Lubhang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng Abbess Mother Serendipity nang marinig ang sinabi ni Florian. Ang madungisan ang asawa ng kapatid ay isang malaking pagkakasala sa lipunan!Napakunot sa dismaya ang mga nakapalibot na alagad ng Emei.Slam!Lumamig ang mukha ng Abbess Mother Serendipity at hinampas nito ang mesa. Galit itong nagsalita, “Hindi ko inakalang nakapa walang hiya ng Darryl Darby na iyon. Pagbabayarin ko ang bayolenteng tao na iyon balang araw kapag nakita ko siya, para sa kapakanan ng pamilya Darby.Mukha itong malumanay at mapagkumbaba, pero hindi nito matatanggap ang pagkakasalang iyon!….Kinabukasan.Msayang bakasyon pa rin ang mood sa Donghai City kahit tapos na ang Mid-Autumn Festival.Maaraw, buhay at matao ang mga daanan malapit sa Hexad School.Ang mga estudyante ay naglalakad na patungong academic buildings dahil malapit nang magsimula ang mga klase.Nakakunot na lumabas ng teacher’s office si Katherine Keith.Paggsising niya ng umaga napansin ni
Buong klase ay iniisip ni Katherine na bababa nanaman ang kaniyang level at magiging Level Two Master nalang ito kinabukasan kapag hindi niya nakita agad si Darryl.Sobra itong naiinis.Agad itong bumalik sa opisina matapos ang klase dahil desperado na itong tawagan si Darryl.Walang sumagot.…Donghai City First Hospital.Palabas labas si Darryl ng operating room dahil hindi ito mapakali, kitang kita ang pag-aalala sa mukha nito at namumula ang kaniyang mga mata.Si Shelly Sullivan ang nagsagawa ng operasyon ni Lily.11:00 pm kagabi nang magsimula ang operasyon at hindi pa sila nakakalabas hanggang ngayon.Kahit na lubha ang nararamdaman nitong pagkabigla na may halong kaba at galit, nagpatuloy pa rin sa pagdadasal si Darryl para kay Lily, nag antay ito ng higit sampung oras.‘Sa wakas ay natanggap na rin namin ang isa’t isa pagtapos ng tatlong taon, kailangan mong maging maayos.’Nakapatay ang ilaw ng surgery sign nang biglang lumabas roon ang pagod na pagod na si Shelly.
May ilang mayayamang babae ang nakasunod kay Samantha papuntang ward.Ang isa rito ay nakasuot ng fox fur coat, kwintas, at maraming singsing.Namangha si Darryl.‘Haha nagsuot ito ng fox fur coat pagtapos mismo ng Mid-Autumn Festival. Nagmukha siyang mayaman, pero hindi bat mainit at hindi ito kumportable?’Agad na lumapit si Samantha at nag-aalalang nagtanong, “Lilybud, kamusta na ang pakiramdam mo?”Buong gabi itong naglaro ng mahjong at nitong umaga niya lang nabalitaan ang nangyari.Halata na kalaro niya sa mahjong ang mga babaeng sumama sa kaniya.Umiling si Lily at nanghihinang sumagot, “Ma, ok lang po ako, huwag na kayong mag-alala.”Maluwag na nakahinga si Samantha bago ito lumingon kay Darryl, kita ang galit sa mga mata nito, “Ikaw basura! Mabait na tao si Lilybud pero nangyari ang lahat ng ito dahil ikaw ang kasama niya! Naroon ka nung nangyari ito pero hinayaan mo lang? Isa ka bang lalaki? Sabihin mo sakin, nasaktan ba siya nang dahil sayo?!”Mapait na ngumiti si D
Sobra ang naramdamang pagkabigo ni Lily sa kaniyang nanay.Malinaw ang pangako nitong hindi na maglalaro ng mahjong.Hindi nito inakalang agad itong tatawag sa kaniyang majhong buddies.Nagpunta ang kaibigan nito sa ospital para paningil, talagang nakakahiya.“Sophie, pwede mo ba kong bigyan ng dalawang araw?” Ngumiti si Samantha at nagpatuloy, “Alam mo naman na ang manugang ko ay nakikitira lang sa amin kaya siyempre, wala siyang pera. Pwede mo ba akong bigyan ng dalawang araw gaya ng ginagawa natin dati?”Napupuno ng galit si Samantha sa tuwing nababanggit ang walang kwenta nitong manugang.Maliban sa ito ang dahilan kung bakit nasugatan ang kaniyang anak, wala rin itong maitutulong kapag nabaon siya sa utang.Bahagyang napangiti si Sophie, malinaw na walang espasyo para sa pakikipag-away. “Tumigil ka na sa pagsasalita Samantha. Kailangang umalis ng anak mo sa ospital kung hindi ka makakabayad ngayong araw. Tatawagan ko ang pamangkin ko, sandal lang.”Nilabas nito ang kaniyan
Kailangan pang makarecover ni Lily, lalala ang sitwasyon nito kung hahawakan nila ang sugat nito.Pero walang pakielam ang mga lalaki sa kaniya at pinalibutan nila ang hospital bed.“Anong nangyayari dito?”Malalim na boses ang nagmula sa pinto nang sandaling iyon.Naglakad ang lalaki papasok.Si Darryl.Mabilis na tumayo si Samantha nang makita niya ito, “Iyan ang manugang ko, siya ang magbabayad sa utang ko! Siya ang singilin nyo o di kaya’y balian niyo siya ng binti kung wala siyang pambayad!”Walang ideya si Caelan kung sino ang Darryl na ito dahil nakatalikod siya. Kumunot ang kaniyang noo at saka lumingon.Nagulat siya!‘Hall Master?’‘Bakit siya nandito?’Nagtaka rin ang mga kasamahan nito. Nakatitig silang lahat kay Darryl at hindi makapag-react!‘Asawa ba ng Hall Master ang babaeng nakahiga sa hospital bed? Hindi maaari!’Sa wakas ay naka-react rin siya at bumati, “Greetings, Hall Master…”Nagkaway ng kamay si Darryl para patigilin sila at saka kinausap si Caelan,
”Bilisan mo na, kailangan ko na bayaran ang utang ng biyenan ko.” Umiling si Darryl.Nakadikit ito sa kaniyang prinsipyo.Kailangan nitong magbayad kahit na kasamahan niya si Caelan, dahil magkaiba ang dalawang bagay na iyon.“Hall Master, huwag niyo akong ilagay sa mahirap na posisyon. Paano kita sisingilin?” May paghihirap na tanong ni Caelan.“Bakit hindi?” Pagputol ni Sophie sa dalawa, lumapit ito at sinabing, “Nanalo ako ng dalawang milyon! Caelan, hindi kaya’y nagkamali ka lang ng tingin at hindi siya ang taong sinasabi mo? Isa lang siyang nakikitirang manugang! Bakit ka natatakot sa kaniya!”“Tita, pakiusap! huwag ka nang magsalita!” Kinabog nito ang kaniyang dibdib at malapit na rin siyang masiraan ng bait. Inilagay nito ang kaniyang ulo sa sahig, “Darryl, hindi alam ng tita ko ang mga panuntunan, humihingi ako ng tawad para sa kaniya, Im sorry…”Paulitulit nitong idinikit ang ulo sa sahig habang humihingi ng tawad, nagsimula nang magdugo ang noo nito.“Sige, tumayo ka n
Na-tipsy ang naparaming inom nasi Darryl. Tumayo ito upang pumunta sa washroom.Hinawakan siya ng isang tauhan bilang pagsuporta, nagtanong ito. “Hall Master, tulungan na kitang pumunta roon.”“Okay lang ako.” Kumuway si Darryl bilang pagtanggi.Unti-unti na itong nalalasing. Actually, pwede niyang gamitin ang kaniyang enerhiya para mailabas ang alak sa kaniyang Sistema bilang isang cultivator. Pero masaya ang reunion at ang lahat ay nalalasing.Nahihilong bumaba ng hagdan si Darryl, nasa ground floor ang washroom.Napansin nito ang grupo ng tao na malapit sa kinatatayuan niya nang marating ang ground floor. Mukhang estudyante ang isang dosenang young adults na mula sa kalapit na unibersidad.Paliko na ito sa isang sulok nang mabangga siya ng isang youngster na nagce-cell phone.Thud!Muntik nang mahulog sa sahig ang phone nito.Hindi makapagsalita si Darryl.Hindi kapanipaniwalang nabangga ito dahil malawak ang espasyo sa lobby.“Bulag ka ba?”Na trigger ang youngster, “T
”Lester, pakiusap huwag mo na siyang pestehin. Pwede mo bang gawin yun para sakin?” Hinila ni Dora si Darryl at dinala sa kaniyang likuran.Alam nitong involved ang pamilya ni Lester sa mafia. Narinig niya na may dose-dosenang manlalaban ang ama nito at alam niyang ang kahihinatnan ni Darryl ay pagdurusa kung na-offend nito si lester.Kahit na business man si Darryl tinawag pa itong daddy ng manager na si Jade mula sa Windon Group ay hindi niya maaaring ma-offend ang mafia.Napabuntong hininga malamin si Lester at tumingin sa ibang direksyon, “Papalampasin kita dahil nakiusap si Dora. Magiingat ka na sa susunod na makita kita.”Lumapit ang mga lalaki nitong kaibigan at dumura.“Sinwerte ka.”“Sinwerte ka at maganda ang mood ni Young Master Lester ngayong araw, kung hindi ay na yari ka.”Ngumiti nalamang si Darryl at napaisip, ‘Lahat kayo ay papunta nang ospital ngayon kung hindi lang dahil kay Dora. Lagpas isang daang miyembro ng Eternal Life Palace Sect ang nasa taas at umiinon