"Napaka yabang naman ng lalaking yan! Tara, labanan natin siyang lahat!" Sigaw ng isa sa mga manunuod, at pagkatapos, mahigit bente katao ang tumakbo paakyat sa entablado. Galing sila sa iba't-ibang sect at pamilya, pero iisa lang ang gusto nilang mangyari... and patumbahin si Darryl.... Kung sino man ang makakatalo kay Darryl ay may pagkakataong mapatay ang Golden Lion, at kung sino man ang makapatay sa Golden Lion ay siguradong magiging tanyag. Dahil dito, sobrang nag-alala si Megan, "Hindi naman tama yan! Isa laban sa isa lang dapat diba? Pero bakit lahat kayo gusto siyang labanan ng sabay sabay! Mga bully!" Pero habang nagsasalita siya ay naramdaman niya na may nakatingin sakanya. At paglingon niya, nagtagpo sila ng tingin ni Abbess Mother Serendipity. "Anong sabi mo, Megan?" Tanong ni Abbess Mother Serendipity. Noong oras na yun, napalibutan na nga si Darryl ng mahigit bente katao sa entablado. Lahat ng mga gustong kumalaban kay Darryl ay nagsilabasan ng kanya-kan
Sobrang kinilabutan si Megan sa sinabi ni Abbess Mother Serendipity at ang lalong nagpatindi ng presyon ay ang libo-libong mga tao na nakatingin sakanya kaya bandang huli ay nawalan na siya ng pagpipilian at tumungo nalang. "Sige, aakyat na ako." Walang magawa si Megan dahil sobrang natatakot siya kay Abbess Mother Serendipity. Tumungo si Abbes Mothe Serendipity. "Kpaag nakikipag laban ka na sakanya, wag mong itarak yung espada mo sa dibdib niya. Palagay ko may suot siyang armor. Naiintindihan mo ba, Megan?" "Master, siguro dapat..." "Tirahan mo yung bandang tiyan niya dahil imposibleng aabot dun ang armor niya." Tuloy-tuloy na sabi ni Abbess Mother Serendipity. Hindi alam ni Megan kung anong gagawin niya. Alam niya na ang tyan ang pinaka sensitibong parte ng katawan ng tao. Mabubuhay pa kaya siDarryl kapag sinasaksak niya dun?' 'Gusto ba ni Master na patayin ko si Darryl?' Sobrang bait ni Darryl kay Megan, at binigyan pa nga siya nito ng Godly pill, kaya.... paano niya n
"Darryl...." Sobrang kinakabahan si Megan. Habang hawak niya pa rin ang dugunang espada, tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha mula sakanyang mga mata. "Pa... patawarin mo ako.... Hindi ko talaga ginusto to..." Oo, sobrang nasaktan siya na sinaksak niya si Darryl sa tiyan, pero may wala naman siyang magagawa dahil tama ang master niya na buong Emei Family ang nirerepresinta niya.... Ngumit lang si Darryl. Gusto niya sanang magsalita, pero hindi niya kaya. "Patayin mo na siya, Megan!" Muling sigaw ni Abbess Mother Serendipity. Pero sa pagkakataong ito, umiling na si Megan. Ngayon pa nga lang na nasugatan niya si Darryl, sobrang nakokonsensya na siya, paano pa kaya kapag tinuluyan niya na itong patayin? Pakiramdam ni Darryl ay parang sasabog siya sa sobrang lakas ng enerhiyang dumadaloy mula sa sugat niya. Dahil ang Pure Energy Scripture and kinultivate ni Darryl, sobrang lakas ng panloob niyang kapangyarihan, na siyang rumagasa palabas mula sa sugat niya, at dahil dito, tumilapon
Hindi na mabilang ni Megan kung ilang beses na siyang natulungan ni Darryl. Dahil dito, marami na siyang nalusutang gusot, at higit sa lahat, ito ang dahilan kung bakit nakapag cultivate siya bilang isang Master General Level. Pero.... ito pa ang sinukli niya... Mamatay na ba siya? Sobrang sakit ng naramdaman ni Megan. Samantalang kabalikataran naman ang naramdaman ni Abbess Mother Serendipity dahil masaya siya habnag iniisip ang malaking posibilidad na hindi kayanin ni Darryl ang pinsalang natamo nito. "Mister Darby, tinapos ko na po ang walang kwenta niyong apo. Ngayon po ay makakapag pahinga na kayo ng maayos." Nakangiting sabi ni Abbess Mother Serendipity. Samantalang si Graham, na kasalukuyang nakatayo sa gitna ng entablado ay nagmamadaling sinabi, "Sandali, sandali! Hindi pa natin alam kung anong kundisyon ni Darryl. Hintayin muna natin ang mga susunod na mangyayari at kung palarin siyang magising ay kakalabanin niya na ang Golden Lion. Kung hindi naman, si Miss Megan ng
"Sama-sama nating labanan ang New World!" Abot-tenga ang ngiti ni graham nang marinig ang mga hiyawan kaya huminga siya ng malalim at nagpatuloy. "Tama, lahat tayo ay bayani ng ating bayan. Maraming Salamat!" Yumuko si Graham at sumigaw, "Hindi aksidente na magtipon-tipon tayong lahat ngayon dito at tayo ay nagkasundo sa iisang hangarin. Bilang principal ng Hexad School, ako ng bahala sa inyo. Naghanda ako ng munting salu-salo kaya ano pang hinihintay natin? Ipagpatuloy na natin ang kasiyahan sa school field! Cheers!" "Cheers!" Nabalot ang venue ng mga masasayang hiyawan at tawanan. Malalim na ang gabi kaya mahimbing ng natutulog ang pamilya Darby. Pero sa loob ng kanyang kwarto, si Queenie ay nakasalampak lang sa isang kanto. Pulang pula ang kanyang mga mata, na para bang nawalan na ng pag-asa. Kanina pa siya umiiyak kaya wala na siyang luhang mailabas. Mula umaga hanggang gabi, nakasalampak lang siya doon. May mga pagkain na hinahatid sakanya pero wala ni isa sa mga ito a
Sobrang excited na pumasok ni Florian sa kwarto. "Daddy, nabalitaan ko na nasugatan daw ni Megan si Darryl at baka mamatay na daw siya ngayong gabi. Totoo po ba yun?" Para kay Florian, ito na ata ang pinaka magndang balitang narinig niya! Kung mamatay si Darryl, pwes, mawawalan na rin ng ebidensya na siya ang nanrape kay Rebecca. Tumungo lang si Drake at hindi nagsalita. Sobrang saya ni Florian kaya abot tenga ang ngiti niya. "Sa wakas! Eh yung babaeng hinostage natin? Wala na siyang saysay. Patayin na ba natin siya?" Kasama niya buong magdamag si Yumi, ang asawa niya, kaya hindi siya nakapunta sa secret room kagabi, at ngayong araw sana ang pagkakataon niya. Nagbuntong hininga si Drake. "Pinakawalan ko na siya." "Ano?! Pinaalis mo siya?" Naiinis na tanong ni Florian. Wala na sa mood si Drake parea makipag diskusyon pa kay Florian kaya tinapos niya na ang usapan, "Kakaalis niya lang. Kaya lumabas ka na, gusto kong mapag-isa." "Sige.." Nakangiting lumabas si Florian.
Habang sinusundan ni Florian si Queenie, nagulat siya na may plano pala itong tumalon sa bangin. Narinig niya rin na sinabi nitong hindi na ito puro dahil daw narape ito kaya nagtaka siya. Malamang, isa lang din sa mga Darby ang rapist na tinutukoy ni Queenie.'Aba...Loko yun ha! Inunahan ako...' Pero wala siyang balak na magpatinag kaya dire-diretso siyang naglakad papunta kay Queenie. "Wag kang lalapit sakin!" Sigaw ni Queenie sa sobrang takot niya kay Florian. Kaya pumikit siya para tumalon sana. Pero huli na ang lahat.... Nakuha na siya ni Florian at dinala siya nito sa isang bato. Kahit anong palag niya, pinipilit siyang halikan nito... "Tumigil ka!" Pero sa kalagitnaan ng desperasyon ni Queenie, may boses ng babae ang biglang umalingawngaw, na siya ring nagpatigil kay Florian. Isang balingkinitang babae ang naglakad palapit sakanila. Nang tignan ni Florian ang babae, laking gulat niya sa mala-diyosa nitong kagandahan. Nakasuot ito ng isang tradisyunal na kulay
Samantalang sa ilalim ng bangin, biglang dumilat ang duguang Florian. "Buhay pa ba ako?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Florian sa sarili niya. Ang swerte niya... Noong nalaglag siya, ang buong akala niya ay katapusan niya na... Salamat sa puno na sumalo sakanya. Yun lang din ang nag-iisang puno sa bangin... kaya kung nagkataon na nalihis siya ng kaunti, siguradong may kalalagyan siya. "Tulong..." Aligagang sumigaw si Florian habang sinisiguradong nakahawak siya ng mahigpit sa puno. Nsa kalagitnaan ng bangin ang puno at masyadong madulas ang pader kaya imposibleng maakyat niya ito. Sa ilalim niya naman ay dagat na may mga alon na sobrang lakas ng hampas. Umakyat man siya o bumaba.... parehong mamatay siya. Dahan-dahan niyang kinuha ang kanyang cellphone para makahingi ng tulong. Akala niya, ito na ang pagkakataon niya pero ang masklap ay walang signal sa kasalukuyan niyang pwesto. 'Sh*t! Hindi ko na nga napakinabangan yung babaeng yun, muntik pa akong mamatay ng dahil sak