‘Buwisit!’ Sumama ng husto ang mukha ni Usman noong mga sandaling iyon. Kumapit ang galit sa kaniyang dibdib na halos makapagpawala sa kaniyang malay. Kaunti na lang at madudukot na rin niya ang batang emperor na kaniyang ibibigay kay Paya. Sino nga ba ang magaakala na biglang magpapakita si Kye mula sa kawalan…Dumating si Paya kasama ng Chino Troop habang nilalamon ng kaniyang galit si Usman. Napahinga na lang ng malalim si Usman at ang mga senior na sundalo sa tindi ng aura mula sa tropa ng Chino.Pagkalipas ng isang segundo, nagreact at sumaludo si Usman kay Paya. “Binabati ka ni Usman Fuentes, kagalanggalang na heneral.”Umupo naman sa kaniyang kabayo si Paya bago ito mahinang sumagot habang ipinapakita ang arogante niyang mukha. Hindi niya kailanman nagustuhan si Usman dahil masyado itong wala sa lugar. Hinding hindi niya tatawagin si Usman kung hindi niya lang kailangan ang tulong nito sa pagdukot sa batang emperor.Ngumiti naman si Amir habang nagtatanong ito ng, “Heneral F
Nagpatuloy si Darryl sa paglingon habang nagsasalita. Wala na siyang ibang nakita kundi ang mahangin at tila abandonadong daan sa bundok. Wala siyang nakita na kahit anong bakas mula kay Sky at Yankee.“Paano ko naman ito malalaman?” Sabi ni Moriri, “Wala kaming kaalamalam sa kaniyang mga iniisip o sa mga pinaplano niyang gawin. Maaaring mayroon itong sariling plano. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya tayo hinabol kasama ng batang emperor.”Sinundan niya si Kye mula pagkabata at hinangaan niya rin ito ng husto.Natawa naman si Darryl ngayong alam na niya ang attitude nito. “Mukhang humahanga ka talaga ng husto sa sect master mo.”“Ano naman ang ibig mong sabihin dito?” Simangot ni Moriri.Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Darryl habang hindi nito sinasagot si Moriri. At sa halip ay nagtanong na lang ito sa ibang bagay. “Sabihin mo sa akin ang totoo, katiwatiwala ba talaga ang sect master mo?”Nakaramdam ng pagkairita si Moriri sa narinig niyang tanong. “Ano gusto mong sabih
Tumango naman dito si Zhu Bajie habang nakatitig ang kaniyang gma mata sa mga bakas sa putik. “Sige, tingnan natin ang isang ito.”Sinundan nila ang mga bakas ng paa hanggang sa makarating sila sa masukal at maputik na bahagi ng gubat.Sumagot at agad namang sumunod sa kaniya si Yasir.“Sir!” Maingat na sinabi ni Yasir, “Tutulungan ko po kayong mahuli ang Black Shell Alligator at makuha ang kaluluwa nito. Umaasa po ako na pakakawalan niyo na po ako ng buhay pagkatapos nito.”Ilang araw na rin niyang pinaulanan ng papuri si Zhu Bajie pero mas masahol pa rin sa kamatayan ang ginagawang pagbalot ng matinding pressure ng aura ni Zhu Bajie sa buo niyang katawan.“Manahimik ka!” Naiinis na sianbi ni Zhu Bajie bago siya sumagot ng, “Maguusap tayo sa sandaling makuha ko na ang kaluluwa ng halimaw na ito.”Mas tumindi ang nararamdaman niyang pagkairita nang maalala niya ang ginawang pagpatay ni Yasir sa hari ng mga lobo.“Opo, wala pong problema.” Malakas na tango ni Yasir sa kaniyang ul
Nagulat naman dito sina Heather at Ambrose. Agad silang napatingin nang marinig nila ang pagsigaw ng isang lalaki malapit sa kanila.‘Tito Zhu?’ nasurpresa naman si Ambrose nang makita niya si Zhu Bajie.Bago pa man siya makapagsalita, nagpatuloy si Yasir sa pagsigaw, “Hayop ka! Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagdaanan namin para lang makita ang Black Shell Alligator na ito?”Mas tumindi ang kaniyang galit sa bawat segundong lumilipas. Dito na siya sumugod habang binubunot ang kaniyang espada. Hindi siya mahilig sumugal kaya hinding hindi siya aatake nang ganito kabiglaan lalo na’t kaya ng kaniyang kalaban na pumatay ng isang Black Shell Alligator. Siguradong hindi dapat maliitin ng kahit na sino ang lakas nito.Pero ilang araw na siyang hawak ni Zhu Bajie na nakapagpawala sa kaniyang sarili kaya hindi na siya nakapagisip pa ng maayos.“Tigil!” Kunot ni Zhu Bajie habang sinesermonan nito si Yasir. Kasabay nito ang pagsampal niya kay Yasir.Slap! Kahit na hindi ginamit ni Zhu
‘Ano? Hindi lang ako nabigo na tumulong kay Zhu Bajie na maghanap ng halimaw dahil muntik ko pa ngayong banggain ang Elysium Gate,’ Isip ni Yasir.Mabilis na inilibing ni Yasir ang bangkay ng Black Shell Alligator bago nagpatuloy ang apat sa paghahanap ng halimaw na may lakas na nasa Martial Emperor Level.Mas naging epektibo ang kanilang paghahanap sa tulong na ibinigay nina Ambrose at Heather. Dito na sila nakakita ng dalawang mga Martial Emperor na halimaw sa loob ng kalahating araw sa tulong ng natural na instinct ng mga agila.Masyadong naging mabilis ang ginawa nilang paghuli sa dalawang mga halimaw. Madaling nakuha ni Zhu Bajie ang kaluluwa ng dalawang halimaw na kanilang nahuli. Natuwa siya ng husto nang makuha niya ang mga iyon.Gumaan na rin ang pakiramdam ni Yasir kaya agad siyang naghanap ng oportunidad para kausapin si Zhu Bajie. “Sir, ngayong nakakuha na po kayo ng kaluluwa ng halimaw, maaari na po ba akong umalis?”‘Umalis?’ namula naman dito ang mukha ni Zhu Bajie
Natigilan dito si Zhu Bajie habang nabablangko ang kaniyang isipan. Nahimasmasan siya pagkatapos ng ilang segundo.Kaniya nga talaga ang batang ito dahil masyado na itong naging kakaiba ngayong nasa sinapupunan pa lang siya ng kaniyang ina.Masyado na itong malakas sa pagabsorb ng enerhiya hindi ba? Dalawang linggo ring pinaghirapan ni Zhu Bajie ang pagkuha sa mga kaluluwang iyon pero hindi pa rin ito naging sapat para sa kaniyang anak.At higit sa lahat, hindi na siya aabot sa sandaling bumalik pa siya ngayonsa Wild Deserted Secret Region.Dito na napatanong si Ambrose kay Divine Farmer ng, “Ano na po ang dapat nating gawin ngayon?”Huminga naman ng malalim si Divine Farmer habang nagpapakita ng seryosong itsura sa kaniyang mukha.” Nangangalahati pa lang kami kaya siguradong may mangyayari sa sandaling tumigil kami sa gitna ng aming gamutan. Kaya ang pinakamagandang bagay na dapat nating gawin ngayon ay kumuha ng mas maraming mga kaluluwa ng halimaw, pero—"Nagaalala namang pinu
Habang nagsasalita, tumingin si Divine Farmer kay Yasir bago ito magpatuloy sa kaniyang mga sinasabi.“Maaari ngang ubod ng sama ang lalaking ito pero hindi pa rin siya karapat dapat na mamatay. Hindi tama para sa iyo na gamitin ang kaniyang kaluluwa para ipakain sa iyong anak. Hindi mo ito dapat na gawin.”Napahinga na lang ng malalim si Zhu Bajie nang marinig niya ang mga sinabi ni Divine Farmer bago niya nanlalamig na titigan si Yasir para sabihing, “Sinuwerte ka sa pagkakataong ito. Lumabas ka na ngayundin!”“Maraming salamat po sa pagliligtas ninyo sa aking buhay, Master.” Nagmamadaling tumayo para umalis si Yasir habang naguumapaw ang pagpapasalamat sa kaniyang bibig.Nafrustrate ng husto si Zhu Bajie nang makita niya ang pagalis ni Yasir.Dito na tumingin si Zhu Bajie kay Divine Farmer. “Mayroon pa ba tayong ibang paraan? Ikaw ang may pinakamalawak na impormasyon sa larangan ng medisina kaya hindi ka maaaring maubusan ng plano.”Nabalot ng pagpapanic si Zhu Bajie nang mais
Sa layong isang daang kilometro mula sa Marvel Valley ng Keygate Continent, hindi na gaanong nagpakita ng pagod sina Darryl at Moriri matapos nilang magpahinga sa tabi ng isang sapa.Naghahanda ng umalis si Darryl noong mga sandaling iyon. Napagisip isip na niya ang lahat. Makikipagkita siya kay Kye habang pinoprotektahan si Yankee hanggang sa makaharap nila si Haring Astro.Hindi naman sa walang tiwala si Darryl kay Kye. Nangako lang siya kay Fitzroy noong una na sisiguruhin niya na makakaharap ni Yankee si Haring Astro. Tinutupad lang ni Darryl ang kaniyang pangako.Umupo naman doon si Moriri na walang intensyong umalis habang tinatawag niyo ng mahina si Darryl, “Umalis ka na! Dito lang ako.”Maririnig ang panghihina sa boses ni Moriri pero hindi pa rin ito magagawang kwestyunin ng kahit na sino.Talaga?Napatigil si Darryl para tingnan ng maigi si Moriri nang mapagtanto niya ang isang bagay. “Pinaplano mo bang manatili rito para tanggalin ang lason sa katawan mo?”Malinaw na