“Dito na nagmamadaling sinabi ni White Tiger King na, “Hindi mo na kailangang sabihin iyan, Kamahalang Darryl. Ikaw ang kasangga ng mga demonyo kaya maliit lang na bagay ang banquet na ito para mapasalamatan ka namin.”Dito na siya tumingin sa kaniyang paligid bago magpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Naalala ko kung paano nakulong ang mga demonyo sa Godly Region ng ilang libong taon. Hindi sana kami malaya ngayon kung hindi dahil sa iyo.”“Oo nga! Wala na sanang mga demonyo ngayon kung hindi dahil sa iyo.” Sagot ng lahat.Dito na tumayo si White Tiger King para itaas ang kaniyang baso at sabihing, “Narinig ko kay Leia na nagimprove na raw ang iyong mga sugat. Dapat lang natin na ipagdiwang ito. Halika’t magtoast tayo para kay Kamahalang Darryl.”Dito na tumayo ang lahat bago itaas ang kanilang mga baso para kay Darryl. Nagpakita naman ng nagpapasalamat na itsura si Darryl nang makita niya iyon, dito na niya magalang na itinaas ang kaniyang baso bago uminom kasama ng lahat.Pagkat
Dito na sumasangayong tumango ang maraming mga mandirigma at mga chief nang dahil sa kanilang narinig. “Tamar in naman ang mga sinabi ni Darryl. Matagal nang nakakulong amg mga demonyo at hindi naging madali para sa buong lahi natin na makarecover mula rito. Kaya mas maigi kung ipagpapatuloy natin ang pagpapalakas kaysa sumali sa digmaan ng dalawang iyon.”“Nasa 10,000 ang bilang nga mga mandirigmang demonyo ngayon kaya bakit kami makikinig sa isang outsider na kagaya mo? Iniisip mo ba na madidiktahan mo ang aming kinabukasan ngayong isa ka ng partner ng aming lahi?” Sumisinghal na sigaw ni Oliver habang nagsasalita.Nagkaroon siya ng issue kay Darryl nang hindi sila magkaunawaan ni Leia. Kaya agad siyang nainis nang makita niyang sumangayon si White Tiger King sa suhestiyon ni Darryl na lumipat sa ibang lugar.Dito na biglang narinig ang isang malakas na boses mula sa likuran, “Walanghiya ka talaga!”Dito na napatayo sa kaniyang kinauupuan si Black Tortoise King bago nagmamadaling
Agad namang gumaan ang loob at nawala ang bigat sa isip ni Black Tortoise King nang marinig niya ang mga sinabi ni Darryl. “Mabuti na lang at pinalampas ito ni Darryl.”Kasabay nito ang sabay na pagngiti nina White Tiger King at ng kaniyang mga demonyong mandirigma. Agad namang nagalit dito ang nakikinig sa labas na si Oliver. “Masyado nang sumosobra si Darryl! Nagawa nang humingi ni ama ng paumanhin sa iyo pero nagawa mo pa ring magsalita na parang kapantay niya!”Nagkaroon ng lakas ng loob si Oliver na sermonan si Darryl nang maalala niya ang nangyari sa kanila ni Leia pero napagdesisyunan niya pa rin na pigilan ang kaniyang sarili sa huli nang maisip niya na naroroon pa rin ang kaniyang ama.Agad namang nagliwanag ang kaninang awkward na hangin sa paligid ng batong kastilyo nang humingi ng tawad si Black Tortoise King.Dito na tumayo si White Tiger King habang tumatawang nagsasabi na. “Masyado kang mabait at mapangintindi, Kamahalang Darryl. Kaya inaalay ko ang toast na ito sa n
Natuwa naman si Leia nang pumayag si White Tiger King kaya agad siyang bumalik sa kaniyang upuan matapos makatanggap ng tango sa kaniyang ama. Dito na napadalas ang kaniyang pagtingin kay Darryl habang nagpapakita ng ganda at kaunting takot ang kaniyang mukha.“Ito…” Hindi naman nakapagsalita si Darryl nang tanggihan niya ang alok ni Leia.Pero agad pa rin siyang pinigilan ni White Tiger King habang tinatapik ang kaniyang balikat at sinasabing, “Napagdesisyunan ko na ito, Kamahalang Darryl. Masyadong matalino at masipag si Leia kaya makakahinga na kami nang maluwag ngayong alam na naming nasa ilalim ka na ng kaniyang pangangalaga.”Wala namang nagawa rito si Darryl kundi sumangayon at tumango. Agad namang nagalit nang husto ang nakatayo sa labas ng kastilyo na si Oliver.“Paano itong nangyari? Paano nagawa ni Leia na magvolunteer para alagaan dito si Darryl. Hindi. Hindi ito maaaring mangyari.” Isip niya.Nagtagal pa ng isang oras ang banquet bago ito tuluyang natapos. At nang mak
Isang mandirigma ng Black Tortoise si Tyrone na kasing edad lang ni Oliver at bata pa lang sila noong magsimula siyang sumunod dito. Nagpahinga at nagpalakas ang dalawa nang magkasama kaya maaari nating sabihin na para na ring kapatid ni Oliver si Tyrone.“Sundan ka?” Natitigilang tanong ni Tyrone. “Nagiimpake na ang lahat para sa pagalis natin dito kaya bakit mo gustong lipunin ang lahat.”Hindi na nagsalita pa si Oliver nang husto habang sinasabi na, “Mamaya ka na magtanong! Lipunin mo na ang mga tauhan natin ngayon. Mayroon tayong gagawin na ikagugulat ng lahat.”Hindi na nagtanong pa si Tyrone habang tinatawag ang lahat. Pagkatapos ng ilang minuto ay makikita nang nakatayo sa harapan ni Oliver ang nasa 5000 mga sundalo ng Black Tortoise. Ang bawat isa sa mga ito ay hawak ni Oliver na siya ring nagtanglay ng kahanga hangang lakas.Dito na dinala ni Oliver ang ilang libo niyang mga tauhan para umalis sa kanilang teritoryo papunta sa posisyon ni General Grunt.…Samantala, sa te
Nang baguhin ni Darryl ang kaniyang isip ay naging masaya ang mood ni Leia. Hinawakan niya ang kamay ni Darryl at ngumiti nang magsalita. “Alam kong hindi moa ko paaalisin. Narinig kong malawak ang kuweba at angkop ito sa pagpapagaling.”Bahagyang tumawa si Darryl nang hilain siya ni Leia palapit sa kuweba.…Samantala, hindi kalayuan mula sa teritoryo ng demonyo, nagdala ng ilang libong Grand Weapons at mga heneral si General Grunt para magtayo ng mga tent at magpahinga.Sa military na tent sa kampo, madilim ang mukha ni General Grunt nang umupo siya roon. Plinano na niyang ilabas ang Seek Help Amulet para akitin ang nasa hindi kalayuang lahi ng mga halimaw, walang ibang magawa ang mga demonyo kundi ang sumali sa digmaan.Subalit nagbigay balita ang Grand Weapons na nagpatrolya na plinanong umalis ng White Tiger King. Nakaramdam siya ng matinding galit sa balita at halos dumura siya ng dugo.Puno ng takot na kinwestyon ni General Grunt ang White Tiger King, pero nagdesisyon siya
Nanatiling kalmado si Oliver at ngumiti ito kahit na naramdaman niya ang galit mula kay General Grunt. “Huwag kang mag-alala, Kumander. Ako si Oliver, ang anak ng Tortoise King. Hindi ko gustong gumawa ng gulo; nais ko sanang magking ka-alyansa kayo!”Pagtapos ay sumenyas ito at kaagad na umatras ang ilang libong Black Tortoise Warriors na nakapalibot sa kaniya.‘Maging ka-alyansa?’ Nagulat si General Grunt, ngumiti ito. “So ikaw ang anak ng Black Toirtoise King. Patawarin moa ko sa pagiging bastos.”Pagtapos ay kinausap niya ang mga naghihintay na Grand Weapons. “Maaari na kayong umatras.”Nasabik si General grunt. Akala niya ay ipinadala ng White Tiger King si Oliver. Isa pa, siya ang anak ng Black Tortoise King at mataas ang katayuan niya. Bukod sa White Tiger King at sa Black Tortoise at sino pa ba sa mga demonyo ang maguutos sa kaniya?Sa pag-uutos ni General Grunt ay napanatag ang loob ng Grand Weapons at ng mga heneral na handa nang lumaban. Akala nila’y nandito ang Demon W
Hindi rin ibinunyag ng White Tiger King ang pagkatao ni Darryl sa harap ni Heneral Grunt, nagsinungaling pa itong siya ang bayani ng mga demonyo. Magmula noon ay naisip ni Oliver na mayroong samaan ng loob sa pagitan ni Darryl at ni Heneral Grunt. Kundi ay hindi sisirain ni Darryl at kaniyang sarili at hindi rin nito itatago ang kaniyang pagkatao.Dahil din iyon sa desisyon ni Oliver na ilagay sa iisang buslo ang lahat ng itlog sa pamamagitan ng pagdala sa kaniyang mga tao kay Heneral Grunt para makipag-alyansa. Subalit naisip niyang malilinaw niya ang kaniyang mga iniisip pag nakausap niya si Heneral Grunt.Dumilin ang mukha ni Heneral Grunt nang marinig nito ang pangalan ni Darryl, at sa loob niya ay nakahanda ang kaniyang depensa. ‘Hay*p naman. Ipinadala ba ng White Tiger King si Oliver para iset-up ako?’Pagtapos niyang muling mag-isip, wala roon si Darryl. Hindi malalaman ng White Tiger King at ng mga demonyo kung paano niya sinet up si Darryl. Kaya naman walang rason ang White
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito