Share

Kabanata 3571

Penulis: Skykissing Wolf
“Buwisit! Nagulat nang husto si ang nagtatago sa kuwartong si Darry nang makita niya ang pagtanggi ni Ghost Valley Sage kay Grunt. “Dapat lang na makuha ni Master ang pinakakakaibang tao na nakilala ko matapos niyang ituring na kapantay niya ang Nine Heaven Emperor! Mukhang wala nang kahit na sino sa mundong ito ang may kakayahan na magbigay ng ganitong klaseng mga salita.”

Dito na nagising sa katotohanan ang napapahiyang si Grunt kaya wala na itong nagawa kundi sabihin na, “Kung ganoon ay magpahinga na po kayo, Mr. Ghost Valley Sage. Patawarin niyo po ako sa biglaan kong pagsira sa inyong pahinga. Paumanhin po!”

Tinawag ni Grunt ang kaniyang mga sundalo habang nagsasalita bago mabilis na umalis sa bakuran. At nang umangat ito sa ere ay napatingin itong muli sa maliit na bakuran ni Ghost Valley Sage. Ayaw niya sanang umalis pero wala na siyang magagawa pa rito. Maging ang Nine Heaven Emperor ay nagpakita ng respeto kay Ghost Valley Sage. Kaya paano magagawa ng isang Heavenly Saint Ge
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 3572

    Nagulat si Ghost Valley Sage nang marinig niya ang kinuwento ni Darryl. Agad siyang natigilan nang marinig niya ang paglalakas loob ni Darryl hindi lang sa pagnanakaw ng mga mahahalagang prutas kundi sa pagkukunwari rin bilang Nine Heaven Emperor. Ang isa sa mga ito ay sapat na para mahatulan siya ng kamatayan.Hindi naman nagsalita ng kahit na ano si Darryl nang mapansin niya ang pananahimik ni Ghost Valley Sage matapos niyang ibahagi rito ang mga nangyari. Agad siyang ninerbiyos sa mga sandaling ito.Dito na biglang tumawa nang malakas si Ghost Valley Sage nang makita niya kung gaano ninerbiyos si Darryl. “Tingnan mo kung gaano ka katulala! Ok lang kahit nakawin mo pa ang ilang mga mahahalagang prutas doon. Masyado nang marami ang mahahalagang mga prutas sa Spirited Fruit Garden kaya hindi na ito magagawang ubusin maging ng Nine Heaven Emperor. Kaya ok lang kahit na kumuha ka ng ilan sa mga ito.”“Para naman kay Grunt at sa mga sundalo niya na nakakita sa iyong nagpapanggap bilang

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 3573

    Makikita ring malinis na nakatayo sa magkabilang gilid ng hall ang dalawang linya ng mga opisyales sa Godly Region.“Nagrequest ka na pakinggan kita, Ferguson. Ano ang nangyari?” Tanong ng Nine Heaven Emperor.Dito na napatingin ang lahat ng mga opisyal na nasa hall kay Ferguson.Huminga naman nang malalim si Ferguson bago ayusin ang kaniyang mga emosyon at sumagot ng, “Kamahalan, tungkol po ito sa Nine Mainlands…”Sa loob ng ilang minuto ay nagawang sabihin ni Ferguson ang lahat ng kaniyang nalaman mula kay Darryl sa Nine Heaven Emperor. Nang matapos ito sa pagsasalita, maingat na sinabi ni Ferguson na, “Wala na po ngayong namumuno sa Ghost World kaya umaasa po ako sa inyong mga sa lalong madaling panahon, kamahalan.”“Ano?” Agad na nagulat ang Nine Heaven Emperor at ang mga opisyal na nasa hall nang marinig nila ang balita.Hindi na masyadong nabibigyan ng atensyon ng Nine Heaven Emperor ang mga nangyayari sa mundo ng mga tao nitong mga nakaraang taon. Hindi niya inasahan na ga

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 3574

    Naisip ni Darryl kung tauhan ang mga ito ni Grunt na nagpunta para dakipin siya. Tatakbo na sana siya pabalik sa kaniyang kuwarto para magtago sa mga ito pero huli na ang lahat. Mabilis na lumapag ang tatlo sa loob ng maliit na bakuran sa loob ng isang iglap habang nakatitig ang kanilang mga mata kay Darryl. Lalo na ang babae na nagtatakang tumingin kay Darryl mula ulo hanggang paa.At pagkatapos ay biglang lumingon ang babae sa matandang lalaki bago sabihing, “Hindi ba’t mag isa lang na nakatira rito si Mr. Ghost Valley Sage? Kung ganoon ay bakit nagkaroon ng bata rito?”Tumango naman ang matandang lalaki nang hindi nagsasalita.Nakahinga naman nang maluwag si Darryl sa kaniyang sarili nang malaman niya na hindi tauhan ni Grunt ang mga ito. Dahil kung hindi ay hindi macucurious ang kasama nilang babae sa kaniyang pagkatao.Wala siyang kaideideya na ang matandang lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan ay walang iba kundi si Immortal Venerable Balman habang ang binata at dalagang ka

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 3575

    “Ok ang iyan. Bata pa naman sila! Hayaan mo na siyang maglakad sa labas.” Tumatawang sinabi ni Ghost Valley Sage kay Immortal Venerable Balman.Huminga naman nang malalim si Immortal Venerable Balman bago nito sabihin kay Lorelle na, “Sige kung ganoon, papayagan kitang maglakad pero huwag na huwag kang lalayo o aalis ng Ghost Mountain.”At pagkatapos ay sinabi nito kay Harrison na, “Samahan mo si Lorelle. Ingatan mo siya at siguruhin mo na hindi ito masyadong maglilikot labas.”Kilalang kilala ni Immortal Venerable Balman si Lorelle na isang pasaway na dalagang susunod sa anumang maisip nitong gawin.Tumango naman si Harrison bago ito lumabas kasama ni Lorelle.Dito na biglang hinatak ni Lorelle ang kamay ni Darryl nang nasa pintuan na ito habang nakangiting sinasabi na, “Sumama ka na rin sa amin. Ikaw ang katulong dito ni Mr. Ghost Valley Sage hindi ba? Kung ganoon ay dapat lang na iikot mo kami sa paligid.”“Buwisit!” Natigilan si Darryl kay Lorelle nang hawakan nito ang kaniya

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 3576

    Naging mabilis naman sa pagrereact si Darryl. Naramdaman niya na mayroong paparating sa kaniyang likuran kaya agad siyang tumalikod para tingnan ito. Dito na siya nagulat sa kaniyang nakita.Wala nang oras si Darryl para isipin ang nangyari nang makita niya ang paglapit ng makulay na apoy sa kaniya. Pero nagmukhang buhay ang apoy na ito matapos nitong lumiko at habulin si Darryl saan man ito magpunta.“Buwisit! Anong klase ng apoy ito?” Nakasimangot na sinabi ng nasusurpresang si Darryl.Natuwa naman si Lorelle nang makita niya ang gulat na si Darryl. Napapalakpak siya sa kaniyang mga kamay sa sobrang tuwa habang tumatawang sinasabi na, “Tingnan mo ang sarili mo, walang kwentang katulong. Sino ang nagsabi sa iyo na asikasuhin mo kami na para bang wala kang pakialam kanina? Dahil dito ay susunugin ko ang mga damit mo.”Habang nagsasalita ay nagpatuloy si Lorelle sa pagdirekta ng Five Elements Fire sa direksyon ni Darryl.Nagalit naman nang husto si Darryl nang marinig niya ang nagi

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 3577

    Dumura naman ng dugo si Darryl noong tumama ang kaniyang katawan sa lupa. Namutla nang husto ang kaniyang mukha habang nanghihina an gkaniyang paghinga.“Buwisit!” Dito na umangat ang galit sa kaniyang dibdib habang tinititigan si Lorelle gamit ang namumula niyang mga mata. “Wala na talaga sa sarili ang babaeng ito!”Bago pa man makatayo si Darryl ay agad na tumakbo si Lorelle sa harapan nito para apakan ang kaniyang mukha. Arogante itong tumingin pababa kay Darryl habang naiinis na nagtatanong ng, “Hoy walang kwentang katulong, sabihin mo nga sa akin ang totoo. Ninakaw mo ba ang technique ni Mr. Ghost Valley Sage? Ito ba ang dahilan kung bakit ka nagkaroon ng White Lily Cold Flame?”Naiinis nitong tiningnan si Darryl habang tinatanong nang husto. Naramdaman niya na hindi gaano kalakas si Darryl pero nagawa pa rin nitong magkaroon ng White Lily Cold Flame kaya inassume nito na tinuturuan nito ni Mr. Ghost Valley Sage nang palihim.Walang pakialam namang tumayo si Harrison sa tabi n

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 3578

    “Mukhang hindi ito ang daan pabalik sa bakuran. Buwisit! Kailangan ko munang maalis ang lunatikong si Lorelle sa likuran ko.” Agad na nagpatuloy si Darryl sa pagabante matapos nitong makapagdesisyon.Pagkatapos ng ilang minuto ay nagawa niyang makarating sa isang abandonadong bulubundukin na mayroong kulay ng itim, walang kahit na anong uri ng halaman o hayop ang makikita rito. Matatagpuan naman sa gitna ng bulubundukin ang isang nakakagulat na tanawin.“Anong klase ng lugar ito?” Natitigilang sinabi ni Darryl sa nakakatakot na tanawin sa kaniyang harapan.Dito na niya nakita ang isang kuweba sa bundok na hindi kalayuan sa kaniya. Mayroon ding isang malaking bato na inukitan ng ilang mga malalaking salita ang makikitang nakatayo malapit sa kuweba. Malinaw na binabanggit sa bato na walang sinuman ang maaaring pumasok sa lupain kung saan nawasak ang demonyo.“Ang lupain kung saan nawasak ang demonyo?” Nakasimangot na sinabi ni Darryl matapos niyang maramdaman ang kaniyang pagpasok sa

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 3579

    Sobrang nairita si Darryl nang marinig niya ang tawa ni Lorelle galing sa labas ng kuweba. Sa parehong sandali, mas lalong uminit ang apoy. Wala siyang magawa kundi pagkiskisin ang kaniyang ngipin at piliting maglakad sa kailaliman ng kuweba.Nang isang-dosenang paghakbang niya, nakakita siya ng energy vortex na puno ng alon ng enerhiya sa hindi kalayuan.‘Iyan ba ang enchanted barrier?’ Naramdaman niya ang enerhiyang inilabas ng energy vortex sa kaniyang harapan.Halatang mas malakas nang di hamak ang enchanted barrier kaysa sa nilabas ni Judith sa Spirit Fruit garden. Mukhang mayroon din itong kakaibang lakas na paghigop.‘Ito ba ang lugar na winasak ng mga demonyo? Bakit mayroong enchanted barrier?’ Umikot ang utak ni Darryl nang subukan niyang i-proseso ang nadiskubre niya. Naguluhan siya.Hindi narinig ni Lorelle ang sagot ni Darryl dahil nasa labas siya. Muli niyang inilabas ang Five Elements Fire. Lumakas ang apoy at nilamon ang buong kuweba.‘Hay*p!’ Hindi maipaliwanag ni

Bab terbaru

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7050

    Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7049

    Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7048

    Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7047

    Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7046

    Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7045

    Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7044

    "Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7043

    Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7042

    Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status