Sobrang excited na pumasok ni Florian sa kwarto. "Daddy, nabalitaan ko na nasugatan daw ni Megan si Darryl at baka mamatay na daw siya ngayong gabi. Totoo po ba yun?" Para kay Florian, ito na ata ang pinaka magndang balitang narinig niya! Kung mamatay si Darryl, pwes, mawawalan na rin ng ebidensya na siya ang nanrape kay Rebecca. Tumungo lang si Drake at hindi nagsalita. Sobrang saya ni Florian kaya abot tenga ang ngiti niya. "Sa wakas! Eh yung babaeng hinostage natin? Wala na siyang saysay. Patayin na ba natin siya?" Kasama niya buong magdamag si Yumi, ang asawa niya, kaya hindi siya nakapunta sa secret room kagabi, at ngayong araw sana ang pagkakataon niya. Nagbuntong hininga si Drake. "Pinakawalan ko na siya." "Ano?! Pinaalis mo siya?" Naiinis na tanong ni Florian. Wala na sa mood si Drake parea makipag diskusyon pa kay Florian kaya tinapos niya na ang usapan, "Kakaalis niya lang. Kaya lumabas ka na, gusto kong mapag-isa." "Sige.." Nakangiting lumabas si Florian.
Habang sinusundan ni Florian si Queenie, nagulat siya na may plano pala itong tumalon sa bangin. Narinig niya rin na sinabi nitong hindi na ito puro dahil daw narape ito kaya nagtaka siya. Malamang, isa lang din sa mga Darby ang rapist na tinutukoy ni Queenie.'Aba...Loko yun ha! Inunahan ako...' Pero wala siyang balak na magpatinag kaya dire-diretso siyang naglakad papunta kay Queenie. "Wag kang lalapit sakin!" Sigaw ni Queenie sa sobrang takot niya kay Florian. Kaya pumikit siya para tumalon sana. Pero huli na ang lahat.... Nakuha na siya ni Florian at dinala siya nito sa isang bato. Kahit anong palag niya, pinipilit siyang halikan nito... "Tumigil ka!" Pero sa kalagitnaan ng desperasyon ni Queenie, may boses ng babae ang biglang umalingawngaw, na siya ring nagpatigil kay Florian. Isang balingkinitang babae ang naglakad palapit sakanila. Nang tignan ni Florian ang babae, laking gulat niya sa mala-diyosa nitong kagandahan. Nakasuot ito ng isang tradisyunal na kulay
Samantalang sa ilalim ng bangin, biglang dumilat ang duguang Florian. "Buhay pa ba ako?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Florian sa sarili niya. Ang swerte niya... Noong nalaglag siya, ang buong akala niya ay katapusan niya na... Salamat sa puno na sumalo sakanya. Yun lang din ang nag-iisang puno sa bangin... kaya kung nagkataon na nalihis siya ng kaunti, siguradong may kalalagyan siya. "Tulong..." Aligagang sumigaw si Florian habang sinisiguradong nakahawak siya ng mahigpit sa puno. Nsa kalagitnaan ng bangin ang puno at masyadong madulas ang pader kaya imposibleng maakyat niya ito. Sa ilalim niya naman ay dagat na may mga alon na sobrang lakas ng hampas. Umakyat man siya o bumaba.... parehong mamatay siya. Dahan-dahan niyang kinuha ang kanyang cellphone para makahingi ng tulong. Akala niya, ito na ang pagkakataon niya pero ang masklap ay walang signal sa kasalukuyan niyang pwesto. 'Sh*t! Hindi ko na nga napakinabangan yung babaeng yun, muntik pa akong mamatay ng dahil sak
"Ikaw..... Argh! Masyado mo na akong ginagalit!" Pasinghal na sabi ni Samantha. Sa galit ni Samantha noong narinig niya na sinabi ni Lily na si Darryl lang ang mamahalin nito, galit na galit niyang sinabi, "Humanda ka sakin pag balik ko!" Sabay balibag ng pintuan. Napabuntong hininga nalang si Lily. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Darryl at gusto niya nalang umiyak ng umiyak. Noong sandali ring yun, biglang nag ring ang phone ni Darryl kaya dali-dali itong tinignan ni Lily. Nakita niya na si Miss Keith ang tumatawag, isa sa mga teacher ni Darryl. Pagkasagot ni Lily, agad namang nagsalita si Katherine na halatang nag'aalala. "Hi, ito ba yung asawa ni Darryl?" "Opo, ako nga po, Miss Keith." "May isang bagay na pwedeng makapagligtas kay Darryl! Ang tawag dun au Nine Ressurection Pill. Kung ako sayo, mas maganda kung makakuha ka nun bago pa mahuli ang lahat." Tyan ang pinaka importanteng parte sa katawan ng bawat cultivator, at kahit ang pinaka malakas na cultivator a
Aligagang nagpatuloy si Yvonne, "Pwede ka ngayon? Hihintayin kita sa Dream Destiny Cafe/" "Sige! Papunta na ako." Sobrang excited ni Jeremy dahil para ssakanya sobrang laking bagay nito na si Yvonne pa mismo ang nagyaya sakanya! … Sa Dream Destiny Cafe. Wala masyadong tao at yung mga nandoon pa ay puro mga kabataan. Pagkapasok ni Yvonne sa cafe, pinagtitinginan siya ng mga kalalakihan. Bagay na bagay sa ganda niya ang maikling palda at stilettos na suot niya - sobrang elagante ng itsura niya at kahit sinong lalaki ay mapapanganga talaga. Pero si bakas sa itsura ni Yvonne ang sobrang pag'aalala. Hindi pa man din siya nakakatagal sa kinauupuan niya nang dumating ang isang gwapong binata na may dalang bouquet ng rose - si Jeremy. "Yvonne, para sayo." Nakangiting sabi ni Jeremy kay Yvonne. Nang makita niya ang magandang katawan ni Yvonne, hindi napigilan ni Jeremy na purihin ito. "Sobrang ganda mo talaga." Walang bahid ng pambobola ang sinabi ni Jeremy dahil totoong pag
Gusto niyang magpakasal kami sa loob ng tatlong araw? Natural, ayaw ni Yvonne. Alam ng lahat kung gaano kalibog si Jeremy at sex lang ang habol nito sa mga babae. Kahit na mukha itong matalino, sa totoo lang, wala talaga itong manners. Sa sobrang yabang nito, palagi nitong sinisigawan ang mga waiter at security guard kapag lumalabas sila. Ilan lang yun sa mga dahilan kung bakit ayaw ni Yvonne kay Jeremy... Tapos magpapakasal pa? Pero, kung hindi siya papayag, paano niya makukuha ang pill? Paano si Darryl? Gulong-gulo si Yvonne, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nang mapansin ni Jeremy na hindi makapag desisyon si Yvonne, hinawakan niya ang kamay nito, "Yvonne, hindi naman sa gusto kitang samantalahi. Gusto talaga kita. Unang beses palang kitang makita, alam kong ikaw na ang gusto kong pakasalan. Totoo yun. Pangako ko sayo, aalagaan kita." Mukha namang seryoso si Jeremy. "Kung papayag ka, ibibigay ko sayo ang Nine Resurrection Pill para mailigtas mo si Darryl." Bigl
'Kahit pa kailanganin kong magpakasal sa taong hindi ko mahal, handa akong gawin yun para sayo." … Sa bahay ng mga Young. Kagaya ng nakasanayan, sobrang kalmado lang ng paligid sa loob ng mansyon. Binalita kaagad ni Yvonne na ikakasal na siya. Mula sa Langley Family ang papakasalan niya at ginawa niya lang yun para mailigtas si Darryl. Maging si Kingston ay hindi masyadong naiintindihan kung anong nagyari, "Gusto mo ba talagang pakasalan si Jeremy?" Alam ni Kingston kung gaano kamahal ni Yvonne si Darryl, at sa palagay niya ay hindi pa rin naman ito nakaka move on. Ilang beses na niyang nakita si Jeremy. Para sakanya, mukha itong matalino at alam niyang mayaman ang pamilya nito kaya kumpara kay Darryl, mas gusto niya si Jeremy. Mangiyak-ngiyak na sumagot si Yvonne. "Daddy, nakapag desisyon na po ako. Pwede niyo po ba akong tulungang ipakalat ang balitang to?" "Maganda kung ganun!" Sobrang saya ni Kingston na sa wakas ay ikakasal na ang anak niya kaya masaya siyang uma
Sa mansyon ng mga Lyndon. Umagang umaga pero sobrang tahimik ng paligid at tanging paghinga lang ni Darryl na halatang naghahabol ng hininga ang maririnig. Ilang oras na ring nagbabantay si Lily kay Darryl kaya noong oras na yun ay nakaramdam na siya ng pagod. Wala siyang ibang magawa kundi ang maghintay ng milagro na magising si Darryl at tatawagin siyang 'Honey'. Pero habang patagal ng patagal, paliit ng paliit ang pag-asang natitira sakanya. Creak. At bigla, nagbukas ng malakas ang pintuan at pumasok ang hinga na hingal na Yvonne. Wala na siyang sinayang na panahon at ipinakita niya kay Lily ang nagniningning na pill na hawak niya. "Lily, tignan mo kung anong dala ko!" "Yvonne, yan ang..." Masayang tumayo sa kinauupuan niya si Lily nang makita ang pill na hawak ni Yvonne. "Ito ang Nine Resurrection Pill!" Aligaga pero masayang sabi ni Yvonne. Pagkatapos, dumiretso siya sa tabi ni Darryl para ipainom ang pill. Ang Nine Resurrection Pill? Literal na hindi makahi