Samantala, sa kabilang banda.Mabilis na inipon ni Darryl ang mga halamang gamot sa tulong ng mga kasama niyang lalaki. Tiyempo ring nakakita si Darryl ng ilang tangkay ng Sword Plum Grass sa paligid. Natuwa siya at agad na idinagdag ito sa kaniyang koleksyon.Hindi nagtagal ay bumalik na rin si Darryl sa kuweba, nagmamadali nitong hinanda ang isang porselanang jar na kaniyang ipinatong sa bonfire. At pagkatapos ay sinimulan na niyang gawin ang gamot.Whoosh…Nagtipon tipon naman ang ilang mga kalalakihan sak aniyang paligid, agad silang napahanga sa ipinakitang kakayahan ni Darryl sa paggawa ng gamot.Dito na hindi naiwasang itanong ng isa sa mga lalaki na, “Derrick, ano namang klase ng gamot ang ginagawa mo para kay Kuya Marvin ngayon? Masyado itong kamangha mangha.”Agad na kumalat ang boses nito sa paligid kaya mabilis na nagtanong ang ilan pang mga lalaki sa paligid ni Darryl.“Oo nga, napinsala nga ang mga heart vessel ni Kuya Marvin kaya masyadong kahanga hanga noong mapa
Nagalit nang husto rito si Ronny. ‘Hayop ka Derrick! Paano mo naatim na ipaggawa ng gamot ang mga walang awang tao na ito para sa ikatutuwa nila?’‘Para na siyang isang aso.’Sa kabilang banda, nabahala rin sa kaniyang nakita si Selina. ‘Ano ang nangyari kay Derrick? Paano niya nagawang bigyan ang mga taong ito ng gamot matapos niyang malaman na ubod ng sama ang mga ito? Hindi niya ba alam na mali ang ginawa niya?’At nang mapangibabawan si Selina ng kaniyang mga emosyon, agad silang ginulat ng gma sumunod na eksena!Plop! Plop!Pagkatapos nilang inumin ang gamot, mabilis na nawalan ng balanse ang mga lalaki bago tuluyang bumagsak sa lupa at mawalan ng malay.Agad namang napapalakpak si Darryl noong mga sandaling iyon. Nakahinga na ito nang maluwag habang sinasabi na, “Tapos na rin sa wakas!”Hindi naintindihan ng lahat maging nina Selina at Ronny kung paano nangyari ang eksenang iyon.Ano ang nangyari?“Ikaw—"At sa wakas ay nauna nang nakapagreact si Selina, hindi nito naiw
Napapadyak naman si Selina sa sobrang desperasyon na kaniyang nararamdaman. “Tigilan mo na nga iyan, pinsan!”Tumawa naman si Darryl habang napapatingin siya kay Selina. Dito na niya sinabing, “Hindi naman sa ayaw ko siyang iligtas. Pero ikaw na ang nakakakita sa asal niya. Ayaw niya na iligtas ko siya.”Dito na tumalikod si Darryl para umalis.Hindi na nakapagpigil pa si Selina sa kaniyang sarili. Dito na niya hinila ang manggas ni Darryl habang sinasabi na, “Iligtas mo sila, Derrick. Nagmamakaawa ako sa iyo!”Isang arogante at wala sa lugar na binate si Ronny. Kasalanan nito kung bakit siya nagkaganyan pero pinsan pa rin niya ito kaya hindi niya magagawang hayaan may mangyaring hindi maganda rito.“Derrick!”Dito na biglang nagsalita ang kanina pang tahimik na si Sandra. “Pakiusap, iligtas mo si Ronny at ang iba pa nating mga kasama!” Kaya sana itong gawin ni Sandra nang magisa pero kasalukuyan pa ring malubha ang kaniyang sugat mula sa naging laban nila ni Coleman at ng mga ka
Mas tumindi ang takot ni Ronny habang naiisip niya ang tungkol dito. Hindi na siya nagdalawang isip pa habang nagmamadali niyang sinasabi kay Darryl na, “Hoy, Derrick, kasalanan ko ang lahat ng ito. Nagkamali ako kaya patawarin mo na ako. Pakawalan mo na ako rito.”Nagdadalawang isip si Ronny na humingi ng tawad sa isang walang kuwentang sugarol pero wala pa rin siyang nagawa. Siguradong gigising na ang mga walang awang ito sa loob ng ilang sandali. Sabagay, kasalukuyan pa ring nagpapalakas si Marvin sa katabi nilang kuweba.Kinailangang magcompromise ni Ronny para iligtas ang sarili niyang buhay. Dumilim nang husto ang kaniyang mukha nang yumuko ito para humingi ng tawad.“Buwisit, isa kang mangmang, Derrick. Makikita mo!” Isip nito.“Derrick, pakiusap!”“Oo na, oo na. Kasalanan namin ang lahat ng ito!”“Pakawalan mo na kami ngayon, Pakiusap!”Kasabay nito ang pagmamakaawa ng iba pang mga anak mayaman kay Derrick para tulungan niya ang mga ito. Agad nang nawala ang aroganteng a
’Ano?’ Nagalit si Coleman sa kaniyang narinig. ‘Sino’ng matinong tao ang gagawa ng bagay na ganoon? Matagumpay ba tayong nahanap ng mga elite ng sekta?’ Mabilis siyang naglakad para tanungin si Darryl. “Sino siya? Anong hitsura niya? Nakita niyo ba siyang maigi?”Malalim na nagbuntong hininga si Darryl at umarte na tila natataranta. “Mabilis siyang kumilos. Nakasuot siya ng kulay puti na robe. Hindi ko nakitang maigi ang kaniyang mukha, pero napakabilis niya. Huli na ang lahat bago pa ako may magawa.”Nagsalita siya pagtapos niyang punasan ang pawis sa kaniyang noo. “Mabuti nalang at nakapagtago ako kaagad, kundi ay mahuhuli niya rin ako.”Kahit kabado siyang nagsalita, natatawa si Darryl sa kaniyang puso. ‘Kung ano-ano lang ang pinagsasabi ko at pinaniwalaan naman niya ako.’Salamat sa madilim na ilaw, hindi makita ni Coleman ang totoong ekspresyon ng mukha ni Darryl. Kaya naman wala siyang pag-alangan. Nanermon siya. “Naku naman. Gustong gusto kong malaman kung sinong basura ang
Ngumiti si Darryl at masaya siyang makita si Coleman na nakakulong sa stone formation na parang isang nawawalang batang oso.Pagtapos ay sumigaw siya. “Coleman, huwag mong madaliin ang pagkilos diyan. Magkita tayong muli kung magkikita pa tayo. “Pagtapos ay bumalik siya sa kuweba. Naging oras na para iligtas si Mandy nang mapalabas niya si Coleman. Ipinangako niya kina Sandra at Selina na ililigtas niya si Mandy, tutuparin niya ang kaniyang pangako.Nakita ang galit kay Coleman. Patuloy siya sa pagsigaw sa loob ng stone formation. “Tatandaan ko ito, Derrick. Mas mabuting magsimula ka nang magdasal ngayon. Paniguradong papahirapan kita pag nahuli kita!”Patuloy ang pagdating ng mga galit na pagsigaw, pero hindi sila pinansin ni Darryl. Dali-dali silang pumasok sa kuweba.“Mandy? Mandy!” Nagsimula siyang tawagin ang pangalan ni mandy noong nasa loob siya. Pero sinubukan niyang hinaan ang kaniyang boses dahil nag cu-cultivate pa si Mandy sa katabing kuweba. Lalo lamang lalala ang si
’Hay*p!’ Nataranta si Darryl. Mabilis siyang lumingon sa gilid para umiwas sa halik ni Mandy, pagtapos ay itinaas niya ang kaniyang kamay para tapikin ang acupoint ni Mandy para mawalan ito ng malay.Noon ay hindi alam ni Darryl kung anong dapat gawin. Pero paglipas ng mga taon, marami siyang mga karanasan katulad noon. Mabilis na nagdesisyon ng tama si Darryl para hindi na maulit ang parehong pagkakamali.Tinapik niya ulit ang acupoint ng babae. Muling umungol ang babae bago ito mahimatay. Gumaan ang loob ng lalake. ‘Hay*p, muntik na iyon. Halos maulit ang parehong pagkakamali.’Binuhat niya si Mandy palabas ng kuweba. Habang nasa labas, nakita niya ang nakakulong pa rin sa stone formation na si Coleman habang pawis na pawis ito. Wala siyang pakialam sa lalake at nagtungo siya papuntang Hidden Dragon Town. Nang ilang milya na siyang tumatakbo, mayroon siyang nakitang mga ilaw. Mabilis na tumakbo ang ilang kalalakihang may hawak ng sulo ng apoy. Nakasuot sila ng kulay madilim na p
Nang sumunod na segundo, nagsalita si Antonio. “Hindi ko alam na may naninirahang talunan sa Hidden Dragon Town na nakikipagtulungan sa mga bandito. Mga awtoridad, pabagsakin siya ngayon din.” Matatag at walang pagdadalawang-isip ang lalake.Isang constable si Antonio at malapit ang relasyon nil ani Ronny. Madalas niyang tulungan si Ronny sa mga biktimang binully, at dahil doon ay nakatanggap siya ng maraming kalamangan kaysa kay Ronny. Kailangan niyang makipagtulungan dahil gusto niyang hulihin si Darryl. Mabilis na nilabas ng mga awtoridad ang mahahabang espada at pumalibot kay Darryl.Galit na galit si Darryl. Mariin niyang ikinuyom ang kaniyang mga kamao. ‘What the f*ck? Inilagay ko sa kapahamakan ang buhay ko para makaisip ng mga paraan para iligtas ang lahat, pero ganito ang magiging pagtrato nila sa’kin? Kung alam ko lang, sana iniwan ko nalang ang gag*ng si Ronny kasama ng mga bandito.’Naimpluwensyahan ng galit si Darryl at gusto niyang lumaban pabalik. Wala siyang problema