'Isang mabangis na hayop?'Parehong sina Darryl at Kendra ay napahinto. Gayunpaman, si Kendra ang unang kumilos at sabi, "Sige. Alis na ako ngayon."Tumalikod siya para tumingin kay Darryl at tinali siya ulit. Pagkatapos, sinabihan niya ang disipulo, "Isama mo siya at huwag hayaang makatakas."Umalis siya sa oras na matapos ang sasabihin niya. "Opo, Senior Sister!" Sumagot ang disipulo at sinama si Darryl sa kanya. Wala siyang magawa. 'Bwiset! Talagang determinado si Kendra malaman kung ano ang sikreto ng Heavenly Secret Lock. Kahit ang sekta niya ay nasa kapahamakan, hindi niya rin nakalimutan isama ako sa kanya.'Sa lalong madaling panahon, si Kendra at ang disipulo ay umabot sa malungkot na pinto ng bulwagan kasama si Darryl. Roar!Isang ugong na ingay ang umalingawngaw mula sa pangunahing bulwagan. Ang ugong na ingay ay kayang tumagos sa mga eardrum at panginigin ang kaluluwa ng isang tao. Sa kabila ng mga ugong ay ang sigaw ng mga tao. Halata na ang intensidad na laban
"Roar!"Ang Crazy Sphinx ay galit na galit habang namumula ang kanyang mga mata. Pagkatapos, gumawa siya ng napakalakas na ugong. Bigla, tumaas ang temperatura ng pangunahing bulwagan. Pagkatapos, dumura ng bolang apoy ang Crazy Sphinx mula sa kanyang bibig at pinatama ito sa disipulo sa harap niya. "Ahh!"Ang disipulo ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na ilagan ito. Kasama ang malakas na sigaw mula sa mga disipulo, agad silang nasunog hanggang sa maging abo. Ang lahat, kasama na si Herbert, ay natakot nang makita itong mangyari. Mabigat silang huminga. 'Kaya nitong dumura ng bolang apoy? Paano namin lalabanan 'to?'Sumimangot si Farryl, gulat na makitang may kakayahan ang Crazy Sphinx na dumura ng bolang apoy. Ang abilidad niya ay halos katulad sa Rocky ng The Nine Mainland. 'Iniisip ko kung kaya niyang takasan ang mga atake mula sa Godly Eagle Sect.'"Roar!"Pumasok ang Crazy Sphinx sa isang brutal na modo pagkatapos gumawa ng mga atake mula sa mga disipulo. Umugong siya
Ang mga disipulo ay bastos na pumutak, "Tiisin mo! Tama lang 'yan sa'yo dahil binastos mo ang pinakamatandang kapatid namin."Mapait na ngumiti si Darryl. "Siya mismo ang humuli sa'kin ng walang dahilan. Bakit hindi mo tanggalin ang mga karayom na nasa'kin? Tapos, titigil na ako sa pagsigaw."Sinubukan ni Darryl na dumagundong, pero ang mga mata niya ay tusong kumikislap. Alam niya na hindi susubukan ng disipulo na tanggalin ang mga karayom, kaya sinadya niya itong sabihin. Ang mukha ng disipulo ay napuno ng pagkayamot. "Ikaw... Shh... huwag masyadong malakas."Matapang siya para tanggalin ang mga karayom na nilagay ng kanyang nakakatandang kapatid. Ngumiti si Darryl at pinagpatuloy gamitin ang wikang hayop para isigaw kay Crazy Sphinx. "Hoy, naririnig mo ba ako? Hanapin mo ang kahinaan ng pormasyon. Huwag mong pilitin makalabas."Susuko na sana ang Crazy Sphinx. Bigla, narinig niya na may sumusubok makipag-usap sa kanya. Napuno ng mataas na alerto ang puso niya, at tumingin ka
Mabilis itong nangyari, at kahit si Kendra o ang kanyang mga kaibigan ay mabibilis para magbigay ng reaksyon dito. Bigla, nasira ang pormasyon. Si Kendra ang pinakanagdusa nang pinatumba siya ng Crazy Sphinx. Umungol siya sa sakit at nahulog sa hangin. Nang bumagsak siya sa lupa, ang balikat niya ay nabalot ng dugo. Putla ang mukha niya, nagpapahiwatig na sobrang hina niya. Iyon ang nagpagulat kay Herbert at sa iba pang mga disipulo. Lahat sila ay tumayo lang 'ron na blangko ang mga isipan. 'Anong nangyari? Nasira ng Crazy Sphinx ang Six-Man Gyro Formation, pero... hayop lang siya. Kahit may katalinuhan siya, hindi siya dapat ganoon katalino para malaman ito kaagad, nakita niya ang kahinaan ng pormasyon. Hindi ako makapaniwala.'Walang nakakaalam na ang taong nakahanap ng kahinaan ng pormasyon ay si Darryl at hindi ang Crazy Sphinx. Kinuha ng Crazy Sphinx ang oportunidad at sumugod sa pormasyon na parang mabangis na tigre. Sa isang kurap ng mga mata, nasa harapan siya ni
Muling sumakay ang nasasabik na si Darryl sa likuran ng Crazy Sphinx para magpunta sa lugar kung saan sila naghiwalay ni Marvin.Pero nang makarating ay hindi na niya makita kung saan nagpunta si Marvin. Naghintay pa sana ito nang kaunti pero umalis na ito nang malaman niyang hindi na darating si Darryl.‘Nako hindi!’Agad na kumunot ang noo ni Darryl nang malaman niyang wala roon si Marvin. Pinlano niya kanina na ipatanggal kay ang mga Soul Breaking Needle na nakatusok sa kaniyang katawan. Pero ano na ang magagawa niya ngayong wala na si Marvin?Kahit na nasa tabi pa niya ang Crazy Sphinx na ito, isa lang itong mabagsik na halimaw kaya hindi siya nito matutulungang alisin ang mga karayom sa kaniyang katawan.Tumindi nang tumindi ang sakit na kaniyang naramdaman sa likuran nang nabahala siya nang husto. Dito na napahinga nang malalim ang pawis na pawis na si Darryl sa sobrang sakit.Tumusok ang mga Soul Breaking Needle sa mga sensitibong acupoint ng kaniyang katawan. Habang mas t
Bahagyang nagbuntong hininga si Morticia habang sinasabi na, “Mayroon akong gustong ipagawa sa iyo Forsythe. Isa itong seryosong bagay na dapat mong seryosohin.”Dito na siya naglabas ng isang secret manual. Makikita sa cover nito ang titulong ‘The Bloody Fiend’s Tome’, Malinaw na katatapos lang ni Morticia sa paggawa ng manual na ito.Dito na naging seryoso ang maganda niyang mukha.“Sigurado naman ako na malinaw para sa ang tunay kong pagkatao. Isa ako sa 12 fiend martyr ng mga fiend. Wala akong nagawa kundi tumakas para itatag ang Sea Dragon Palace. Pero nakapagdesisyon na akong itayong muli at buhayin ang lahi ng mga fiend kaya pinaplano ko na magtayo ng isang lihim na sekta. Papangalanan ito bilang Bloody Fiend Sect na siyang pamumunuan mo bilang Sect Master nito.“Ang Bloody Fiend’s Tome ay isang libro na isinulat ko nang magisa. Nilalaman nito ang espesyal na kakayahan ng mga fiend at magagamit din ng kahit na sinong tao ang manual na ito para magpalakas. Umaasa ako na magfo
‘Wala pa rin siyang malay. Ano na ang gagawin ko?’At nang mabahala nang husto ang Crazy Sphinx, nakarinig ito ng mga tunog ng yapak sa kabilang banda hindi kalayuan mula sa kanila. ‘Nako hindi! Palapit na ang mga tao.’Ninerbiyos ito kaya agad siyang nagtago sa kakahuyan. Siguradong hindi ito matatakot sa mga tao kung magisa lang siya pero mas pinili na lang nitong magingat ngayong kasama niya ang walang malay na si Darryl.Pagkatapos niyang magtago sa kakahuyan, isang lalaki at isang babae ang nagpunta sa kaniyang kinaroroonan. May katabaan ang lalaki na nasa kaniyang 30s. Nakasuot ito ng isang damit na may kulay ng baby blue habang dala dala sa kaniyang likuran ang isang lalagyan na gawa sa kawayan na naglaman ng mga sariwang mga halamang gamot.Mukha namang nasa 20s ang babae na nagkaroon ng magandang mukha at balingkinitang katawan, hindi naitago ng suot nito na mahabang dress ang natural niyang kagandahan. Makikita ring dala nito ang isang lalagyan na gawa sa kawayan na nagla
Napapadyak na lang ng paa si Daisy habang nagpapanic at sinasabing, “Kung ganoon ay bumalik ka na lang nang magisa. Ako na mismo ang magdadala sa kaniya roon.”‘Ano pa ang silbi ng pagaaral sa medisina kung hindi ko rin matutulungan ang isang sugatang indibidwal na makikita ko sa daan?’Dahil masyado nang nagmamatigas si Daisy sa kaniyang desisyon, napabuntong hininga na lang si Keele habang sinasabi na, “Sige na, sige na. Ipinapangako ko sa iyo na dadalhin natin siya nang magkasama.”Mayroong crush si Keele kay Daisy pero hindi pa siya nakakahanap ng tamang pagkakataon para ipagtapat ang kaniyang pagmamahal dito. Kaya agad siyang sumuko para icomfort ito nang makita niya na magalit si Daisy.Natuwa naman nang husto si Daisy habang sumasagot ito ng, “Talaga? Yes! Sinasabi ko na nga bang matigas ka lang sa panlabas mong anyo pero sa totoo lang ay malambot din ang iyong puso. Hinding hindi mo matitiis ang sinumang nangangailangan ng tulong.”Tinulungan muna ni Daisy si Keele na buha