Bahagyang ngumiti si Darryl at tinuro ang plaza sa likod ng stone stele at nagsalita. “Sinabi sa nakaukit sa stele na kailangan nating magtungo sa plazang itong para makadiskubre ng magandang bagay.”Seryosong nagsalita si Darryl, pero puno ng pag-aalangan ang kaniyang mga mata.Nabanggit sa mga nakaukit na ang pagdaan sa plaza ang tanging daan, pero may mga pag-aalangan si Darryl na mayroong nakatagong katotohanan sa mga ito—ang katotohanang may mga nakatagong misteryo sa plaza.Mukha itong normal kung titingnan sa distansya, pero nang inspeksyoning maigi, nakaayos ang bawat stone stele sa plaza.Napansin iyon ni Darryl nang tumawid sila sa kadenang tulay kanina.Nang makita iyon ng lalake, ang unang lumitaw sa kaniyang isipan ay ang sinaunang libingan ni Lu Bu na nadiskubre nila ilang taon na ang nakaraan. Mayroon ding plaza bago sila dumaan sa huling Grand Spiritual Treasure Palace.Puno ng stone steles ang plaza at mayroong kakaibang pattern ang bawat isa nito. Mukhang hindi
Walang ideya si Mahoney at ang Red Shirt Crusade sa kung ano ang totoong intensyon ni Darryl. Nasabik silang lahat nang marinig nila ang solusyon ni Darryl.“Muntik na iyon. Halos mahulog tayo sa patibong.”“Tama. Mabuti nalang at napahinto tayo ni Darryl bago pa mahuli ang lahat.”Tuwang-tuwa si Mahoney. Kinausap nito si Darryl. “Salamat sa iyo, aking kapatid. Kundi ay makakagawa kami ng delikadong bagay.”Kinausap ni Mahoney ang kaniyang mga tauhan. “Narinig ba ng lahat ang sinabi ni Darryl? Bilisan ninyo at bumuo ng pormasyon, sundin ang mg autos niya. Limang hakbang pa-abante at tatlong hakbang pa-kanan, dahan-dahan kayong gumalaw.”“Papatayin ko ang lahat ng humakbang ng mali at mapagana ang patibong.”Mabilis na pumasok sa pormasyon ang Red Shirt Crusade at maingat na nagtungo sa plaza.Tahimik na pumasok si Darryl habang sumunod siya sa likuran.Noong una, mapayapa ang lahat at walang nangyari. Pero sa layong limang daang metro, nanginig ang stele na naapakan ng lalakeng
Nagkaunwaring tumingin sa paligid si Darryl at nagkunwaring may nadiskubre at sumigaw. “Woah, mga mapanlinlang ang mga taong bumuo ng mga patibong.”“Bakit mo iyan nasabi?” Tanong ni Mahoney.“Lumipat ang mga patibong mula sa dating daanan, hindi na natin masusunod ang mga pag-uutos.” Sambit ni Darryl.“Sa tingin ko’y ipinagpalagay ng mga taong gumawa nito na mayroong ilang taong kayang lumutas dito, kaya nagdesisyon silang tuluyang ilipat ito sa ibang lugar sa bandang gitna.”Kung anoa no nalang ang sinasabi ni Darryl sa puntong iyon, sinubukan niyang asarin si Mahoney.Hay*p!Napamura si Mahoney. “Napakasama ng mga taong iyon, gusto lang nila tayong ubusin sa puntong ito!”Muling nagtanong ni Mahoney. “Kung ganoon… Ano na ang mga susunod naming hakbang?”Wala siyang ideya na pinaglalaruan lamang siya ni Darryl.Phew!Huminga ng malalim si Darryl at nagkunwaring tumingin sa daan sa kaniyang harapan at nag-isip. “Dahil tuluyang lumipat ang mekanismo, dapat din tayong lumipat
Tumango si Mahoney bilang pagsang-ayon at sumenyas sa lahat na maging mapagmasid.Swoosh!Nang sandaling iyon, umihip ang haligi ng apoy mula sa ilalim ng lalakeng nasa unahan, wala itong nagawa bago siya tuluyang masunog at naging abo.“Argh…”Umapoy ang mga tauhan habang umiiyak ang mga ito sa sakit, napatalon sila dahil sinubukan nilang apulahin ang apoy, pero aksidenteng napaapak ang ilan sa kanila sa ibang mga stele.Whoosh…Bumulwak ang ilan pang haligi ng apoy at nilamon ang ilan sa kalalakihang mula sa Red Shirt Crusade. Naapula ang mga apoy at nakita ang ilang katawan na tila hindi na makilala.Kabadong napalunok si Mahoney at ang mga natira niayng tauhan, puno ng takot ang kanilang mga mukha.Mula sa mga palaso, naging haligi ng apoy ang mga patibong, hindi sila nagtangkang isipin kung ano ang susunod nilang makakasalubong.Takot na takot at galit na galit si Mahoney, malamig nitong tiningnan si Darryl at nagtanong. “Hindi ba’t binanggit mo ang tungkol sa mga palaso?
Mayroong gintong altar sa hindi kalayuan.Gawa sa mga gintong ladrilyo ang altar, napaka kintab at nakakabulag ito. Nakapalibot sa altar ang maraming ginto, pilak, at mga perlas!Puro Ice Jade Stone ang nasa gitna ng altar.Naramdaman ng lahat ang malamig na aura mula sa Icy Jade Stone, nakahiga sa itaas ng bato ang isang magandang dilag. Nakapikit ang mga mat anito at nanigas doon, tila natutulog ito.Woah!Tuwang tuwa sina Mahoney.Nagawa nila, sa wakas at nagawa nila!Nakatitig ang lahat sa magandang dilag, hindi sila kumukurap.Mukhang hindi makamundo ang dalaga sa maganda niyang features at sa suot niyang kulay puti na gown. Lalo na ang payat at makurba niyang katawan, hindi nila mapigilang mahumaling dito.Ang ganda! Napakaganda!Nagulat din si Darryl sa kaniayng nakita, pero mabilis siyang bumalik sa wisyo. Nasa Godly Realm pa rin sila, gawa ng Godly Region ang lugar na iyon, paniguradong hindi isang tao ang nakahiga sa tuktok.Hindi kaya’y ang dilag ay parang ang Nin
Puno ng pagkasabik na tumawa ng malakas si Mahoney at dali-daling pumunta sa Icy Jade Stone. Tinitigan niya ang magandang dilag na nakahiga roon at sumigaw. “Ang ganda, napakaganda… Siya ang pinakamagandang babaeng sa lahat ng tao.”Nahumaling si Mahoney sa ganda ng babae mula sa distansya. Mas lalo siyang namangha nang makita niya ito ng malapitan.Mayroong napakagandang mukha at katawan ng babaeng iyon, hindi maipagkakailang perpekto ito.‘Hindi mailalarawan ang kaniyang ganda!’‘Haha!’Hindi mapigilang tumawa nang patago ni Darryl dahil sa pagkahumaling ni Mahoney sa babae. ‘Tingnan mo ang mukha ni Mahoney! Siya ang Hall Master ng Red Shirt Crusade, pero kung umarte siya ay parang hindi pa siya nakakakita ng babae buong buhay niya.’Katunayan, totoong napakaganda ng babaeng nakahiga sa Icy Jade Stone, pero para kay Darryl, may itsura lamang ito at hindi maikokonsidera bilang pinakamagandang babae sa buong kalawakan.Bukod pa roon, si Darryl ang Nine Heaven Sage ng Godly Regio
’Hay*p!’Nagulat si Darryl nang pakinggan niya ang sinabi ni Kendra, sikreto siyang nagulat.‘Hindi ko masabi. Parang nagpadalos-dalos si kendra, pero napakadetalyado niya sap ag-oobserba. Itinago kong maigi ang intensyon ko noong niloloko ko sina Mahoney, pero nakita niya pa rin ang intensyon ko.’Nagsalita si Darryl nang masorpresa siya habang napapaisip. “Miss Mosley, paano moa ko pinag-iisipan ng ganito? Palaging matuwid ang mga naging aksyon ko. Paano ko sila magagawang linlangin?”‘Hindi dapat ako umaamin sa mga ganitong bagay kahit na nahulaan ni Kendra ang intensyon ko. Isa pa, maraming tao ang namatay.’Walang masabi si Kendra nang makita niyang hindi mapakali si Darryl, kumuway siya.“Oo na, oo na! Tigilan mo na ang pagkukunwari. May gusto lang akong itanong sa’yo.”“Ano iyon?” Bahagyang natawa si Darryl at sumagot.Huminga ng malalim si Kendra at mukha siyang seryoso. “Nagsinungaling ka ba sa’kin noong nasa main hall tayo? Hindi ka inatake ng halimaw at tinatakot mo
Makalipas ang ilang segundo, kinagat ni Kendra ang kaniyang labi at nag-aalalang nagsalita. “Mag… Mag-isa ka lang?”Katunayan, hindi hinubad ni Darryl ang kaniyang pantalon. Inasar niya ang babae nang marinig niya ang tanong ng babae, nagsalita siya. “Hindi pa. Hindi naman kailangang magmadali.”Tiningnan niya ang Icy Jade Stone nang magsalita siya.Katunayan, mahirap kausap si Kendra. Tumingin si Darryl sa paligid ng ritual altar para makita kung mayroong ibang bagay na nandoon maliban sa babae at sa Icy Jade Stone para mapigilan si Kendra sa pagkuha ng mga bagay sa bato.Makalipas ang ilang segundo, tinuon ni Darryl ang kaniyang tingin sa Icy Jade Stone.Nakita niya ang babaeng nakahiga sa itaas habang may hawak itong makinang na gintong ilaw. Isa iyong butil na kasing laki ng itlong pero oval ang hugis nito.Malinaw na naramdaman ni Darryl na naglalaman ng kakaibang kapangyarihan ang gintong butil.‘Ano iyon?’ Napakunot si Darryl sa kuryosidad at hindi niya mapigilang humakba