Ano? Tumingin si Megan sa bintana ng bahay at nakitang ibinaba na nga ni Ashton ang kutsilyo sa sahig habang nakaluhod sa harapan ni Darryl! Anong nangyari? Hindi makapaniwala si Megan sa kaniyang nakikita! Ito ang unang beses niyang makakita ng isang kriminal na lumuhod sa harapan ng kaniyang hostage! Natigilan din ang mga pulis na nakapaligid sa bahay at hindi makapagsalita sa nangyayari! Inisip nilang magiging matagal ang negosasyon na kanilang gagawin. Pero matapos pumasok ni Darryl at ipalit ang kaniyang sarili bilang hostage, walang sinuman ang nagakala na mapapaluhod nito ang suspect sa kaniyang harapan matapos magsabi ng ilang mga salita!Sa loob ng kuwarto, kasalikuyang nakangiti si Darryl habang nakatingin kay Ashton. Sinabi niya na ngayon ang tunay niyang pagkatao rito. Hindi siya pinaniwalaan ni Ashton noong una. Pero nang ipakita ni Darryl ang kaniyang bank account, agad na nawala sa kaniyang sarili si Ashton! Mukhang nakabastos nga talaga siya sa isang tao na
Nagsabi ang lahat ng kanikanilang mga opinyon.Tanging si Lily lang ang absent minded sa mga sandalingito. Iniisip niya kung bakit siya lang ang gusto ng Platinum Corporation? Nagustuhan na siya nito nang hindi pa niya nakikita ang mismong presidente ng kumpanya!At sino rin ang nagbigay sa kaniya ng orihinal na pares ng Worship of Crystal na iyon?Nagkaroon ng libo libong tanong si Lily sa kaniyang puso na magagawa niya munang isantabi at huwag isipin sa ngayon. Pero napuno naman ang kaniyang isipan ng imahe ni Darryl na ipinalit ang kaniyang sarili bilang hostage para makalabas sila ni Samantha nang buhay!Tatlong araw nang hindi nakikita ni Lily si Darryl. At sa tatlong araw na ito, hindi manlang umuwi sa bahay nila si Darryl, kumusta na kaya siya?Hindi na napakali pa rito si Lily. Pinilit niya ang kaniyang sarili na huwag itong isipin, pero hindi na niya ito maiwasan kaya napuno na ang kaniyang isipan nang tungkol kay Darryl.“Ano sa tingin mo, Lilybud?” Tanong ni Grandma Ly
Nakasuot ng isang suit at mga sapatos na gawa sa leather ang may manners na lalaking kasama ni Lily.Nagmukhang hindi kumportable ang itsura ni Lily habang pinipilit na ngumiti. Pero tumayo pa rin siya sa tabi ng lalaki na kaniyang kasama.Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Charles Like, at para kay Samantha, ito na ang pinakagusto niyang maging manugang sa lahat ng mga kasalukuyang nanliligaw sa kaniyang anak.Hindi na mabilang sa dami ang mga manliligaw ni Lily, pero si Charles pa rin ang pinakagusto ni Samantha sa mga ito para sa kaniyang anak. Hindi lang dahil sa mukha itong matalino, kundi dahil sa pagiging manager ni Charles sa Audi Corporation. Siya ang Regional Manager ng Audi sa Donghai City, bagay na bagay talaga sila ng anak niyang si Lily hindi kagaya ni Darryl na mukhang low class sa mata ng lahat.“Manager Luke.”Sa mga sandaling iyon, mabilis na pumunta nang nakangiti sa manager ang babaeng kausap ni Darryl at buong puso itong binati.Mukhang naiinis na kanina
Sumagot naman ang mukhang naiinis na babaeng receptionist, “Nandito raw po siya para bumili ng sasakyan.”Inakala niya kanina na isang trabahador lang si Darryl mula sa isang di kalayuang factory, pero hindi niya inakalala na isa pala itong boy toy.“Hahaha, bibili ka ng sasakyan?”Tumawa si Charles at sinabing, “Bibili ka ng sasakyan sa amin? Hindi mura ang mga sasakyan dito iho. May pambili ka ba?”Habang nagsasalita, isang babae ang naglakad papasok sa showroom. Nasurpresa si Lily nang makita na ang babaeng ito ay walang iba kundi ang best friend niyang si Phoebe.“Ate Lily?” Natutuwa namang bumilis sa paglalakad si Phoebe. Hindi niya inakalang makikita niya si Lily sa lugar na ito.Tumawa si Lily at sinabing “Nagkataong nandito ka rin pala, Phoebe. Anong ginagawa mo rito?”Inayos ni Phoebe ang kaniyang buhok at sweet na sinabing, “Maganda ganda kasi ang naging kita ng aking asawa nitong nakaraan kaya binilhan niya ako ng bagong sasakyan. Nandito ako ngayon para kunin ito.”
Tumawa si Phoebe at sinabing, “Oo na, makakabili ka na, sabi mo eh!”At pagkatapos ay nagpunta naman siya sa tabi ni Lily at sinabing “Sabihin mo nga sa akin, ate Lil. Sinundan ka ba ng walang kwentang ito dahil nabalitaan na niya ang tungkol sa pagpapakilala ni tita Samantha sa bago mong boyfriend para manghingi ng danyos sa magiging hiwalayan ninyong dalawa?”“Binigyan mo ba siya ng perang pambili ng sasakyan?”Muntik nang matawa sa kaniyang narinig si Darryl. Nanghihingi ako ng danyos sa kanya? Ikaw lang ang nakapagisip ng ganiyang bagay.Hindi na nakapagpigil pa si Lily, hinila niya nang bahagya ang kamay ni Phoebe at sinabing, “Huwag ka ngang magsalita nang ganiyan! Hindi siya nanghihingi ng pera sa akin.”Agad na nagsalita si Phoebe pagkatapos ni Lily, “Bakit hindi ba ako puweding magsalita? Kahit na hindi pa siya nanghingi ng pera sa iyo, para sa akin, napakaunfair pa rin nito sa iyo!”Habang may mukha na para bang nasa siya ang nasa tama, tumingin si Phoebe pababa kay Dar
Kasabay nito ang tila ba pagkabunot ng malaking tinik sa kaniyang likuran. Tatlong taon na rin ang nakalilipas pero ngayon lang siya naging motivated na magkaroon ng progreso sa kaniyang buhay.Kalmadong ngumiti si Darryl at sinabing, “Patulong tulong lang ako sa pinagtatrabahuan ko, madalas akong binibigyan ng trabaho na tungkol sa promotion ng aking pinagtatrabahuan at paminsan minsan naman ay nagagawa ko ring tumulong sa procurement. Tinutulungan ko ngayon ang aking boss na maghanap ng magandang sasakyan para sa kaniya.”Alam ni Darryl na magtatanong pa nang husto si Lily tungkol sa plano niyang pagbili ng bagong sasakyan pero agad nang nagpaliwanag si Darryl na huwag na itong usisain pa ni Lily.Nagtatakang tumango si Lily at nacucurious na nagtanong ng “Anong klase ng kumpanya ang pinagtatrabahuan mo?”Casual namang sumagot si Darryl ng “Maliit na kumpanya lang ito.”Sa totoo lang, gustong gusto nang sabihin ni Darryl kay Lily ang katotohanan na siya ang presidente ng Platinu
Ilang minuto pa ang nakalilipas, nakita ni Yuliana si Darryl na nasa isang tindahan ng miryenda sa tabi.Basang basa sa kaniyang pawis si Yulianna nang magpakita ito sa harapan ni Darryl. Nagtataka nitong sinabi na “Mister, gusto ka raw pong imbitahin pabalik sa centre ng aming manager.”Hindi niya naiintindihan kung bakit gustong gusto ng desperado nilang manager na pabalikin ang taong ito.Kasalukuyang kumakain si Darryl ng meatball nang walang pakialam niyang sinabi na. “Gustong gusto niyo akong paalisin doon kanina, hindi ba? Tapos pababalikin niyo naman ako roon? Sino baa ko sa tingin ninyo?”Ninerbiyos dito nang husto ang naiiyak nang si Yulianna. “Nagkamali po ako Mister. Hindi po naging maganda ang ipinakita kong asal sa inyo kanina. Sigurado pong mawawalan ako ng trabaho sa sandaling hindi ko po kayo mapabalik doon.”Napakagat na lang nang husto si Yulianna sa kaniyang mga labi. Minamaliit niya kanikanina lang si Darryl pero siya na ang nagmamakaawa sa harapan nito ngayon
Desperado siyang pinigilan ni Charles, “Hindi na kailangan. Ako na ang gagawa nito.”Kasabay nito ang pagtulo ng nanlalamig niyang pawis sa kaniyang noo.Siya ang presidente ng Platinum Corporation habang si Phoebe naman ang best friend ni Lily. Paanong hindi mo maaalala ang mga ito? Masyado kang naging walang awa nang kausapin mo siya kanina.“Sige, walang problema, ikaw na ang bahala riyan. Ilibre mo nga pala ako ng dinner sa sandaling maayos mo na ang relasyon ninyo ni Lily!” Itinago ni Phoebe ang kaniyang cellphone at nakangiting nagpaalam kay Charles bago tumalikod at umalis sa showroom.Hindi napansin sa mga sandaling ito ni Phoebe kung gaano kaawkward ang ipinakitang ngiti ni Charles sa kaniyang mukha.“President Darby, tungkol sa kontrata ng mga kumpanya natin…”Nakangiting bumalik si Charles sa kaniyang opisina.Direkta naman siyang sinabihan ni Darryl ng, “Pirmahan mo na!” at nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Pero bago mo pa ito pirmahan, may isang bagay kang dapat