Nadiskubre rin ito ni Neil noong mga sandaling iyon kaya agad itong napabulong ng, “Mga miyembro ng Sea Dragon Palace ang mga taong ito hindi ba? Sila ang kilalang bagong sekta sa Nine Mainlands?”Sa loob ng dalawang buwan ay matagumpay na nadominate ng Sea Dragon Palace ang karamihan sa mga pirata ng karagatan. Masyado na silang malakas kaya hindi na sila magagawa pang banggain ng naglalakihang sekta sa Nine Mainlands nang basta basta.At bilang young master ng Eternal Life Palace Sect, alam din ni Neil ang kasalukuyang sitwasyon sa paligid. Tumango rito ang nababahalang si Ambrose pero si Heather pa rin ang kasalukuyan nitong iniisip noong mga sandaling iyon. Masyado naging mahirap ang naging sitwasyon ng mga ito dahil kasalukuyang napasakamay ng Sea Dragon Palace si Heather. Tanging sina Neil at Ambrose lang ang naroroon kaya walang kahit na kaunting lakas ng loob ang dalawa para matagumpay na iligtas si Heather sa sandaling mapilitan silang gawin iyon. Kahit na gamitin pa nila
At kung titingnan, hinding hindi magkakatotoo ang hiling ni Darryl na makapagpalakas nang tahimik at mapayapa rito. Mapait lang itong ngumiti habang iniisip na, ‘Unang araw ko pa lang dito pero mayroon nang hindi natuwa sa akin.’Agad namang nagbago ang itsura ni Cormar sa kaniyang narinig. Hindi siya natutuwang naglakad paabante para sabihin kay Gromo na, "Ano ang ibig nitong sabihin? Naging tapat ako sa Pure Yang Division sa lahat ng oras. Kaya iniisip mo ba na magdedesisyon ako nang basta basta para piliin ang kahit na sino sa isang importanteng posisyon na kagaya head sa Elixir Sector?”Parang malakas na along tumaas ang galit sa kaniyang dibdib. ‘Wala nang magandang naidulot sa akin ang isang ito. Agad niyang kinukuha ang bawat oportunidad na mayroon siya para kalabanin ang lahat ng aking ginagawa.’Suminghal naman si Gromo habang sumasagot gamit ang weird na tono ng kaniyang boses. “Ikaw lang ang nakakaalam ng katotohanan.”Lalong tumindi ang galit sa katawan ni Cormar nang m
Sa huli ay nadiskubre pa rin ni Darryl kung paano ito gawin. Nang dahil sa kagustuhang makabalik ni Darryl sa Nine Mainlands, agad niyang nakalimutan ang tungkol dito matapos niyang mapadpad sa Cryolet Continent. Wala na siyang ibang naisip pa kundi gumawa ng paraan para makabalik sa Nine Mainlands.Naalala niya na rin ang tungkol sa bagay na ito noong malaman niya ang tungkol sa nalalapit nilang pagkikita ni Suci noong araw na iyon. Alam niya na ang bawat isang babae ay magroong hindi malalarawang kagustuhan na maging pinakamaganda sa lahat. Kaya hinding hindi nila palalampasin ang anumang oportunidad para iimprove ang kanilang kagandahan.Dito na biglang nagfocus ang lahat sa Imaginative Image Pill na hawak ni Darryl. Naging kakulay nito ang isang bahaghari na kumislap sa paligid habang naglalabas ng napansin pansing spiritual aura.Dito na nacurious ang magandang mukha ni Suci. Ngumiti ito kay Darryl habang nagtatanong ng, “Natutuwa ako dahil nagawa mong maisip ang tungkol sa bag
Nang sabihin niya iyon, agad na kinuha ni Suci sa kaniyang bulsa ang isang Jade Token na kanyiang ibinigay sa isang tagapaglingkod para ipasa kay Darryl.Hindi naman nahiya si Darryl nang tanggapin niya iyon. Dito na niya nakangiting sinabi na, “Marami pong salamat, Palace Master!”Dito na biglang sumabog sa ingay ang buong main hall. Naiinggit na tiningnan ng lahat si Darryl. ‘Napakasuwerte naman ng isang ito para bigyan ng Palace Master Jade Token at makaranas ng trato sa isang Deputy Palace Master ngayong kakukuha kuha lang niya sa posisyon ng pinuno sa Elixir Sector.’Isa itong uri ng pagtrato na walang kahit na sinong nakapagenjoy sa buong Pure Yang Division.Pero agad namang suminghal dito ang walang pakialam na nanonood na si Gromo. Dito na siya naglakad paabante para kausapin si Suci. “Palace Master, walang wala ang Imaginative Image Pill na iyan sa Golden Pill na napulot ko noong labanan ko ang mga cultivator na pumasok nang walang pahintulot sa Godly Secret Realm.”Dito
Agad na nakuha ni Darryl ang atensyon ng lahat. Mabilis namang umangat ang galit sa dibdib ni Gromo. Tumitig ito kay Darryl habang sinasabi na, “Ano ang sinabi mo? Ulitin mo ang sinabi mo!”‘Buwisit! Nagpakahirap akong hanapin ang Golden Pill na ito para lang sabihin niya na mayroong mali rito ah?’Kahit na sino pa ang nakahanap ng Golden Pill na ito, siguradong magagalit din sila sa sandaling marinig nila na may magsabing mayroong mali ang hawak nilang pill.Dito na nagpakita ng kumplikadong itsura ang lahat sa kanilang mga mukha.Bahagya namang napabuntong hininga ang ngumingiting si Darryl. Naglakad siya paabante habang ipinapakita ang seryoso niyang itsura kay Gromo. At pagkatapos ay agad niyang itinuro ang Golden Pill na hawak nito. “Sinabi ko na masyado nang matagal na nakatago ang Golden Pill na iyan sa Godly Secret Realm. Matagal nang wala ang epekto nito. At higit sa lahat. Hindi ito dapat na makita sa mundo ng mga mortal. Siguradong manganganib ang buhay mo sa sandaling m
“Darryl Darby!”Nagpakita si Gromo ng nakamamatay na itsura habang dumudurang sinasabi kay Darryl na, “Walang kapatawaran ang kasalanang nagawa mo sa sandaling tumalab ang pill na ito sa akin.”“Ibibigay ko sana ang Golden Pill na ito sa Palace Master pero sa huli ay ako pa rin ang nagawang uminom nito nang dahil sa naging pustahan natin. Dahil dito ay nawalan ng pagkakataon ang Palace Master na palakasin ang kaniyang sarili nang dahil sa iyo. Kasalanan mo ang lahat ng ito.”Whoa…Agad na umigay ang naguusap usap na mga tao nang marinig nila ang mga salitang iyon sa ere.“Hindi nga nagkakamali rito si Elder Gromo.”“Oo nga. Tanging ang Palace Master lamang ang maaaring uminom ng Golden Pill pero pinuwersa pa rin ni Darryl si Elder Gromo na inumin ito nang dahil sa kanilang pustahan. Hindi ba’t nawalan ng pagkakataong lumakas ang Palace Master kung totoo nga ang Golden Pill na ito?”“Sino ba ang nagsasabing wala siyang kinalaman dito kung tunay ngang epektibo ang pill na iyan?”
Agad na nahimasmasan si Gromo habang nanenermon nitong sinasabi kay Darryl na, “Sinusubukan mo ba akong takutin, bata? Isang pambihirang kayamanan ang Golden Pill na iyan kaya bakit ito eepekto nang ganoon kabilis?”“Sinasabi ko s aiyo na walang kahit na anong masama ang nangyari sa akin at matagal nang panahon ang lumipas mula noong inumin ko ito. Iniisip mo ba na magagagawa mong makakuha ng kaunti pang oras matapos ng mga ginawa mo? Kasalanan mo kung bakit hindi nainom ng Palace Master ang Golden Pill. Humingi ka na nang tawad ngayundin kung gusto mo pang makalabas sa gulong pinasok mo.”Nang matapos ito sa pagsasalita, agad na tumingin si Gromo kay Suci, “Palace Master, napatunayan kong nagsisinungaling si Darryl sa lahat ng kaniyang sinabi kanina. Nakikiusap po kami ng patas na desisyon mula sa inyo.”Agad na napatingin ang lahat kay Suci nang marinig nila ang mga salitang ito sa main hall.Alam na ng lahat kung ano ang mangyayari kay Darryon noong mga sandaling iyon, nakasalal
“Sect Master!”Pero nagawa pa ring panatilihin ni Gromo ang kaniyang postura. Tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata habang itinataas ang kaniyang ulo para tingnan si Darryl at magmakaawa rito. “Patawarin mo na ako, pakiusap, pakiusap tulungan mo ako, tulungan mo ako…”Hindi mangmang si Gromo. Alam niya na alam din ni Darryl ang gamot sa sinumang nakainom ng palyadong Golden Pill dahil madali nitong nalaman na wala na itong epekto.Sabagay, siya pa rin ang pinuno ng Elixir Sector.“Walang problema!”Natutuwa at naaawa naman siyang tiningnan ni Darryl. “Pero natalo ka sa pustahan. Nakalimutan mo na ba ang dapat mong gawin?”“Kasalanan ko ito. Alam ko na kasalanan ko ang lahat ng ito.” Umikot ang itsura sa mukha ng nagdurusang si Gromo habang nagsisising sumasakit ang kaniyang dibdib. Hinding hindi siya sana makikipagtalo kay Darryl bago inumin ang Golden Pill kung alam niya lang na wala na itong epekto.Pero huli na ang lahat para rito.Pero masyado pa ring nakakahiya para sa