“Sino ka ba? Bakit ka ba kasi nandito para patayin ako?” Tiningnan ni Darryl ang maliit na fairy at malamig na inulit, “Huling tanong ko na ‘to, wag mo na akong pahirapan!”Tinaas niya ang Blood Drinking Sword at tinutuok sa leeg ng maliit na fairy.Tiningnan ni Irene ang Blood Drinking Sword nang walang bakas na takot sakanyang mukha. “Dalian mo! Patayin mo na ako! Alam mo, hindi ka matatahimik pagkatapos mo akong patayin. Maraming huhuli sa’yo.”Sigh…Uminit ang ulo ni Darryl sa matigas na ulong babaeng ‘to.“Dalian mo na at pakawalan mo na ako.” Malamig na sinabi ni Irene. Lahat ng acupoints niya ay may nakatusok. Parang hindi siya hostage sa inaasal niya.Tumawa si Darryl. “Pumunta ka rito para patayin ako pero nagmamakaawa kang pakawalan kita? Sa tingin mo ba posible ‘yon? Sabagay, kailangan mong sabihin sa akin kung anong nagawa ko bakit gusto mo akong patayin. Papakawalan kita pagkatapos mong sabihin sa akin.”“Ayoko nga.” Maiksi nanaman ang sagot nito sakanya.Ugh!Nau
Namula rito si Irene. Sa loob ng Fuyao Palace, itinuturing ang mga lalaki bilang mga alipin. Kaya hindi niya kailanman naisip ang kaniyang sarili na magmakaawa sa isang lalaki.Pagkatapos ipakita ni Irene ang kaniyang pagsuko, tumigil si Darryl at nakangiting sinabi na, “Mabuti naman kung ganoon. Sino ka ba?”Namula rito nang husto ang mukha ni Irene. Nakaramdam siya ng hiya at galit sa mga sandaling ito. Dito na niya sinabi na, “Ako…ako ay isang maliit nafairy mula sa Fuyao Palace.”Fuyao Palace?Natigilan dito si Darryl.“Ano ba ang hayop na Fuyao Palace na iyon? Ano bang nagawa ko sa mga ito?”Habang nagiisip, nakasimangot na tumitig si Darryl. “Kung nagmula ka sa Fuyao Palace. Bakit gusto mo akong patayin? Ano ba ang problema sa pagitan natin?”“Dahil ito kay Leroy Henderson… nagmakaawa sa amin si Leroy na patayin ka.” Hindi na nagtago ng kahit anong sikreto kay Darryl ang maliit na fairy. Alam niya kasi na mararamdaman niya muli ang pagtorture na ginawa sa kaniya ni Darryl
“Hoy naririnig mo ba ako? Bilisan mo nang pakawalan ako!” Isang manipis nab util ng pawis ang tumulo sa mukha ng diwata.Nandito na ang hukbo ng New World. Kinakailangan na nilang tumakbo sa lalong madaling panahon.Bago pa man mapakawalan ni Darryl ang mga acupoint ni Irene, dalawang mga imahe ng sundalong mula sa mga barko ang makikitang tumatakbo papunta sa kanila.Masyadong mabilis ang mga ito kaya sa loob lang ng isang iglap ay nagawa nang makarating ng mga ito sa harapan ni Darryl.Sila ay payat at middle aged na lalaking nasa kanilang 40s. Nakasuot ng ang isa sa kanila ng kulay puting robe habang ang isa naman ay nakasuot ng isang kulay itim na robe. Sa unang tingin ay naging kamukha ng mga ito si Hades.Pero ang gumulat kay Darryl ay ang ipinakitang lakas ng dalawang lalaki na ito.Silang dalawa ay may lakas na hindi bababa sa Level Five Martial Saint!Buwisit! Mga Level Five Martial Saint!Nagulat dito si Darryl. Matagal na niyang alam na marami ang mga cultivator sa N
Naramdaman ni Sloan na ang lalaki sa kaniyang harapan ay isa ng Level Four Martial Marquis habang ang maliit na babae namang ito ay isa ng Level Four Martial Saint.Hindi ordinary ang mga taong ito sa World Universe.Muling napalunok si Darryl para pakalmahin ang kaniyang sarili. Hindi naman siya mangmang. Kung sasabihin niya rito na isa siyang cultivator, siguradong hindi na siya sisikatan pa ng araw bukas.Sabagay, nagdesisyon ang dalawang kontinenteng ito na maging magkaaway. Kaya ang sinumang tao na mapapatay sa Universe World ay maituturing nang isang maliit na panalo para sa New World.“Ako…” Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Darryl habang nagiisip ng magandang palusot, sinabi nito na, “Isa akong negosyante na nagpapatakbo sa isang maliit na kompanya sa Donghai City.”“Negosyante? Nagsinungaling ka.” Bahagyang naghiwalay ang mapupulang mga labi ni Sloan at isang mahiwagang hininga ng aura ang agad na lumabas mula sa kaniya!Nahirapan namang huminga si Darryl habang kinak
“Gumagawa ka na ng sarili mong hukay.” Tinitigan ni Sloan nang maigi si Darryl.Kasabay nito ang pagbagsak sa 10 degrees sa temperaturang nararamdaman sa kanilang paligid!Kumislap ang intensyong pumatay sa mga mat ani Sloan habang tinitingnan nito nang malamig sina Darryl at ang diwata, “Kaladkarin ninyo ang dalawang ito, pagpirapirasuhin at itapon sa dagat.”Ang lakas ng isang ito na biruin siya nang ganoon. Mukhang matagal tagal na rin siyang nabubuhay!Mabilis na umabante ang Black and White Cavalier at naglabas ng dalawang mga naghahabaang saber sa kanilang mga kamay. Nakahanda na ang mga ito na pagpirapirasuhin si Darryl.Agad namang nagulat dito ang natitigilang si Darryl.Buwisit! Gusto na siyang patayin ni Sloan dahil lang sa isang pilyong biro na kaniyang ginawa. Kanino na siya ngayon magmamakaawa?“Sandali lang po, Commander Sloan.”Isang nababahagyang boses ang kanilang narinig at saloob ng isang sandali ay naglakad ang isang tao palabas sa cabin ng barko.Ang Gran
“Opo!”Agad na nagecho ang boses ng 200,000 mga sundalo sa kalangitan!At pagkatapos ay agad na nagsibaba ang mga sundalo sa mga barko at sinimulan ang pagtatayo ng kanilang mga tent. Malinaw na makikitang bihasa ang mga ito at organisado sa bawat bagay na kanilang ginagawa!Nagpakita si Darryl ng kalmadong itsura nang makita niya kung ano ang nangyayari.Maingat na pinili ang mga sundalong iyon sa pamamagitan ng isang napakahirap na training. Kaya magiging mahirap para sa panig ng World Universe na manalo laban sa umaatakeng New World.Agad na natapos ang lahat sa pagtatayo ng kanikanilang mga tent loob ng limang minuto. Mula sa malayo, malinaw na matatanaw ang mga tent na nakahilera ng maayos na makapagpapamangha sa sinumang makakakita nito.Pinangunahan ni Sloan ang isang dosenang mga elite na sundalo papunta sa gitna ng kampo at sama samang gumawa ng isang mahiwagang barrier sa paligid ng kanilang kampo.Ang mahiwalang barrier na ito ay isang invisible na shield sa anumang p
Nang makita niya ang hindi katanggap tanggap na ginagawa ni Darryl, namula ang maliit na diwata at nanlalamig na sumagot ng, “Ayokong maligo ngayon.”Isa siyang diwata mula sa Fuyao Palace kaya paano niya magagawang maligo na kasama si Darryl?Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Darryl at ngumingising sinabi na. “Ok lang naman kung ayaw mong maligo. Maliligo na ako.”Pagkatapos ay hinubad niya ang kaniyang pangitaas. Narelax nang husto ang kaniyang dibdib nang magawa na niyang makaligo at magrelax pagkatapos ng isang napakahabang araw.Nang makita si Darryl ng Diwata na naghubad ng kaniyang pangitaas, ikinalampag ng maliit at nababagabag na diwata ang kaniyang paa at sianbing “Ano ang ginagawa mo? Hindi ka rin puwedeng maligo!”“Bakit?” Bulong ni Darryl. “bakit hindi ako pupuwedeng maligo kung ayaw mo akong paliguin? Anong klase ng logic ito? Masyado ka nang dominante ah? Wala ka na sa lugar.”Nanlalamig namang huminghal ang maliit na diwata habang hindi pinapansin si Darryl.N
“Napakabait talaga ng asawa ko sa akin.”Tumawa nang malakas si Darryl at hinawakan ang buhok ng maliit na diwata.Halos mamanhid naman ang mga buto ng diwata sa kaniyang katawan nang tawagin niyang asawa si Darryl.“Ikaw…” Nahiya at nagalit dito ang maliit na diwata. Hindi niya kailanman naisip na magiging ready siya na tawagin ang isang lalaki bilang kaniyang asawa.“Bumaba ka na at matulog sa sahig!” Singhal ng maliit na diwata.“Sige na, sa sahig na matutulog ang asawa mo.” Pinagtawanan siya ni Darryl ang tiwata, nilatag ang kaniyang higaan sa sahig at natulog nang masaya. Pero hindi niya pa rin pinakawalan ang diwatang iyon. Sabagay, makakatulog naman ang kahit na sino kahit na nasa gitna ng acupuncture......At noong sumapit ang madaling araw.Masarap na natutulog si Darryl nang bigla siyang magising sa tunog ng isang trumpeta.Para itong isang napakalakas na tunog ng kidlat na pumasok sa kaniyang mga tainga. Dito na biglang napaupo si Darryl habang kumakabog nang husto