Share

Kabanata 4884

Nang sumunod na segundo, nagsalita si Antonio. “Hindi ko alam na may naninirahang talunan sa Hidden Dragon Town na nakikipagtulungan sa mga bandito. Mga awtoridad, pabagsakin siya ngayon din.” Matatag at walang pagdadalawang-isip ang lalake.

Isang constable si Antonio at malapit ang relasyon nil ani Ronny. Madalas niyang tulungan si Ronny sa mga biktimang binully, at dahil doon ay nakatanggap siya ng maraming kalamangan kaysa kay Ronny. Kailangan niyang makipagtulungan dahil gusto niyang hulihin si Darryl. Mabilis na nilabas ng mga awtoridad ang mahahabang espada at pumalibot kay Darryl.

Galit na galit si Darryl. Mariin niyang ikinuyom ang kaniyang mga kamao. ‘What the f*ck? Inilagay ko sa kapahamakan ang buhay ko para makaisip ng mga paraan para iligtas ang lahat, pero ganito ang magiging pagtrato nila sa’kin? Kung alam ko lang, sana iniwan ko nalang ang gag*ng si Ronny kasama ng mga bandito.’

Naimpluwensyahan ng galit si Darryl at gusto niyang lumaban pabalik. Wala siyang problema
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status