Habang nagsasalita, tumingin si Divine Farmer kay Yasir bago ito magpatuloy sa kaniyang mga sinasabi.“Maaari ngang ubod ng sama ang lalaking ito pero hindi pa rin siya karapat dapat na mamatay. Hindi tama para sa iyo na gamitin ang kaniyang kaluluwa para ipakain sa iyong anak. Hindi mo ito dapat na gawin.”Napahinga na lang ng malalim si Zhu Bajie nang marinig niya ang mga sinabi ni Divine Farmer bago niya nanlalamig na titigan si Yasir para sabihing, “Sinuwerte ka sa pagkakataong ito. Lumabas ka na ngayundin!”“Maraming salamat po sa pagliligtas ninyo sa aking buhay, Master.” Nagmamadaling tumayo para umalis si Yasir habang naguumapaw ang pagpapasalamat sa kaniyang bibig.Nafrustrate ng husto si Zhu Bajie nang makita niya ang pagalis ni Yasir.Dito na tumingin si Zhu Bajie kay Divine Farmer. “Mayroon pa ba tayong ibang paraan? Ikaw ang may pinakamalawak na impormasyon sa larangan ng medisina kaya hindi ka maaaring maubusan ng plano.”Nabalot ng pagpapanic si Zhu Bajie nang mais
Sa layong isang daang kilometro mula sa Marvel Valley ng Keygate Continent, hindi na gaanong nagpakita ng pagod sina Darryl at Moriri matapos nilang magpahinga sa tabi ng isang sapa.Naghahanda ng umalis si Darryl noong mga sandaling iyon. Napagisip isip na niya ang lahat. Makikipagkita siya kay Kye habang pinoprotektahan si Yankee hanggang sa makaharap nila si Haring Astro.Hindi naman sa walang tiwala si Darryl kay Kye. Nangako lang siya kay Fitzroy noong una na sisiguruhin niya na makakaharap ni Yankee si Haring Astro. Tinutupad lang ni Darryl ang kaniyang pangako.Umupo naman doon si Moriri na walang intensyong umalis habang tinatawag niyo ng mahina si Darryl, “Umalis ka na! Dito lang ako.”Maririnig ang panghihina sa boses ni Moriri pero hindi pa rin ito magagawang kwestyunin ng kahit na sino.Talaga?Napatigil si Darryl para tingnan ng maigi si Moriri nang mapagtanto niya ang isang bagay. “Pinaplano mo bang manatili rito para tanggalin ang lason sa katawan mo?”Malinaw na
Habang nagsasalita, sumandal si Darryl sa isang bato. Pinagkrus niya ang kanyiang mga braso sa harapan ng kaniyang dibdib habang tinititigan niya si Moriri nang may ngiti sa kaniyang mukha.Hindi naman siya pinansin ni Moriri na naghahanda sa pagaayos ng kaniyang internal energy habang lumalala ang nakapapaso niyang nararamdaman sa kaniyang katawan.Pero hindi lang siya nabigo rito dahil nagawa niya ring mabuo ang Heart Devil Flame. Nagliwanag ito ng kulay purple at pula palabas sa kaniyang katawan.Hindi na nakapagreact si Moriri habang naaabo ang suot niyang damit sa loob ng isang iglap na nagpakita sa perpekto niyang korte. Hindi naman naiwasang mapabuntong hininga ni Darryl sa kaniyang nakita habang nakatulala siyang tumitignin kay Moriri.Napakaperpekto ng kaniyang katawan.Nagalit at napahiya si Moriri nang maramdaman niya ang pagtingin ni Darryl. “Ikaw… ipikit mo ang mga mata mong hayop ka.”Agad namang tumalikod ang nakangiting si Darryl nang marinig niya ang sinabi ni Mo
‘Oh?’Nakarinig si Darryl ng ingay sa kaniyang likuran at hindi niya maiwasang macurious dito.‘Hindi ba’t nasunog ang kaniyang damit? Wala rin siyang dalang bag kaya saan niya nakuha ang bagong set ng mga damit na ito?’Dito na natapos si Moriri sa pagbibihis sa kaniyang sarili habang mahina nitong sinasabi na, “Tapos na ako.”Agad namang sumagot si Darryl bago ito tumalikod at mapatigil nang makita niya si Moriri.Wala na siyang ibang nakita kundi si Moriri na nakasuot ng isang bago at kulay itim na damit, namumulamula pa ang mukha nito nang dahil sa naranasan niyang psychotic break kanina.Hindi na masyadong nainis si Moriri kay Darryl at sa halip ay mas nacurious ito sa mga nangyari. Hindi niya pinansin ang mga tingin ni Darryl habang nagtatanong ng, “Isa bang tunay na sekta… ang Artemis Sect na binanggit mo kanina?”“Siyempre naman!” tango ni Darryl.Dito na mas lalong naconfuse si Moriri. “Hindi ko pa naririnig ang pangalang ito sa buong buhay ko.”Agad namang natawa si
Matalim na lumabas ang huling salita sa kaniyang bibig kaya hindi ito nagawang makwestiyon ng kahit na sino.Para kay Granny Rafflesia, isa si Darryl sa mga miyembro ng Heaven Deviation Path.Uhh…Awkward namang pumilamtik ang katawan ni Darryl, sasagot na sana siya nang biglang magsalita si Moriri.Dito na magalang na sumagot si Moriri ng, “Bakit niyo po hinahanap ang aming Sect Master, Granny?” Para sa kaniya, palaging kumikilos ng magisa ang kanilang Sect Master at hindi pa niya ito nakikita na kasama ni Granny Rafflesia.Maliban ito sa mga istriktong batas sa Heaven Deviation Path kaya hindi sila nagkaroon ng anumang hindi pagkakaunawaan ni Granny Rafflesia.“Napakamangmang ng binatang ito.”Nagpakita ng pagkaarogante ang mukha ni Granny Rafflesia habang nanlalamig niyang sinasabi na, “Wala na kayong pakialam sa pakay ko. Dalian ninyo, nasaan na ang inyong Sect Master?”Napabuntong hininga naman dito si Moriri ngayong napagtanto niya na hindi na niya kailangan pang gumalang
Hindi naman sumagot sa kaniya si Moriri habang nagpapanic sa kaniyang sarili.Nakilala ang mga walang awang pamamaraan ni Granny Rafflesia sa buong mundo kaya wala siyang kaaalam alam kung ano ang gagawin nito sa kaniya…Dito na napansin ni Darryl na hindi na nagiging maganda ang mga nangyayari sa paligid habang napapamura siya sa kaniyang sarili. “Huwag po tayong magpadalos dalos, Granny. Maaari… maaari bang pakawalan niyo muna ako?”Napagisip isip na ito ni Darryl. Iisip siya ng paraan para tumakas bago niya pasimpleng ikutin ang lugar na iyon para mailigtas si Moriri kay Granny Rafflesia sa sandaling makakita siya ng tamang pagkakataon para gawin ito.Hindi naman nagbigay ng kahit na anong pagkakataon si Granny Rafflesia para mangyari ang gusto ni Darryl. “Hindi ka naman nagmula sa Heaven Deviation Path, iho kaya anong ikinatatakot mo?”Dito na tumingin ng patagilid si Granny Rafflesia kay Moriri. “Ngayong ayaw mong makipagcooperate, hahayaan ko munang maglibang ang binatang it
Pagkatapos ng ilang oras, nakarating na rin si Granny Rafflesia sa Gem City kasama nina Darryl at Moriri.Matatagpuan ang Gem City sa silangang karagatan ng Keygate Continent, ito ang pinakamarangyang siyudad sa buong dinastiya ng Daim maliban sa kanilang kabisera.Gabi nan ang makarating ang tatlo roon.Wala na silang ibang nakita kundi mga ilaw na nakakalat sa siyudad nap uno ng tao at nagtataasang mga building habang makikita sa harapan ng siyudad ang ilang daang libong mga sundalo na naglabas ng nakamamatay na aurang susuffocate sa sinumang magmamadaling lumapit sa mga ito.Ang mga sundalong ito ay kabilang sa hukbo ng Gem na pinamumunuan ni Haring Astro.Tatlong araw ng nawawala ang batang emperor mula noong mapabagsak ang imperial capital na nagpapanic ng husto kay Haring Astro kaya agad nitong tinipon ang kaniyang mga tauhan para maghandang atakihin ang mga rebeldeng tauhan ni Paya, pero hindi pa rin nila nagawang umatake ngayong wala pa rin silang balita tungkol sa batang
“Ang lakas ng loob mong dungisan ang Heaven Deviation Path ah? Gusto mo na bang mamatay? Pakawalan mo na si Moriri ngayundin kung ayaw mong pagsisihan ang gagawin ko sa iyo.”Agad na bumunot ng mahabang espada ang lalaki habang nagsasalita.Naging matangkad at matipuno ang lalaki na nangibabaw sa kaniyang mga kasama. Siya ang deputy Altar Master ng Gem City Branch Altar na si Yzire Motts. Nakilala si Yzire sa maiksi nitong pasensya at malakas nitong personalidad kaya hindi na siya nakapagpigil nang makita niya ang kabastusan sa mukha ni Granny Rafflesia.‘Gusto ko ng mamatay?’Ngumisi naman dito si Granny Rafflesia habang hindi nito pinapansin si Yzire. “Umalis ka sa daraanan ko! Isa ka lang deputy altar master pero nagawa mo ng kumilis na tila ba kaya mo na ang mga buto mo.”Agad namang nagalit si Yzire sa mga sinabi ni Granny Rafflesia. “Sige, sige. Gusto kong makita kung gaano talaga natakot takot ang kilalang si Granny Rafflesia sa mundo ng mga cultivator.”Tumalon sa ere si