“Si Master!”Nagpakita ng pagkasabik ang magnadang mukha ni Kimberly habang nagaalala nitong sinasabi na, ‘Nasaktan ng husto ang ikalima at ikaamin na elder. Magagawa kaya silang iligtas ni Master nang maigsa?”Natigilan naman si Darryl nang makita niya si Amie. Nabahala siya sa kaligtasan nito habang pababa sila sa bundok. Pero agad siyang nakahinga ng maluwag nang malaman niyang ligtas ito.Pero kahit na ganoon, iniisip pa rin niya na nagpadalos dalos ito nang atakihin nito ang kalaban.Sa main hall.Nilapitan na si Amie ng Greate Elder. Nagmukhang galit ang maganda niyang mukha habang sinasabi na, “Masyado kang ambisyoso, at nagawa mo ring pagtangkaan ang buhay ng mga miyembro ng aming sekta. Kaya kikilos ako sa ngalan ng aking sekta para tapusin ka!”Agad siyang bumilis sa pagtakbo nang matapos siya sa pagsasalita. Nagliwanag ng husto ang mahaba niyang espada na siyang bumalot sa Great Elder.“Magiingat ka, Sect Master!”Sumama naman ng husto ang mukha ni ikalawang elder ha
Iwinagayway ng ikalima at ikaanim na elder ang kanikanilang mga espada para muling makipaglaban sa ikalawang elder at sa mga kasama nito. Alam nilang sugatan na ang mga ito kaya hindi nila magagawang patayin ang punong elder. Si Amie na lang ang nagiisang tao ngayon na may kakayahang pumatay sa punong elder kaya dapat nilang pigilan ang ikalawang elder at ang mga kasama nito kung ayaw nilang masayang ang lahat ng pinaghirapan ni Amie.“Hayop ka! Mamatay ka na!”“Umalis ka sa daraanan ko!”Naginit sa galit ang ikalawang elder at ang mga kasama nito. Nagsanib puwersa ang mga ito para paligiran ang ikalima at ikaanim na elder para patayin ang mga ito.Pero wala ng pakialam pa sa kanilang mga buhay ang ikalima at ikaanim na elder kaya itinuring nilang huling pagatake ang anumang pagatake na ginagawa nila na nagdulot ng sakit ng ulo sa ikalawang elder at sa mga kasama nito.Walang kahit na sino ang magsusugal sa kanilang mga buhay para labanan ang mga taong wala ng pakialam sa kanilang
“Dalian ninyo. Patayin niyo na ako.” Tila wala sa sariling sinabi ng ikalimang elder.Kahit na nagpapagewang gewang ang kaniyang katawan, hindi pa rin nagpakita ng takot ang kaniyang mukha habang hinaharap ang kaniyang mga kalaban.“Dalian ninyo! Gusto niyo akong patayin hindi ba? Halikayo rito! Sigaw ng ikalimang elder na may namumulang mga mata.‘Buwisit!’ Nagpalitan ng tingin ang ikalawang elder at ang mga kasama nito. Dito na sila nakaramdam ng matinding takot. ‘Napakalakas ng isang ito. Paano niya nagawang tumayo matapos niyang masugatan ng ganito katindi?”“Hayop ka!” Malakas na mura ng ikalawang elder. Dito na niya sinaksak ng espada ang ikalimang elder sa tiyan nito. Mabilis na sumirit ang sariwa nitong dugo na nagpapula sa lupa.Kasunod nito ang pagsugod ng kaniyang mga kasama para saksakin ang ikalimang elder.Nasaksak ang katawan ng ikalimang elder sa iba’t ibang bahagi na nagpakita sa itsura ng isang duguang lalaki. Nagdadadalawang isip nitong hinabol ang huli niyang
Hindi na nagdalawang isip pa si Darryl na nagtatago sa likuran ng lihim na pinto habang tinatantsa niya ng sitwasyon. Dito na niya hinila ang isang kahoy mula sa pinto para matanggal ito. Sinisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay ng ikalimang elder kaya sinabi niya sa kaniyang sarili na hindi na niya hahayaan pang mamatay ang ika anim na elder.Lumipad ang kahoy sa ere na gumawa ng malakas na sipol papunta sa mga taong pumapaligid sa ikaanim na elder.“Huh?”“Anong tunog iyon?”Walang kaideideya sa nangyayari ang iilang mga taong pumaligid sa ikaanim na elder. Pero agad pa rin silang naging alerto nang marinig nila ang pagsipol sa hangin ng kahoy.Wala pang isang segundo ang lumilipas nang makaramdam sila ng vibration mula sa kanikanilang mga espada. Nanakit ang kanilang mga braso hanggang sa mabitawan nila ang kanilang mga espada na nagsibagsak sa sahig.Natigilan silang lahat nang mangyari iyon. Agad silang napahawak sa nananakit nilang mga braso habang nagpapakita ng pagka
Hindi naman sinagot ni Amie ang ikalawang elder. Kahit na ganoon ay nakaramdam pa rin siya ng pagkabahala. Walang tigil niyang inisip ang ika anim na elder habang nakikipaglaban siya sa punong elder. Naniwala siya na hindi makakalabas ng buhay ang ika anim na elder sa labang iyon kaya natuwa siya ng husto nang makita niya ang nangyari sa panig ng ika anim na elder.Nakaupo naman sa sahig ang ika anim na elder na bumabawi sa kaniyang lakas. Ang sinumang sumunod sa punong elder ay agad na namatay at bumagsak sa sarili nilang mga dugo…‘Napakahusay!’ nasabik ng husto si Amie nang makita niya iyon. ‘Napatay ng ika anim na elder ang mga taong iyon kaya hindi na naging masama ang aming sitwasyon.’Nagsuspetsa noong mga sandaling iyon na ang ika anim na elder ang pumatay sa mga taong iyon. Wala siyang ideya na si Darryl talaga ang pumatay sa mga kalaban nito.Alam ng ikalawang elder na mayroong mali nang makita niya ang itsura ni Amie. Hindi niya naiwasang mapatingin hanggang sa mapatigil
Kasabay nito ang pagbubuntong hininga ng walang magawang si Darryl.Alam na alam talaga ng isang ito ang tamang oras para sirain ang lahat.“Yare!”Agad na nagbago ang itsura ni Elder Hexa sa kaniyang nakita. Nahuli si Kimberly na nahaharap sa isang malaking problema.Agad na tumayo si Elder Hexa nang maisip niya iyon para iligtas si Kimberly pero kasalukuyan pa siyang nasa gitna ng pagpapagaling kaya wala siyang magawa na kahit ano.Hindi naman makagalaw si Kimberly pero hindi pa rin siya nagpanic ng kahit na kaunti habang sumisigaw ito sa punong elder ng, “Walanghiya ka talagang hayop ka! Pakawalan mo ako ngayundin!”Masyadong nakakahiya at nakakagigil ang itsura ni Kimberly habang nagsasalita.Nakaramdam din ito ng konsensya sa kaniyang sarili noong mga sandaling iyon.Hindi niya nagawang magtagumpay sa pinaplano niyang pananambang at nagawa ring maselyuhan ng punong elder ang kaniyang mga acupoint.Nagdilim naman ang itsura ng punong elder sa mga sinabi ni Kimberly kaya ma
Aatake na sana si Darryl nang maisip niya iyon pero agad niyang pinigilan ang kaniyang sarili sa huling sandali.Okay lang para sa kaniya na magpakilala sa Moonlight Sect pero siguradong madadamay sina Amie at Kimberly sa sandaling malaman ni Magaera ang tungkol sa nangyari rito.Tama, mas maigi kung magiisip siya ng ibang paraan para matulungan ang mga ito.Nang maisip niya iyon, kinuha ni Darryl ang isang piraso ng kahoy habang naghahandang umatake para patayin ang punong Elder pero kasalukuyan siyang hinaharangan ngayon ni Kimberly kaya hindi makahanap si Darryl ng puwesto kung saan siya dapat umatake.Dito na nakaramdam ng pagkabahala si Darryl.Oh?Nang bigla niyang makita ng isang estatwa sa hilaga ng hall, dito na pumasok ang isang bagay sa kaniyang isipan.Kasunod nito ang paglipad ni Darryl sa ere papunta sa hall habang nagiging isang translucent na anino ang kanyiang katawan na hindi nakita ni Elder Hexa bago siya magtago sa likurang ng estatwa.Kasalukuyang nakatutok
“Pfft…”Hindi naiwasang matawa ng punong elder sa kaniyang narinig habang nagpapakita ng pangaasara ang kaniyang itsura. “Binastos ako ng hayop na batang ito kaya patas lang para sa akin na patayin siya. Pero maaari ko pa rin naman siyang pakawalan.”“Alam mo kung ano ang naiisip ko ngayon? Ibaba mo ang iyong espada at magmakaawa ka sa aking kapatawaran kung gusto mong pakawalan ko ang isang ito. Kung hindi ay sisiguruhin ko na hindi mo na siya makikita pang buhay.”Nagpakita ng pagkaarogante ang mukha ng punong elder habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.Alam niya na malakas ang paniniwala ni Amie sa hustisya bilang isang babae kaya hinding hindi nito matitiis na panooring mamatay ng miserable ang kaniyang disipulo.“Ikaw… napakawalanghiya mo…”Nanginig naman si Amie habang sumisigaw ito sa punong elder, wala na siyang ibang gusto kundi paghiwahiwalayin ang mga buto nito sa katawan pero agad niyang pinigilan ang kaniyang sarili nang maisip niya si Kimberly.Hayop ka!Hin