Share

Kabanata 669

“Gumagawa ka na ng sarili mong hukay.” Tinitigan ni Sloan nang maigi si Darryl.

Kasabay nito ang pagbagsak sa 10 degrees sa temperaturang nararamdaman sa kanilang paligid!

Kumislap ang intensyong pumatay sa mga mat ani Sloan habang tinitingnan nito nang malamig sina Darryl at ang diwata, “Kaladkarin ninyo ang dalawang ito, pagpirapirasuhin at itapon sa dagat.”

Ang lakas ng isang ito na biruin siya nang ganoon. Mukhang matagal tagal na rin siyang nabubuhay!

Mabilis na umabante ang Black and White Cavalier at naglabas ng dalawang mga naghahabaang saber sa kanilang mga kamay. Nakahanda na ang mga ito na pagpirapirasuhin si Darryl.

Agad namang nagulat dito ang natitigilang si Darryl.

Buwisit! Gusto na siyang patayin ni Sloan dahil lang sa isang pilyong biro na kaniyang ginawa. Kanino na siya ngayon magmamakaawa?

“Sandali lang po, Commander Sloan.”

Isang nababahagyang boses ang kanilang narinig at saloob ng isang sandali ay naglakad ang isang tao palabas sa cabin ng barko.

Ang Gran
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status