Hindi mapakali si Yusof sa paglapit ni Master Skry sa kaniya. “Ano ang ginagawa nito? Sinusubukan niya ba talaga ang aking lakas? Siguradong malaki na ang problema ko kung ganoon nga ang ginagawa niya.”Pangkaraniwang hindi siya natatakot sa isang katulad ni Master Skry. Pero masyado siyang maraming nainom kaya hindi niya na magamit ng maayos ang kaniyang mga technique sa paggamit ng lason. Hinding hindi siya mananalo sa sandaling magsagupaan silang dalawa.Schling!Nakarating na si Master Skry sa harapan ni Yusof habang nasa gitna pa ito ng pagiisip kung paano siya makakatakas. Dito na niya nilabas ang mahaba niyang espada bago siya malakas na sumigaw ng, “Itigil mo na ang kalokohan mo dahil dadalhin na kita sa impyerno, Yusof!”Isang nanlalamig na enerhiya ang lumabas mula sa espada papunta sa dibdib ni Yusof.“Ang lakas ng loob mo ah!”“Tigil…”Napasigaw naman sa sobrang gulat si Christoper na nahulog sa sahig at ang ibang mga bantay. Gusto nilang pigilan ang pagatake pero hi
Pero walang kaideideya si Master Skry na nililinlang lang siya ni Yusof.“Taoist Master!” Masyadong tuso si Yusof. Hindi siya agad na sumangayon sa gusto ni Master Skry at sa halip ay nagkunwari pa siyang nagugulat. “Ma…makikipaglaban po ba kayo sa kaniya? Masyado po siyang malakas. Kaya ikinatatakot ko pong…”Tataas ang suspisyon ni Master Skry sa sandaling sumangayon agad siya sa kagustuhan nito kaya napagdesisyunan niyang kontrahin ang kaniyang sarili para maalis ang anumang pagtataka sa isipan ni Master Skry.At kagaya ng inaasahan ni Yusof. Wala ng kahit nak aunting pagtatakang natira sa isipan ni Master Skry. “Huwag kang magalala dahil sugatan ito ngayon kaya naniniwala akong matatapos ko na siya ng tuluyan.”Nagkunwari namang nagdadalawang isip dito si Yusof. At pagkatapos ay tumango na rin siya habang nagngingitngit niyang sinasabi na, “Mabuti po kng ganoon. Hindi ko po kayo mapipigilan sa paghahabol niyo po ng hustisya at sa paggawa niyo po ng tama. Sa totoo lang po ay uma
“Hahaha!” Nawala na ang mapagpakumbabang itsura ni Yusof noong mga sandaling iyon at sa halip ay nagsimula na itong magpalaki. “Master Skry, hini ako makapaniwala na mahuhulog ang isang nakatatandang miyembro ng Holy Saint Sect sa isang simpleng patibong na kagaya nito. Siguradong ikahihiya ka ni Lu Dongbin sa sandaling malaman niya ito.”Dito na niya ipinalakpak ang kaniyang mga kamay bago naglabasan ang mga bantay na nagtatago sa likurang bakuran para astintahin si Master Skry gamit ang mga hawak nilang pana.Nakaramdam ng matinding tuwa si Yusof sa kaniyang sarili. ‘Ano naman kung isa siyang bihasang cultivator mula sa Holy Saint Sect? Hindi niya pa rin ako mapapantayan!’ Isip nito. Hindi siya nagalala na baka makatakas si Master Skry dahil mabilis na kakalat ang lasong ginawa niya sa mga internal organ nito.Hinding hindi na maliligtas pa ng kahit na sino si Master Skry maliban na lang kung bibigyan siya ni Yusof ng antidote na siya lang ang makakagawa.“Ikaw!” Naglagablab sa g
“Grabe, napakalunatiko talaga ng mangmang na master na ito ng Taoismo! Nagawa niya pa akong isama sa hukay.” Isip ni Yusof.“Mamatay ka ng hayop ka!” Galit na isinigaw ni Master Skry. Lumipad ito ng mabilis sa ere bago magpakita ang isang nakabubulag na liwanag mula sa kaniyang espada na bumagsak kay Yusof na parang isang bulalakaw. Masyadong naging mabilis at matindi ang pagatakeng iyon kaya hindi na nagawa pang umilag dito ni Yusof.“Ilabas mo na ang lahat ng ibubuga mo!” Nabalot ng pagkagulat at galit si Yusof nang maharap siya sa sitwasyong iyon. Dito na niya inalis ang lahat ng kaniyang inaalala bago siya sumigaw habang sinisimulang gamitin ang technique na nagmula sa Venom God Scripture para harapin ng direkta ang pagatake.Napasok sa isang matinding sagupaan ang dalawang lalaki sa loob lang ng isang iglap. Nagulat naman ang mga bantay nang makita nila iyon kaya agad silang umatras papunta sa ligtas na lugar.Sa loob ng dalawang beses na sagupaan at isang pagatake gamit ang k
Hindi lang iyon dahil makikita rin ang isang grupo ng mga salitang isinulat sa wika ng Taoismo na nakaukit dito. Mahahalata na pagmamayari ni Master Skry ang bagay na ito at nagawa nitong hindi maapektuhan ng Corpse Melting Powder nang dahil sa kakaiba nitong komposisyon.“Kakaiba ang bagay na ito ah.”Hinugasan ni Yusof ng tubig ang bagay na iyon bago niya ito tingnan ng paulit ulit sa sobrang gulat.“Nagkaroon ng limang kulay ang jade na ito. Interesante, napakainteresante.”Noong mga sandaling iyon, walang kaideideya si Yusof na ang batong ito ay isang walang katulad na kayamanan, ito ang Five Color Stone na ginamit ni Empress Nuwa para ayusin ang kalangitan. Bago pa man maitatag ni Lu Dongbin ang Holy Saint Sect, naglakbay siya sa mundo hanggang sa aksidenteng mapasakanya ang Five Color Stone. Umukit siya ng mga salita ng Taoismo sa bato bago niya ito dalhin saan man siya magpunta hanggang sa ibigay niya ang batong ito kay Master Skry bilang regalo.Kalahating araw na inobserb
Nabalot ng matinding galit si Lu Dongbin noong mga sandaling iyon. Inakala niya na babalik si Romeo sa kaniyang katinuan sa sandaling maselyuhan ng kaniyang mga estudyante ang mga acupoint ni Romeo.Hindi niya inaasahan na mas titindi ang pagwawala ng wala sa kontrol na si Romeo noong mga sandaling iyon.Dito na bumagsak ng malakas si Romeo sa sahig ng lihim na kuwarto. Pero agad pa rin siyang nakatayo habang nagpapakita ng matindi at pumapatay na itsura ang kaniyang mukha nang muli siyang sumugod palabas sa kuwarto.Naglabas ng enerhiya mula sa kaniyang Fiend na kaluluwa ang wala sa sariling si Romeo.Buzz!Bago pa man siya makalabas, itinaas na ni Lu Dongbin ang kaniyang mga kamay. Isang hindi maipaliwanag na dami ng enerhiya ang sumabog sa kaniyang harapan para bumuo ng isang protective barrier.Nagpakita ng imahe mula sa Nine Division Eight Trigrams na naglabas ng napakatinding enerhiya.Sa loob ng isang iglap, humampas ang buong katawan ni Romeo sa harang bago ito gumawa ng
Whew!Nabalot ng tuwa si Circe nang sumangayon ang kaniyang master, masaya siyang tumango habang sumasagot ng, “Naiintindihan ko po!”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, ipinikit ni Lu Dongbin ang kaniyang mga mata bago nito ipagpatuloy ang pagcchant sa kasulatan.Nang makapasok siya sa lihim na kuwarto, naramdaman ni Circe na tinititigan siya ni Romeo.Naselyuhan na noong mga sandaling iyon ang mga acupoint ni Romeo kaya hindi na ito nakagalaw pa pero isang layer ng hindi kaaya ayang aura ang lumabas sa kaniyang katawan at kumalat sa paligid. Masyadong nakakatakot ang itusura nito noong mga sandaling iyon.“Romeo.”Nakaramdam ng pagpapanic si Circe nang makita niya iyon pero agad pa rin niyang pinanghawakan ang kaniyang lakas ng loob habang mahina niyang sinasabi na, “Ako ito, ang senior mo.”“Alam kong hindi ka naintindihan ng lahat doon sa Elixir Sect. Wala kang ginawa na kahit anong mali. Isa lang itong hindi pagkakaintindihan. Wala talagang kasing sama ang Yusof
Nagising na rin ang munting demonyo na ito.Sa gitna ng kaniyang pagkasurpresa, tinitigan ng husto si Lu Dongbin si Romeo habang dahan dahan nitong sinasabi na, “Isa ka ngang talentadong bata matapos mong makontrol ang demonyo mong puso. Pero muntik ng magresulta sa samaan ng loob ng Holy Saint Sect at Elixir Sect ang mga ginawa mo.”“Mula sa araw na ito, hindi ka na maaaring umalis sa bundok hanggang sa susunod na taon para magfocus sa iyong pagpapalakas at pagaaral. Naiintindihan mo?”Naging mahinhin ang kaniyang boses pero hindi pa rin ito makukwestiyon ng kahit na sino.Inakala ni Lu Dongbin na napigilan ni Romeo ang demonyo nitong puso pero lingid sa kaniyang kaalaman na tinatanglay ng munting katawan ni Romeo ang espirito ni Archfiend.“Opo, Master!”Alam ni Romeo na hindi maganda ang kaniyang mga nagawa kaya agad niyang iniyuko ang kaniyang ulo para tumatangong sumagot kay Lu Dongbin.Pagkatapos ng ilang minuto, umalis na si Lu Dongbin habang dinadala ni Circe si Romeo sa