Umismid ang Hari ng Puting Tigre, "Managinip ka ng gising kung gusto mong sumuko ako!"Matuwid at matatag ang kanyang tono. "Sa tingin mo ba ay may magagawa ka pa rin?" sinabi ni Darryl, matipid na ngumiti. Narinig ng hari ang matalas na pagsagot ni Darryl at tumingala para tumawa. Hindi na maatim ng kanyang mga mata ang poot niya para kay Darryl. "Tao ka lang. Anong karapatan mong pamunuan kami? Hangga't nabubuhay pa ako, pagbabayarin kita ng sampung beses sa nagawa mo sa akin ngayon."Bumuntonghininga si Darryl at walang ekspresyon na sinabi, "Sa kasong ito, wala na tayong dapat pang pag-usapan."Pagkatapos 'non, kinuha niya ang ilang mahabang mga bagay mula sa engkantadang bulsa ng hayop na kanyang dala dala. Matulis ang mga gamit at nagkapaloob sa kanila ang alon ng kapangyarihan. Ang mga gamit na iyon ay ang Mga Tinik ng Nabitag na Dragon. Noong nasa Kontinenteng Roland si Darryl, nakasalamuha niya ang higanteng dragon sa isang malaking kweba sa bundok katabi ng Syudad ng
'Kung ganoon, mukhang magaling ang Hari ng Putig Tigre sa pagtiis sa sakit! Tingnan natin kung hanggang kailan niya matitiis ito,' isip ni Darryl. Sa parehong pagkakataon, si Colori Phoenix, Tigreng Ben at ang iba pa ay ngumingiwi sa kanilang nakikita. Nararamdaman din nila ang sakit sa panonood lang nila sa hari. Sa simula, kayang indahin ng hari ang sakit pero habang lumilipas ang oras, mas tumataas ang intensidad ng sakit. Sa wakas ay hindi na niya kayang tiisin pa ito at nabawasan ang kanyang walang tigil na panginginig at humihimlay nang may malamig na pawis. Ang itsura ng Kamahalan ay napalitan ng isang miserableng lalaki. "Hari ng Puting Tigre, ano na ngayon sa tingin mo?" tanong ni Darryl ng may ngiti nang naramdaman niyang ito na ang oras. "Ako ay-" sobra na ang panghihina ng hari at hindi na niya mailabas ang dignidad niya bilang hari. Sa wakas ay tumango siya at sinabi, "Darryl, suko na ako. Simula ngayon, isa na ako sa tapat mong taga sunod hanggang sa araw ng aki
"Naiintindihan namin!" ani ng Hari ng Puting Tigre, Paboreal Lilibet at ang iba pa ay tumango sa suhesyon ni Darryl. Sa wakas ay sumapit ang araw nang pwede na silang umalis sa lugar kung saan sila napadpad ng ilang dekada. Medyo hindi na makapaghintay ang Hari at si Lilibet at gusto na agad umalis hangga't maari pero alam nilang tama si Darryl. Sila ang mga isang daang libong demonyong nabubuhay. Ang biglaang pagpasok nilang lahat sa Banal na Rehiyon ang paniguradong aalerto sa Emperador ng Siyam na Kalangitan. Nag-iwan si Darryl ng marami pang mensahe at naglakad patungo sa teleport gateway. Kasama ng kaunting pakiramdam ng pagkahilo, minulat niya ang kanyang mga mata at wala sa tamang ayos nang nakita ang eksena sa kanyang harapan. 'Sa wakas, nakabalik din ako sa Banal na Rehiyon!' isip niya. Ang nagpasabik lalo kay Darryl ay saktong nasa labas siya ng kweba nang pumasok siya. Sobrang malapit ito sa Bundok ng Aparisyon. Inisip ni Darryl kung anong nangyari sa kanyang Maste
Kinunot ni Lorelle ang kanyang mga kilay, ang buong mukha niya ay punong-puno ng pandidiri at pang aalipusta. "Alam mo ba kung sino ang kinakausap mo? Kung luluhod ka at magmakakaawa sa akin, sasabihin ko sa'yo."'Ang lakas naman ng loob ng isang katulong na umasta ng walang galang sa akin? Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob gawin 'yon?' isip niya. Sa parehong pagkakataon, humakbang si Harrison at tumingin kay Darryl habang malamig na sinabi, "Ang lakas ng loob mong magpanggap bilang isang Kamahalan ng Emperador ng Siyam na Kalangitan? Nilagay mo ang sarili mo sa seryosong panganib."Inisip ni Harrison na hindi nararapat kay Darryl na magbigay ng simpatya sa nagawa niya. 'Baliw ata ang dalawang 'to.' Hindi interesado si Darryl sa walang kabuluhang usapan kaya umikot siya at umalis. Nagdesisyon siya hanapin na lang ang Pantas ng Lambak Aparisyon ng mag-isa. Naniwala siya na ang 'di mapakaling Pantas ay umalis lang ng Bundok ng Aparisyon para may puntahan at hindi dahil sa
Naramdaman ni Lorelle ang panghihina ng kanyang mga tuhod at hindi na siya halos makatayo. "Hindi ba a-ay sila ang mga demonyo na nakulong? Bakit...bakit bigla na lang silang sumulpot?" utal na sambit niya. Bilang disipulo ng Kagalang-galang na Walang Kamatayang Balman, alam ni Lorelle ang buhay ng mga demonyo pero ang Banal na Rehiyon ay tinakpan ang kalupaan ng isang malakas na enkantadang harang. Imposible na makatakas ang mga demonyo. Samantalaga, suot ni Harrison ng mapayapang mukha pero gulat na gulat din siya. Napansin niya ang iilang malakas na pigurang pinapangunahan ng malaking grupo ng mga demonyo. Ang lahat sa kanila ay mukhang dakila sa puting armas. Ang mga babae sa kanyang likuran ay nakasuot ng mahahabang bestida at may magagandang mukha kasama ang payat na mga pigura. Sila ang Hari ng Puting Tigre at Colori Phoenix. Sa katunayan, ang Hari at ang iba pa ay naghintay kay Darryl sa gateway tulad ng utos ni Darryl, Gayunpaman, hindi na bumalik si Darryl pagkatapo
Nakapagreact na rin si Harrison habang sinusubukang pigilang ang kaniyang galit habang sinasabi kay Colori Phoenix na, “Nagmula kami sa dagat ng Balman at wala kaming problema sa inyong mga demonyo. Kaya hindi ninyo kami kailangan atakihin, naiintindihan ninyo?”Pinahalagahan ni Harrison si Lorrelle nang husto kaya hindi nito nagawang matiis ang pagsampal ni Colori Phoenix kay Lorelle.“Sinasabi mo ba na wala kang problema sa amin?” Nanlamig ang mukha ng hindi approachable na si Colori Phoenix habang nakatinging sinasabi kay Lorelle na, “Binastos niya si Darryl kaya hindi ba’t nararapat lang siyang sampalin?”Pagkatapos nito ay nakisali na rin sa usapan si White Tiger King, “Oo nga! Si Darryl ang aming lider kaya isa nang pangbabastos sa amin ang anumang uri ng pambabastos kay Darryl.”“Ano?” Natigilan at nagulat nang husto si Harrison nang marinig niya iyon. “Si—si Darryl ang lider ng mga demonyo? Tama ba ang pagkakarinig ko?”Natural na naging arogante ang mga demonyo lalo na s
Habang hinaharap ang walang tigil na pagmamakaawa ni Lorelle, bahagyang tumawa si Darryl habang sinasabi na, “Nasaan nagpunta si Mr. Ghost Valley Sage? Ano ang nangyari rito?”Hindi na nagtago pa ng kahit na ano si Lorelle sa mga sandaling ito. Bahagya lang itong nagbuntong hininga bago nagmamadaling sumagot ng, “Hinulo ng kamahalang Nine Heaven Emperor si Mr. Ghost Valley Sage.”At pagkatapos nito ay agad namang sumagot si Harrison ng, “Ngayong napunta na rito ang ating usapan, dahil ang lahat ng ito sa iyo, matapos mong magpanggap na si Nine Heaven Emperor na gumalit nang husto sa kaniya…”Detalyado itong ikinuwento ni Harrison at nang matapos ay nagmukha itong naguguluhan habang sinasabi na, “Hindi sinabi ni Mr. Ghost Valley Sage ang iyong kinaroroonan para maprotektahan kaya wala nang nagawa ang Nine Heaven Emperor kundi gamitin ang kaniyang Heavenly Thunderbolt dito.”“Ano?” Naramdaman ni Darryl na para bang tinamaan siya ng kidlat habang natitigilang nabablangko ang kaniyang
“Opo Kamahalan!” Sagot ni Grunt, magpapadala na sana siya ng mga sundalo para tingnan ang Ghost Mountain area.Pero bago pa man makaalis si Grunt ay nakita na niya ang isang imahe sa kalangitan na papalapit sa kaniya. Isa itong matangkad at guwapong imahe na may nanlalamig na itsura ng mukha habang hawak hawak ang kaniyang Heavenly Halberd.Ito ay walang iba kundi si Darryl.Dito na napatingin ang lahat ng nasa Imperial Sky Palace kay Darryl.Nagulat naman nang husto si Grunt habang sinasabi na, “Nagkunwari ang batang ito bilang Kamahalan na siya ring naging dahilan kung bakit nagdusa nang ganito si Ghost Valley Sage. Ang lakas naman ng loob nito para magpakita rito!”“Darryl, nahatulan kang maysala sa pagpapanggap bilang Kamahalan kaya ipinakilos na ang lahat ng sundalo sa buong Godly Region para hulihin ka. Ang lakas naman ng loob mong dalhin ang iyong sarili sa isang malaking patibong. Huli na ang lahat kung nagpunta ka rito para aminin an giyong mga kasalanan,” sigaw ni Grunt
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito