"Dax!"Napasigaw si Chester sa gulat sa nakita, nagmamadaling pumunta upang tingnan ang kaniyang kapatid.Ngunit hindi siya binigyan ng kahit isang pagkakataon ng Golden Ring Venomous Millipede na gawin ito, at kinakawag ang napakalaking katawan nito papunta kay Chester sa loob lamang ng ilang segundo.Sinipa ng Golden Ring Venomous Millipede ang matatalas na mga binti nito, at humiwa sa direksyon ni Chester ng napakabilis.Swish swish...Kitang-kita ni Chester ang kislap sa binti nito, at nang malaman na siguradong may tatagas na dugo rito sa kahit na kaunting pinsala lamang. Hindi na siya nagdalawang-isip pa, at kaagad na umiwas.Ngunit bago pa siya makatayo ng maayos, agad na sumunod ng hampas ng buntot ang Golden Ring Venomous Millipede.Buwisit!Halos hindi na mapigilan ni Chester ang kaniyang pagkabigla at galit. Maaring nagpalakas sa loob ng maraming siglo ang halimaw na ito upang magkaroon ng ganoong pakiramdam sa punto kung saan marunong na itong gumamit ng mahihinang
Sa sumunod na segundo, nagpapasalamat na sinabi ni Chester na, "Napakabait mo naman.""Ikinagagalak kong makatulong, Master Wilson!"Sinabi ni Mickey ang mga salita sa hindi taos-pusong tono. "Sana hindi mo masyadong isinapuso yung nangyari noon. Nakakatakot ang halimaw na to, ikinalulungkot ko pero mukang mahihirapan ang sinuman na makalabas dito maliban na lang kung magsasama-sama tayo."Tumango si Chester bilang pagresponde. "Tama ka dyan. Kukunin ko yung atensyon ng halimaw na to para bigyan ng pagkakataon si Dax na basagin yung shell nito."Hindi pa alam ni Chester noon na ayaw talagang tumulong ni Mickey ngunit nandito lamang upang makakuha ng pansariling karangalan niya.Tumango si Mickey. "Gagawin namin yung plinano mo, Master Wilson!"Swish!Hindi na nag-aksaya pa ng mga salita si Chester, lumipad sa ere patungo sa Golden Ring Venomous Millipede.Kasabay nito, mabilis na lumipad sa likuran si Dax.Mas nagkaroon ng kumpiyansa si Chester noon. Sa tulong ni Mickey, sigur
Pinag-isipan na ito ni Mickey. Gagamitin niya ang Golden Ring Venomous Millipede upang maubos ang kapangyarihan ni Dax, at humanap ng pagkakataon na patayin siya at kunin ang kaniyang Sky Breaking Axe pagkatapos.Sa sandaling mapunta ito sa kaniyang mga kamay, magiging napakadali na lamang pabasakin ng Golden Ring Venomous Millipede.Pagkatapos noon, papatayin niya susunod si Chester at ang iba pang mga elite dito.Isang underground tomb ito, at hustong nakatago ito kung saan hindi malalaman ng mga tao sa labas ang nangyayari sa loob. Kailangan lamang niyang maging matalino tungkol dito, at hindi lalabas ang mga nangyari rito ngayon araw sa wandering world.Buwisit!Halos hindi na mapigilan ni Dax ang kaniyang galit, nagmumura habang binibilisan niya.Ngunit naramdaman ng Golden Ring Venomous Millipede ang panganib na nagmumula kay Dax, at nagpakawala ito ng isa pang tili habang iwinagayway muli ang mahabang buntot nito."Umalis ka na dito, bastardo ka!"Sasabog na sana sa gali
Nanatiling seryoso ang mukha ni Mickey.'Dahil yung bata naman nag-alok sa sarili nyang mamatay, hahayaan ko na lang sya.' Ang paggamit sa venomous millipede upang patayin si Dax ang pinakamahalaga kay Mickey at kunin ang sky Breaking Axe. Wala siyang pakialam sa bata."Ang baho mong insekto!" Habang pinagmamasdan ang Golden Ring Venomous Millipede na sumusugod patungo sa kaniya na nakabuka ang bibig, lumutang si Romeo sa ere, at hindi gumalaw ng kahit kaunti. Seryosong sinabi niya na, "Gusto mo kong kainin? Sa tingin mo ba kaya mo ko?" Agad na inilabas ni Romeo ang kaniyang kapangyarihan, at kaagad na nagbago ang ihip ng hangin. Nabigla ang lahat, pati sina Chester, Dax, at ang mga elite mula sa bawat sekta, at palihim silang nagulat.'Sobrang lakas... ng bata to?'Habang natatakot ang lahat, ibinuka ni Romeo ang kaniyang bibig at nagdura ng apoy patungo sa Golden Ring Venomous Millipede. Hindi masyadong malaki ang apoy, ngunit biglang tumaas ang temperatura ng paligid.Sa
"Bumalik ka na sa impyerno!" Sa wakas, nakahanap ng pagkakataon si Dax. Nagpakawala ng ginintuang liwanag ang Sky Breaking Axe, at walang awang pinaghahampas ang likod ng Golden Ring Venomous Millipede. Isang malakas na ingay ang tumunog, at nahati sa dalawang seksyon ang katawan ng Golden Ring Venomous Millipede.Nang makita ang sitwasyon, sinamantala ni Romeo ang sitwasyon at kasing bilis ng kidlat na sumugod. Inilabas niya ang kaniyang kapangyarihan at binasag ang ulo ng Golden Ring Venomous Millipede.Boom!Isang malalim na daing ang narinig. Sumigaw ang Golden Ring Venomous Millipede at namatay. Bago ito huminga sa huli nitong hininga, iniluwa nito ang inner core nito na kumikinang sa berdeng liwanag.Nang makita ang pagpatay sa Golden Ring Venomous Millipede, nasabik ang mga tao roon."Patay narin sawakas yung masamang halimaw!""Ang hirap ng ginawa nila dun."Habang nag-uusap ang mga tao, marami ang hindi maiwasang mapatingin sa inner core. Itinuturing isang kayamanan ang
'Buwisit!'Nagbago ang mukha ni Mickey. Nang hindi gaanong nag-iisip, mabilis siyang naglagay ng isang protective shield sa kaniyang paligid.Boom...Sa isang kisap-mata, tumama sa protective shield ang bolang apoy at nagdulot ng isang malakas na pagsabog. Kaagad noon, nagkaroon ng lamat ang protective shield. Nagpakawala ng isang masakit na sigaw si Mickey, at napadura ng sariwang dugo habang napatalsik palayo.Sa sandaling iyon, hinawakan ni Dax ang kaniyang Sky Breaking Axe at sumugod. Umalulong siya, "Ngayong araw, aalisin ko ang bulok sa komunidad."'Buwisit!'Tahimik na napamura si Mickey nang makita niya si Darryl na pasugod sa kaniya, at mukhang kinakabahan siya.'Kung magpapatuloy ang pambubugbog sakin, baka ikamatay ko na to.'Habang nag-iisip sa kaniyang sarili, hinugot ni Mickey ang mahabang espada at inilabas ang lahat ng kaniyang panloob na enerhiya.Kaagad noon, mabilis na nagtipon ang hangin ng Langit at Lupa, at sumanib sa loob ng mahabang espada ni Mickey. Pa
Habang nakaramdam ng pagkagulat, huminga ng malalim si Chester at pinagaan ang pakiramdam ni Romeo, "Uy, wag kang mag-alala. Napakalaki ng underground tomb na to. Baka nakulong sa isang lugar yung Senior Sister mo. Base sa kakayahan nya, naniniwala akong hindi sya malalagay sa panganib."Habang nagsasalita si Chester, hindi niya naiwasang maisip si Debra.'Napakatagal na nun, at di parin nahahanp si Debra. Sana, nasa mabuti syang kalagayan, tulad ni Crice.'"Hmm!" Tumango si Romeo.Tumingin si Chester sa paligid at sinabing, "Magpahinga na tayo. Tapos, magkasama tayong maghahanap sa palasyo." Malubhang nasugatan ang lahat pagkatapos ng matinding laban.Tumango ang lahat at umupo na naka cross-legged na posisyon para simulan ang paggamot sa kanilang mga sugat....Sa kabilang banda...Binuhat ni Darryl si Edgar, na puno ng dugo sa katawan, at nagmamadaling bumalik sa pansamantalang palasyo.Gasp...Nagulat ang lahat, pati na ang bantay nina Shea at Hagen, at hindi nila napigil
Habang nakakaramdam ng pagkabalisa, natigilan si Shea nang makita niya si Darryl na nanatiling kalmado sa kaniyang sarili.'Kapag tinignan ko yung proseso nya, parang alam naman nya kung anong ginagawa nya.''Pero...'Habang palihim na napasimangot si Shea, inilagay ni Darryl sa bote ng porselana ang mga halamang gamot na kaniyang pinili."Darryl!" Kumalma sa kaniyang pag-iisip si Shea at sinabing, "Napakahalaga ng mga halaman na to. Sayang naman kung sisirain mo lang..."Boom!Bago pa matapos ni Shea ang kaniyang sinasabi, isang malakas na sabog ang tumunog sa loob ng bote ng porselana. Nagulat si Shea, mabilis na pumunta at nakitang buo ang bote ng porselana.Napahagikgik si Darryl at ipinaliwanag na, "Yun ang daloy ng hangin na nabuo ng mga halamang gamot dahil sa mataas na temperatura. Hindi yun isang pagsabog!" Habang nagsasalita siya, binuksan niya ang bote ng porselana at ipinakita ang elixir.Kaagad noon, napuno ng halimuyak ng mga halamang gamot ang kuwarto.Matagal n