Nakita ni Dave ang kanyang pagkakataon at itinapon ang Mandala Mind Catching Fruit patungo kay Debra habang iniisip ni Yusof ang mga pangyayari. Dumeretso ang prutas sa hangin patungo kay Debra.Sa simula, hindi niya pinansin ang prutas nang makitang ito'y papalapit sa kanya. Nakasimangot siya at itinaas ang kamay para hatiin ang prutas sa gitna.Agad na naglabas ng lason sa hangin ang prutas pagkaputol. Bagaman naamoy ni Debra ang matapang na amoy ng prutas, hindi siya interesado. "Kadiri kang tao! Talaga bang sa patagilid mo lang ako kayang talunin?"Puno ng pagkadismaya ang kanyang mga mata. Hindi niya alam na nalason siya matapos humithit ng lason mula sa prutas.Walang hiyang sumagot si Dave, "Mahusay ang iyong paggamit ng espada, at hindi kita kayang talunin, kaya eto na lang ang aking paraan."'Kadiri!' Naramdaman ito ni Debra.Nakakilala na siya ng iba't ibang tao na walang hiya sa nakaraan. Subalit ito ang unang beses na ang walang-hiyang tao ay natutuwa at proud sa kany
Nang marinig iyon, tinignan ni Dave si Debra na halatang may malisya, ang kasakiman sa kanyang mga mata ay halata."Ikaw—" Napahiya at nagalit si Debra. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang mahabang espada para tusukin si Dave, ngunit napakalambot at mahina ng kanyang katawan. Bago niya marating si Dave, nawalan siya ng hawak, at nahulog ang mahabang espada sa sahig.Nagdilim ang kanyang paningin, at maaari siyang mahimatay anumang oras."Tsk, tsk..." Lalo pang naging kampante si Dave. "Walang samaan ng loob sa atin. Bakit ganyan ka ka-persistent?"Kinuha niya ang pagkakataon na masilayan si Debra ng malapitan at pinuri ito. "Narinig ko rin na sinasabi ng mga tao na ikaw ay parang diyosa para sa mga tao ng Great East. Sayang, napunta ka kay Darryl. Nasaan na ba siya ngayon? Nawawala siya, at walang nakakaalam kung buhay pa siya o hindi.""Nasasayang lang ang oras at kabataan mo sa paghihintay sa kanya. Hindi man ako kasing-talino niya, pero nahulog ang loob ko sa'yo ng makita kita
"T*ngina!"Isang segundo pagkatapos, nag-react si Dave at minura si Yusof. "Sino ka?"Hinugot niya rin ang kanyang espada para maghanda sa laban.Samantalang ang mga disipulo ay tinitingnan din si Yusof."Pinaparusa namin ang masasama at itinataas ang mabuti upang dalhin ang katarungan para sa sangkatauhan." Kumislap ang mga mata ni Yusof habang isinisigaw ang slogan ng Elysium Gate; mukha siyang proud. "Ako'y isang disipulo ng Elysium Gate!"Sikat ang Elysium Gate sa mundo ng mga manggugubat. Kilala ng lahat ang slogan ng sekta.Hindi tanga si Yusof. Alam niyang natatakot sina Dave at iba pa sa Elysium Gate, kaya sinadyang sabihin na siya'y isang disipulo ng Elysium Gate.Tulad ng inaasahan, nagulat sina Dave at ang iba pa habang nagpapalitan ng tingin; mukhang natatakot, lalo na si Dave. Galit at kinakabahan siya. "P*ta! Anong magandang pagkakataon para makalapit kay Debra. Kailangan ko bang itigil ito? Pero malakas ang Elysium Gate, at hindi ko sila kayang labanan."Hindi ri
Si Debra nagkaroon na ng bahagyang malay. Hindi niya napansin ang lalaking walang takot na tinitingnan siya."Ako..." Tinangka niyang galawin ang kanyang mga labi at magsalita, bagaman mahina. "Okay lang ako."Tiningnan niya ito at naisip na hindi ito pamilyar. Gayunpaman, hindi ito nagdulot ng pag-aalerto sa kanya dahil maraming disipulo ang Elysium Gate. Imposibleng kilala niya ang bawat isa sa kanila. Bukod dito, hindi naisip ni Debra na may maglakas-loob na magpanggap bilang miyembro ng Elysium Gate.Nang mapansin ni Yusof na hindi siya pinaghihinalaan ni Debra, sobrang nasabik siya. Mahinang huminga at tinanong, "Nalason ka ba?"Umoo si Debra at tumingin sa likuran niya. "Nasa likod mo ba si Brother Chester at Brother Dax?"'Ang lason ng Mandala Mind Catching Fruit ay sobrang lakas, pero hindi ko na kailangang matakot pa kung nandito sina Brother Chester at Brother Dax,' iniisip niya.Dahil malinaw pa ang isip ni Debra, nahirapan si Yusof. Kinamot niya ang kanyang ulo at sin
Agad na naglakad si Dax patungo sa prutas upang tikman ito."Dax, huwag mong hawakan 'yan!"Bago pa man niya magalaw ang prutas, may sumigaw sa kanyang likuran. Lumingon siya at nakita si Chester kasama ang ilang mga alagad na nagmamadaling papalapit.Napangiti si Dax nang makita si Chester. Habang tumatakbo patungo kay Chester, sinabi niya, "Chester, hinahanap ko kayong lahat. Ang laking kaguluhan nitong sinaunang libingan na 'to. Ang daming mga baging!"Pagkatapos, lumingon siya sa paligid at nagtanong, "Nasaan si Debra at ang iba?"Huminga ng malalim si Chester at sinabing, "Hinahanap ko rin sila. Pagkatapos ng alimpuyo, napunta kami sa magkakaibang lugar. Sa tingin ko, nasa ibang lugar na sila ngayon."Huminga uli ng malalim si Chester. "Sana'y ligtas sila."Tumango si Dax at tiningnan ang prutas. "Bakit ayaw mong hawakan ko ito?"Napangiti si Chester at may pagka-walang magawa, sinabi niya, "Kakaiba ang lugar na ito. Maaaring delikado ang mga prutas dito. Kaya dapat tayong
Madaling kumalat ang apoy at nabuo ang isang pader ng apoy upang pigilin ang iba pang mga mapanirang insekto mula sa pag-usbong. Pagkakita nito, natuwa ang mga disipulo.Ngumiti din si Dax at sinabi, "Congratulations, Chester. Kitang-kita kong marami kang pinagbuti."Marahil isa o dalawang tao lamang sa Nine Mainland ang kayang bumuo ng pader ng apoy sa pamamagitan ng pagkaway ng kanilang mga kamay."Tama na 'yan. Hindi mo na kailangan bolahin," sabi ni Chester na may mapait na ngiti at nagpatuloy sa paggalugad.Sumunod si Dax at ang mga disipulo malapit sa kanya.Sobrang laki ng sinaunang ilalim ng lupa. Dahil may mga interseksyon saanmang dako, kinailangan ni Chester na gamitin ang kanyang instinct upang patuloy na mag-explore. Sa halos bawat lugar na napuntahan nila, naririnig nila ang mga elitista mula sa iba't ibang sects na sinusubukang labanan ang mga mapanirang insekto.Si Chester ay mabait at bayani. Tinutulungan niya ang sinuman sa abot ng kanyang makakaya. Gayunpaman,
“Hindi ako naniniwala na kaya mo itong gawin!”Gumawa na ng hakbang ang ilan sa mga elite at nagpunta sa palasyo para subukang pumasok dito. Alam nila na malakas si Micky peo iilan lang ang mga miyembro ng Tenri Sect sa paligid kaya hindi nila hahayaang sindak sindakin lang sila ni Mickey.“Wala na kayong pagasa!” nanlamig ang mukha ni Mickey habang nilalabas nito ang kaniyang lakas.Dito na siya Lumipad na parang isang bola ng kaniyang para pigilan ang mga elite na iyon.Mabilis na pinasabog ni Mickey ang mga elite sa loob lang ng dalawang segundo. Agad na nagmukhang mahina at namumutla ang mga ito.‘Buwisit!’ Titig ng mga gulat na elite kay Mickey. ‘Hindi na ako magtataka kung paano niya nagawang labanan si Dax. Masyado siyang malakas.Kasunod ito ang pagabante ng isa sa mga elite para galit na ituro si Mickey at sabihing, “Maghanda ka na maging kalaban ng bawat isang cultivator sa Nine Mainlands sa sandaling kunin mo ang lahat ng mga kayamanang ito para lang sa iyong sarili. P
“Hayaan ninyo akong labanan siya!” Susugod na sana si Dax nang matapos siya sa pagsasalita.Kumunot naman ang noo ni Chester habang sinusubukan nitong pigilan si Dax. “Huwag kang magadalos dalos, Dax.”Magkahalo ang emosyon na kaniyang naramdaman noong mga sandaling iyon.“Chester!” Hindi siya naintindihan ni Dax. “Ano na ngayon?”Nabahala siya ng husto dahil hindi sinunod ni Mickey ang batas sa mundo ng mga cultivator at nagawa pa nitong saktan ang mga kapwa niya cultivator kaya mahirap maging para sa kaniya na panoorin ang lahat ng ito nang walang ginagawa.Huminga ng malalim si Chester habang sinasabi na, “Oo, malakas si Mickey. Pero marami ng mga elite ang lumalaban sa kaniya kaya wala na sa atin ang desisyon na labanan siya sa ngayon. Ang dapat nating gawin ngayon ay hanapin si Debra at ang iba pa nitong mga kasama.Napatigil siya at napatingin sa palasyo. “Mukhang mayroong mali sa palasyong ito. Bakit masyadong madaling makita ang mga kayamanan sa loob nito? Nagawa itong ma