Share

Kabanata 4780

Hindi naman nakatulong ang ipinakitang asal ni Cloud Spirit sa galit ni Princess Sheila. Mabilis itong naglakad paabante para sampalin si Cloud Spirit.

Slap!

Ginamit ni Princess Sheila ang buo niyang lakas para gawin ang sampal na iyon. Isang iyak naman ng babae ang narinig sa paligid habang napapaatras si Cloud Spirit. Agad na nagpakita ang isang marka ng palad sa malambot nitong mukha.

“Mahal na prinsesa…” Hawak ni Cloud Spirit sa kaniyang mukha habang nakakaramdam ng pagkadehado sa kaniyang sarili, pero wala pa rin siyang sinabi na kahit ano. “Ano po ang nagawa ko?”

“Ano sa tingin mo?”

Dito na nagpamaiwang si Princess Sheila habang sumisigaw ng, “Si Barely Immortal ang master ng aking kapatid pero nagawa mo pa rin siyang bastusin. Kaya hindi ba’t dapat lang na bugbugin kita ngayon?

“Nagpunta rin ako rito para matuto sa kaniya ngayong umaga pero inistorbo mo kami. Kaya maituturing mo nang magaan na parusa ang sampal na iyan.”

Ano?

Natigilan dito si Cloud Spirit. Palaging nagi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status