Bilang isang napakataas na nilalang ng lahi ng mga fiend, nakita ng Archfiend Antigonus na dinulot ng mga taong iyon ang aksidenteng pumatay kay Hackett.Kahit na wala siyang ugnayan kay Hackett ay muli siyang nabuhay gamit ang mortal na katawan nito. Baka tadhanang pag-isahin silang dalawa at naramdaman niyang tungkulin niyang maghiganti para kau Hackett.Whoosh!Kaagad na nakita ang katawan ng Archfiend Antigonus nang sandaling iyon at kasing bilis ng kidlat niyan kinompronta ang mga tao.‘Wow, nakakamanghang bilis!’ Naisip ng mga ito.Nagulat si Kratos at ang mga kalalakihan. Nagmula si Hackett sa pangalawang henerasyong inapo ng isang prominenteng pamilya, pero noo’y maayos ang kalagayan ng pamilya. At para siyang isang basura dahil wala siyang kwenta. Paano niya nagawang maging makapangyarihan?Tatalikod na sana si Kratos para bumalik sa sasakyan sa pagkataranta, pero huli na ang lahat.Bang! Boom! Clang!Kahit na muling nabuhay ang Archfiend Antigonus gamit ang katawan ni
Subalit naging malamig ulit ang puso ni Skye nang maisip niya ang mga napagtagumpayan ni Hackett. “Dapat ay matagal nang patay ang basurang iyon. Wala siyang ibinigay sa akin!”Natawa at napatalon si Theodore sa kaniyang narinig. Umupo siya sa tabi ni Skye, at ipinalibot ang braso sa babae. “Kung ganoon, hindi karapat dapat ang basurang iyon na makatanggap ng atensyon mula sa’yo.” Sambit nito nang pumalibot sa katawan ng babae ang kaniyang braso. “Natural lang ang naging pagkamatay niya para sa atin.”Maganda ang mood ni Theodore. Sa mga nakalipas na taon, ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para sakupin ang mga kumpanya pamilya Lambert. Subalit naging matigas si Hackett at tumanggi siyang pirmahan ang kasunduan.Walang ibang pagpipilian si Theodore kundi ang patayin siya. Hindi niya lamang makukuha ang mga ari-arian ng pamilya Lambert, pero mapapasakanya rin ang magandang asawa ni Hackett.Mas lalong nasabik si Theodore habang iniisip niya iyon. “Ilanga raw kitang hindi nak
Slap!Hindi nagdalawang-isip ang Archfiend Antigonus na sampalin si Skye habang natataranta siya. Buong lakas niyang sinampal ang babae. Napasigaw si Skye at paatras nalumipad ang kaniyang katawan sa layong mahigit sampung metro bago lumapag sa sahig!“Ikaw—”Takot at galit si Skye. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang isang kamay habang nakatitig siya sa Archfiend Antigonus, nagsalita siya. “Ikaw…sinaktan mo ako?”‘Dati ay tahimik lang ang basurang iyon at hindi ako kailanman sinigawan. Ngayon, sinampal niya ako?’ Naisip nito.“Bilang isang asawa, hindi ka naging matapat at nakipagsabwatan ka pa sa iyong kabit para patayin ang asawa mo. Hindi b akita dapat saktan?”Slap! Slap! Slap!Narinig sa buong kuwarto ang malutong na tunog, lumundag ang puso ni Theodore!‘Diyos ko po, madalas na waking kwenta at duwag ang basurang iyon. Hindi ko inasahang matindi siyang aatake sa babae.’ Naisip nito. “Hay*p!”“Anong lakas ng loob mo para saktan siya sa harap ko, Hackett?” Sigaw
Isa lamang ordinaryong lalake si Hacket Lambert na mayroong kakaibang karanasan at naging mas malakas.Habang nasa isip niya iyon, hindi maganda ang ngiti ni Theodore sa Archfiend Antigonus. “Tinawagan ko na sila.” Sambit nito, hindi maikukubli ang matapang niyang tono. “Huwag mo itong pagsisihan balang araw.”Umupo roon ang Archfiend Antigonus habang walang ekspresyon ang kaniyang mukha. “Magtawag ka ng mga tao hangga’t gusto mo.”Bluffing!Tahimik ang pagsinghal ni Theodore nang makita niya ang pag-arte ng lalake, tumahimik siya.“Theodore!” Medyo inilapit ni Skye si Theodore, kitang-kita ang kaniyang pagaalala. “Mapagkakatiwalaan ba ang taong tinawagan mo?” Takot niyang tiningnan ang Antigonus nang magsalita siya.Walang bahid ng takot si Skye kay Hackett. Pero sa mga hindi malamang dahilan, mukhang tuluyang nagbago si Hackett na para bang ibang tao na ang lalake. Matatakot ang mga tao na lapitan siya dahil sa aura na lumabas sa kaniyang katawan.“Huwag kang matakot!”Pinaka
’Ano?’ Napatalon at napasigaw si Theodore sa kaniyang narinig. “Nababaliw ka na ba, Hackett?”‘Ang ibigay sa’yo lahat ng ari-arian ko? Nananaginip ka ba ng gising?’Nagbago rin ang ekspresyon ng mukha ni Lennox nang magsalita siya. “Natakot akong baka hindi angkop ang iyong kondisyon.”“Hindi angkop?” Suminghal ang Archfiend Antigonus. “Kung ganoon ay patayin mo siya. Magbabayad siya o isasakripisyo niya ang kaniyang buhay.” Kalmado pero matatag ang kaniyang boses.“Hay*p!” Napuno na si Theodore sa puntong iyon, sumigaw siya habang nakaturo sa Archfiend Antigonus. “Nakikipaglaro ka sa apos, Hackett! Patayin mo siya kaagad, Master. Magbibigay ako ng donasyon sa halagang isang daang milyong dolyar para bumuo ng templo para sa Shaolin Sect sa loob ng kalahating taon kapag ginawa mo iyon. Hindi na kailangan pang magbigay ng rason sa kaniya.”Tumayo sa isang gilid si Skye at nanatiling tahimik, pero tumango siya para sumang-ayon.‘Nababaliw na si Hackett! Bakit hindi siya resonable, g
Nagulat si Skye!Nanghina ang mga paa ng babae at hindi niya mapigilang mapaatras.Nakita niya ang mala-trahedyang pagkamatay ng master ni Theodore dahil nabangga ito ni Hackett. Punong alagad ng Shaolin Sect ang master ni Theodore.‘Paano iyon nangyare? Ilang taon na kong kasal sa kaniya pero hindi ko alam na isa pala siyang cultivator, at sobrang makapangyarihan siya…’‘Sa mga nakalipas na ilang taon, hindi siya umiimik sa tuwing pagsasabihan ko siya kapag wala ako sa mood. Palagi niyang tinitiis ang mga pamamahiya ni Theodore at hindi siya sumagot sa lalake kailanman.’‘At ngayong araw, pinatay niya ang master ni Theodore…’“Hackett, Hackett, alam kong mali ako, mali ako…” Lumuhod sa sahig si Theodore; nagpunas at yumuko siya sa harap ng Archfiend Antigonus habang humihingi ng tawad.Subalit hindi sumagot ang Archfiend Antigonus; tahimik niyang pinanood si Theodore.Kinilabutan si Theodore sa naging tingin sa kaniya ng Archfiend Antigonus. Biglang sumigaw at tinuro ni Theodo
”Kasalanan ko ito. Kasalanan ko.” Kinagat ni Sky ang kaniyang labi at halos dumugo ito. Kaagad siyang lumuhod sa sahig habang nanginginig ang kaniyang katawan.‘Napatay na niya si Theodore. Natatakot akong mamatay din kapag hindi ako umamin na mali ako.’Medyo natawa ang Archfiend Antigonus nang mapansin niya ang panginginig ni Skye, inasar niya ito. “Mukhang perpekto kayo para sa isa’t sia. Bakit hindi nalang kayo sabay mamatay? Kung ano mang mangyari sa kaniya—"Boom!Kaagad na tinira ng Archfiend Antigonus ang tuktok ng ulo ni Skye gamit ang kaniyang kamay. Sumigaw at nahimatay ang babae.Sa puntong iyon, hindi pinansin ng Archfiend Antigonus ang tatlo habang nakahandusay ang mga ito, umakyat siya sa taas. Kumuway siya sa isang babae nang lapitan niya ang punong hall.“Anong mga ipag-uutos ninyo, Young Master?” Takot na tanong ng tauhan.May narinig siyang ingay sa bandang itaas at napagtanto niyang mayroong namatay. Nakakatakot din si Hackett dahil balot sa dugo ang kaniyang
Napaisip si Jedidiah at napakunot din siya ng noo sa kaniyang narinig.‘Kahit na hindi ko masyadong kilala si Quincy ay medyo sikat naman siya. Siya ang Warrior Goddess ng South Cloud World bago siya maging isang Empress. Matapang at kasing buti niya ang sino mang lalake.’‘Base sa pagkatao ni Quincy, hindi siya gagawa ng mga ganoong klase ng bagay.’‘Kung hindi siya, sino?’“Master!” Nagkaroon ng ideya ang isa sa mga elite na alagad at napatanong ito habang napapaisip. “Baka totoo ang narinig nating balita? Pinatay ba ng pamilya Carter ang Senior Brother?”Kaagad na nagningning ang mga mat ani Jedidiah.Habang nagmamadali silang pumunta sa nayon ng pangingisda, narinig ni Jedidiah at ng iba pa mula sa mga cultivator na ang South Cloud Empress na si Quincy Long ay nabigong patayin ang mga pirata at namatay siya sa dagat. Nang malaman iyon ng pamilya Carter, nag-hire sila ng babaeng magpapanggap bilang ang Empress at nagtungo ito sa Royal City kasama si Ambrose. Sinadya nilang gam