Share

Kabanata 4982

Walang ideya si Mahoney at ang Red Shirt Crusade sa kung ano ang totoong intensyon ni Darryl. Nasabik silang lahat nang marinig nila ang solusyon ni Darryl.

“Muntik na iyon. Halos mahulog tayo sa patibong.”

“Tama. Mabuti nalang at napahinto tayo ni Darryl bago pa mahuli ang lahat.”

Tuwang-tuwa si Mahoney. Kinausap nito si Darryl. “Salamat sa iyo, aking kapatid. Kundi ay makakagawa kami ng delikadong bagay.”

Kinausap ni Mahoney ang kaniyang mga tauhan. “Narinig ba ng lahat ang sinabi ni Darryl? Bilisan ninyo at bumuo ng pormasyon, sundin ang mg autos niya. Limang hakbang pa-abante at tatlong hakbang pa-kanan, dahan-dahan kayong gumalaw.”

“Papatayin ko ang lahat ng humakbang ng mali at mapagana ang patibong.”

Mabilis na pumasok sa pormasyon ang Red Shirt Crusade at maingat na nagtungo sa plaza.

Tahimik na pumasok si Darryl habang sumunod siya sa likuran.

Noong una, mapayapa ang lahat at walang nangyari. Pero sa layong limang daang metro, nanginig ang stele na naapakan ng lalakeng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status