Share

Kabanata 193

Nainis nang husto si Tristan habang sinasabi na, “Bakit mo siya dindepensahan Yvonne? Sinabi niyang peke ang Godly pill na iyon. Huwag mo na siyang pagtakpan.”

Napasimangot dito si Julian. Siya ang incharge sa pagpapanatili ng kaayusan sa auction. Kung ibang tao lang ito, agad na nila itong sinamahan palabas ng hall. Pero ito ay walang iba kundi si Yvonne na nagmula sa pamilya Young. Kaya mas pinili niyang maniwala rito. Nakangiti siyang tumango at sinabing, “Sige, kung nagbibiruan lang kayo, maaari bang panatilihin natin ang katahimikan sa paligid.”

Pero noong paalis na si Julian, mahinang sinabi ni Darryl na, “Mr. Roger, wala nang bisa ang Godly Pill na nakadisplay ngayon sa auction, hindi niyo na dapat pang ibenta ito.”

Dito na napalingon ang lahat kay Darryl.

Wala na siguro sa kaniyang sarili ang lalaking ito. Paano magagawa ng isang malaki at eksklusibong auction na gaya nitong magbenta ng isang walang bisang pill?

Napatigil sa paglalakad si Julian at napatanong ng, “Ano ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status