Paano magkakaroon ng berdeng apoy sa mundo?Habang nagtataka sina Lola Rafflesia at Lilo sa nangyayari, kumilos si Dewey. Nagpatungo ang berdeng apoy patungo kay Lola Rafflesia.Kahit dahan-dahan itong kumilos, napapraning pa rin si Lola Rafflesia. Biglang umurong ito at sumigaw, "Lilo, lumayo ka na doon!"Sumunod si Lilo at mabilis na lumayo sa gilid.Tumama ang berdeng apoy sa isang puno. Pagkatapos ng isang malakas na tunog, napalibutan ang puno ng berdeng apoy. Nasunog ito agad-agad hanggang sa wala na itong naiwang abo.'Malakas... Sobrang lakas!' Wala nang nasabi pa sina Lola Rafflesia, Lilo, at ang mga sugatang mamamatay-tao.Ngunit hindi ordinaryong tao si Lola Rafflesia. Siya ang unang nakakilos. Titig na titig ito kay Dewey at sinabi, "Berdeng apoy. Ito ba ang alamat na atake, ang matagal nang nawawalang Chaotic Fire Venom attack?"Matagal na siyang nasa mundo ng mga manggagamot kaya marami na siyang nasaksihan. Nakakuha siya ng isang sinaunang aklat ilang taon na ang
Sa Emerald Cloud City.Sa isa sa mga likurang silid ng Heaven Deviation Path...Nakaupo si Kye na may krus na mga binti at saradong mata. Ginagamit niya ang kanyang internal na enerhiya upang palabasin ang apoy na lason mula sa kanyang katawan.Tahimik na nagbabantay si Darryl sa kanyang tabi.Nakabalot ang katawan ni Kye sa ulap habang inaasikaso niya ang kanyang internal na enerhiya. Ang kulay ng kanyang mukha ay nagpalit mula berde hanggang pula. Medyo kakabakaba ito. Malinaw na siya ay nasa pinaka-kritikal na punto ng pagpapalabas ng apoy na lason.Biglaang nanginginig ang katawan ni Kye. Bumuka ang kanyang bibig at sumuka ng isang tumpok ng dugo; tila mahina siya.Nabigla si Darryl at agad na tumulong. "Kamusta ka, Kuya?"Mukhang isang hurno ang katawan ni Kye sa kanya—sobrang init.Huminga ng malalim si Kye at mahinang sinabi, "Masyadong malakas ang apoy na lason. Ginamit ko ang lahat ng lakas sa aking katawan, at hindi ko pa rin ito mapalabas. Sa kabaligtaran, sinamantal
Talaga?Nabigla sina Kye at Moriri sa sinabi ni Darryl. Tinitigan nila ito. 'Manaiisip ka?'Sa wakas, si Moriri ang unang kumilos. Nasuging na tiningnan si Darryl at tinanong, "Matutulungan mo ang Master na tanggalin ang apoy na lason?"Intrigado rin si Kye. Tanong niya, "Anong ideya ang meron ka?"Ngumiti si Darryl nang makita kung gaano sila ka-anxious. "Pabayaan mo muna akong itago ito. Mamaya malalaman mo na hindi ganun kahirap tanggalin ang apoy na lason. Pero para sa iyong kaligtasan, kailangan nating humanap ng ligtas na lugar. May malamig na lawa sa Cloudstream Hill. Maganda ito para sa iyong paggaling. Huwag na tayong mag-aksaya ng oras. Tara na."Seryoso ang kanyang itsura.Tumango si Kye nang walang pag-aalinlangan. "Sige. Ang buhay ko ay nasa iyong mga kamay ngayon."Nagulat ng malupit si Kye noong ginamit ni Darryl ang mga bato para i-trap si Granny Rafflesia at ang iba sa kagubatan sa hilagang bahagi ng ilog. Naisip niya na walang hindi kayang gawin ni Darryl.Exc
Nagulat din si Kye. Tinitigan niya si Darryl na hindi makapaniwala, na[agtanto niya na mas kahanga-hanga pa pala ang kanyang matalik na kapatid kaysa sa kanyang inakala.Bagaman may curiosity, alam ni Kye at Moriri na kritikal ang sandaling ito, kaya wala sa kanilang dalawa ang nagtanong tungkol sa apoy.Ang maroon na apoy ay talagang Red Lotus Fayette ni Darryl.Kumilos si Darryl ng kanyang kamay, at lumipad patungo kay Kye ang Red Lotus Fayette. Agad itong huminto sa ibabaw ng ulo ni Kye.Nabahala una si Kye. Sa huli, kumalma siya. Nadama niya na kakila-kilabot na mainit ang maroon na apoy, ngunit walang init noong ito ay nasa itaas ng kanyang ulo."Kuya!" sabi ni Darryl, "Huwag kang kabahan. Subukan mong mag-relax at iwanan ang lahat sa akin."Tumango si Kye. Hindi na nagsalita pa si Darryl at sinubukang gamitin ang Red Lotus Fayette upang palabasin ang kanyang kapangyarihan. Sumunod, nangyari ang isang kagulat-gulat na sandali.Isang berdeng apoy ang lumitaw sa ibabaw ng ulo
Swoosh, swoosh…Mabilis na may ilang tao ang nagmadaling lumapit sa kanila. Sila ay mga mamamatay-tao na ipinadala ni Granny Rafflesia para mag-imbestiga.Mabilis na tumayo si Granny Rafflesia at galak na nagtanong sa mga mamamatay-tao pagbalik nila. "Kamusta? Nasa branch altar pa ba si Kye?"Tahimik ang tono niya, ngunit iba ang ipinahiwatig ng kanyang mga mata.Huminga muna ang mga mamamatay-tao. Isa sa kanila ang nagsabi, "Tinanong po namin sa paligid, Lola, at wala si Kye Deleon doon. Ininterbyu namin ang isang disipulo. Sinabi niyang pumunta sa Cloudstream Hill si Kye kasama ang isang taong nagngangalang Darryl. Narinig niyang para ito sa pagtanggal ng apoy na lason sa katawan ni Kye."'Magaling!' Galak na sinabi ni Granny Rafflesia. Ngumiti siya at nagsabi, "Mukhang hindi ako niloko ng matandang iyon. Totoong nasaktan si Kye."Hindi na siya makahintay pa. "Halika, puntahan natin ang Cloudstream Hill."Pagkatapos, umalis siya sa kawayan na kagubatan kasama si Lilo patungo s
Umalingawngaw ang isang malakas na tunog na sinunadan ng kanyang pagsuntok sa Blazing Tiger. Tumilapon at bumangga ang malalaking katawan nito na siya ring dahilan ng pagbagsak ng isang puno. Mapuno ang buong katawan nito ng sugat, at nawalan ito ng lakas.Nasiyahan si Jalen sa kanyang lamang. Tumawa siya sa Blazing Tiger. "Hayop ka lang, pero gusto mong makipaglaban sa akin? Mukhang hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin."Napakayabang niya at nasisiyahan sa sarili.Bagaman mas malakas si Jalen, hindi sumuko ang Blazing Tiger.Alam nito ang lakas ni Jalen. Gayunpaman, kailangan nitong makipaglaban ng may buong lakas upang mabuhay.Huminga nang malalim si Darryl at naging kumplikado ang kanyang damdamin. 'Kahit na itong Blazing Tiger ay isang mahiwagang hayop, tumulong ito sa akin na takutin si Alice palayo. May utang na loob ako rito sa ilang paraan. Masama kung hindi ko ito tutulungan ngayon na nasa panganib ito.'Tumawa ng malamig si Jalen, habang iniisip ito ni Darryl. H
Si Jalen ay isang mayabang na tao. Hindi siya duwag. Gayunpaman, ang pagkatalo sa kanya ni Darryl sa Sunflower Secret Realm ay naging isang trauma sa kanya pagkatapos ng laban.Alam niyang may tulong mula sa Blazing Tiger si Darryl, kaya hindi siya tumagal.Tumawa si Darryl habang pinapanood si Jalen na tumatakas. Nakahinga siya ng maluwag sa parehong oras. 'Buti na lang, natatakot ko siya. Kung hindi, mahirap labanan ito.'Nag-iisip si Darryl sa sarili niya nang lumapit ang Blazing Tiger at umungal sa pasasalamat sa kanya.Tumango si Darryl at ngumiti. "Walang anuman. Huling beses, tinulungan mo akong labanan ang aking kaaway, tinulungan din kita bilang kapalit. Wala na tayong atraso sa isa’t isa."Nakita niya ang sugat ng Blazing Tiger at sinabi, "Dahil nandito ako, gamutin ko na ang sugat mo."Umungal at tumango ang Blazing Tiger. Pagkatapos ay humiga ito sa lupa na masunurin.Tiningnan ni Darryl ang paligid. Dahil ito ang lugar kung saan lumalago ang Fire Fungi, sagana ito s
“Moriri!” Sigaw ni Kye sa sobrang galit. Gusto niyang umalis sa maliit na lawa pero ito ang pinakaimportanteng sandali ng kaniyang pagpapagaling kaya napagdesisyunan nitong magtiis.Makikita ang marka ng palad sa magandang mukha ni Moriri. Dahan dahan itong tumayo habang sinasabi na, “Okay lang po ako, Master.”Sumigaw siya kay Granny Rafflesia sa sobrang galit. ‘Masyado siyang walang awa at walang puso. Nakakadiri! Umaatake siya kung kailanman niya gustuhin at hindi rin siya maayos magisip.’Huminga ng malalim si Kye nang marinig niya ang sinabi ni Moriri. Dito na niya sinubukang pakalmahin ang kaniyang sarili.Hindi natagal, tumingin siya kay Granny Rafflesia para sabihing, “Nakakatanda ka na Granny kaya hindi na tama para sa iyong manakit ng mga bata.”Suminghal naman dito ang arogante na si Granny Rafflesia. “Itigil mo na ang mga kalokohan mo Kye! Pinatay mo ang disipulo ko kaya nararapat lang na patayin kita.”Nanlalamig at hindi makukuwestiyon ang tono ng kaniyang boses.H