Halos gusto na ni Darryl tumawa. Wala naman sa kanya kung idodonate niya ang bone marrow niya pero mapanakit ang mga binitawang salita ng lolo niya. Pinili siya nito dahil nakakasama ito sa katawan at ayaw niyang mangyari ito kay Florian. Okay lang kung siya ang mapapahamak?“Tama ka lolo. Si Darryl dapat,” sabi ng isa.Nang biglang, tumango ang lahat.“Sakto, ang bastardong tulad niya ay may utang na loob sa pamilya kaya dapat siya!” “Ito na ang chance mo para tumanaw ng utang na loob sa pamilya.”Pagkarinig nito, hindi mapigilan ni Darryl na matawa.‘Haha! Ito pala yung tinatawag ko na pamilya! Nakita ko na ang tunay na kulay nila matagal na!’ Nasa isip nito.Samantalang, lumapit si Yumi kay Darryl. “Darryl, huwag ka ng malungkot. Isang karangalan ang maging donor. Ito na ang pagkakataon mo para makabawi, hindi ka ba dapat nagpapasalamat?”‘Makabawi? Para namang totoo ito!’ Iniisip ni Darryl. Huminga ng malalim si Darryl at tumawa, “Yumi, hindi mo na ako kailangan pilitan
“Problema ito ng pamilya namin. Wala kang karapatan dito.”‘Tangina niyong lahat!’ iniisip ni Dax.Galit na galit si Dax kaya sinugod niya si Florian at hinila ang damit nito. Pak!Walang babalang sinampal ni Dax si Florian. Malakas at maluting ito kaya naman kaagad namaga ang mukha nito.Nang biglang, tumahimik ang buong ward. Takot at galit ang lahat pero walang may lakas ng loob na gumalaw. Umungol si Florian dahil sa sakit habang takot na nakatingin kay Dax. “Ikaw… Ikaw...”‘Tangina! Siya ang Young Master ng Darby family. Nakakahiya na nasampal siya ni Dax sa harap ng lahat! Maraming bigating pamilya ang nanunuod sa kanila sa labas ng ward. Nakakahiya ito!’ nasa isip niya.“Florian, tama? Gusto ko lang sabihin sayo na walang kinalaman ang Darby family sa akin at hindi ako interesado sa kagaguhan niyo pero makinig ka mabuti. Kung may kinalaman ito kay Darryl, kailangan niyo muna dumaan sakin! Papatayin lp ang kung sino mang humawak kahit sa hibla lang ng buhok niya.” Flat
Kamakailan lang, nakatira sila Abbess Mother Serendipity at ang mga Emei disciples sa Darby Mansion. Sobrang nagpapasalamat siya sa kabaitan ng Darby family. Kaya nung narinig niya ang balita, kaagad ito nagmadali papuntang ospital.Galit siya nung nakita niya kung ano ang nangyayari.“Old Master Darby, kumalma ka lang. Ikaw ay may sakit kaya pahalagahan mo ang katawan mo. Hayaan mo akong tulungan kayong tapusin ang basurang katulad ni Darryl,” sabi niya.Tiningnan niya si Darryl ng may nakakapangilabot na tingan. Biglang naramdaman ni Darryl na natrap siya sa isang nakakamatay na aura at medyo nagpanic.‘Bakit parang nasa lahat ng lugar si Abbess Mother Serendipity? Ang pinakaimportante pa rito, bakit niya tinutulungan ang Darby family?’ Pagtataka niya.Si Dax, na nasa tabi ni Darryl, ay napasimangot nung nakita niya ito. Ang lakas ng presesnya nito.Sinubukan ni Darryl na kumalma.“Abbess Mother Serendipity, wala akong maalala na nagalit kita? Kaya bakit mo ako laging ginugulo
Wala silang choice kung hindi lumaban. “Bakit ka pa nandito!? Tumakbo ka na!” sigaw ni Dax dahil nakita niyang hindi tumakbo si Darryl papaalis. Naharangan ni Dax ang espada gamit ang axe niya.Nakakamatay ang kamangmangan,“ sabi ni Abbess Mother Serendipity.‘Siya ay isang Master General lang. Kaya bakit niya naisip na lumaban? Gusto niya atang mamatay,’ iniisip niya.Walang babalang, mabilis na gumalaw si Abbess Mother Serendipity at dumiretso ang espada niya sa puso ni Dax. Kaagad, umagos ang dugo mula sa dibdib nito at natumba ito sa sahig. Tumago ang espada sa katawan nito.“Argh!” Napaungol si Dax at pasura-suray dahil sa sakit. Kaagad ding humina ang aura nito. Nagmadaling pumunta si Darryl kay Dax para tulungan ito makatayo pero pagdating niya, sobrang putla na ni Dax sa dami ng dugong nawala sa kanya. Pakiramdam ni Dax ay katapusan na niya pero wala siyang pagsisisi. “Dax...” galit na sabi ni Darryl, namula ang mga mata nito sa sobrang lungkot.Habang ang mga memb
Si Abbess Monther Serendipity ay steady na lumapag. Tumingin siya sa paligid pero hindi niya nakita si Darryl.“Maswerte ka dahil nakatakas ka ngayon, pero papatayin kita sa susunod na pagkikita natin,” sabi nito habang hawak ang espada sa kamay niya.Siya ay nakatayo sa nagkalat na dugo sa sahig. Ito ay baka galing kay Dax. Mababa ang tsansa nitong makaligtas. Pagkatapos, bumalik na ito sa ward.Pagbalik niya, hindi niya maiwasang magtaka.“Bakit hindi siya nasaktan sa espada ko? Kahit na namaster na niya ay isa sa mga self-defenses katulad ng Golden Defense at kasama pa dito ang power niya bilang Master General, imposibleng nashield niya ang kanyang sarili mula sa espadang ito,” iniisip niya. Sa kabilang bansa, naouno ng katahimikan ang ward. Si Abbess Mother Serendipity ay pumasok at tumingin sa paligid. “Old Master Darby, patawad kung natakot kita kanina at patawad din dahil hinayaan kong makatakas ang bastradong yun. Magpahinga ka na. Iiwan ko na kayo ng pamilya niyo.”Nahi
Samantalang, huminga ng malalim si Old Master Darby at sinabing, “Director Sullivan, ang operasyon ay gaganapin bukad si ba? Magpapahinga na ako ngayon.”Ang tanging naiisip niya lang ay ang nangyari kanina. Nandilim ang paningin niya sa galit kaya gusto niya magpahinga. Ngumiti si Shelly at tumango. “Tama yan. Bukas na ang operasyon. Huwag kayo masyadong maingay kapag natutulog na si Old Master Darby. Kailangan niya makapagpahinga ng maigi bago ang operasyon bukas.” Pagkatapos, umalis na si Shelly sa ward.Pagkatapos niya umalis, nagsalita si Yumi, “Bakit hindi na rin kao umuwi at magpahinga? Kami nalang ni Florian ang maiiwan dito para alagaan si Lolo.”Simula pa kagabi, andito na sila lahat. Wala pa ni isa sa kanila ang nakakapagpahinga.Pagod na tinanong ni Drake, “Okay lang ba talaga sa inyo na kayong dalawa ang mananatili rito?”“Papa, ayos lang kami,” ngumiti si Yumi. “Aalagaan namin ni Florian si Lolo. Umuwi na kayo at magpahinga.” “Sige, sige.” Natuwa si Drake dah
Napakuyom ng kamao si Florian.‘Patawad, Lolo. Hindi ko talaga gustong idonate ang bone marrow ko at wala akong ibang choice. Kung idododnate ko ang bone marrow ko ngayon, paano ko pamumunuan ang pamilya sa hinaharap?’ Iniisip ni Florian. “Lolo. Lolo?” Mahina niyang bulong.Walang reaksyon si Old Master Darby. Baka nakatulog ito.Pagkakita nito, naexcite at kinabahan si Florian. Nilock nito ang pinto mula sa loob at lumakad ito sa tabi ng kama.Huminga rin ng malalim si Yumi ng maraming beses bago naglakad sa may pintuan para siguraduhing walang nadaan. Kinuha ni Florian ang unan at idiniin ito sa mukha ni Old Master Darby. “Hmph...” Nagising bigla si Old Master Darby.Pero, isa nalang siyang ordinaryong tao ngayon at walang lakas na lumaban. Mas diniin ni Florian ang unan sa mukha nito. Hinayaan niyang magpumiglas ito ng di man lang natitinag. Pagkatapos ng ilang sandali, tumigil na ito sa paglaban at dumiretso na ang mga legs nito.Sobrang pawis ni Florian nung tinanggal
Huminga ng malalim ang doctor at malungkot na inanunsyo, “Old Master Sanders, ang kondisyon ni Young Master Sander ay hindi maganda. Tumagos ang espada sa katawan niya, maraming nawalang dugo sa kanya at sira ang mga organs niya. Kanina nung inooperahan ko siya, ang tanging nagawa ko lang ay pigilan ang pagdudugo at panandaliang mastabilize ito. Base sa pagkakatingin ko, isang araw nalang ang itatagal niya.”Parang nabiyak ang puso ni Old Master Sanders. “At… ano ang mangyayari pagkatapos nito?”Napayukom ng kamao si Darryl; pakiramdam niya ay napunta ang puso niya sa bibig niya.Nanatiling malungkot ang doctor. “Old Master Sanders, ginawa ko ang makakaya ko pero kailangan niyo na maghanda para sa libing.” Yumuko ito at naglakad papunta sa gilid.Parang tinamaan ng kidlat si Old Master Sanders. Nanginig ito at umatras ng ilang hakbang. “Ang darling ko!” Humagulgol si Nancy habang nanginginig.‘Paanong nangyari ito? Hindi na mabubuhay si Dax? Imposible! Imposible!’ Nasa isip ni D