Agad na naglakad si Dax patungo sa prutas upang tikman ito."Dax, huwag mong hawakan 'yan!"Bago pa man niya magalaw ang prutas, may sumigaw sa kanyang likuran. Lumingon siya at nakita si Chester kasama ang ilang mga alagad na nagmamadaling papalapit.Napangiti si Dax nang makita si Chester. Habang tumatakbo patungo kay Chester, sinabi niya, "Chester, hinahanap ko kayong lahat. Ang laking kaguluhan nitong sinaunang libingan na 'to. Ang daming mga baging!"Pagkatapos, lumingon siya sa paligid at nagtanong, "Nasaan si Debra at ang iba?"Huminga ng malalim si Chester at sinabing, "Hinahanap ko rin sila. Pagkatapos ng alimpuyo, napunta kami sa magkakaibang lugar. Sa tingin ko, nasa ibang lugar na sila ngayon."Huminga uli ng malalim si Chester. "Sana'y ligtas sila."Tumango si Dax at tiningnan ang prutas. "Bakit ayaw mong hawakan ko ito?"Napangiti si Chester at may pagka-walang magawa, sinabi niya, "Kakaiba ang lugar na ito. Maaaring delikado ang mga prutas dito. Kaya dapat tayong
Madaling kumalat ang apoy at nabuo ang isang pader ng apoy upang pigilin ang iba pang mga mapanirang insekto mula sa pag-usbong. Pagkakita nito, natuwa ang mga disipulo.Ngumiti din si Dax at sinabi, "Congratulations, Chester. Kitang-kita kong marami kang pinagbuti."Marahil isa o dalawang tao lamang sa Nine Mainland ang kayang bumuo ng pader ng apoy sa pamamagitan ng pagkaway ng kanilang mga kamay."Tama na 'yan. Hindi mo na kailangan bolahin," sabi ni Chester na may mapait na ngiti at nagpatuloy sa paggalugad.Sumunod si Dax at ang mga disipulo malapit sa kanya.Sobrang laki ng sinaunang ilalim ng lupa. Dahil may mga interseksyon saanmang dako, kinailangan ni Chester na gamitin ang kanyang instinct upang patuloy na mag-explore. Sa halos bawat lugar na napuntahan nila, naririnig nila ang mga elitista mula sa iba't ibang sects na sinusubukang labanan ang mga mapanirang insekto.Si Chester ay mabait at bayani. Tinutulungan niya ang sinuman sa abot ng kanyang makakaya. Gayunpaman,
“Hindi ako naniniwala na kaya mo itong gawin!”Gumawa na ng hakbang ang ilan sa mga elite at nagpunta sa palasyo para subukang pumasok dito. Alam nila na malakas si Micky peo iilan lang ang mga miyembro ng Tenri Sect sa paligid kaya hindi nila hahayaang sindak sindakin lang sila ni Mickey.“Wala na kayong pagasa!” nanlamig ang mukha ni Mickey habang nilalabas nito ang kaniyang lakas.Dito na siya Lumipad na parang isang bola ng kaniyang para pigilan ang mga elite na iyon.Mabilis na pinasabog ni Mickey ang mga elite sa loob lang ng dalawang segundo. Agad na nagmukhang mahina at namumutla ang mga ito.‘Buwisit!’ Titig ng mga gulat na elite kay Mickey. ‘Hindi na ako magtataka kung paano niya nagawang labanan si Dax. Masyado siyang malakas.Kasunod ito ang pagabante ng isa sa mga elite para galit na ituro si Mickey at sabihing, “Maghanda ka na maging kalaban ng bawat isang cultivator sa Nine Mainlands sa sandaling kunin mo ang lahat ng mga kayamanang ito para lang sa iyong sarili. P
“Hayaan ninyo akong labanan siya!” Susugod na sana si Dax nang matapos siya sa pagsasalita.Kumunot naman ang noo ni Chester habang sinusubukan nitong pigilan si Dax. “Huwag kang magadalos dalos, Dax.”Magkahalo ang emosyon na kaniyang naramdaman noong mga sandaling iyon.“Chester!” Hindi siya naintindihan ni Dax. “Ano na ngayon?”Nabahala siya ng husto dahil hindi sinunod ni Mickey ang batas sa mundo ng mga cultivator at nagawa pa nitong saktan ang mga kapwa niya cultivator kaya mahirap maging para sa kaniya na panoorin ang lahat ng ito nang walang ginagawa.Huminga ng malalim si Chester habang sinasabi na, “Oo, malakas si Mickey. Pero marami ng mga elite ang lumalaban sa kaniya kaya wala na sa atin ang desisyon na labanan siya sa ngayon. Ang dapat nating gawin ngayon ay hanapin si Debra at ang iba pa nitong mga kasama.Napatigil siya at napatingin sa palasyo. “Mukhang mayroong mali sa palasyong ito. Bakit masyadong madaling makita ang mga kayamanan sa loob nito? Nagawa itong ma
‘Grabe! Nakatungtong na ang Golden Circle Venomous Millipede na ito sa Heaven Ascension level!’Nagpakita ng seryosong mukha si Chester habang nakatitig ito sa Golden Ring Venomous Millipede, kasalukuyang nababalot ng pagkagulat ang kaniyang dibdib noong mga sandaling iyon. ‘Siguradong mas lalakas pa ang nakalalasong millipede na ito.’Isa siyang uri ng tao na may malawak na kaalaman kaya alam niyang mayroong mali sa nakalalasong millipede na ito. Siguradong ito na ang pinakamalaking millipede sa kasaysayan. At ayon sa kasaysayan, pinipigilan ng kondisyon sa paligid ang tuloy tuloy na paglaki ng mga venomous millipede kaya hindi maaaring lumampas sa isang daang metro ang haba ng mga ito.Kaya masyadong hindi kapanipaniwala at kamangha mangha na kaya palang umabot ng higit sa isang daang metro ang laki ng mga venomous millipede.Walang kaalam alam si Chester na gumagamit ang Hari ng Lason ng isang walang kapantay na technique para magpalaki ng mga venomous millipede. At nang mamatay
Nagtamo ng maraming sugat sa katawan si Mickey habang walang tigil siyang nauubusan ng dugo. Naputol ng Golden Ring Venomous Millipede ang kaniyang binti nang iwasiwas ng halimaw ang kaniyang buntot.Nagulat ang lahat pero walang kahit na sino ang naawa kay Mickey. Masyado itong arogante, mapagmalaki at walang awa kaya dapat lang na mangyari sa kaniya ang bagay na iyan.Mas naging mabagsik ang Golden Ring Venomous Millipede nang masaktan nito si Mickey. Malakas itong sumigaw bago ito tumitig sa kinaroroonan ng iba pang mga elite. Ibinuka nito ang malaki nitong bibig para maglabas ng lason.Mabilis na naging nakalalasong hamog ang lason na pinakawalan ng halimaw na bumalot sa paligid.“Argh!” Maraming mga elite ang nakalanghap sa nakalalasong hamog na gumawa ng nasasaktang mga sigaw. Dito na nalusaw at nabulok ang kanilang mga katawan habang umaagos sa paligid ang kanilang mga dugo.Wala ng kahit na sino ang nanatili sa lugar na iyon. Mabilis silang tumakas sa sobrang tindi ng pani
“Ikaw! Lumayo ka sa akin!” Nabalot ng pagkabahala ang galit na si Debra noong mga sandaling iyon. Pero masyado pa ring nanghihina ang kaniyang katawan at wala na rin siyang enerhiya noong mga sandaling iyon.Masyado na siyang desperado! ‘Ito ba talaga ang aking kapalaran? Muntik na akong mamolestiya ng walang kasingsama na si Dave pero nagawa ko pa rin siyang matakasan sa huli. At ngayon ay napunta naman ako sa lalaking ito.’Mas tumindi ang pananabik ni Yusof sa ginagawang pagpupumiglas ni Debra. “Huwag ka ng lumaban pa, Debra. Walang kahit na sino ang magliligtas sa iyo rito. Ano bang problema sa pagiging kasintahan ko?”Dito na siya lumapit kay Debra.“Tumigil ka!”Nang biglang sumigaw ang isang babae sa kanilang likuran. Naging mahinhin at malinaw ang boses nito pero masyado pa ring naging malakas ang mga salita na kaniyang binitawan.‘Huh? Mayroon kaming kasama rito?’Natigilan dito si Yusof. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa kaniyang likuran hanggang sa matigilan s
Napabuntong hininga na lang si Circe sa tanong na iyon habang nagpapakita ng kumplikadong emosyon ang kaniyang mukha.“Mahabang kuwento…”Matalinong babae si Debra kaya hindi na siya nagtanong pa ng tungkol dito nang makita niya ang mukha ni Circe.“Paano nga ba tayo makakalabas dito?”“Naghahanap din ako ng daan palabas,” Sagot ni Circe bago niya mapagtanto ang sitwasyon ni Debra. Dito na siya nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita. “Nanghihina ka pa kaya mas maigi siguro kung magpapahinga ka na muna ngayon. Sabay tayong maghanap ng daan sa sandaling makapagpahinga ka na.”Malinaw na naramdaman ni Circe na nanghihina at nangininig si Debra kaya agad niyang naisip na hindi ito magtatagal sa sandaling ituloy nila noong mga sandaling iyon ang paghahanap ng daan palabas.Tumango naman si Debra bago siya umupo sa sahig para ibalik ang kaniyang lakas. Hindi na niya kailangan pang magalala sa kaniyang kaligtasan ngayong naririto si Circe sa kaniyang tabi.Tahimik namang nagbantay si Circe