Nang ibato ni Empress Heidi ang kanyiang sarili mula sa bathtub, agad niyang naipakita ang kaniyang katawan kay Darryl. Namula rin nang husto ang kaniyang katawan na nakapagpasexy at nakapagpaatractive dito nang dahil sa nararanasan niyang heart flame.Natulala nang kaunti si Darryl noong mga sandaling iyon pero mabilis pa rin siyang nagreact ng, “Gumsing po kayo, Kamahalan!”Nabahala siya noong mga sandaling iyon. ‘Nako po, tuluyan nang nawala sa tamang pagiisip ang kamahalan. Siguradong malaki na ang problema ko ngayon.’Bago pa man siya magpatuloy sa kaniyang pagsasalita, tuluyan nang nawala sa tamang pagiisip si Empress Heidi habang tinutulak nito si Darryl at sinisimulang punitin ang kaniyang mga damit. ‘Ano…’Natakot dito nang husto si Darryl. Gusto niyang selyuhan ang mga acupoint ni Empress Heidi pero agad niyang naisip na hindi ito magiging maganda sa tinatamong heart flame ng Kamahalan.“Ang init, ang init…”At nang magpumiglas ang nagiisip ng paraan na si Darryl, agad
“Sabagay, hinanap mo talaga ako para gawin ang bagay na ito. Kaya kung titingnan, ako ang nagligtas sa iyo, pero gusto mo pa rin akong patayin. Sa ganitong paraan mo ba talaga gustong tumanaw ng utang na loob?”‘Buwisit. Wala nang saysay ang lahat ngayong kilala na niya ako.’Tiningnan ni Darryl si Empress Heidi mula ulo hanggang paa habang inaamin sa kaniyang sarili na maganda nga ang pangangatawan nito. Inaamin niya rin sa kaniyang sarili na nagenjoy siya kanina habang inaalala ang nangyari sa kanilang dalawa.“Ikaw…”Pero mas pinatindi lang ng inasal ni Darryl ang galit sa puso ni Empress Heidi hanggang sa halos sumabog na ito.‘Hindi lang ako pinagsamantalahan ng hayop na ito dahil nagawa niya pang magbigay ng mga iresponsableng komento na para bang wala siyang kinalaman sa nangyari.’Naistress nang husto si Empress Heidi habang iniisip kung ano ang ginawa nila ni Darryl kanina, hindi niya ito matanggap noong mga sandaling iyon.Masyadong naging mabigat at puno ng tensyon an
Naramdaman ni Darryl ang panganib sa kaniyang likuran at napamura na lang sa kaniyang sarili.‘Buwisit! Wala na ba talaga sa sarili ang mga sundalong ito? Paano nila nagawang atakihin ang kahit na sino nang hindi inaalam ang pagkakakilanlan nito?’Nang makita ni Darryl ang papalapit na kidlat sa kaniya, agad siyang nagdesisyon na magmadaling pumunta sa teleportation gateway habang nagngitngitngit ang kaniyang mga ngipin.‘Walang magagawa na kahit ano ang mga sundalong ito sa sandaling makapasok ako sa teleport gateway.’At nang makapasok si Darryl sa teleport gateway, mabilis na tumama ang kidlat sa daanan, isang nagliliwanag na ilaw ang nagpakita at bumalot kay Darryl bago kumalat ang isang napakatinding puwersa sa ere.Boom, boom, boom!Dito na nagsimulang yumanig ang lupa sa ilalim ng teleport gateway kaya hindi na nakatayo ng diretso si Darryl.‘Buwisit!’Nakaramdam ng matinding stress at pagkabahala si Darryl noong mga sandaling iyon. Gumawa ang pagtama na ito ng kidlat ng
Agad namang sumugod palapit dito si Levin at ang kaniyang mga kasama habang sumasabog ang mga tanong sa kanilang mga isipan.“Ano ang nangyayari?”“Bakit nagkagulo ang lahat? Nagawa ba nina Master Wilson na iligtas ang Sect Master?”“Nakulong ba sila ngayon sa Royal City?”Huminga naman nang malalim si Zephyr habang ninenerbiyos na nagsasalita sa mga ito.“Nakita namin si Master Wilson at ang pamilya ng Sect Master na napapaligiran ng mga bantay. Hindi ito naging maganda. Gusto kong sumugod pero masyado pa ring marami ang mga bantay na nakapaligid sa kanila. Kaya wala na akong nagawa kundi bumalik para ihatid sa inyo ang balitang ito.”Agad na naglagablab sa galit ang mukha ni Levin habang nagsasalita.“Sumosobra na sila.”“Ano pang punto sa pagsasabi mo nito? Mas mabuti kung magiisip na tayo ng paraan para mailigtas si Master Wilson at ang iba pa nitong gma kasama.”“Magpunta tayo roon para tulungan sila sa lalong madaling panahon.”Seryoso namang iniling ni Zephyr ang kaniy
Habang nasa gitna ng kaniyang galit, sumigaw si Zack ng, “Ang lakas ng loob ninyong magsabi ng ganyang mga bagay sa puntong ito! Makinig kayong lahat! Hulihin ninyo sila nang buhay anuman ang mangyari.”Napagisipan na niya ang tungkol sa bagay na ito. Naramdaman niya na para bang binigyan niya ng pabor si Chester at ang mga kasama nito sa sandaling patayin niya ang mga ito.Kaya kinakailangan niyang mahuli nang buhay ang mga ito para matorture nang walang katapusan. Sa pamamagitan lang nito niya mapapakalma ang malademonyo niyang galit.“Opo, Kamahalan!”Dito na sumugod ang mas maraming mga royal guard.Namula naman ang mga mat ani Dax nang makita niya ang mga royal guard. Dito na niya iwinagayway nang walang tigil ang Sky Breaking Ax sa ere pero malapit nang maubos ang natitirang internal energy sa kaniyang katawan. Kahit na tulungan pa siya ng mga sundalo ng Godly Region, magiging mahirap pa rin para sa kaniya na baliktarin ang sitwasyon ng labang ito.Hindi nagtagal ay bumagal
Naalala ni Zack na siya ang Emperor kaya agad niyang pinigilan ang kanityang galit. Nagpakita siya ng isang pekeng ngiti habang sinasabi na, “Magaling, magaling. Mukhang hindi pa rin tumigil sa pagmamalaki ang mga bilanggong ito. Gusto ko pang makita ang tapang ninyo sa sandaling makaharap na ninyo ang sandata ng berdugo.”Habang nagsasalita, itinaas ni Zack ang kaniyang kamay habang sinasabi na, “Ang lahat ng bilanggong nahatulan ng kamatayan ay sesentensyahan bukas ng hapon.”“Opo, Kamahalan!”Higit sa sampung mga bantay ang naglakad palapit para kaladkarin si Chester papunta sa dungeon habang naririnig ang mga salitang ito sa ere.Tuso namang tumingin si Zack kay Jedidiah habang tumatawa nitong sinasabi na, “Nagpapasalamat ako kay Jedidiah dahil sa tulong na kaniyang ibinigay para mapabagsak sina Chester Wilson at Dax Sanders. Mayroon akong isang salita kaya bibigyan ko ng pabuya si Jedidiah at ang mga disipulo ng Sword Sect nang dahil dito.”“Maraming salamat po, Kamahalan.”
Agad namang tumigas ang tono ng boses ni Zephyr nang makita niya ang pagdadalawang isip sa muha ni Zack. Nagpakita ng inis ang tono ng kaniyang boses habang nagtatanong ng, “Mayroon bang problema? Ayaw mo ba silang ibigay sa amin, Kamahalan?”Maamo namang ngumiti si Zack habang ibinubuka nito ang kaniyang bibig. “Kung nakikita mo, masyado nang malaki ang perwisyong ibinigay ni Chester at ng kaniyang mga tauhan sa Royal City. Nagawa pa nga ng isa sa mga ito na magkunwaring Empress—na isang malaking uri ng pagtataksil sa amin. Hinatulan ko sila ng kamatayan bukas kaya hindi niyo na kailangan pang dalhin ang mga ito sa mga kapwa ninyo Heaven Watcher.”Dito na sumimangot si Zephyr habang sumisigaw ito ng, “Ang lakas ng loob mo!”Tumuro rin si Levin kay Zack habang galit itong sumisigaw ng, “Ang lakas din ng loob mo para sa isang mortal na Emperor na makipagnegosasyon sa mga Heaven Watcher. Alam mo ba na gumawa si Darryl Darby ng isang imposibleng krimen na nagdawit sa bawat isang miyemb
Hay!At nang papaalis na ang mga ito, hindi na napigilan pang magbuntong hininga ni Zack habang galit na sinasabing, “Sayang! Napakaraming tao natin ang namatay para lang makuha si Chester Wilson at ang mga kaibigan nito pero sa huli ay nagawa pa rin silang kunin ng mga Heaven Watcher.Buwisit!Hindi sana natin nagawang ibigay ang lahat ng ito kung mas maaga lang dumating dito ang mga hayop na mga Watcher na ito.Dito na tumingin si Jedidiah sa direksyon ng mga papaalis na Watcher habang nagiisip na sinasabing, “Bakit nararamdaman ko na parang may mali, Kamahalan?”“Ano ang problema?” Nakasimangot na tanong ni Zack.Dito na nagisip nang bahagya si Jedidiah habang dahan dahang sinasabi na, “Ayon sa aking mga nalalaman, diretso kung magtrabaho ang mga Heaven Watcher. Palagi nilang ipinapakita ang kanilang mga chapa para ipakita ang kanilang mga pagkakakilanlan bago sila gumawa ng kahit na ano pero wala akong nakita na kahit anong chapa sa apat na ito.“At sigurado rin ako na higit