“Huwag po kayong magalala, Sir!” Sabi ni Coleman nang makita niyang tumalikod si Marvin.Dito na biglang umakbay ang nakangiting si Coleman kay Darryl. “Iniligtas mo ang buhay ng aming boss, Derrick kaya itinuturing ka na namin bilang isang protector. Dapat lang na uminom tayo hanggang sa tuluyan tayong bumagsak sa kalasingan!”Naglabas si Coleman ng isang jug na kaniyang dinala bago niya hilahin si Darryl para umupo sa tapat ng bonfire habang inuutusan niya ang kaniyang mga tauhan na manghuli ng mga ligaw na hayop.Nabahala rito nang husto si Darryl pero pinanatili pa rin niya ang kaniyang postura. Umupo siya at buong pusong nakipaginuman kay Coleman.Hindi nagtagal ay nakahuli na rin ang mga tauhang inutusan ni Coleman ng ilang mga kuneho na kanilang inihaw sa bonfire. Dito na nabalot ng mabangong amoy ng pagkain ang kanilang paligid.“Kapatid na Derrick!”Kinuha ng nageenjoy na Coleman ang isa sa mga binti ng inihaw nilang kuneho para kainin ito nang buong puso. At habang puno
‘Buwisit. Sinusubukan niya ba akong ipahiya sa iba’t ibang paraan?’ Isang sandali ring nainis si Ronny pero wala na siyang nagawa kundi titigan si Darryl mula sa malayo ngayong kasama nito si Coleman. Wala siyang sapat na lakas ng loob para gumawa ng anumang aksyon.At sa wakas ay narealize na rin ito ni Coleman kaya agad niyang tinapik si Darryl sa balikat habang tumatawa ito nang malakas. “Oh, kapatid mo pala ang isang ito. Kaya pala agad kang umabante nang kakapkapan ko na siya. Siguradong malapit kayo sa isa’t isa! Kung kapatid mo pala ang isang ito, bahala na. Hindi ko na siya isasama sa inuman!’Dito na tumama ang tingin ni Coleman ka Selina bago nito interesadong sabihin na, “Gusto ko sanang sumama ang dalawang ito pero bahala na. Dalhin mo na lang ang isang iyan dito.”Whoosh!Nanginig naman ang magandang katawan ni Selina habang nababahalang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Coleman. Dito na siya napatingin kay Darryl.Hindi inasahan ni Selina na dedepende siya sa nagku
Dito na pinunasan ni Ronny ang pawis sa kaniyang noo habang nagmamadaling nagmamakaawa kay Coleman. “Huwag niyo pong gawin iyan Kuya Coleman. Kapatid ko po siya. Maawa po kayo—"Dito na sumigaw si Coleman ng, “Huwag mo akong pakialaman hayop ka! At huwag na huwag ka ring umarte na para bang kamaganakan kita. Sino ang tinawag mong kuya ha?”“Opo, opo…”Hindi na nagawa pang sumagot ni Ronny matapos siyang sermonan ni Coleman. Paulit ulit itong yumuko habang sinasabi na. “Kasalanan ko ang lahat dahil hindi ko kayang magsalita nang maayos. Kaya pakiusap po ginoo, pakawalan niyo na po ang aking kapatid. Masyado pa po siyang bata kaya hindi pa po ito marunong uminom.”Tumatawa namang sumagot si Coleman ng, “Hindi siya marunong uminom? Kung ganoon ay pupuwede niya naman akong ipagsalin ng wine.”Dito na siya nagmamadaling naglakad paabante para hawakan ang wrist ni Mandy.“Pakiusap po!” Dito na naging agresibo si Ronny habang sinusubukang sumugod sa kaniyang harapan para pigilan si Cole
“Ako—"Agad na namula ang mukha ni Mandy. Agad niyang iniling ang kaniyang ulo habang sinasabi na, “Ayoko po—"Nabahala naman dito ang kapatid niyang sio Ronny na nakaupo hindi kalayuan sa dalawa. Dito na siya sumigaw ng, “Patawarin niyo na po ang kapatid ko, Coleman. Nagawa niya na pong uminom kasama ninyo kaya pakawalan niyo na po siya!”Nakaramdam si Ronny ng matinding galit sa kaniyang dibdib.Sabagay, siya ang pinakamatandang young master ng pamilya Cruz kaya madalas siyang nangaapi ng ibang tao sa sandaling mapahiya siya nang ganito, lalo na kung tungkol ito sa kapatid niyang babae. Masyado pa siyang bata kaya hindi pa nito alam ang mga panganib sa mundo ng mga cultivator. Kaya paano nito magagawang magpatuloy sa kaniyang buhay sa sandaling mapagsamantalahan ito ni Coleman?“Buwisit!”Agad namang naging agresibo si Coleman sa ginawang pagsigaw ni Ronny. Dito na niya nilabas ang isang mahabang patalim mula sa kaniyang bulsa para itutok ito kay Ronny. “Mukhang hindi ka pa tal
Samantala, sa kabilang banda.Mabilis na inipon ni Darryl ang mga halamang gamot sa tulong ng mga kasama niyang lalaki. Tiyempo ring nakakita si Darryl ng ilang tangkay ng Sword Plum Grass sa paligid. Natuwa siya at agad na idinagdag ito sa kaniyang koleksyon.Hindi nagtagal ay bumalik na rin si Darryl sa kuweba, nagmamadali nitong hinanda ang isang porselanang jar na kaniyang ipinatong sa bonfire. At pagkatapos ay sinimulan na niyang gawin ang gamot.Whoosh…Nagtipon tipon naman ang ilang mga kalalakihan sak aniyang paligid, agad silang napahanga sa ipinakitang kakayahan ni Darryl sa paggawa ng gamot.Dito na hindi naiwasang itanong ng isa sa mga lalaki na, “Derrick, ano namang klase ng gamot ang ginagawa mo para kay Kuya Marvin ngayon? Masyado itong kamangha mangha.”Agad na kumalat ang boses nito sa paligid kaya mabilis na nagtanong ang ilan pang mga lalaki sa paligid ni Darryl.“Oo nga, napinsala nga ang mga heart vessel ni Kuya Marvin kaya masyadong kahanga hanga noong mapa
Nagalit nang husto rito si Ronny. ‘Hayop ka Derrick! Paano mo naatim na ipaggawa ng gamot ang mga walang awang tao na ito para sa ikatutuwa nila?’‘Para na siyang isang aso.’Sa kabilang banda, nabahala rin sa kaniyang nakita si Selina. ‘Ano ang nangyari kay Derrick? Paano niya nagawang bigyan ang mga taong ito ng gamot matapos niyang malaman na ubod ng sama ang mga ito? Hindi niya ba alam na mali ang ginawa niya?’At nang mapangibabawan si Selina ng kaniyang mga emosyon, agad silang ginulat ng gma sumunod na eksena!Plop! Plop!Pagkatapos nilang inumin ang gamot, mabilis na nawalan ng balanse ang mga lalaki bago tuluyang bumagsak sa lupa at mawalan ng malay.Agad namang napapalakpak si Darryl noong mga sandaling iyon. Nakahinga na ito nang maluwag habang sinasabi na, “Tapos na rin sa wakas!”Hindi naintindihan ng lahat maging nina Selina at Ronny kung paano nangyari ang eksenang iyon.Ano ang nangyari?“Ikaw—"At sa wakas ay nauna nang nakapagreact si Selina, hindi nito naiw
Napapadyak naman si Selina sa sobrang desperasyon na kaniyang nararamdaman. “Tigilan mo na nga iyan, pinsan!”Tumawa naman si Darryl habang napapatingin siya kay Selina. Dito na niya sinabing, “Hindi naman sa ayaw ko siyang iligtas. Pero ikaw na ang nakakakita sa asal niya. Ayaw niya na iligtas ko siya.”Dito na tumalikod si Darryl para umalis.Hindi na nakapagpigil pa si Selina sa kaniyang sarili. Dito na niya hinila ang manggas ni Darryl habang sinasabi na, “Iligtas mo sila, Derrick. Nagmamakaawa ako sa iyo!”Isang arogante at wala sa lugar na binate si Ronny. Kasalanan nito kung bakit siya nagkaganyan pero pinsan pa rin niya ito kaya hindi niya magagawang hayaan may mangyaring hindi maganda rito.“Derrick!”Dito na biglang nagsalita ang kanina pang tahimik na si Sandra. “Pakiusap, iligtas mo si Ronny at ang iba pa nating mga kasama!” Kaya sana itong gawin ni Sandra nang magisa pero kasalukuyan pa ring malubha ang kaniyang sugat mula sa naging laban nila ni Coleman at ng mga ka
Mas tumindi ang takot ni Ronny habang naiisip niya ang tungkol dito. Hindi na siya nagdalawang isip pa habang nagmamadali niyang sinasabi kay Darryl na, “Hoy, Derrick, kasalanan ko ang lahat ng ito. Nagkamali ako kaya patawarin mo na ako. Pakawalan mo na ako rito.”Nagdadalawang isip si Ronny na humingi ng tawad sa isang walang kuwentang sugarol pero wala pa rin siyang nagawa. Siguradong gigising na ang mga walang awang ito sa loob ng ilang sandali. Sabagay, kasalukuyan pa ring nagpapalakas si Marvin sa katabi nilang kuweba.Kinailangang magcompromise ni Ronny para iligtas ang sarili niyang buhay. Dumilim nang husto ang kaniyang mukha nang yumuko ito para humingi ng tawad.“Buwisit, isa kang mangmang, Derrick. Makikita mo!” Isip nito.“Derrick, pakiusap!”“Oo na, oo na. Kasalanan namin ang lahat ng ito!”“Pakawalan mo na kami ngayon, Pakiusap!”Kasabay nito ang pagmamakaawa ng iba pang mga anak mayaman kay Derrick para tulungan niya ang mga ito. Agad nang nawala ang aroganteng a