Tumango si Lukas at pinuri ang tapat na sundalo. "Napakagaling. Tunay ngang magandang balita!"Si Lukas ay tuwang-tuwa at labis na masaya—pangunahing dahil siya ay hindi tunay na bahagi ng pamilya hari. Panandalian lamang siya na nasa kapangyarihan. Walang wastong dahilan para siya maging Kaiser. Subalit, ibang usapan kung makikita niya ang Wolfire.Ang Wolfire ay isang totem ng mga barbaro. Hindi lamang isang malakas na inenkantadong hayop ang Wolfire, ngunit palaging naka-bantay ito. Iilang tao lamang ang nakakita nito ng kanilang sariling mata sa loob ng libu-libong taon.Isinaplano ito ni Lukas. Kung mahuhuli niya nang buhay ang isa at ipahayag sa iba na itinakda ng mga diyos na ipadala sa kanya ang Wolfire. Walang mag-aalang-alang na kuwestyunin ang kanyang lehitimidad.'Patuloy akong tinutulungan ng Diyos.'Habang isinasaisip ito ni Lukas, lalong siya nae-excite. Iwinagayway niya ang kanyang kamay at sinabi, "Bilisan! Tipunin ang isang libong piling sundalo. Pumunta sa lamba
‘Siguradong wala ng masasabi ang sinumang tututol sa akin sa sandaling makahuli ako ng isa sa mga ito na siyang maipapakita ko sa Golden Hall. Ito na ang pagkakataon ko para makilala ng lahat bilang Kaiser.’ Isip ni Lukas.“Dalian ninyo!” Kaway ni Lukas sa kaniyang katawan habang nababahala siyang sumisigaw ng, “Dalian na ninyong paligiramn ang mga Wolfires na ito. Nakikita mo ba iyang mature nilang kasama? Hulihin ninyo ang isang iyan ng buhay!”“Opo, Heneral!” Iisang sagot ng mga elite na sundalo.Dito na sila sumugod para paligiran ang mga Wolfires na iyon.Agad na naging alerto ang mga Wolfires nang makita nila ang napakarami nilang mga kalaban. Walang sinuman sa kanila ang natakot habang malakas silang umaalulong.Ang Wolfier ang hari ng mga damuhan kaya agad na naglabas ang mga Wolfire ng napakalakas na aura na tumakot sa mga elite na sundalo nang umalulong ang mga ito. Marami ang napalunok habang marami rin ang nangatog sa kanilang narinig. Nagpalitan sila ng tingin pero
Iisang sumigaw ang mga Wolfire. Dito na sila bumuga ng apoy papunta sa mga elite na sundalong pumapaligid sa mga ito.“Atras!” Nagbago ang mukha ni Lukas nang makita niya iyon. Dito na siya sumigaw ng, “Atras! Dalian ninyo!”Mabilis na nagreact ang mga elite na sundalo nang marinig nila ang utos. Pero kahit na ganoon, kahit na gaano pa sila kabilis, mas mabagal pa rin sila kaysa sa apoy.“Argh!” Nabalot ng apoy ang karamihan sa mga sundalo na napasigaw sa sobrang sakit. Pagkatapos ay unti unti na rin silang namatay sa apoy. Daan daang mga sundalo ang namatay sa apoy ng wala pang 10 segundo.Napabuntong hininga naman dito ang mga natitirang elite na sundalo. Namutla ang kanilang mga mukha habang nagpapakita ng takot ang kanilang mga mata. ‘Ito ba talaga ang totoong kakayahan ng mga Wolfire?” masyado itong nakakatakot!’“Buwisit!” Mura ni Lukas. Dito na siya sumigaw sa mga natirang elite na sundalo, “Huwag kayong magpanic!”Bago pa man niya matapos ang kaniyang sinasabi, sumigaw an
Habang nasa gitna ng mga oras na iyon, hindi magagawang gamitin ng Wolfire ang kaniyang apoy para umatake kaya kinakailangan nitong dumepende sa kaniyang mga pangil at kulo para lumaban.Nasabik ng husto si Lukas nang madiskubre niya ito. ‘Masyadong malakas ang mga Wolfires na ito pero mga halimaw lang sila kung tutuosin. Hindi ko na kailangang matakot kung hindi nila magagawang gumamit ng Blazing Flame Attack.’Isinwing niya ang mahaba niyang saber para sumugod ng buong bilis. Nang mailagan ng lider ng mga Wolfire ang kaniyang pagatake. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para umatake gamit ang isa pa niyang kamay. Dito na niya tinamaan ang lider ng mga Wolfire sa likuran.Hindi siya umatake ng husto para mapatay ang Wolfire dahil ito ang diyos diyosan ng mga barbaro. 25 porsyento lang ng kaniyang lakas ang kaniyang ginamit sa pagatakeng iyon.Hindi nagkaroon ng sapat na oras ang lider ng mga Wolfire para mailagan ang pagatake ngayong napakabilis ni Lukas. Malakas itong umungol nan
Tumingin sa kaniya si Samara. “Wolfire ang mga ito. Iba sila sa pangkaraniwang mga lobo. Ang mga Wolfire ang altar na sinasamba ng mga barbaro. Hindi makasiguro ang sinuman sa kinaroonan ng mga ito kaya iilang tao lang ang nakakita sa mga Wolfire sa nakalipas na ilang libong taon.”Tumingin siya sa grupo ng mga lobo bago niya sabihing, “Hindi ko inasahan na ganito sila karami sa bulubunduking ito.”‘Altar?’ Tango ni Darryl habang sumasagot ito ng, “kung ganoon, sila ang pakay ni Lukas kaya siya nagpunta rito. Siguradong gagamitin nito ang mga Wolfire ngayong ito pala ang sinasamba ng inyong tribo.”“Tama.” Tumatangong sagot ni Samara. “Hindi miyembro ng dugong bughaw si Lukas kaya hindi siya karapat dapat na maging Kaiser. Pero siguradong makukuha niya ang posisyong iyon sa sandaling gamitin niya ang mga Wolfire.”Napakagat na lang siya sa kaniyang labi habang sumisigaw ng, “Wala siyang kasing sama. Gumamit siya ng maruruming pamamaraan para lang maging Kaiser.”Tumango naman si D
Samantala, natigilan naman ang mga Wolfire nang makita nilang buhay pa si Darryl. ‘Hindi natakot sa apoy ang taong ito…’Napangiti naman si Darryl nang malaman niyang nagulat ang mga Wolfire sa kaniyang ginawa. Dito an siya nakipagusap sa lider ng mga Wolfire gamit ang wika ng mga ito. “Hindi niyo ako naintindihan. Hindi ako ang inyong kalaban. Isa akong kaibigan.”Dito na mas nasurpresa ang mga Wolfire. ‘Na…nagawa ng taong ito na magsalita gamit ang aming wika?’Samantala, kasalukuyan pa ring nagtatago si Samara. Nagpakita ng curiousity ang maganda niyang mukha nang marinig niyang magsalita si Darryl gamit ang wika na hindi niya maintidihan.‘Ano ang sinasabi niya? Wala akong maintindihan na kahit na ano sa mga sinasabi niya,’ isip nito.At sa wakas ay nagreact at umalulong na rin ang lider ng mga Wolfire. Tumingin ito kay Darryl gamit ang kumplikado niyang mga mata. “Sino ka ba? Paano mo nagawang magsalita gamit ang aming wika? At bakit hindi ka natatakot sa apoy?”Nagpatuloy i
“Nagngangalang Lukas ang heneral na iyon na siyang may kontrol sa palasyo. Mayroon siyang higit sa isang daang libong mga sundalo. Alam ko na marami rin ang bilang ng iyong mga kasama pero paano ka nakakasiguro na mananalo ka sa sandaling magsimula ang laban ng inyong mga panig?”Habang naririnig ang huling salita na kaniyang binanggit sa ere, tumitig si Darryl sa lider ng mga lobo.Nagisip naman ng kaunti ang lider ng mga lobo bago ito tumitig kay Darryl para sumagot ng, “Ano ang ibig mong sabihin dito? Sinasabi mo bang lunukin ko na lang ang aking galit?”Umiiling namang sumagot si Darryl ng, “Siyempre hindi. Nangangailangan ng maingat na pagpaplano ang pagpapabagsak sa isang katulad ni Lukas at gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko kung naniniwala ka sa akin…”Dito na ginugol ni Darryl ang sumunod na dalawang minute para ipaliwanag ang kaniyang plano.Tahimik namang nakinig ang lider ng mga lobo, hindi nito nagawang magsalita hangga’t hindi pa natatapos si Darryl.“Pero bakit m
Masyadong naging seryoso ang itsura ni Lukas habang nagsasalita.Kahit na kontrolado niya ang buong palasyo, ayaw pa ring ipakita ni Lukas na nakikipagsabwatan siya sa grupo ng mga mamamatay tao na siyang sisira sa kaniyang reputasyon at sa kaniyang pagkakataon na makuha ang trono.“Opo, Heneral!”Sagot ng bantay bago ito nagmamadaling naglakad palabas ng main hall.…Pagkatapos ng kalahating oras, umupo si Lukas sa isang upuan sa loob ng study room para magmeditate ng magisa.Creak!Nang biglang itulak pabukas ang pinto. Dito na tumayo ang bantay sa pintuan para sabihing. “Naririto na po siya, Heneral!” Kasunod nito ang mabilis na pagatras ng bantay.Kasunod nito ang pagpasok ng isang imahe.Hindi ito katangkaran habang suot ang itim niyang mga robe at isang itim na straw hat. Nabalot ng tansong maskara ang kanyiang mukha at nagkaroon din ito ng magaan na yapak sa kabila ng napakatinding aura na lumalabas sa kaniyang katawan.Ito ay walang iba kundi ang lider ng Foggy Sect n