Tumingin sa kaniya si Samara. “Wolfire ang mga ito. Iba sila sa pangkaraniwang mga lobo. Ang mga Wolfire ang altar na sinasamba ng mga barbaro. Hindi makasiguro ang sinuman sa kinaroonan ng mga ito kaya iilang tao lang ang nakakita sa mga Wolfire sa nakalipas na ilang libong taon.”Tumingin siya sa grupo ng mga lobo bago niya sabihing, “Hindi ko inasahan na ganito sila karami sa bulubunduking ito.”‘Altar?’ Tango ni Darryl habang sumasagot ito ng, “kung ganoon, sila ang pakay ni Lukas kaya siya nagpunta rito. Siguradong gagamitin nito ang mga Wolfire ngayong ito pala ang sinasamba ng inyong tribo.”“Tama.” Tumatangong sagot ni Samara. “Hindi miyembro ng dugong bughaw si Lukas kaya hindi siya karapat dapat na maging Kaiser. Pero siguradong makukuha niya ang posisyong iyon sa sandaling gamitin niya ang mga Wolfire.”Napakagat na lang siya sa kaniyang labi habang sumisigaw ng, “Wala siyang kasing sama. Gumamit siya ng maruruming pamamaraan para lang maging Kaiser.”Tumango naman si D
Samantala, natigilan naman ang mga Wolfire nang makita nilang buhay pa si Darryl. ‘Hindi natakot sa apoy ang taong ito…’Napangiti naman si Darryl nang malaman niyang nagulat ang mga Wolfire sa kaniyang ginawa. Dito an siya nakipagusap sa lider ng mga Wolfire gamit ang wika ng mga ito. “Hindi niyo ako naintindihan. Hindi ako ang inyong kalaban. Isa akong kaibigan.”Dito na mas nasurpresa ang mga Wolfire. ‘Na…nagawa ng taong ito na magsalita gamit ang aming wika?’Samantala, kasalukuyan pa ring nagtatago si Samara. Nagpakita ng curiousity ang maganda niyang mukha nang marinig niyang magsalita si Darryl gamit ang wika na hindi niya maintidihan.‘Ano ang sinasabi niya? Wala akong maintindihan na kahit na ano sa mga sinasabi niya,’ isip nito.At sa wakas ay nagreact at umalulong na rin ang lider ng mga Wolfire. Tumingin ito kay Darryl gamit ang kumplikado niyang mga mata. “Sino ka ba? Paano mo nagawang magsalita gamit ang aming wika? At bakit hindi ka natatakot sa apoy?”Nagpatuloy i
“Nagngangalang Lukas ang heneral na iyon na siyang may kontrol sa palasyo. Mayroon siyang higit sa isang daang libong mga sundalo. Alam ko na marami rin ang bilang ng iyong mga kasama pero paano ka nakakasiguro na mananalo ka sa sandaling magsimula ang laban ng inyong mga panig?”Habang naririnig ang huling salita na kaniyang binanggit sa ere, tumitig si Darryl sa lider ng mga lobo.Nagisip naman ng kaunti ang lider ng mga lobo bago ito tumitig kay Darryl para sumagot ng, “Ano ang ibig mong sabihin dito? Sinasabi mo bang lunukin ko na lang ang aking galit?”Umiiling namang sumagot si Darryl ng, “Siyempre hindi. Nangangailangan ng maingat na pagpaplano ang pagpapabagsak sa isang katulad ni Lukas at gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko kung naniniwala ka sa akin…”Dito na ginugol ni Darryl ang sumunod na dalawang minute para ipaliwanag ang kaniyang plano.Tahimik namang nakinig ang lider ng mga lobo, hindi nito nagawang magsalita hangga’t hindi pa natatapos si Darryl.“Pero bakit m
Masyadong naging seryoso ang itsura ni Lukas habang nagsasalita.Kahit na kontrolado niya ang buong palasyo, ayaw pa ring ipakita ni Lukas na nakikipagsabwatan siya sa grupo ng mga mamamatay tao na siyang sisira sa kaniyang reputasyon at sa kaniyang pagkakataon na makuha ang trono.“Opo, Heneral!”Sagot ng bantay bago ito nagmamadaling naglakad palabas ng main hall.…Pagkatapos ng kalahating oras, umupo si Lukas sa isang upuan sa loob ng study room para magmeditate ng magisa.Creak!Nang biglang itulak pabukas ang pinto. Dito na tumayo ang bantay sa pintuan para sabihing. “Naririto na po siya, Heneral!” Kasunod nito ang mabilis na pagatras ng bantay.Kasunod nito ang pagpasok ng isang imahe.Hindi ito katangkaran habang suot ang itim niyang mga robe at isang itim na straw hat. Nabalot ng tansong maskara ang kanyiang mukha at nagkaroon din ito ng magaan na yapak sa kabila ng napakatinding aura na lumalabas sa kaniyang katawan.Ito ay walang iba kundi ang lider ng Foggy Sect n
Napasimangot naman si Chain sa kaniyang narinig, nagisip siya ng isang sandali bago siya magsalita ng, “Darryl Darby? Ang lalaking tumulong kay Haring Astro?”Mayroong mga tainga ang Foggy Sect sa paligid kaya hindi na kagulat gulat ang pagkakilala ni Chain kay Darryl.‘Aha!’Agad na nagliwanag ang mga mata ni Lukas, malalim siyang tumitig kay Chain bago niya nakangiting sabihin na, “Hindi na masama. Siya nga ang tinutukoy ko. Umaasa ako na hindi mo na ako bibiguin sa pagkaaktaong ito, Chain.”Tahimik namang tumango si Chain habang sumasagot ito ng, “Hintayin mo na lang ang pagdating ng magandang balita sa inyo, Heneral.”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, tumalikod na si Chain para umalis.Nang makaalis si Chain, agad na nagdilim ang mukha ni Lukas. Masyadong malakas ang puwersa ng Foggy Sect na nagkaroon ng tauhan sa iba’t ibang panig ng mundo. At matatagpuan din ang kanilang main altar sa teritoryo ng mga barbaro. Sa totoo lang ay malaki ang ibinibigay nab anta ng
Whew!Huminga ng malalim ang mga bantay nang makita nila ang eksena sa kanilang harapan, dito na naglagablab ang galit sa kanilang dibdib.“Ang lakas ng loob mo!”“Tinrato na ninyong bakuran ang lugar na ito para magpunta rito kung kailan ninyo gustuhin ah? Pupugutan namin kayo ng ulo!”Habang sumisigaw sa sobrang galit, bumunot ng mahahabang espada ang mga bantay bago sila magsisugod na nagsimula ng isang mabangis na laban sa pagitan ng mga bantay at ng mga mamamatay tayo. Alam ng mga bantay na nakakalaman sila sa bilang kaya magiging madali lang para sa kanilang patayin ang iilang mga mamamatay tao na ito.Pero sa kasamaang palad, dito sila nagkakamali.Habang nasa gitna ng laban, wala na silang ibang nakita kundi ang paglabas masok ng mga mamamatay tao na parang mga kidlat habang gumagawa ang mga ito ng sunod sunod na mga pagatake. Sa loob ng sampung segundo ay nagawa ng mga itong pabagsakin ang nasa tatlongpung mga bantay.‘Buwisit!’Nagulat naman si Darryl sa kaniyang naki
Habang nasa gitna ng kanilang mga sigaw, sumabog ang enerhiya ng mga mamamatay tao sa ere habang hinahabol ng mga ito si Darryl.Wala silang kaalam alam na isa lang tagasunod ang kasama ni Darryl. Kasalukuyang pang nagtatago sa loob ng kuwarto ang tunay na Prinsesa Yanna.Huminga ng malalim si Darryl nang makita niya ang papalapit na mga mamamatay tao habang nakakaramdam ng matinding pananabik sa kaniyang dibdib.Kahit na may kalakasan ang mga ito, hindi pa rin naging ganoon katalino ang mga mamamatay tao na sumugod sa kanila. Sapat na ang isang simpleng panlilinlang para maloko ang mga ito.Tumingin ang tagasunod sa tabi ni Darryl na tila ba malapit na itong mawalan ng malay, nanginig ang kaniyang boses habang sinasabi na, “Naririto na sila, naririto na sila! Ano na ang gagawin natin?”Nanginig ng husto ang tuhod ng tagapaglingkod na nagpahirap sa kaniyang maglakad habang nagsasalita.Comforting namang sumagot si Darryl sa kaniya ng, “Huwag kang magalala! Magpapatuloy ka sa pagp
‘Buwisit!’Nagsindi ng apoy ang mga mamamatay tao. Siniguro ng mga ito na masusunog sila ng buhay.Unti unting lumaki ang apoy sa loob ng kuwarto habang kumakalat ang makapal na usok sa paligid. Dahil dito ay hindi na nakahinga ng maayos ang tagasunod na sinabayan pa ng matinding nerbiyos na kaniyang nararamdaman. Sa huli ay nagdilim ang kaniyang paningin at tuluyan na itong nawalan ng malay.Mabilis namang ginamit ni Darryl ang breath-holding method at pagkatapos ay agad niyang chineck ang kondisyon ng tagasunod. Nakahinga siya ng maluwag nang mapansin niya na nawalan lang ito ng malay kaya wala sa anumang panganib ang buhay nito.Pero hindi nagtagal ay nakarating na rin sa kanila ang apoy.‘Yare!’Hindi na nakapagisip pa ng maayos si Darryl noong mga sandaling iyon. Dito niya inipon ang lakas ng kaniyang Red Lotus Fayette para gumawa ng isang protective shield na bumalot sa kanila ng tagapaglingkod.Sa totoo lang, may kakayahan ang Red Lotus Fayette ni Darryl na sumanib sa mal