Mukhang kalmado si Darryl; hindi siya nataranta.Kahit na hindi mahina ang mga tauhan ni Vernon ay hindi sila nakita ni Darryl bilang problema.Pero hindi mismong pinakita ni Darryl ang totoong lebel ng kaniyang lakas. Sa halip ay nagkunwari siyang takot na takot; nagpatuloy siya sa pagsigaw at paggalaw.“Arch! Lahat kayo laban sa akin mag-isa. Napaka-bully!”Habang umiiwas, patuloy na ginalaw ni Darryl ang lahat ng nasa kaniyang harapan para harangan ang daanan ng iba sa kaniyang likuran. Ginagalaw niya ang lamesa, panel screen, mga upuan, at pati na ang ivory bed.“Aray!”Isang lalaki ang mukhang makakahuli kay Darryl pero walang babala niyang hinampas ang ulo nito sa lamesa at sumigaw. Yumuko siya habang hawak ang kaniyang ulo.“Aray!”“Aray…ang mga mata ko!”Nasuntok sa mukha ang mga tao gamit ang mga upuan o di kaya’y nahampas sa ivory bed pagkalipas ng ilang minute. Sa huli ay bumagsak silang lahat sa sahig habang masakit ang ekspresyon ng mga mukha at hindi na nila kaya
Humalakhak na tila nanano si Darryl pagtapos niyang sabihin ang huling pangungusap; malinaw na nagungutya ang tingin sa kaniyang mga mata.Talagang sinadyang galitin ni Darryl si Vernon.“Hay*p, gusto mong mamatay!” Galit na sambit ni Vernon.Inilabas ni Vernon ang kaniyang saint energy at itinaas ang kaniyang braso. Di nagtagal at mayroong pagpindot na narinig at nakita ang makinang na silver arrow na nakatago sa kaniyang manggas.Nakakagulat na hindi niya tinutok ang palaso kay Darryl kundi sa Reyna!Galit si Vernon pero nasa tamang pag-iisip pa rin siya. Napagtanto niyang sinadya ni Darryl na ubusin ang kaniyang oras. Kung ganoon ay dapat niyang unahing patayin ang Reyna.Hindi niya na kailangang mamroblema pag napatay niya ang Reyna. Pagtapos ay maaari na niyang gamitin ang kaniyang oras sa pagharap sa lalaki.Hay*p!Napamura si Darryl at sa parehong sandali, sinigawan niya ang reyna. “Bilisan mo!”Whoosh!Binuksan ni Vernon ang bukasang mekanikal at bumaril ang silver ar
Bago maka-react si Angeline, mabilis na lumapit si Vernon at walang babala niyang hinablot ang babae. Pinalibot niya ang kaniyang kamay sa magandang leeg nito.Nang sumunod na segundo ay sumigaw sa Reyna ang malupit na si Vernon. “Ibigay mo sa akin kaagad ang posisyon mo, kundi ay papatayin ko siya!”Tuluyan nang nabaliw si Vernon. Akala niya’t mapapatay niya ang Reyna nang gabing iyon pero sinira ng estrangherong lalaki ang plano. Wala siyang magagawa kundi gamitin ang kapatid ng Reyna dahil hindi niya ito mapatay.“Vernon!”Nataranta si Angeline at binalaan niya ang lalaki. “Anong lakas ng loob mo para magtaksil! Naisip mo ba ang tungkol sa mga kapalit nito?”Sa parehong sandali, nanginig at sumigaw ang Ryna. “Pakawalan mo ang kapatid ko, Vernon!”Hay*p!Kumunot ang noo ni Darryl sa kaniyang nakita.‘Kapatid ng Reyna ang babaeng hawak ni Vernon. Ngayon ay may problema tayo.’ Naisip ni Darryl.Pagtapos ay huminga siya ng malalim at nagsalita. “Tanggapin mo na ang sitwasyon at
Tumawa si Vernon nang narinig niya iyon. "Seryoso ka ba na ikaw, sa lahat ng tao, ang makakapag-pabago sa isip ng reyna?"Kinuha ng reyna ang oportunidad na ilipat ang ivory na kama nang tahimik. "Hmm, mukhang hindi tayo nagkakaunawaan," sabi ni Darryl ng nakakibit-balikat. "Alam ng reyna kung ano ang iniisip mo. Kahit patayin mo ako, hindi mo pa rin papakawalan ang kapatid niya, tama?"Si Vernon ay nanunuya sa kanya. Hindi na siya gumawa ng kahit anong paliwanag. Sa parehong pagkakataon, napagtanto niya na nawala ang reyna. Doon niya lang naisip na may hindi tama na nangyayari, naramdaman niya na may panganib na aura na nagmumula sa ivory na kama. Mula sa kanyang pananaw, nakikita ni Darryl na inihagis ng reyna ang kanyang sarili kay Vernon habang hawak ang gintong espada sa kanyang kamay. Gayunpaman, ang parehong bagay ay hindi dapat sabihin kay Vernon. Binulag si Vernon ng kumikinang na ginto mula sa esapada. Sa oras na hindi niya madilat ang kanyang mata muli, ang gintong esp
Naubos ang oras nila kakatanggal ng mga bakas ng dugo sa sahig. "Wala na sila, Pwede ka nang lumabas," sabi ng reyna kay Darryl. Dahan-dahang lumabas si Darryl mula sa kanyang pinagtataguan nang may ngiti. "Kung wala na, aalis na ako.""Diyan ka lang!" sumigaw ang reyna bago pa siya makagawa ng pangalawang hakbang. "Sino ka? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"Medyo kinabahan si Darryl sa marahas na utos ng reyna, kasama na ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Agad naman siyang kumalma. Kinamot niya ang kanyang ulo habang iniisip kung anong dapat niyang isagot sa reyna. Alam na alam niya ang mga mahigpit na kautusan sa lugar na ito, at kahit na ipaliwanag niya ang kanyang sarili, makakatanggap pa rin siya ng kaparusahan. Kaya, napag-desisyunan niyang magsinungaling. "Kamahalan, pakiusap po na huwag kang magalit. Ako po ang bagong gwardya at hindi po ako pamilyar sa lugar. Bago ko pa malaman, natagpuan ko ang sarili ko sa iyong silid. Natatakot po akong maparusahan, kaya nagtago
Nabalisa ang lahat ng nasa palasyo habang nagmamadali ang mga gwardya na maghanap ng manggagamot. 'Tila nalimutan na nila ang tungkol kay Darryl. "Kamahalan!" Ang matandang lalaki ay nagmadali sa silid ng reyna kasama ang mga gamot. "Dalian niyo, kuhain niyo ito."Ang matandang lalaki na si Darius Watsons ay ang manggamot ng reyna. Ang lahat ng nasa silid ay nakahinga ng maluwag nang makita siya. "Sandali!" Sigaw ni Darryl bago mainom ng reyna ang gamot. "Kamahalan, hindi mo dapat inumin ang gamot sa ganyang kondisyon. Maaring mapalala nito ang mga sugat."Mataas ang naabot ni Darryl sa pag-aaral ng medisina, at masasabi niya sa isang tingin lamang na naapektuhan ang ugat sa puso ng reyna simula pa noong laban nila ng mga tauhan ni Vernon. Kahit na ang medisina ni Darryl ay pansamantalang tatanggalin ang sakit, kaya rin nitong tulungan ang ugat nito. Ang reyna, si Darius, at ang lahat ng nasa silid ay tinapon ang kanilang titig kay Darry. na may hindi kaaya-ayang ekspresyon. Sa
Ang panghihinala ay umuusbong sa puso ng reyna. Tama sina Darius at ang iba pa. Si Darryl ay isang preso mula sa Day Rise Principality at mukhang malapit sa babae na sinubukang magpanggap bilang Diyosa ng Liwanag. Kailangan niyang mag-ingat sa kanya. "Kamahalan, susubukan ko bang tulungan ka kay Vernon kung talagang pina-plano kong saktan ka? Tsaka, nasa kamay mo na ang buhay ko ngayon, mapaparusahan ako ng kamatayan kung balak kong lasunin ka," paliwanag ni Darryl nang nakita niya ang ekspresyon ng reyna.Pinag-isipin ng reyna ang mga sinabi niya. Makalipas ang sampung segundo, tumango ang reyna. "Sige, papaniwalaan kita sa oras na 'to." Tapos ay kinuha niya ang tableta mula kay Darryl at nilunok ito habang nababalisa si Darryl. Ang mga gwardya ng palasyo ay naghintay ng halos pigil hininga sa magiging epekto ng medisina. Sinimulan na nilang pumwesto sa paligid ni Darryl, hinaharangan ang daan niya sa pagtakas. Pupugutan nila agad ang ulo si Darryl sa oras na makaramdam ang reyna
"Iyon lang ang lahat." Kinaway ng reyna ang kanyang kamay. "Gumagabi na. Maari na kayong umalis."Pagod na pagod ang reyna sa lahat ng nangyari sa gabing iyon. Si Darius at ang mga gwardya ay dali-daling umalis ng silid. Sinundan sila ni Darryl palabas at pinakita sa kanya ang bago niyang matutulugan, at mapapasarap ang tulog niya nito. Sa sumunod na araw, binigyan siya ng malambot na sandata suot lahat ng mga gwardya ng palasyo. Matapos masuot ito, tuwang-tuwa siya na may totoong rason siya upang manatili sa palasyo, na siyang mapapadali na hanapin ang Holy Jade Scripture. Sa oras na mapasakamay niya ang Holy Jade Scripture, hahanapin niya si Yuri at sabay na aalis sa mundong ito. Hinulaan ni Darryl na wala ang reyna sa kanyang silid sa mga oras na ito at gustong gamitin ang opurtunidad na hanapin ang kasulatan. Papunta na siya sa silid nang may sumigaw na sinuman upang pigilan siya. Huminto si Darryl at lumingon. Umismid siya nang makita ang grupo ng hindi kaaya-ayang mga gwar
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito