Napasimangot naman si Chain sa kaniyang narinig, nagisip siya ng isang sandali bago siya magsalita ng, “Darryl Darby? Ang lalaking tumulong kay Haring Astro?”Mayroong mga tainga ang Foggy Sect sa paligid kaya hindi na kagulat gulat ang pagkakilala ni Chain kay Darryl.‘Aha!’Agad na nagliwanag ang mga mata ni Lukas, malalim siyang tumitig kay Chain bago niya nakangiting sabihin na, “Hindi na masama. Siya nga ang tinutukoy ko. Umaasa ako na hindi mo na ako bibiguin sa pagkaaktaong ito, Chain.”Tahimik namang tumango si Chain habang sumasagot ito ng, “Hintayin mo na lang ang pagdating ng magandang balita sa inyo, Heneral.”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, tumalikod na si Chain para umalis.Nang makaalis si Chain, agad na nagdilim ang mukha ni Lukas. Masyadong malakas ang puwersa ng Foggy Sect na nagkaroon ng tauhan sa iba’t ibang panig ng mundo. At matatagpuan din ang kanilang main altar sa teritoryo ng mga barbaro. Sa totoo lang ay malaki ang ibinibigay nab anta ng
Whew!Huminga ng malalim ang mga bantay nang makita nila ang eksena sa kanilang harapan, dito na naglagablab ang galit sa kanilang dibdib.“Ang lakas ng loob mo!”“Tinrato na ninyong bakuran ang lugar na ito para magpunta rito kung kailan ninyo gustuhin ah? Pupugutan namin kayo ng ulo!”Habang sumisigaw sa sobrang galit, bumunot ng mahahabang espada ang mga bantay bago sila magsisugod na nagsimula ng isang mabangis na laban sa pagitan ng mga bantay at ng mga mamamatay tayo. Alam ng mga bantay na nakakalaman sila sa bilang kaya magiging madali lang para sa kanilang patayin ang iilang mga mamamatay tao na ito.Pero sa kasamaang palad, dito sila nagkakamali.Habang nasa gitna ng laban, wala na silang ibang nakita kundi ang paglabas masok ng mga mamamatay tao na parang mga kidlat habang gumagawa ang mga ito ng sunod sunod na mga pagatake. Sa loob ng sampung segundo ay nagawa ng mga itong pabagsakin ang nasa tatlongpung mga bantay.‘Buwisit!’Nagulat naman si Darryl sa kaniyang naki
Habang nasa gitna ng kanilang mga sigaw, sumabog ang enerhiya ng mga mamamatay tao sa ere habang hinahabol ng mga ito si Darryl.Wala silang kaalam alam na isa lang tagasunod ang kasama ni Darryl. Kasalukuyang pang nagtatago sa loob ng kuwarto ang tunay na Prinsesa Yanna.Huminga ng malalim si Darryl nang makita niya ang papalapit na mga mamamatay tao habang nakakaramdam ng matinding pananabik sa kaniyang dibdib.Kahit na may kalakasan ang mga ito, hindi pa rin naging ganoon katalino ang mga mamamatay tao na sumugod sa kanila. Sapat na ang isang simpleng panlilinlang para maloko ang mga ito.Tumingin ang tagasunod sa tabi ni Darryl na tila ba malapit na itong mawalan ng malay, nanginig ang kaniyang boses habang sinasabi na, “Naririto na sila, naririto na sila! Ano na ang gagawin natin?”Nanginig ng husto ang tuhod ng tagapaglingkod na nagpahirap sa kaniyang maglakad habang nagsasalita.Comforting namang sumagot si Darryl sa kaniya ng, “Huwag kang magalala! Magpapatuloy ka sa pagp
‘Buwisit!’Nagsindi ng apoy ang mga mamamatay tao. Siniguro ng mga ito na masusunog sila ng buhay.Unti unting lumaki ang apoy sa loob ng kuwarto habang kumakalat ang makapal na usok sa paligid. Dahil dito ay hindi na nakahinga ng maayos ang tagasunod na sinabayan pa ng matinding nerbiyos na kaniyang nararamdaman. Sa huli ay nagdilim ang kaniyang paningin at tuluyan na itong nawalan ng malay.Mabilis namang ginamit ni Darryl ang breath-holding method at pagkatapos ay agad niyang chineck ang kondisyon ng tagasunod. Nakahinga siya ng maluwag nang mapansin niya na nawalan lang ito ng malay kaya wala sa anumang panganib ang buhay nito.Pero hindi nagtagal ay nakarating na rin sa kanila ang apoy.‘Yare!’Hindi na nakapagisip pa ng maayos si Darryl noong mga sandaling iyon. Dito niya inipon ang lakas ng kaniyang Red Lotus Fayette para gumawa ng isang protective shield na bumalot sa kanila ng tagapaglingkod.Sa totoo lang, may kakayahan ang Red Lotus Fayette ni Darryl na sumanib sa mal
Nagfocus ng husto ang isip ng mga mamamatay tao sa prinsesa kanina at dahil sa dilim ng paligid, hindi nila napansin ang mukha ni Darryl. Pero nang obserbahan nila ito ng malapitan, napagtanto nila na ang lalaking ito ay ang taong hinahanap ng kanilang Sect Master.Agad namang natigilan si Darryl nang marinig niya ang sinabi ng mga mamamatay tao.‘Buwisit! Bakit ako hinahanap ng mga mamamatay taong ito?’Noong mga sandaling iyon, mas marami ng mga bantay ang nagtipon tipon sa labas habang walang tigil na sumisigaw sa paligid.“Naapula na ang apoy!”“Hindi dapat makatakas ang mga mamamatay taong iyan.”Nang marinig nila ang mga tunog ng yapak sa labas, alam ng lider ng mga mamamatay tao na hindi na sila dapat pang magaksaya ng oras kaya agad na siyang gumawa ng desisyon.“Dalhin na muna natin pabalik ang lalaking ito para sa ating mission report.”Nang sabihin niya iyon, tumango ang ibang mga mamamatay tao bago sila sumugod para itali si Darryl.Gustong gustong magpumiglas ni D
Dinala si Darryl ng mga mamamatay tao palabas ng kuwarto at pagkatapos nilang iwasan ang mga nagpapatrolyang sundalo sa labas, agad silang nakalabas sa kaharian ng mga barbaro hanggang sa makarating sila sa isang burol sa hilaga nito.Bagsak ang pakiramdam ni Darryl noong mga sandaling iyon. Nagkunwari siyang inosente habang nagtatanong ng, “Mga iho, nagkamali kayo sa inyong kinuhang lalaki. Gusto ninyong patayin ang prinsesa kaya bakit ninyo ako dinakip?”Ayaw samang umarte ng ganoon ni Darryl sa totoo lang pero wala pa rin siyang magagawa. Hindi pa tuluyang bumabalik sa dati ang kaniyang lakas kaya wala na siyang nagawa kundi magpakaduwag noong mga sandaling iyon.Dito na nanlalamig na sumigaw ang lider ng mga mamamatay tao. “Manahimik ka! Dalawa ang aming misyon. Una ay patayin ang prinsesa at pangalawa ay hulihin ka!”Habang nagsasalita, naglakad ang lider ng mga mamamatay tao sa damuhan sa tabi para hawakan ito at hilahin at isang kadena.Rattle…Pagkatapos ng isang segundo
At pagkatapos ay nagpatuloy ang mamamatay tao sa pagkukuwento. “Hindi kami nagtagumpay sa pagpatay sa prinsesa pero nagawa naman naming madiskubre ang isang bagay. Ito ang taong hinahanap ninyo. Si Darryl Darby.”‘Darryl Darby?’Masyadong naging madilim sa paligid ngayong iniilawan lang ito ng mga kandila kaya hindi nakilala ni Chain si Darryl noong una pero agad siyang naglakad palapit nang marinig niya ang sinabi ng ipinadala niyang tauhan.Nang makalapit si Chain kay Darryl, tiningnan niya ito ng maigi at tahimik na tumango sa kaniyang kinatatayuan.“Siya nga iyon.”Nang kunin ni Lukas ang serbisyo ni Chain, pinasadya niya sa isang pintor na nakatira malapit sa palasyo ang portrait ni Darryl base sa kaniyang paglalarawan dito. At pagkatapos ay agad na gumawa ng dosedosenang mga kopya nito si Chain gamit ang stone rubbing method para ipamigay sa kaniyang mga tauhan.Kaya agad niyang nalaman na tamang tao ang nahuli ng mga ito nang makita niya ang mukha ni Darryl noong mga sanda
nang marinig niya ang hiling ng kaniyang tauhan, nagisip muna ng isang sandali si Chain bago ito tumatangong sumagot ng, “Sige, hahayaan muna kita sa kaniya. Huwag mo lang siyang papatayin.”Nabalot ng kawalan ng awa at panlalamig ang tono ng kaniyang boses bago siya dahan dahang tumayo para umalis.‘Buwisit…’Natigilan si Darryl nang maharap siya sa sitwasyong iyon. Siguradong katapusan na niya sa sandaling mamatay siya. Masyadong walang awa ang Sect Master na ito.Hindi, kinakailangan niyang gumawa ng hakbang!Habang nagiisip, naghanda na si Darryl na putulin ang tali na nakapulupot sa kaniyang katawan pero hindi pa tuluyang bumabalik sa dati ang kaniyang lakas. Masyado pa siyang mahina pero hindi pa ring magiging problema ang pagputol ng tali sa kaniya.Thud!Nang bigla niyang makita ang biglang panginginig ni Chain habang napapabalik ito sa kaniyang kinauupuan. Hindi makita ng malinaw ni Darryl ang itsura nito ngayong nakasuot ito ng maskara pero kitang kita sa mga mata nito