Gustong sabihin ni Susan na hinangaan niya ito.Subalit, siya ang babaeng punong-abala, kailangan niyang maging kalmado at mahinahon. Kinagat niya ang kanyang labi at sinabing, “Sect Master Darby, sobrang talino mo sa formations. Pwede bang maging isa sa mga alagad mo?”Matagal nang interesado si Susan sa formations at matagal na niya ring hinahangaan si Indomitable Darby. Dahil pwede niyang ibahagi ang talion niya tungkol sa snow lily formation na walang kahirap-hirap, gusto niya na maging estudyante siya nito.Si Indomitable Darby ay nasa Elysium Gate’s Sect Master. Wala namang mali sakanya para hindi siya maging estudyante nito.Ano?!‘Gusto ni Tita Susan na maging estudyante ko siya?’ sa isip ni Darryl.Hindi alam ni Darryl kung ano ang sasabihin niya tungkol dito. “Ikaw siguro ay nagbibiro, Maestra. Matalino ka; hindi ako bagay na maging guro mo.” Isa itong biro! Kung tatanggapin niya si Susan na maging estudyante niya, mas magiging komplikado ang relasyon nilang dalawa.
Huminga nang malaim si Darryl. Mahigpit niyang tiniklop ang kanyang kamao noong sinarado ni Megan ang pintuan.‘Mabuti ‘yan, tapusin na natin ‘to ngayon dahil nandito na rin naman kayong dalawa.’ Sa isip ni Darryl.Tiningnan ni Abbess Mother Serendipity si Darryl at kumunot ang noo niya. Umalog ang hawak niyang espada.“Kailangan mo nang mawala para sa ikabubuti nang lahat at tulungan ang Darby Family na turuan ka ng leksyon!” sigaw ni Abbess Mother Serendipity habang tinutok niya ang espada niya kay Darryl.Ginamit ni Abbess Mother Serendipity ang lahat nang kanyang lakas; ang hangin ay pumalibot sakanyang espada.Sa parehong oras, sinuntok din ni Megan si Darryl.Malamig na ngumiti si Darryl habang siya ay nakatayo lamang doon.“Tingnan natin kung sino ang dapat turuan ng leksyon!” malamig na sinabi ni Darryl.Sinimulan nang mag ipon ni Darryl ng internal energy at pumunta kay Megan. Iniangat niya nang magaan ang kanyang kamay at inalis ang espada sa mga kamay ni Megan.Masy
Ngumiti si Darryl ngunit ang mga mata niya ay kulay pula. Naglakad siya papunta kay Megan at sinampal ito!Slap!Nagkaroon ng malaking pula na marka sa mukha ni Megan. “Hindi ito para malaman kung ano ang mabuti at ang masama.” Sabi ni Darryl habang tinitingnan niya si Megan.Hinigpitan ni Darryl ang tiklop ng kanyang kamao. Trinato niya ito nang mabuti at tinulungan; binigyan niya pa ito nang maraming Godly Pills. Kahit na ang fiancé niya, si Kent ay nakainom na rin ng Godly Pill!Ano ang nakuha niya pabalik dito? Tinawagan pa siyang walang kwenta! Isang taksil!Sumigaw si Megan, “Anong karapatan mong saktan ako? Anong karapatan mong sabihin na hindi ko kayang mawari ang mabait sa masama? Wala kang kwenta dahil sumali ka sa Eternal Life Sect!”Slap!Sinampal siya ulit ni Darryl!“Ito ay dahil wala kang utang na loob! Naging mabait ako sa’yo at anong ang nakukuha ko sa’yo pabalik?” Hindi na nakontrol ni Darryl ang kanyang emosyon.Slap!Isang malakas na sampal ulit!Si Meg
“Tumigil ka!” galit na si Abbess Mother Serendipityy at siya ay nahiya na rin.Ang Celestial Silkworm Armor ay nasa katawan niya, kaya paano niya hahayaan si Darryl na tanggalin ito?Ito ay isang malinaw na paglabag sakanyang privacy!Hahawakan siya ni Darryl kung tatanggalin niya ang armor; ang reputasyon niya ay madudungisan kapag nabalita ito.Hindi siya pinansin ni Darryl at nagpatuloy na tanggalin ang mahaba niyang bistida; tatanggalin niya na ang armor.“Papatayin kita!” sumigaw si Abbess Mother Serendipity.Galit na si Darryl; pumunta siya sa likod nito at pinaluhod niya.Nakaluhod na si Abbess Mother Serendipity sa sahig.“Hindi ka nararapat na kausapin ako habang nakatayo.” Malamig siyang tiningnan ni Darryl; pagkatapos, ginawa niya rin ito kay Megan.Lumuhod din si Megan sa sahig.Kumuha ng upuan si Darryl at umupo sa harapan nila habang sila ay nakaluhod.Galit na galit na si Abbess Mother Serendipity; hindi pa siya lumuluhod para sa kahit sino bago mangyari ‘yon.
Mabilis na kinuha ni Master Leonard ang oportunidad para tanggalin ang tatak sa acupoint ng dalawang babae.Hindi siya mapigilan ni Darryl.Sinira ni Master Leonard ang plano.Hindi naging madali kay Darryl para makahanap ng oportunidad na matalo si Abbess Mother Serendipity.Tumawa nang sarkastiko si Darryl, “Wow, hindi ko alam na close pala si Master Leonard at Abbess Mother Serendipity.”Nagpanggap si Yvette na siya si Indomitable Darby sa Wishing Star Tower at hinuli ang mga miyembro ng lahat nang secto. Pagkatapos ay pinadaan niya sa isang seremonya sa kasal si Abbess Mother Serendipity at Master Leonard. Narinig nang lahat ang tungkol doon.Walang nagtangkang banggitin ‘yon dahil sa init ng ulo ni Abbess Mother Serendipity.Tumawa si Darryl. “Parang sobrang close niyo sa isa’t isa ah. Ang asawa ay palaging tatakbo para sakanyang asawa kapag may problema para iligtas ito. Ang sweet naman!” “Darryl!!!” nanginginig si Abbess Mother Serendipity nang siya ay tumalikod para t
Siguradong nabigo ang Cult Mistress dahil sa pangyayaring ito.Nag alala si Darryl; wala siyang ideya kung nasaan ang Cult Mistress sa sandaling ito.‘Noong umalis siya ng Elysian Island, siguradong pupunta siya sa Donghai City para hanapin ako. At hindi pa ako nakakabalik sa Donghai City ilang araw na. Nagtataka ako kung anong ginawa niya nung hindi niya ako mahanap?’ sa isip ni Darryl.Nag alala si Darryl; agad siyang lumabas ng kwarto. Sumipol siya para tawagin ang snow eagle at agad na pumunta sa Donghai City.Hindi mapakali si Darryl buong byahe niya. Ang litrato ng Cult Mistress ang nasa isip niya. Buntis din ito, kaya sana naman ay, okay lamang siya.…Sa Emel Mountain.Ang building ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng bundok; isa itong lumang building at matatagpuan dito ang Emel Sect, isa sa anim na sekta.Sa ilang libong taon, ang Emel Sect ay marami nang naging babaeng lider.Nagkaroon pa nga ng chismis na ang nag iisang babaeng emperatris sa kasaysayan, si Lady Wu, ay
Walang nakuhang kahit anong litrato ni Monica si Darryl.Ang nag iisang paraan para makita si Monica ay kumuha ng isang pintor para iguhit ang mukha nito.Wala nang ibang paraan!Kinuha ni Jade ang kanyang telepono at nagsimula nang tumawag at maghanap ng mga pintor na kilala niya.Siya ang manager ng Windon Group. Siya rin ay sikat sa Donghai City. Hindi pa nakakalipas ang isang oras, dumating na ang pintor sakanyang opisina.Nagsimula nang gumuhit ang pintor base sa mga sinabing deskripsyon ni Darryl sakanya. Pagkatapos nang ilang oras, tapos na ang larawan.Kuhang kuha ng pintor ang itsura ni Monica. Kung ano ang itsura sa larawan ay kamukhang kamukha.Agad na umalis ng Great West Real Estate si Darryl pagkatapos niyang makuha ang larawan.Kinuhaan niya nang litrato ang larawan na ginuhit ng pintor at pinadala sa Dixon quadruplets. Sila ang magsasabi sa Elysium Gate members na hanapin ang Cult Mistress ngunit sabi ni Darryl na gawin nila ito nang tahimik. Kailangan nilang pa
Sa Secret Garden Karaoke Bar sa Donghai City.Ang bar ay matatagpuan sa isang maingay na gusali at kakabukas lang nitong mga nakaraang araw. Ito rin ang pinakamalaking bar sa Donghai City.Sa ika-level three ng bar ay ang deluxe suite.Ang deluxe suite ay isang daang square feet kalaki. Mayroong wine counter, lugar kung saan pwede matulog, malakas na sound system at ang pinaka importante, isang maliit na pool kung saan pwede sumayaw.Ang bar na ito ay may malaking lugar at ang presyo nila kada oras ay nasa limampung libong dolyar. Maliban sa mayayaman na pamilya, wala talagang kaya pumunta rito.Sa sandaling ‘yon, ang suite ay napalibutan ng ilang dosenang bodyguards na nakasuot ng itim na damit; nakakamangha ang kanilang itsura.Lahat sila ay naroon para protektahan ang isang tao, si Dalton Zander ng Dalton Entertainment.Pagkatapos ng insidente sa Mid-Autumn Festival celebration sa Donghai City kung saan tinapunan si Darryl si Dalton ng ihi niya, napagtanto niya ang kahalagaha