Habang nasa gitna ng kaniyang pagkagulat, wala ng iba pang gusto si Haring Astro kundi umabante para tulungan si Darryl.Wala na sa imahinasyon ng kahit na sinoa ng lakas nina Darryl at Master Magaera lalo na ang tindi ng mga aura na lumabas sa kanilang mga katawan. Masyado na itong nakakatakot mula sa malayo, paano pa kaya kung titingnan ito ng malapitan.Mukha namang hindi gumagalaw si Darryl at Master Magaera, pero agad na nasira ang magandang daloy ng hangin sa paligid na bumuo ng isang nakakatakot na bagyo nang sumabog ang lakas sa katawan ng dalawa.Kasunod nitong naapektuhan ang hangin ng parahon habang nabubuo sa kalangitan ang makakapal na mga ulap bago kumalat ang kulog at kidlat sa kalangitan.Walang duda na nagiba ang panahon nang dahil sa nangyayaring duwelo sa pagitan nina Darryl at Master Magaera.Habang naririnig ang tunog ng kulog sa paligid, isang kislap mula sa kulay purple na kidlat ang humiwa sa kalangitan pababa kina Darryl at Master Magaera.Hiss…Natigila
Naginit ng husto ang tingin ni Master Magaera habang nasa gitna ng kaniyang pagsasalita.Hindi maaaring mabuhay si Darryl anumang ang mangyari. Hindi, siguradong patay na ito ngayon.Tumango naman sa kaniya si Paya habang seryoso nitong sinasabi na, “Huwag kayong magalala, Master. Sisiguruhin ko sa inyo na mahahanap namin siya.”Habang nagsasalita, humarap si Paya sa mga sundalo sa kaniyang paligid para sumigaw ng, “Ano pang itinatayo tayo ninyo riyan? Hanapin niyo na si Darryl Darby sa paligid anuman ang mangyari. Dalian na ninyo!”“Opo, Punong Heneral!”Sagot ng daan daang mga bantay bago sila kumalat sa paligid para hanapin si Darryl.Magkasabay na naghanap sina Haring Astro at Paya sa Gem City ng ilang araw pero hindi pa rin nila nagawang matagpuan si Darryl……Sa layong 80 kilometro mula sa Gem City makikita ang ilang mga bulubundukin. Masyadong matataas ang mga ito na nagbigay ng magandang tanawin sa paligid.Dalawang nagagandahang mga imahe ang dahan dahang bumabaybay s
Dito na napabuntong hininga si Kimberly habang nafufrustrate nitong sinasabi na, “Masyado po kayong mabait, Master. Hindi pa rin siya mabubuhay kahit na magising pa siya. Sinasabi ko lang po na sayang ang pill na ipinainom ninyo sa kaniya at ang oras natin para alalayan siya.”Kumunot naman dito ang noo ng naiiritang si Amie. “Huwag kang magsalita ng ganiyan, Kimberly. Tadhana lang ang makapagsasabi kung makakaligtas ba siya rito o hindi. Wala tayong magagawa kundi gawin ang lahat ng ating makakaya.”“Sige, kung ganoon. Naiintindihan ko na po.” Labas ni Kimberly sa kaniyang dila habang nagiisip.Kasunod nito ang pagtingin ni Kimberly kay Darryl bago nito nagugulat na sabihing, “Nako hindi! Nagising nga talaga siya?”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, wala na silang iba pang nakita kundi ang mahinang paghinga ni Darryl habang iminumulat nito ang kaniyang mga mata.Buwisit!Sinuwerte lang siya na bumagsak sa isang ilog sa hangganan ng city matapos niyang tamaan ng Thund
Naramdaman din ni Amie na hindi lalampas sa pagiging isang mortal si Darryl dahil walang enerhiya na lumalabas sa katawan nito kaya wala itong magiging banta para sa kaniya.Pero lingid sa kaniyang kaalaman na masyado talagang malakas si Darryl. Naubos lang ang enerhiya nito sa naging laban nila ni Magaera.Napabuntong hininga na lang si Darryl habang tinitingnan niya ang mukha ni Amie para nakangiting sabihin na, “Sige. Maraming salamat sa pagaalala mo sa akin.”Naubos ang kaniyang divine energy sa naging duwelo nila ni Master Magaera sa Gem City at nangangailangan din siya ng isang tahimik na lugar para magpalakas. Natural namang hindi siya muna maaaring bumalik sa Gem City kaya agad niyang tinanggap ang alok ni Amie.Nagdalawang isip naman dito si Kimberly. “Master, kayo—"“Tama na. Nakapagdesisyon na ako.”Pero agad na pinutol ni Amie sa pagsasalita si Kimberly. Naging mahinhin ang kaniyang boses pero hindi ito magagawang kwestyunin ng kahit na sino.Wala namang ibang naramd
Isa si Amie sa pinakabata sa siyam na mga elder at nagkaroon din ito ng mahinhing aura kaya hindi siya kailanman sineryoso ni Maxim.Sabagay, napakalayo pa rin ng agwat ng kakayahan ni Amie kung ikukumpara sa kanilang punong elder na siyang master ni Maxim.Agad namang namula ang mukha ni Amie sa kaniyang narinig habang lumalabas ang inis sa kaniyang dibdib. “Huwag kang magloko rito, Maxim. Walang kahit na ano sa iniisip mo ang ginawa namin ni Kimberly.”Malakas ding sumali sa usapan si Kimberly nang marinig niya ang mga salitang iyon sa ere. “Itikom mo na lang ang bibig mo Maxim kung ayaw mong turuan ka ni Master ng leksyon! Umalis ka na nga rito!”Wala ng ibang naramdaman si Kimberly kundi galit. Sapat na para sa kaniya ang ginagawang pangaapi ni Maxim pero nagawa pa rin nitong bastusin ang kaniyang master.Hindi naman nagpanic ng kahit na kaunti si Maxim. At sa halip ay nagpakita ito ng nakakainis na ngiti sa dalawa.“Ang lakas ng loob mo para kausapin ako ng ganiyan. Darating
“Sinabi rin ni Maxim kanina na siguradong ang punong elder na ang mananalo sa—"Nabalot ng pagkabahala si Kimberly noong mga sandaling iyon. Ano nga ba ang pumasok sa isipan ng kaniyang master para maghanap ng ganitong klase ng gulo?Pero bago pa man siya matapos sa kaniyang pagsasalita, kalmado siyang pinigilan ni Amie. “Mismong ang pamumuno ng punong elder sa tournament ang rason kung bakit ako sasali rito. Kung buhay pa talaga ang ating sect master at kasalukuyan lang na nakakulong sa secret realm, paano natin magagawang pigilan ang anumang plano ng punong elder dito? Kinakailangan kong gawin ito.”Dito na tumingin si Amie sa labas. “Hahanapin ko ang Sect Master sa pagkakataong ito manalo man ako o matalo sa tournament. Hahanapin ko siya buhay man siya o patay na.”Alam ni Kimberly na wala ng silbi ang pagkumbinsi rito kaya napatango na lang siya habang nagbubuntong hininga sa kaniyang sarili.“Sige kung ganoon, Master. Magiingat po kayo. Alam niyo naman na mayroong pinaplano a
Habang nagsasalita siya sa kaniyang sarili, nilabas ni Kimberly ang isang malaking kahoy na batsa mula sa kaniyang kuwarto. Pinuno niya ito bago siya magsimulang maligo. Dito na pumasok ang isang bagay sa kaniyang isipan kaya agad siyang napatingin sa kaharap niyang kuwarto.Isang dingding lang ang naghihiwalay sa kuwarto niya at sa kuwarto ni Darryl at wala rin itong kahit na anong uri ng kurtina sa loob.Isang study room ang kuwarto na binigay ni Amie kay Darryl para mapagpahingahan.Dito na sumilip si Kimberly sa bintana hanggang sa makita niya ang nagpapahingang si Darryl kaya agad siyang napasigaw dito.“Hoy! Tulog ka na ba?”Nakaramdam ng matinding inis si Kimberly noong mga sandaling iyon.Anong naisip ng kaniyang master para iuwi ang lalaking ito at ilagay ito sa kuwarto na katabi ng kaniyang kuwarto na walang kahit na anong takip sa bintana? Hindi ba’t makikita nito ang buo niyang katawan sa sandaling maligo siya roon?Nasa kalagitnaan ng pagpapalakas si Darryl kaya aga
‘Ito kaya ang dahilan ng matinding pamumula ng kaniyang katawan?’Nagmamadaling tinanggal ni Kimberly ang selyo sa mga acupoint ni Darryl nang maisip niya iyon. Hindi niya narealize na nakita nito ang buo niyang katawan.Nakahinga na ng maluwag si Kimberly nang matanggal niya sa pagkakaselyo ang mga acupoint ni Darryl. Dito na siya sumigaw ng, “Binabalaan kita! Hinding hindi mo maaaring sabihin ang nangyari sa aking master, naiintindihan mo?”Siguradong paparusahan siya ni Amie sa sandaling malaman nito ang nangyari.“Opo, opo. Masusunod po…”Nakangiting sagot ni Darryl.“Ginamot mo lang ako nang selyuhan mo ang aking mga acupoint kanina hindi ba? Napakabait niyo po pala talaga pero ayaw niyo pa rin itong ipaalam sa inyong master. Napakabuti po ng inyong puso, Ms. Kimberly.”Natawa na lang ng husto sa kaniyang sarili si Darryl nang sabihin niya iyon.Natatakot si Kimberly na malaman ng kaniyang master ang tungkol sa pagseselyo niya ng mga acupoint ni Darryl.Napakainteresante.