Habang nagsasalita si Darryl, paulit-ulit siyang yumuko, na parang hindi na nararamdamang nauuntog na ang ulo sa sahig, kaya pagkalipas lang ng ilang segundo ay duguan na ang noo niya. Dahil dito, sobrang naawa si Zoran kay Darryl kaya inalalayan niya itong tumayo. Nang tignan niya si Yvonne, sobrang nagulat siya sa sitwasyon nito. "Naubos ba ang spirit energy ng babaeng ito?" "Ninong, may paraan po ba para mailigtas siya?" Hindi mapakaling tanong ni Darryl, na halatang umaasa ng kahit kapiranggot na magandang balita. Maging si Zoran ay hindi na rin mapakali, pero sinubukan niyang kumalma habang sumasagot. "Base sa mga narinig ko, may isang evil technique raw na ginagamit noong dekada at ang tawag doon ay Dark Method... Pagkatapos magcultivate, pwedeng higupin ng isang tao ang spirit energy ng iba. Yun ba ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang babaeng yan?" Hindi napigilan ni Zoran na mapabuntong hininga bago magpatuloy, "Sobrang delikado ng technique na ito at kapag tuluyan n
Abot-tenga ang ngiti ni Darryl at mangiyak-ngiyak na sinabi, "Sige. Mag-usap tayo. Nakikinig ako." Maingat na hinawakan ni Darryl ang kamay ni Yvonne habang nagsasalita. Noong oras na yun, may hindi maipaliwanag na pakiramdam ng magkahalong pagkapanatag at kalungkutan ang bumalot sa loob ng buong kwarto. Ngumiti si Yvonne kay Darryl at tinitigan ito ng diretso sa mga mata, "Darry, alam kong hindi ganun kaganda ang relasyon niyo ni Lily noon, at sobrang hindi kayo komportable sa isa't-isa. Sobrang nag'alala ako sainyo pero sobrang naiinggit din ako sakanya kasi siya ang asawa mo pero sana tandaan mo na kahit pa magalit na sayo ang buong mundo, nandito lang ako para sayo." Nagbuntong hininga si yvonne at nagpatuloy, "Pero alam kong nagbago ang relasyon niyo ni Lily mula noong sinaksak ka ni Abbess Mother Serendipity. Dalawang araw na hindi natulog si Lily para bantayan ka, at doon ko nasabi na... talagang mahal ka niya. Sobrang saya ko na nakahanap ka ng asawang handa kang alagaa
Pagsapit ng gabi... Pawis na pawis si Darryl sa sobrang dami niyang dalang gamit noong bumalik siya sa mansyon ng mga Carter. Bumili siya ng napaka raming gamit sa kasal kagaya ng mga kandila, lantern at damit. At habang dala-dala ang mga yun, kumaripas siya ng takbo pabalik sa mansyon dahil natatakot siya na baka mahuli siya at tuluyan ng mawala si Yvonne. Noong naglalakd siya papunta sa kwarto kung nasaan si Lily, nakita niya si Sara na naglalakad papalapit sakanya. "Bro!" Nakangiting bati ni Sara. "Bakit ang dami mo naman atang dala? Ano ba yang mga yan? Regalo mo ba yan sakin?" Sobrang saya ni Sara noong narinig niya sa isa sa mga katulong na nasa mansyon si Darryl kaya nagmamadali niya itong hinanap. "Mga gamit to sa kasal kasi ikakasal ako ngayon." Nakangiting sagot ni Darryl. "Wow, ikakasal ka?!" Gulat na gulat si Sara at masayang sinabi, "Marami ka bang inimbitang bisita? Nako, sigurado akong magiging sobrang engrande nito!" Yumuko si Darryl at umiling. "Ayo
"Wag mo ng ipaalala yung nakakainis na pangyayarng yun." Sabi ni Yvonne kay Darryl. Si Darryl lang ang nagiisang taong gusto niyang makasama hanggang sa huli niyang hininga kaya nakipag annul siya kaagad kay Jeremy. Smack. Biglang nahimasmasan si Darryl at sinampal ang sarili niya. "Para talaga akong baliw! At kailangan kong maparusahan!" 'Bakit ko pa ba sinabi ang nakakakungkot na pangyayaring yun!' Nagulat si Yvonne sa inawa ni Darryl kaya dali-dali niyang hinawakan ang kamay nito. "Ano ka ba, bakit mo sinaktan ang sarili mo?" "Dahan-dahang hinimas ni Yvonne ang mukha ni Darryl at nagaalalang sinabi, "Masakit ba?" Umiling si Darryl at nakangiting sumahot. "Hindi no! Bakit ko naman sasaktan ang gwapo kong mukha?" Natawa si Yvonne sa sinabi ni Darryl. Pagkatapos, tinuro ni Darryl ang mga wedding gown na nilabas niya at sinabi, "Anong gusto mong suotin sa mga yun?" Tumungo si Yvonne at nakangiting tumuro na kinuha naman kaagd ni Darryl. Inalalayan ni Darryl na magbih
"Sige, hindi ako iiyak, hindi ako iiyak..." Pinunasan ni Yvonne ang luha niya at nakangiting sinabi, "Sige na, umpisahan na natin ang kasal..." "Sige!" Hinawakan ni Darryl ang kamay ni Yvonne at tumayo. Sakto, natapos na rin si Sara sa pagdedecorate ng kwarto. Sobrang saya ni Sara nang makita niyang nakaluhod na ang dalawa. "Maguupisa na ba kayo? Sige, ako ang magiging witness niyo!" Pagkatapos magsalita ni Sara, naglakad siya palapit sa dalawa at abot-tengang ngiting sinabi, "Nandito tayo ngayon para sa kasal ng aking kapatid at ni Miss Yvonne... Nawa kayo'y pagpalain ng kaligayahann at saksi ang langit sa pagiisang dibdib niyong dalawa... Ngayon, yumuko na kayo bilang pag galang sa Langit at lupa!" Nagngitan sina Darryl at Yvonne, at sabay na yumuko habang magkahawak ang mga kamay. Nagpatuloy si Sara, "Ang pangalawang yuko naman ay bilang respeto sa ating mga ninuno!" Muli, yumuko sina Darryl at Yvonne. Nararamdaman ni Darryl na nangingig ang buong katawan ni Yvonne n
“Oo ba!” Tumango si Darryl. Nagkaroon man lang nang pag-asa, pero maliit lamang ito.Huminga nang malalim si Susan habang kinakagat niya ang kanyang labi. “Atsaka, pwede ko sabihin sa’yo kung paano mo siya ililigtas, pero dapat mangako ka muna sakin ng isang bagay.” Sa gayon, parang siya ay nalito nang kaunti.“Kahit ano pa ‘yan, Tita Susan.” Tumango si Darryl at sumagot nang walang pag aalinlangan.Huminga nang malalim si Susan bago niya tingnan nang seryoso si Darryl. “Ito ay tungkol kay Rachel, noong pinaglaruan ka niya sa peach blossom forest. Ayokong sabihin sa Ninong mo. Wag mong babanggitin sakanya ito kahit kailan.” Ito pala ay tungkol sa isang insidente.“Pinapangako ko sa’yo, hindi ko to babanggitin kahit kailan.” Sumang-ayon agad si Darryl at tumango. Ang gawin ito ay walang anumang kumpara sa buhay ni Yvonne.Ngumiti si Susan. “Mabuti kung ganun. Sasabihin ko sa’yo. Ang kakayahan ng babaeng ito ay hinigop gamit ang Dark Method. Sinaunang panahon pa ang Dark Method, i
“Darryl, pagkatapos nang lahat, gusto mong tulungan pa rin kita? Naririnig mo ba yung mga sinasabi mo?” malamig na sagot ni Yvette.Si Darryl ay balisa na at tagaktak na ang pawis habang sinasabing, “Yvette, alam kong galit ka pa rin sakin. Hindi kita dapat tinrato nang ganun sa Formation. Pasensya ka na, pero desperado na akong humihingi nang tulong sa’yo. Kapag tinulungan mo ako, gagawin ko ang lahat ng gusto mo!” Namamaos na ito kakasigaw. Tagaktak na ang pawis mula sakanyang ulo.Natuwa si Yvette sa sinabi niya. “Sige, sabihin mo. Anong tulong ang maibibigay ko sa’yo?”“Meron akong kaibigan, at kakayahan niya ay nahigop. Mayroon ka bang paraan para mapagaling siya?” tanong ni Darryl.‘Ano?! Ang kakayahan niya ay nahigop?!’ napaisip si Yvette.Tumaas ang kilay ni Yvette. “Dahil ba ito sa Dark Method?”Mayroon lamang isang paraan nang paglilinang na kayang higupin ang kakayahan ng isang tao. Ang manual ay nakatago lamang sa library ng palasyo. Dahil sa kakaiba nitong lakas, ang
Makalipas ang tatlong oras, nakarating na si Yvette sa Carter Mansion. Nagulat siya kung gaano kaganda ang lugar. Pakiramdam niya ay nasa sinaunang panahon siya dahil sa design ng mansyon na ito. Natigilan siya sa ganda ng paligod. Halatang halata na mayaman sila.“May mga chismis na tinanggap ka ni Zoran bilang inaanak niya. Mukhang totoo ang chismis na ito.” Tumawa siya kay Darryl.Hindi niya mapigilang sabihin na, “Atsaka, ang mga Carter ay malinaw na mayayaman, Ang ganda ng mansyon na ito.”Walang ganang makipag-usap si Darryl, pinilit nalang niyang ngumiti at tinuro sakanya kung saan ang inner court.Noong pumasok na sila sa kwarto, natigilan si Yvette nung nakita niya si Yvonne sa kama. Tanong niya, “Siya ang tao na gusto mong iligtas?”Kahit hindi nakapupunta si Yvette sa Hexad School nitong mga nakaraan, nakilala niya pa rin si Yvonne dahil ito ang tagapagmana ng Young Family at siya ay sikat sakanilang paaralan.Hindi na kayang hintayin ni Yvonne na makabalik pa si Darry