands…”Nagawang ilarawan ni Christopher ang kaniyang plano bago ito maghintay ng sagot mula kay Yusof.Whoa!Mabilis na napatigil si Yusof nang marinig niya iyon. Tinitigan niya n
Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, napatingin ang ibang mga sect master kay Yusof habang ipinapakita ang hindi mabasa nilang mga mukha sa harap nito.Hindi naman sumagot sa mga ito si Yusof, ngumiti lang ito at nagpatuloy sa paginom.“Hindi pa ba halata?”Dito na umabante si Christopher sa kaniyang kinatatayuan para nanlalamig na tingnan ang lahat. “Ideya ng Punong Ministro ang lahat ng ito at isa siyang malakas na lalaking iginagalang at ikinararangal ng lath. Kaya natural lang na siya ang mamuno sa bubuohing Martial Alliance.”Habang nagsasalita, tumalim ng husto ang paningin ni Christopher habang tinitingnan niya ang mga mukha sa kaniyang harapan. “Kung ganoon? Mayroon pa ba sa inyo na gustong magsalita?”Kung ganoon…Nagpalitan ng tingin ang mga Sect Master nang marinig nila ang mga salitang iyon.Pagkatapos ng isang segundo, si Payton ang unang nagreact sa mga sinabi ng dalawa. “Pinagloloko niyo ba kami? Maaari ngang hindi kalakasan ang Roaring Waves Sect sa mun
“Sa pamamagitan lang ng pagsunod ninyo sa Punong Ministro kayo mabubuhay.”Habang nagsususpetsa si Payton, malakas na sinabi ni Christopher na, “Ano pang hinihintay ninyo? Sumuko na kayo at yumuko sa Martial Alliance! Hindi ba talaga kayo natatakot na mamatay?”Kumabog ang dibdib ng mga sect master sa mga salitang iyon.Whew! Si Payton ang naunang mahimasmasan sa kanilang lahat. “Mga kasamang sect master. Maraming mga itinatagong alas ang Punong Ministro pero hindi tayo magpapatalo sa kaniya. Sinubukan kong alamin ang kondisyon ng aking katawan at wala itong kahit na anong problema. Tinatakot lang niya tayo.”“Wala tayong dapat na ikatakot ngayong marami tayo rito. Umalis na tayo ngayundin.”Buzz!Habang naririnig ang huli niyang sinabi sa hangin, sumabog ang enerhiya sa katawan ni Payton habang binubunot niya ang mahaba niyang espada bago siya sumugod sa mga bantay sa kaniyang harapan.Nakasiguro si Payton na hindi siya nalason at tinatakot lang sila ngayon ni Yusof. Pero wal
Nagmamadaling tumayo ang mga sect master habang nagpapakita ng matinding takot ang kanilang mga mukha na malayo sa arogante nilang mga itsura kanina.“Makinig kayong lahat.”Dito na bumalik sa kaniyang kinauupuan si Yusof para humihop ng wine. “Kinakailangan niyo munang ilihim ang tungkol sa Martial Alliance sa ngayon, at magsibalik sa inyong mga sekta bilang maging Sect Master ng kanikaniya ninyong mga sekta. Magpapadala ako ng mga tauhan sa inyo sa sandaling magbaba ako ng utos.”“Ang antidote sa vase na ito ay may kakayahang alisin ang bisa ng lason sa inyong katawan ng tatlong buwan. Kaya kinakailangan ninyo akong muling makita para sa susunod ninyong antidote pagkalipas ng tatlong buwan.”Ito na ang katapusan nila!Tuluyan ng naubusan ng pagasa ang mga sect master nang marinig nila ang mga salitang iyon.Tatlong buwan lang ang itatagal ng antidote sa kanilang mga katawan. Kung ganoon, habangbuhay na ba silang makokontrol ni Yusof?Pero kahit na ganoon, hindi pa rin nagpakit
Hindi pa nakakarating sa mga bundok ng Vector si Darryl pero may ideya na siya kung saan matatagpuan ang mga ito. Pagkatapos ng isang oras ng paglipad at pagiwas sa mga bantay, nakarating na rin siya roon.Whew!Dito na lumutang ang nagbubuntong hininga na si Darryl sa hangin nang makita niya ang mga bundok ng Vector, hindi na niya naitago pa ang pagkamangha sa kaniyang sarili.Wala na siyang ibang nakita kundi ang tila walang katapusang bulubundukin na may libo libong milya ang haba.Isang mataas na bundok ang matatagpuan sa bulubundukin na napapaligiran ng mas maliliit na mga bundok.Nabalot ng mga ulap ang tuktok ng bundok na ito. Isa ring pinto ang makikita sa paanan ng bundok na ito papunta sa tuktok nito.Siguradong sa likod ng pintong ito kasalukuyang nagpapalakas ngayon si Ancient Ancestor.Hindi nakaramdam ng kahit na kaunting saya si Darryl nang madiskubre niya iyon at sa halip ay napasimangot pa siya sa kaniyang sarili. Ito ay dahil sa higanteng barrier na pumaligid s
Inakala ng dalawang mga diyosa na nahabol sila ng mga sundalo nang makita nila ang nakaarmor na si Darryl kaya hindi na sila nagdalawang isip na umatake rito.Buwisit…Napabuntong hininga na lang ang nagugulat na si Darryl sa kaniyang nakita, wala na siyang nagawa kundi itaas ang kaniyang mga kamay para salagin ang pagatake ng dalawa.Thump thump…Dito na tumama ang pagatake ng tatlo na gumawa ng isang malakas na tunog. Nanginig ang diyosa sa tindi ng puwersa na kanilang tinanggap bago sila mapaatras mula sa kanilang puwesto.Napaatras din dito si Darryl pero mabilis pa rin niyang naitayo ang kaniyang sarili.“Mga binibini!”Habang itinatayo ng diretso ang kaniyang sarili, nagmamadaling sinabi ni Darryl na, “Ako ito, si Darryl Darby.”Dito na nakilala nina Apollo at Serene ang mukha ni Darryl at agad na tumigil sa pagatake.“Darryl Darby?”“Bakit ka nandito?”Parehong nagulat ang dalawang mga diyosa habang kumikislap ang kanilang mga paningin at nagpapakita ng hindi mabasang